Masayang masaya ang mga paslit sa paliligo at ganun din ang mga naatasang bantay ang magkakaibigang evo, nate, liro, robert at ryx.
" grabe mga bro ganito pala pag may anak, nakakapagod pero masaya." Ani evo.
" oo nga mga bro." Segunda naman ni nate at liro.
Nagtataka namang tumingin si bogart kay evo, pinag aaralan nitong mabuti ang kilos at itsura ni evo.
" don't tell us mga bro, may plan na kayong lumagay sa buhay pamilyado?." Ani bogart sa mga kaibigan.
" bakit bro, hindi ba pwedeng may anak lang." Ani evo sa mga kaibigan kaya naman gulat na napalingon ang mga ito sa kanya.
" why bro?, may anak kana ba?." Ani nate kay evo.
Bigla namang nalungkot ang mukha nito at napabuntong hininga nalang sa kawalan.
" ma...may anak kana nga bro?." Ani liro.
" i..i...think." mahinang sambit ni evo.
Muli nanamang bumuntong hininga si evo bago nag kwento sa mga kaibigan.
" sorry mga bro, may hindi ako sinabi sainyo remember si jehan yung employee ko sa bar?." Ungkat nito sa nakaraan nila ng dalaga.
" yung maganda?." Ani liro.
" yung cashier mo?." Ani nate.
" dont tell us naging girlfriend mo yun, akala ko ba bro, wala kayong relasyon nun?." Ani bogart.
" yes wala kaming relasyon, but.... may nangyari samin remember noong nag outing kami ng mga employee ko?, that was 4 years ago, i was so drunk!!, a..akala ko yung room ni margaux ang pinasukan ko, kaya pala nagtataka ako, kasi virgin pa." Pagpapaalam nito sa mga kaibigan, matagal na silang on and off ng kasintahang si margaux sa ilang taon na pagiging magkarelasyon ay maraming beses ng may namagitan sa kanilang dalawa ng kasintahan.
" then what happens next?." Usisa pa ni bogart.
" a...after two months hi..hindi na siya pumasok she's gone without a words." Paglalahad ni evo.
" bakit hindi mo hinanap nung umalis sya sa work niya?." Tanong naman ni nate.
" did you get her pregnant?." Segunda ni liro.
Hindi alam ni evo kung sinong uunahing sagutin dahil sabay sabay ang pagtatanong ng mga kaibigan niya.
" i did!!!, hinanap ko siya nung umalis siya sa bar pero wala na siya sa tinitirhan niya nun, recently lang umamin ang employee ko, nakita niya daw si jehan malaki na ang tummy kaya daw siguro umalis sa bar ko, and that was 4 years ago na mga bro." Tugon ni evo sa mga kaibigan.
" hindi mo tinanong ang mga employee mo kung alam ba nila kung saan nakatira si jehan?" Ani nate
" i did, but they said that they dont know kung saan ang bahay ni jehan." Ani naman ni evo.
" and you think youre the father of her child?." Nagulat sila sa pag sulpot ni ryx.
Naagaw nito ang atensyon nilang lahat, bakas sa mga mata nito ang kalungkutan.
Saglit na namagitan sa kanila ang katahimikan bago muling tumugon si evo sa tanong ni ryx.
" i.. think her child is mine." Bulalas nito sa tanong ni ryx.
" bakit hindi mo hanapin, yun naman pala eh." Ani ryx.
" actually nag hire na ako ng detective, but the detective said she's not here, nasa abroad siya, iniwan daw yung bata sa step mom niya, pero ang ipinagtataka ko wala naman yung bata sa stepmom niya." Naluluhang saad nito sa mga kaibigan.
" did you talk to her step mom?." Ani ryx.
" no.. not yet, la...last week ko lang kasi nalaman yung reason ni jehan kung bakit siya nag leave sa work niya sa bar then now lang binigay ng investigator kung saan na nakatira ang step mom niya." Naluluhang sambit ni evo.
" gusto mo bro, sasamahan ka namin para makausap mo ang stepmom niya at para malaman mo kung asan ang bata?." Ani bogart, hindi nila akalain na magiging seryoso si bogart sa bagay na iyon.
