Sa loob ng banyo ay sinamantala ni mandy ang pagbuhos ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan, nakaramdam siya ng kaginhawaan sa pakiramdan ng oras na iyon.
Halos mag iisang oras siyang nanatili sa loob nito, kaya naman pakiramdam niya ay, presko at magaan.
" hayss, salamat na preskuhan din." Ani mandy sa sarili ng biglang nanlalaking matang napa titig siya sa harapan niya.
" hay, ano ba naman ito may pasa nanaman ako sa braso, siguro magkakaroon na ako." Kausap niya sa sarili niya habang napapailing siya.
Suot ang bata de roba at balumbon ng tuwalya sa ulo ay napasinghap siya ng may matanaw sa repleksyon sa hatap salamin.
Nang mapagsino ito ay mabilis nag unahan sa pag patak ang mga luha sa magkabilang mata niya.
Nananaginip nanaman ba ako, anang isip niya, kaya naman ipinikit niya ang mga mata, ngunit pag mulat niya ay andun parin ang repleksyon sa salamin, kaya naman hinarap niya ito.
Panay lunok ng laway ni ryx ng magkaharap sila ni andeng, at puno ng pangungulila at pagka sabik ang mga mata nitong nakatunghay sa kanyang mga mata.
Pigil hiningang lumapit si mandy sa lalaking kaharap at pinakatitigan ang mga mata nito.
" totoo kaba?, i...ikaw ba talaga yan y-ryx?." Nagdududang tanong nito sa kaharap.
" ye..yes a..ako nga ito." Naluluhang saad ni ryx kay mandy.
Sa narinig ay mas lalong nag unahan ang mga luhang kanina pa nag papakasawa sa pag patak, nag mamadali na lumapit si mandy kay ryx, at panay hikbi nito habang naka yakap kay ryx.
" so...sorry ryx.... im sorry.... kung pinili kong iwan kayo, na...takot ako sa ma.. aaring gawin ni dad sayo kaya ko nagawa yun." Anito habang humihikbi.
Nang magbalik sa ala-ala ni ryx ang nakaraan ay napahagulgol na ito ng iyak, naibsan ang pangungulila niya kay andeng ngunit, aminado siyang may galit pang natitira sa puso niya, muli nanamang nanariwa ang sakit ng pag iwan nito sa kanilang mag ama, hindi siguro mangyayari ang bagay na iyon kung hindi sila iniwan nito, hindi siguro mawawalay ang anak niya sa kanya.
" thats all in the, nangyari na iyon, hindi kona maibabalik na mas pinili mong sumama sa daddy mo, kesa piliin kami ng anak natin." Panunumbat nito.
" so..sorry... hindi ko yun ginusto, wala lang akong choice nun." Ani mandy.
" meron andeng, kung pinaglaban mo lang kung anong meron tayo nun, pero naging duwag ka." Pasinghal na saad ni ryx.
" oo marahil naging duwag ako, pero inisip ko lang ang ma aaring gawin ni dad sayo, baka ilayo niya ang anak natin sa iyo, kaya isinakripisyo kona ang sarili ko, dahil iyon ang alam kong ma aari kong gawin." Muling tugon ni mandy.
" ginawa parin naman niya huh!!, kinuha niya ang anak ko sakin." Alingaw ngaw ng tinig nito, nanginginig na si ryx sa galit, ngunit nag titimpi siya na mapagbuhatan ito ng kamay.
" wa...what did you say??." Bulalas ni mandy.
" im saying na kinuha ng dad mo ang anak ko, naiintindihan mo, inilayo ng daddy mo ang anak ko sakin." Tiim bagang na saad ni ryx kay mandy.
" what??, wa...wala sayo ang anak natin?." Ani mandy na mas lalong nag pahagulgol sa kanya.
" im here to ask you, where can i find your dad?" Ma autoridad na saad ni ryx.
" wa... wala kay dad ang anak natin, y-ryx... kung kinuha ni dad ang anak natin dapat sinabi na sakin ni nanay tasing yun." Ganting tugon nito kay ryx.
Lalong nag alala si ryx sa narinig kay mandy, naka pamewang ito habang ang isang kamay ay napa hilamos sa mukha at hindi mapakali.
" eh, sinong kumuha sa anak ko...tell me andeng..sino ang kumuha sa anak ko??." Ani ryx habang niyuyugyog ang balikat ni mandy.
Napasinghap si mandy sa ginawang pag yugyog ni ryx sa balikat niya, parang ibang ryx na ang kaharap niya ngayon.
