Biglang nakaramdam si y-ryx ng paninikip ng dib-dib sa natunghayan, taas isang kilay habang pinagmamasdan ang lalaking may dalang bulaklak at chocolate hindi pa ito nakuntento at humalik pa ito sa pisngi ni mandy.
Halata ang pagkakagusto nito kay mandy mula ng kaarawan ni duke ay panay sulyap at lapit nito kay mandy, kaya nababagabag siya sa nakikita, pero buo ang loob niyang bantayan si mandy at ilayo mula rito.
Kunot noo si y-ryx habang nag dadrive pauwi sa condong tinutuluyan niya, hangang sa mga sandaling ito ay hindi parin ni mandy alam na sa kabilang unit lang ito nakatira, ipapasok niya na sana ang sasakyan ng maalala niya ang mga prutas na ipapasalubong sa mga bata sa orphanage kaya naman binilisan niya na ang takbo papuntang quezon city kung saan naroon ang angels heaven, mabilis niya namang narating ang naturang lugar dahil konti na lang sasakyan papuntang quezon city kaya walang traffic.
Agad naman siyang pinapasok ng guwardyang naka bantay sa gate ng makita siya, kasalukuyang nag hahapunan ang mga bata ng dumating si y-ryx, tinulungan pa siya ng guwardya sa pag bubuhat ng dalawang kaing ng mga prutas.
Sa komedor ay taimtim na kumakain ang mga bata, halos patapos na ang mga ito sa pag kain, pagkakita naman sa kanya ay kanya kanyang lapit ang mga bata upang mag mano sa kanya.
" daddy ryx." Masayang salubong ng kambal kay y-ryx.
" kumain na muna kayong mabuti mga anak." Ani ryx sa mga bata.
" saluhan niyo na rin kami mr.y-ryx." Paanyaya naman ni sister anna na pinaunlakan naman ni y-ryx.
" sige po sister, heto nga po pala mga prutas galing kay mommy mandy ang mga ito, pinitas namin sa farm nila." Masayang pag papaalam nito sa mga paslit.
Matapos kumain ay nag pahinga muna si y-ryx, napa kunot noo naman siya ng bilangin ang mga bata.
" sister bakit kulang po ata ng tatlo ang mga bata?" Kuryosong tanong nito.
" ay..oo kasi pinaalaga lang ang tatlong magkakapatid sa amin, kaya hayun kinuha na ng mga magulang, meron pang isang aalis andyan na kasi yung nanay ni robilyn kaya isasama na siya." Anito kay y-ryx, bigla namang may babaeng lumabas galing kusina at may dala itong dalawang bata isang 5 years old na batang lalaki at isang 2 years old na batang babae ang batang si robilyn na nakatoka ng bantaya ni robert noong kaarawan ni mandy.
nang magkaharap si y-ryx at ang ina ng mga bata ay parang nahinantakutan ito at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay y-ryx.
Agad namang nakilala ni y-ryx ang babae dahil dati itong kawaksi ng kaibigang si robert.
" ohhh.. aya!! ikaw pala yan, mga anak mo ba ang mga ito?." Bati ni y-ryx sa kaharap, agad naman umayos ang hitsura nito upang tumugon kay y-ryx.
" sir y-ryx kayo po pala, oho...anak ko ang mga ito, ano palang ginagawa niyo dito bakit po kayo napadpad dito." Usyoso naman nito kay y-ryx, kaya naman ikwinento na ni y-ryx kung paano sila naging bahagi ng naturang orphanage.
" ahhh.. ganun po ba, salamat naman po at naalagaan niyo din pala itong bunso ko." Ngiting pasasalamat pa nito, agad din itong nag paalam na aalis na ngunit pinigilan ito ni y-ryx at halata naman ay pag ayaw nito na mag pahatid ngunit pinag pilitan naman ni y-ryx kaya sa huli ay napapayag niya na rin ito.
" mag kakilala pala kayo." Ani sister anna.
" opo sister, kaibigan po si sir y-ryx ng dati kong amo." Pagpapaalam naman nito kay sister anna.
" o siya salamat aya sa walang sawang pag tulong sa pagluluto ng pagkain ng mga bata, pag lumuwas ka ulit galing probinsiya welcome na welcome kayo dito". At masayang nag paalaman ang mga ito.