" nice bro, marunong ka palang mag seryoso." Puri naman ni nate.
" syempre naman mga bro, so ano puntahan na natin bukas?." Yakag naman ni liro.
" dont worry ev, andito lang kami para sa iyo." Pagpapalakas naman ni nate ng loob kay evo.
" thanks mga bro, the best talaga kayo." Ani evo, tinapik naman nila si evo sa balikat bilang pag supporta dito.
" so ano pang hinihintay niyo mga kuya." Sabat naman ni duke, na hindi nila namalayan na andun narin pala.
Kaya naman inenjoy na muna nila ang pagkakataon na makasama ang mga paslit, si evo naman ay aliw na aliw sa alagang si e.j.
Kinabukasan ay agad nilang tinungo ang lugar ng tirahan ng stepmom ni jehan, pagdating sa lugar ay maraming taong nag kakasayahan sa loob, si evo ang unang lumapit dito upang magtanong.
" magandang hapon po, andyan po ba si jehan?." Magalang na tanong ni evo sa ginang na lumapit sa may gate.
" wala dito si jehan nasa ibang bansa siya, bakit anong saatin?." Balik na tanong nito kay evo.
" ahh.. ganun po ba?, a...andyan po ba yung asawa niya?." Muling tanong nito sa ginang na ikinakunot naman ng noo ng ginang.
" hahaha... si jehan may asawa?, ano kaba pogi!!, walang asawa yung tanga na iyon, disgrasyada lang iyon, ewan ko ba sa batang iyon mag papabuntis nalang doon pa sa walang paninindigan, kaya hayun nagkukumayod sa ibang bansa para maging nanny ng ibang bata." Sa sinabi nito ay biglang nanghina ang mga tuhod ni evo at nakaramdam siya ng pangliliit sa sarili at pagka habag kay jehan, napatulala pa siya sandali bago nangusisa sa anak na iniwan nito.
" if you don't mind, eh!! a..asan na po yung anak niya?, i..na anak ko po kasi yung bata." Pagsisinungaling nito sa ginang.
" ba..bakit... bibigyan mo ba ng aguinaldo yung bata?." Muling usisa pa nito.
" ahhh... o... opo sana.... kagagaling ko lang po kasi sa america, me..medyo malaki na utang ko sa inaanak kong iyon." Pagsisinungaling pa nito sa ginang.
Bigla namang nagliwanag ang mga mata nito ng marinig na bibigyan niya ng aguinaldo ang paslit at galing siyang ibang bansa.
" ahh... ehhh... na... nasa kapatid ko kasi yung bata, dun ko muna pinaalagaan kasi alam mo naman busy ako sa mga negosyo ko." Pagdadahilan naman ng ginang na agad namang pinagdudahan ni evo.
" ahhh... ganun po ba?, ma aari niyo po ba akong ihatid sa kinaroroonan ng inaanak ko, gusto ko po kasi siyang makita eh." Ani evo.
" a... ako na po ang bahala sa inyo..gusto ko lang po makita yung bata." Segunda pa ni evo.
Halata ang pag dadalawang isip ng ginang sa mga sinabi ni evo, tatanggi pa sana ito ng biglang mag salita si evo.
" ahh.. kung gusto niyo po ako na maghahatid sainyo papunta sa inaanak ko at ipag go grocery kona din po ang inaanak ko pati narin po kayo, eto nga po pala 100 dollars at ito po mga chocolates pasalubong ko sainyo." Abot nito sa ginang.
Bigla naman nagliwanag ang mukha ng ginang, at agad na tinanggap ang mga pasalubong na iniabot ni evo rito.
" thank you huh, oh.. sige mag papalit lang ako ng damit para masamahan ko kayo dun, at para maipag grocery mo narin ako, tamang tama wala na akong stock dito sa bahay." Dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay nito at mabilis ding lumabas, napangiti nalang si evo ng gumana ang plano nilang magkakaibigan.