"Na.. nawala mo ang anak natin?, pa..paanong nangyari yun ryx, iniwan ko ang anak ko sayo para may makasama ka, pano mong nawala ang anak ko y-ryx....." a
nanghininang singhal ni mandy at muli nanamang napahagugol.
Hindi na mapigilan ni mandy ang mapahagulgol at panay hikbi nalang ang lumalabas sa bibig niya.
" a...san na ang a...nak ko r..yx?." Anipa ni mandy habang humihikbi.
Bigla namang naparamdam ng habag si ryx para kay mandy, base sa reaksyon nito ay totoo ang mga sinabi nito, dahil matagal din silang nag sama ay batid niyang nag sasabi nga ito ng totoo, ganun niya na lubusang kakilala si mandy.
" hi..hindi ko alam kung sino ang kumuha sa kanya, after ko maglaba, nag sasampay lang ako sa likod bahay nun, napalingon nalang ako ng maamoy kong parang may nasusunog, pag harap ko ang bahay natin kinakain na ng apoy ang bahay natin, pinilit kong kunin ang anak natin sa loob ng bahay pero dumating si harold at pinigilan ako, until i wake up in the hospital, sabi ni harold walang bangkay ng bata ang nasunog sa bahay natin, ganun din ang lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis, akala ko kinuha siya ng dad mo." Paglalahad ni ryx kay mandy.
" wa...wala ang... ang anak ko kay da...daddy.. ka..kahit dalhin..ki..kita kay daddy wa..wala ta..talaga dun ang..a..anak..natin." humihikbing saad ni mandy.
nakakaramdam man ng habag si y-ryx dahil halos hindi na makahonga si mandy dahil sa pag iyak, ngunit pilit niya itong kinubli at pinanindigan ang galit na nadaram para kay mandy.
" ok then prove it.. dalhin mo ako sa daddy mo at ipakita mo sakin na wala talaga sa kanya ang anak ko."
" a..nak natin ryx."
Anak ko lang andeng, simula ng iniwan mo kami inalis mo rin ang karapatan mong mag paka ina sa anak ko." Paghahamon pa ni ryx kay mandy.
nais pa sanang sumalungat ni mandy, ngunit, pinili niya na lang na wag ng pahabain ang pagtatalo nila, dahil saobrang sakit na ng puso niya.
" o..ok... give me 2weeks, ill bring you to my dad." Palaban na pagkakasabi naman ni mandy kay ryx.
" ok... sasama ako kung nasan yang daddy mo, pag napatunayan kong nasakanya ang anak ko, kakasuhan ko kayo ng kidnapping." Pag babanta pa ni ryx kay mandy.
Napapunas nalang si mandy sa mga mata, at malalim na bununtong hininga bago muling mag salita.
" sunday midnight.. magkita tayo sa britany tower, i will prove you na wala ang anak ko sa daddy ko, pag napatunayan kong nagsasabi ako ng totoo, ibibigay mo sakin ang details ng pagka wala ng anak ko at ako mismo ang maghahanap sa kanya." Tiim bagang na saad ni mandy.
" well.. then..paunahan nalang tayo sa pag hahanap." Nagmamalaking tugon naman ni ryx.
Naputol lang ang palitan ng mga salita ng may marinig silang kumakatok sa pinto, maliliit na katok at mahina ang naririnig nila mula sa kabilang dako ng pinto, kaya nilapitan ito ni mandy at sinilip kung sino ang kumakatok.
Napangiti naman siya ng masilayan ang mumunting tao na dahilan ng munting ingay na nagmula sa pag katok nito.
" oohhh, maryx, yohan, kayo pala yan." Ani mandy at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
Hindi maipaliwanag ni mandy ang nararamdaman ng mga oras na iyon, ang galit at pighating nararamdaman ay biglang napawi ng masilayan ang dalawang musmos.
Napatuwid ng tayo si y-ryx ng pumasok sa silid na kinaroroonan nila ang dalawang paslit may kung ano sa puso niya ang galak ng masilayan ang mga paslit, marahil ganun siya kasabik na makita ang anak, kaya siya nakakaramdam ng ganoong klaseng galak.
Nagyuko siya upang magpantay sa dalawang paslit.
" hi kids." Masayang bati ni y-ryx sa dalawang bata habang marahan na pinipisil ang pisngi ng dalawang paslit.
" ellow.. ano po panalan mo?." Utal na usisa ni maryx kay y-ryx.
" kabigan ka po ni mommy mandy?" Usisa naman ni yohan.
Lalong natawa si ryx sa cute ng boses ng mga ito, at sa pagsasalita ng mga ito dahil may pagka bulol pa.