Nag paalam narin ang mga bata, ang kambal naman ay malungkot, gaya ng nararamdaman ni y-ryx tuwing magkakahiwalay sila ng kambal ay nalulungkot siya ng sobra, pakiramdam niya ay inulila siyang muli, katulad ng nararamdaman niya ng mawala ang anak.
Habang nasa byahe ay tinatawagan niya si bogart, upang ipaalam na ang dating kawaksi nito ay nakita niya sa orphanage at may kasama pang dalawang paslit, ikinatuwa pa ni y-ryx ang pagkakahawig ng batang lalaki kay bogart, nakailang tawag na si y-ryx ngunit hindi parin sumasagaot si robert, nagtataka naman si y-ryx sa reaksyon ni aya, pasimpleng sumisilip ito sa telepono ni y-ryx marahil pinakikiramdaman nito ang pag tawag ni y-ryx kay robert, nakahinga naman ito ng maluwag ng makitang hindi sinasagot ni robert at tawag niya, hangang sa marating nila ang terminal ng bus sa cubao, nag mamadaling bumaba si aya, ngunit bago pa ito makababa ay tinawag itong muli ni y-ryx, upang bigyan ng pera pambili ng pasalubong at pambili ng pagkainang ng mga anak nito, mukhang kinabahan pa ang babae ngunit napa ngiti naman ito ng iabot na ni y-ryx ang tatlong libong piso at magalang itong nag paalam at nag pasalamat kay y-ryx.
" enk..u... po." Anang paslit na si robilyn, ganun din ang kuya nitong si alwin, at agad na itong nag tungo sa loob ng terminal.
Huminto muna si y-ryx sa isang grocery store upang mamili ng kailangan sa condo niya ng madama ang pag vibrate ng telepono sa bulsa, kaya naman agad niyang kinuha ito at sinagot ang tawag ng kaibigang si robert.
" bro, napatawag ka kanina?, anong satin?." Ani bogart mula sa kabilang linya.
Uhmm... wala naman bro ipapakausap ko lang sana sayo si aya, yung dati cook sa bahay niyo, and guest what... nagkita kami sa orphanage kanina with her two kids, anak niya pala yung batang alaga mo dun si robilyn, remember the little girl ." Nangingiti pa si y-ryx habang nag lalahad ng pangyayari kanina, habang si bogart ay inalam agad kung saan niya hinatid ang mag iina.
" Bro, are you still with them?"ani bogart.
" no, hinatid ko lang sila sa terminal ng bus dito sa may cubao." Tugon naman ni y-ryx, ngunit hindi pa man nakakapamili ng kailangan ay agad nakiusap ang kaibigang si robert upang balikan ang mag iinang aya at nagbilin pa ito na wag hayaang makasakay ng bus ang mag iina, naguguluhan may sinunod naman ito ni y-ryx at agad na binalikan ang mag iina, habang si robert ay susunod na di umano sa kanya upang makita ang dating tagaluto at ang mga anak nito, nag tataka si y-ryx sa inaasal ni robert batid niyang may ka date ito at iniwan ang babaeng ka date upang makita ang dating kawaksi na hindi naman nito madalas ginagawa, dati rati pag may ka date ito ay kahit anong paanyaya nila ay hindi nila ito mahatak dahil ang katwiran nito ay busy ito sa ka date, ngunit ngayon ay ito pa ang nakiusap na puntahan ang kinalalagyan ni y-ryx kung saan naroroon ang mag iina.
Pagka parada ni y-ryx ng sasakyan ay dali-dali niyang tinungo ang loob ng terminal upang magbakasakali kung andun pa ang mag iinang kawaksi ng kaibigang si robert.
Bawat nakaupo ay pinagkatitigan niyang mabuti upang kilalanin kung ito ba ang mag iina, ngunit bigo siyang makita ang mga ito, kaya sa kabilang dako naman siya nag hanap nagpalingalinga sa kaliwat kanan upang makita kung andoon pa ang mag iina, ngunit bigo parin siya.
Hangang sa muling tumunog ang telepono at ang kaibigang si robert ang tumatawag, ayon dito ay nasa labas na ito at papunta na sa kinalalagyan niya.
" bro hindi kona sila nakita." Malungkot na saad ni y-ryx sa kaibigan, nagulat naman siya ng isa-isahin nitong akyatin ang mga bus na nakaparada upang hanapin ang mag iina, nagtataka man ay ginaya niya na din ang ginawa nito, batid niyang may hindi sinasabi ang kaibigan sa kanila, sa isip niya ay marahil nabuntis nito ang dating kawaksi kaya bigla itong umalis sa bahay ng kaibigan, determinadong determinado si robert sa paghahanap sa mag iina pati palikuran ng naturang lugar ay pinuntahan na nito upang hanapin ang mag iina.
Kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa terminal ay hindi nila alintana, naluluha na si robert ng mag pahinga sila sa pag hahanap kaya naman tinapik ni ryx ang balikat ng kaibigan upang palakasin ang loob nito.
" don't worry bro makikita din natin sila." Anito sa kaibigan habang tinatapik ang balikat nito, habang si robert ay bakas na ang panghihina ng loob ng hindi parin makita ang mag iina, may hinuha man ay hindi niya na tinanong ang kaibigan kung bakit ganoon nalang kung maghanap ito sa mag iina.
Sa pagod ay napaupo nalang si robert sa bakanteng upuan at agad naman itong dinaluhan ni y-ryx upang palakasin ang loob.
" tinanong muna ba bro kung may aya na bumili ng ticket kanina?" Ani ryx.
" yes bro, but the cashier said wala daw aya mendoza ang bumili ng ticket, di kaya nag iba lang ito ng pangalan, marahil na takot itong malaman ni ryx ang pupuntahan at isumbong kay bogart kung saan tutungo ang mga ito kaya nag iba ng pangalan yun ang hinuha ni robert.
Dismayado at parang pinag sakluban ng langit at lupa ang itsura ni bogart ng mga oras na iyo kaya naman nahahabag na si y-ryx sa kaibigan, panay buntong hininga lang ang naririnig niya mula rito halatang nag pipigil itong kumawala ang mga luhang kanina pa pinipigilan nito.
" don't worry bro, i wont leave you andito lang ako sa tabi mo sasamahan kitang hanapin sila." Pag papalakas nito ng loob sa kaibigan.
" salamat bro, sorry kung na abala kita, gusto ko lang talaga makita si aya." Natigilan pa ito saglit at halatang naninimbang kung sasabihin na kay ryx ang sa loobin.
" can i ask you a question?" Hindi makatiis na ani ryx kay bogart, habang si bogart ay tulalang nagpipigil ng nag babadyang luha, ng matauhan ito ay tanging pag tango lang ang naitugon nito kay y-ryx.
" actually bro, naninibago ako saiyo i want to ask many question but, one question is enough for me to understand you." Simula ni y-ryx.
" ikaw ba ang daddy ng anak ni aya?" Tanong na naging dahilan ng pag tulo ng mga luhang pilit na kinukubli ng kaibigan, hangang sa ito na ang nag kusang mag salaysay ng namagitan rito at sa kawaksing si aya.
" it was an accident na may mangyari samin ni aya, but after 2months biglang umuwi si aya sa province, i admit na may kasalanan ako dahil sinabi ko noon na hindi pa ako handang magkaroon ng responsibilities kung mag bunga ang nangyari samin, i think that's her reason kaya siya umalis noon, akala ko hindi na siya babalik but after 3 years napilitan siyang bumalik sa bahay dahil nakiusap si mommy, i admit na kasalanan ko kung bakit may nangyari ulit samin, i think i like her that's why it happened again, hangang sa komprontahin niya ako kung ano daw bang plano ko sa nangyari saamin, but my answer is nothing dahil may girlfriend ako that time, hangang sa naulit uli umalis siya sa bahay at hindi na nagpakita pa, bro that time alam kong nagkakagusto nako sa kanya, kaya hinanap ko sa gamit niya kung may id ba siyang naiwan na naka address sa bahay nila sa province, but to my surprise isang picture ng baby ang nakita ko sa ilalim ng pillow niya." At doon na tuluyang napahagulgol ang kaibigang si bogart.
" i know that kid is mine, his eyes nose, lips its all mine bro, ang gago lang dahil hindi ko pinagbigyan pansin ang mga sinabi niya noon, naging duwag ako bro." Hagulgol na nito kay y-ryx.
" bro hindi na ako magtataka, isaw the kids and i know the two kids is all yours, no wonder anak mo nga sila." Segunda naman ni y-ryx na ikinakunot ng noo ni robert.
" what do you mean?, two kids?." Nagugulumihanang tanong nito sa kaibigan.