Iginiya niya ang ginang sa nakaparada niyang sasakyan sa tapat ng bahay nito.
Binilisan niya na ang pagpapatakbo upang mabilis na makarating sa address na ibinigay nito.
Dahil pamilyar ang daan papunta sa lugar na sinabi ng ginang kaya mabilis nilang narating ang nasabing lugar.
Laking gulat pa niya ng marating nila ang lugar na pinag iwanan nito sa paslit.
" di..dito niyo po iniwan ang inaanak ko, i mean pina alaga ang inaanak ko?." Takang tanong ni evo na pilit sa pag kubli ng paghihinala.
" ay... oo dito ko pinaalagaan ang bata, mababait naman ang mga tao dito, sinabihan ko din sila sister na wag ipapa ampon ang bata dahil babalikan din ng ina." Masayang tugon pa nito.
Bigla namang nakaramdam ng habag si evo sa paslit, pilit niyang pinakalma ang sarili bago hinarap ang ginang.
" tara na po sa loob." Yakag niya sa ginang, sa labas ng naturang lugar ay kunot noong nakatanaw ang mga kaibigan at kapatid niya sa kanya, tulad niya ay nagtataka din ang mga ito kung bakit sa lugar na iyon sila dinala ng ginang.
" andito po ang kapatid niyo nakatira?" Usisa pa ni evo.
bigla naman namula ang mukha ng ginang na wari mo'y nabuko sa pagsisinungaling.
" ahh.. ehhh.. dito ko muna pina alaga ang bata.. ma..mababait naman ang mga tao dito.. hi..hindi nila itinuring na iba ang bata." Pag iiba nito sa tanong niya.
" lagi po bang nag papadala si jehan sa inyo?." Ani evo.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ng ginang sa sinabi ni evo, at bigla itong napakunot ng noo.
" bakit mo tinatanong ang bagay na iyan?, ano naman kung nagpapadala siya sa akin, sa akin niya naman iniwan ang anak niya." Singhal nito kay evo.
" wala naman po akong masamang ibigsabihin dun, a...asan na po pala yung inaanak ko?." Ani evo.
Ang ginang naman ay nanahimik saglit, malalim ang iniisip nito ng bumaling muli kay evo, na mukhang nabatid na ang pakay ni evo.
" teka nga muna mister... i.. ikaw ang tatay ni e.j no?, ikaw yung walang hiyang lalaking nakabuntis sa aanga anga kong step daughter no?." Matapang na baling nito sa kanya.
" pa.. pano niyo naman po nasabi yan?." Pangungusisa ni evo sa ginang.
" anong pano nasabi?.. eh!! Hellow!! kamukhang kamukha mo kaya si e.j, pag pinag masdan kayo parang pinagbiyak kaya kayo, saka wala namang naging nobyo yang si jehan eh, kundi ba naman aanga-anga eh, nagpabuntis nalang sa may nobya pa, umamin kana, ikaw yon ano?." Nang gagalaiting saad nito.
Doon na lalong nakumpirma ni evo ang agam-agam na matagal ng iniisip.
Ngunit ang lalong ipinagtataka niya ay sa angels heaven sila dinala nito, biglang siyang napa isip kung ang e.j ba na anak ni jehan ay ang e.j din bang binantayan niya ng imbitahan sila ni duke sa outing ng angels heaven, magaan ang loob niya sa e.j na inalagaan niya at nakaramdam siya ng pangungulila simula ng mahiwalay siya sa paslit.
" paano kung sabihin ko sa inyong ako nga po ang ama ng batang pinaampon niyo dito?" Bulalas niya sa ginang dahil sa inis dito, ngunit nagpipigil parin siya ng galit sa ginang.
" sabi na nga ba eh!, ikaw yung napaka walang kwentang lalaki, baka nga wala na dito ang anak mo, baka may umampon na sakanya, dahil wala kang paninindigan, mambubuntis ka tapos hindi mo namanpananagutan!!." Bulalas nito kay evo na lalong nagpatiim sa bagang ni evo.
" ako walang kwenta, at walang paninindigan!!!, hindi sinabi sakin ni jehan ang tungkol sa bata, bigla nalang siyang umalis sa bar at hindi na nagpakita." Pagpipigil niya ng galit sa ginang.
" kukunin kona ang anak ko, at sasabihin ko kay jehan ang ginawa mong pag papaampon sa anak ko, at idedemanda kita ng abandonment dahil sa ginawa mo sa anak ko at human traffìcking dahil sa sapilitan mong pag pa papasok kay jehan sa beerhouse." Galit na bulalas ni evo sa ginang na ikina gulat naman ng ginang, biglang naging maamo ang mukha nito at parang maiiyak na sa tinuran ni evo.
" wa..wag mong gawin sakin yan, ma..malaki ang utang na loob sakin ng jehan na yan kaya dapat lang na pagbayaran niya iyon, yu..yung anak mo si...sige kunin mona para wala na akong iintindihin pa, please anak wag mong sabihin kay jehan na wala sakin ang anak niya, hi..hindi niya na ako susustentuhan." Makaawa nito kay evo.
" siguruhin mo lang na makukuha ko ang anak ko dito at hindi pa ipinaampon, kung hindi, i will make sure that ill put you in jail mark my word." Sigaw nito sa ginang.
Napatuwid nalang ng mukha si evo ng makita niya si sister paula.
" good morning mr.evo." masayang bati ni sister paula kay evo, kaya naman gumanti din siya dito, nagtaka naman ito ng makita ang ginang na kasama niya.
" mrs. Balawis kayo po pala, ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" Tuon naman nito sa ginang.
" ahhmm.. sister yung batang pina ampon ko andito parin ba?" Anito kay sister paula.
" ahh si ervin john po ba?." Tugon naman ni sister paula.
"oo.. naampon naba? Binayaran ba kayo?." Mahinang bulong nito kay sister paula.
" ay... hindi po kami nag bebenta ng bata dito, inaalagaan po namin ang mga batang iniwan dito at pag may gustong mag ampon dumadaan po muna iyon sa mahabang proses, tulad niyo po bukal sa puso niyo ang ipaampon ang bata dahil sabi niyo hindi niyo na kayang alagaan, kaya isa po siya sa mga batang inaalagaan namin dito pero kailangan parin po namin ng approval ng ina ng bata kung sakali man pong may gustong mag ampon sa bata, dahil may ina naman po ang bata hindi po ba?." Paliwanag ni sister paula.
" so.. sister andyan pa po ba si ervin jhon.?." Singit naman ni evo.
Napalingon nalang sila sa likod ng dumating ang mga kaibigan niya at magalang na bumati kay sister paula.
" good morning din sa inyo, na miss niyo siguro ang mga bata ano?." Hinuha naman ni sister paula.
" yes po, i miss them so much." Si ryx ang tumugon.
" halika kayo andito ang mga bata." Yakag ni sister paula sa kanila.
Kaya sumunod na lang sila dito, nakaramdam naman ng takot ang ginang na akmang aalis na ngunit agad itong napigilan ni bogurt.
" manang, saan kayo pupunta?." Ani bogart sa ginang.
" anong manang, hoy sa ganda kong ito, hindi nga halatang mag 60 na ako eh, kung maka manang kapa dyan." Pagtataray nito kay bogurt na ikinangiti lang nito.
" mamaya na ho kayo umalis, ituro niyo ho muna sa kaibigan namin ang anak niya." Ani bogart, kaya naman wala ng nagawa ang ginang marahil dala narin ng takot sa kanila.
" pag andyan pa yung bata, pero pag naampon na wala na akong magagawa dun." Ani pa nito.
" you should pray na hindi pa na aampon ang anak ko, kung hindi kahit babae ka at matanda, hindi ko alam ang magagawa ko sa iyo." Gigil na turan nito sa ginang.
Natuwa naman sila ng sumalubong ang mga paslit sa kanila.
Nag uunahan ang kambal sa pag punta kay ryx ganun din ang iba pang paslit.
Biglang kinabahan naman si evo ng walang ervin jhon na sumalubong sa kanya.