" dalawa ang anak mo bro, the one is i think 5 years old and the other one is 2 years old, remember robilyn that kid yung nakatoka sayo noong nang celebrate si mandy ng birthday with twins, diba panay asar ni duke sayo dahil kahawig mo yung bata?, siya ang bunsong anak ni aya." Anito kay bogart na ikinagulat ng kaibigan.
Habang tulala ito ay mabilis namang nahagip ng paningin ni y-ryx ang mag iinang galing sa isang supermarket kaya naman agad niyang itinuro kay bogart, si bogart naman ay walang inaksayang oras at nilapitan ang mga ito, agad nitong hinawakan ang mga braso ni aya, habang ang babae naman ay gulat na gulat sa biglang pagsulpot ng kaibigan niyang si bogart.
" a... anong ginagawa mo dito?." Alalang tanong ni aya.
" i want to talk to you please." Nagmamakaawang saad naman ni bogart sa babae.
" pasensya na sir, kailangan na po namin umalis baka maiwanan na kami ng bus." Anito at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni robert.
" no... i won't allow you to leave, never again aya." Madiin na pagkakasabi nito sa babae, nakaka agaw pansin na din sila sa mga taong nakapaligid sa kanila si aya naman ay pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni robert sa braso niya.
" pasensya na sir, pero kailangan na namin umalis." Pakikipag matigasan nito kay robert.
" ok fine kung gusto mong umalis, then leave my child here, then you may go alone." Anito at agarang kinuha ang buhat nitong si robilyn at hinawakan naman ang batang si alwun na naka kapit sa pantalong suot ni aya, si aya naman ay naiiyak na at panay makaawa kay robert.
" sir robert, wag niyo po itong gawin sakin, nag mamakaawa po ako sa inyo, hayaan niyo na kaming mag iina, hindi na po kami babalik pa dito sa maynila kaya hayaan niyo na po kami." Makaawa nito kay robert, ngunit si robert ay nakipag matigasan din at pwersahang inilayo ang mga bata sa ina at isinakay sa sasakyan nito, kaya naman lumapit na si y-ryx at tinulungang buhatin ang maletang dala ni aya at dinala na din ito sa sasakyan ng kaibigan.
" i'm sorry aya, please mag usap na muna kayo ni robert, ako na ang bahala sa mga bata." Ani y-ryx at ipinasok na nito sa loob ng sasakyan si aya at nilapitan si robert na nasaloob ng sasakyan kasama ang dalawang paslit na panay na ang iyak.
" bro talk to her, ako na munang bahala sa mga bata." Agad namang nakinig si robert kay y-ryx kaya nakipag palitan na ito ng sasakyan sa kaibigan at tinungo ang kinaroroonan ni aya, na kasalukuyang naka upo sa loob ng sasakyan ni y-ryx habang umiiyak.
Sa loob ng sasakyan ni y-ryx ay nag uusap si robert at aya habang ang dalawang anak ng mga ito ay kasalukuyan ng hinatak ng antok dahil kapwa tinted ang mga sasakyan nila kaya naman hindi niya matanaw ang dalawa sa kabilang sasakyan, sana maayos na ni robert ang tungkol sa kanila ni aya ang tanging naiusal ni y-ryx.
Ilang minuto pa at sabay na bumaba ng sasakyan ni y-ryx si robert at aya, mugto man ang mata ni aya pero natigil na ang pag iyak nito.
" thanks bro." Ani robert ng makalapit ito kay y-ryx.
" ok naba kayo?." Anito kay aya na kina tango naman ni aya.
" sa bahay kona sila titira bro, hindi na ako papayag na mahiwalay sa dalawang anak ko, and i promise na babawi ako sa mag iina ko." Paliwanag ni robert.
" that's good to hear bro, para sa mga bata no wonder na anak mo nga sila lalo na yung panganay mo, hahaha." anito kay robert, at lumabas na sa sasakyan ng kaibigan.
" thanks bro, sana makita niyo na rin ni mandy yung anak niyo." Ani robert habang tinatapik ang balikat niya.
" i hope so, have a safe drive bro." At nag tungo na ito sa sariling sasakyan.
Hindi pa man nakakaalis ay nag ring nanaman ang telepono ni y-ryx, kunot noo niya itong sinagot.
" who's this?". Bungad niya sa tumawag.
" ohhh.. dont tell me you forget about me easily." Anang pamilyar na boses.
" is this jessie girl?". Tugon ni y-ryx, na nagpa halakhak sa kausap nito mula sa kabilang linya.