Pilit niyang pinapakalma ang sarili at iniisip kung anong gagawin sa ginang na nagdala sa anak sa lugar na ito.
" ahhh... sister a..asan po si ervin jhon?." Alalang tanong ni evo.
Ahh si e.j ba? Naku wala kasi dito si e.j eh!." Ani sister paula.
Bigla naman nakaramdam ng kaba at galit si evo dahil sa sinabi ni sister paula, biglang nabuhay ang kutob na ang batang si e.j at ang anak na si ervin jhon ay iisa, dahil ito nalang ang hindi niya nakikita, lahat ng mga batang inaalagaan ay andun na.
Napayuko nalang si evo ng ulo dahil sa pagka bigong makita ang anak, tulala sa kawalan at pagkamanhid ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Nabuhayan lang siya ng makita ang paslit na tumatakbo habang hinahabol ng bantay nito.
" e.j wag tumakbo, baka madapa ka, babalik kana naman kay doc gusto mo ba iyon?." Pananakot naman ni sister anna.
Habang papalapit ang paslit ay unti-unting nabubuhayan ang puso ni evo, parang na inlove nanaman siya ng mga oras na iyon, habang papalapit ang paslit sa kanya at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.
" daddy evo na miss po ita agad." Anang tatlong taong gulang na paslit at mahigpit na yumakap kay evo.
Naluluha na si evo ng mga oras na iyon, at ngayon lang niya napag tanto ang malaking pagakakahawig sa paslit, nagulat siya sa reaksyon nito ng makita nito ang ginang ay nag tago ito sa likod niya.
" oh.. ayan nakita mona yang bastardo mong anak, siguro naman pwede na ako umalis." Anang ginang kay evo.
Kaya naman buong tapang niyang hinarap ito, at pinagmalakihan.
" pasalamat ka at andito pa ang anak ko kung hindi, sa kulungan ka pupulutin." Taas isang kilay na pagkakasabi ni evo sa ginang at naglakad na ito palayo sa lugar.
Si evo naman ay matamang pinagkatitigan ang anak, wala ngang duda na siya ang ama ng paslit dahil para silang pinagbiyak nito.
Lumuhod siya upang magpantay sila ng paslit, at nangingiyak na mga matang hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.
" bakit ka po alungkot?." Alalang tanong dito ng paslit.
Kaya naman pasimple siyang nag pahid ng luha sa gilid ng mga mata at mahigpit na niyakap ang paslit.
" na miss po ita daddy ebo." Malambing na bulong ni e.j na ikinatuwa naman ni evo.
Walang mapag lagyan ang kasiyahang nadarama sa puso niya, marahil ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkita silang mag ama.
" ahh.. baby.. gusto mo bang makita ang tunay mong daddy?." Pangungusisa ni evo sa paslit.
Bigla namang binalot ng kalungkutan ang mukha ng paslit at nag yuko ito.
" wala po akong daddy, meron lang po ako daddy evo lang po, daddy nate,riro, at chaka bogar, at chaka duk at chaka dady rys.
Tugon ng paslit kay evo na ikinalungkot naman ni evo, parang sinasaksak ng patalim ang puso niya sa sinabi ng paslit.
" meron kang daddy baby e.j, gusto mo bang makita at makilala?." Tanong ni evo sa paslit na ikinatuwa naman ng mukha nito.
" a..asan po i daddy ko... gusto ko po ikaw alang daddy ko." Anang paslit na mas lalong nagpataba sa puso ni evo.
" a... ako ang tunay mong daddy anak,..sorry kung ngayon mo lang nakita si daddy, ngayon lang din kasi ni daddy nalaman ang tungkol sa iyo." Naluluhang sambit ni evo habang nanginginig ang mga bibig dala ng halo-halong emosyon na nadarama.
Bigla naman bumunghalit ng iyak ang paslit sa tinuran ni evo, kaya naman niyakap ito ng mahigpit ni evo at pilit pinatahan.
Biglang nakaramdam ng takot at kaba si evo, nag aalala siya na baka hindi siya gusto ng anak niya bilang ama nito.
humihikbi na sa matinding pag iyak ang paslit kaya naman binuhat ito ni evo upang alohin, ilang saglit lang din ay tumigil na ito sa pag iyak at nakahilig nalang ito sa balikat ni evo.
Kaya naman nag desisyon na siyang lapitan si sister anna upang sabihin ang katotohanan sa pagkatao ng anak.
Ang mga kaibigan niya naman ay naluluhang pinag masdan ang tagpo nilang mag ama.
bigla naman nakaramdan ng inggit si ryx sa kaibigang si evo, kailan lang ito nag kwento tungkol sa babaeng naanakan ngunit nakita agad nito ang anak.
Kaya ipinangako niya sa sarili niya na hahanapin niya ang anak upang makapiling at maalagaan.
Tulad ng nararamdaman niya, ramdam niya rin ang kalungkutan ng mga batang naiwan sa orphanage, malungkot ang mga ito ng mag paalam si e.j sa mga ito, ngunit masaya naman sila para sa kaibigan at asa anak nito.
Halos hindi na humiwalay si e.j kay evo, ang kasalukuyan nalang pino problema ni evo ay kung paano makakausap ang ina ng anak upang maipaalam na niya rito na alam niya na ang dahilan ng pag alis nito sa trabaho, at kasama niya ang anak nila na dahilan ng pag alis nito ng walang paalam.
"We are happy for you bro, welcome to the daddy's club." Ani y-ryx kay evo.
" thank you bro, daddy na nga talaga ako, and because of that, i will promise to my self that i become a good father to e.j, hindi na kami maghihiwalay na mag ama, sana makita mo na din ang anak mo ryx." Ani evo kay y-ryx at tinapik ito sa balikat bilang pag suporta sa pinag dadaanan ng kaibigan.
******
Matapos ang dalawang linggong napag usapan ay lulan ng sasakyang iniregalo ng daddy ni ryx silang dalawa ni mandy, gaya ng napag usapan ay sasamahan siya nito sa ama nito upang makausap nila ito at upang alamin kung totoong wala sa ama nito ang anak nila.
Pagkarating nila sa bahay nila mandy ay katahimikan ang sumalubong sa kanila.
Nag doorbell ito sa gate at agad naman may lumabas doong guwardya upang pagbuksan sila, lumapad naman ang ngiti nito ng makita si mandy.
" maam mandy kamusta na po?." Masayang salubong nito kay mandy.
" kuya kiko ikaw pala yan." Tawag ni mandy sa ginoo at ipinakilala niya naman si ryx.
"Siya nga po pala kuya kiko, si y-ryx po pala kaibigan ko po." Pag papakilala nito kay y-ryx.
May kirot mang nadama sa puso ni ryx ay pinili niya nalang mag bigay galang sa ginoo, kaya gumanti din siya ng bati dito.
" naku!!, mabuti naman at napadalaw ka, matagal kanang hinihintay ng daddy mo?." Malungkot na pag papaalam nito kay mandy.
" opo gusto po kasi malaman ni y-ryx kung si daddy ba ang kumuha sa anak namin." Paglalahad naman ni mandy ng sadya nila sa ama, batid ni kiko ang nangyari sa kanila ni y-ryx at sa ama niya kaya maluwag sa puso niyang mag kwento rito.
" siya pala...ang gwapo pala ng daddy ng baby mo, naku natitiyak kong kasing gwapo din nito ang anak niyo." Natawa nalang si y-ryx sa narinig marahil hindi kasi nito alam na babae ang anak nila kaya naman akala nito ay lalaki ang anak nila.
*FLASHBACK*
Pagka panganak ni andeng ay nawalan na ito ng malay tao dahil sa pagod, ngunit nagising ito sa pagyugyog ng ginang na nag paanak sa kanya, at siyang dating naman ng ama niya matapos siyang mabihisan ng ginang, agad siyang nilapitan ng ama niya at sapilitan ang pag kuha sa kanya, kahit nanghihina ay nag pumilit siyang manlaban sa ama upang hindi siya maisama nito, ngunit sa dami ng body guards na naka alalay sa kanya ay wala na siyang nagawa, hangang sa maabutan sila ni y-ryx sa ganoong tagpo na labis niyang ikinabahala para sa kaligtasan ni y-ryx, kaya naman nakiusap siya sa ama na wag sasaktan si y-ryx at siya nalang ang lalayo sa mag ama niya, kahit labag sa loob ang desisyon ay wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa ama.
* END OF FLASHBACK*
" anak!!, andito kana pala, na miss na kita." Masayang bungad ni nanay tasing kay mandy.
" mag meryenda na muna kayo." Ani nanay tasing at niyakag sila sa hapag upang makapag meryenda.
Matapos makapag ulayaw ay nag pasya na muna itong dalhin sila sa dating silid niya upang makapag pahinga muna sila, ayon dito ay sa makalawa pa ang dating ng ama niya.
" anak ayos lang ba kung sa iisang silid muna kayo matutulog?, kasalukuyan kasing nirerenovate ang mga guest room at ang silid ng iyong papa tanging maids quarter at ang silid mo lang ang maaari niyong magamit." Ani nanay tasing sa kanila ni y-ryx.
" ganun po ba nay, ayos lang po ako sa silid niyo matulog." Ani mandy sa inay tasing niya, ngunit ikinagulat niya ang tugon ni y-ryx.
" its ok nay, wala pong problema samin yun.. right andeng?." Ani ryx at ngumiti pa ng magiliw upang ipakita ang pag sang ayon nito.
Namimilog ang mga matang napatingin si mandy kay y-ryx dahil sa tinuran nito, hindi niya akalain na papayag ito na sa iisang silid sila matutulog ngayong gabi.
Malugod naman siyang pinatuloy ni mandy sa dati nitong silid, may ilang man na nararamdaman sa pagitan nila ay pinilit niya nalang itong binalewala nais niya din kasing makapag usap muna sila bago makaharap ang ama nito.
Si mandy na ang pumutol sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
" mag pahinga ka muna, alam ko napagod ka sa pag ddrive." Medyo may kalayuan din ang probinsya nila mandy kaya batid nitong pagod si y-ryx.
" pag pasensyahan muna sana itong lugar namin." Hingin paumanhin pa ni mandy kay y-ryx.
" its ok.. salamat sa pagpapatuloy mo sakin dito." Balik naman nito kay mandy at tumalikod na ito upang makakuha ng tulog.
Si mandy naman ay lumibot sa loob ng silid upang pag masdan ang pagbabago nito, kulay lang ang nag bago sa silid niya ang bakas ng kalungkutan ay nandoon parin.
Maingat niyang binuksan isa-isa ang mga drawer niya, ganun din ang ginawa niya sa lalagyanan niya ng mga damit.
Matapos nun ay sa banyo niya naman siya nag tungo, ngunit pagbukas niya sa drawer doon ay may nahagip ang paningin niya na nagpaluha sa kanya.
Niyakap niya ang mumunting larawan na naiwan niya noong dalhin siya ng daddy niya sa bahay nila upang ilayo kay y-ryx, tanging yun ang alalang naiwan sa kanya ng mumunti niyang angel na iniwan sa pangangalaga ni y-ryx, ngunit ikinalungkot niya ang pagkawala ng anak nito.
Halos isang oras ding nakapag pahinga si y-ryx, mahimbing ang naging pag tulog niya, naalimpungatan lang siya ng may marinig na mahinang hikbi mula sa loob ng banyo.
Pigil hikbi ang naririnig niya doon, kaya naman nagbangon na siya upang tignan kung saan nagmumula ang pigil hikbing naririnig niya.
Naka sarado ang pinto ngunit laking pasalamat nya ng pihitin niya anh seradura ay hindi iyon naka lock.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, nag ingat siya sa pag bukas upang hindi makagawa ng ingay mula roon.
Pag bukas niya ay hindi nga siya nagkamali dahil si mandy nga ang nakita niya roon at takip bibig ang pag hikbi upang hindi maka gawa ng ingay.