" o.. opo mga anak, friend siya ni mommy mandy." Si mandy na ang tumogon sa pang uusisa ng dalawang paslit.
ipinag pasalamat naman ni mandy na nakatuon ang atensyon ng dalawa kay y-ryx, upang hindi napansin ng mga paslit ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa pag iyak.
Napatingin si y-ryx kay mandy, may bahagi ng puso niya ang nasaktan sa tugon nito, ngunit ano nga ba ang estado niya sa buhay nito?, ama ng anak nito?, hindi naman sila mag asawa dahil hindi sila kasal, isa pa matapos niyang ipadama ang galit niya dito kanina ay ano nga ba ang aasahan niyang mararamdaman nito, dapat nga ay ipag pasalamat niya na lang na kaibigan ang pagpapakilala nito sa kanya at hindi kaaway.
" mommy dito tutulog si marx mamaya." Anang batang babae.
" ako din dito ako tulog mamaya, dyan ako lambot kama." Segunda naman ni yohan na ikina tuwa nila.
" ok mga anak, dito kayo matutulog mamaya pero bawal ang walang diaper, baka ihian niyo ang kama, baka pagalitan tayo." Ani mandy sa dalawang paslit.
Hindi maintindihan ni y-ryx ang tuwang nadarama sa pakikipag usap ni mandy sa dalawang paslit, maging ang pag tawag nitong mga anak ay parang musika sa pandinig niya.
" ano po panalan mo?." Ani maryx kay y-ryx.
Hinayaan lang ni mandy na makipag usap ang dalawang paslit kay ryx, na aaliw siya sa pakikipag usap ng kambal kay ryx, ang tiim bagang at nanlilisik na mga mata nito kanina ay biglang umamo ng makita ang kambal, bakas ang pangungulila at pagkasabik nito sa mga mata.
" ako po si, tito y-ryx." Pakilala nito sa kambal.
" ikaw alang, daddy ryx amin, para si mommy mandy mommy amin, tapos kaw daddy ryx amin." Anang paslit na ikinatuwa naman ni y-ryx.
" ok, ako na ang daddy y-ryx niyo ngayon huh!!." Anito sa dalawang paslit, na nagtatatalon sa tuwa.
" yehey, may daddy na ame." Anang mga paslit, kaya naman nagkatinginan na lang sila ni mandy dahil sa pag tawag ng mga ito sa kanya ng daddy.
"Daddy y-ryx." Ani y-ryx kay mandy.
" daddy y-ryx." Gaya naman ni mandy sa sinabi nito.
" oohhh, mga anak baba muna tayo magbibihis muna si mommy mandy." Ani y-ryx sa mga paslit ngunit mukhang ayaw naman sumunod ng dalawa.
" meme na marx, antok na po maryx." Anang batang babae.
" si yohan din antok na." Segunda naman ng batang lalaki.
Kaya naman hinawakan ni mandy ang kamay ni y-ryx upang ipabatid na ayos lang na manatili ang mga bata sa loob ng silid.
" ok mag bibihis lang si mommy mandy..huh!!." Anito at bumalik sa banyo dala ang mga pantulog na damit.
" daddy..ryx timpla dede." Ani maryx.
" si yohan din po dede." Segunda naman ni yohan.
" ok kids, hintayin niyo lang ako dito..wag na lalabas." Ani ryx sa dalawa, kaya naman tuwang tuwa ang dalawang paslit.
Agad na lumabas si y-ryx upang itanong sa mga taga pag alaga ng mga bata kung asan ang botilya ng mga ito.
Pagbaba ay agad niyang hinanap ang mga tagapag alaga ng mga ito, naka salubong pa niya ang mga kaibigan na mukhang naghihintay sakanyang pag bababa.
" bro...what happen?." Ani evo.
" ano bro, ang tagal mong bumaba ahh, muling ibalik naba?." Panunudyo naman ni nate.
" baka may bunso na kayo after 9 months huh!!." Segunda naman ni liro.
" mag kwento ka naman bro, kanina kapa namin hinihintay eh." Ani bogurt.
Napabuntong hininga nalang si ryx sa pang uusyoso ng mga kaibigan kaya naman imbes na mag kwento ay tinanong niya ang mga ito tungkol sa kinaroroonan ng mga tagapag alaga ng mga paslit.
" nakita niyo ba sila sister?." Pag iiba niya ng usapan.
" andun sila kuya sa pool kasama yung mga babies." Ani duke.
Kaya naman dali-daling tinungo ni y-ryx ang kinaroroonan ng mga ito, narinig pa niya ang habol na tawag ng mga kaibigan ngunit hindi niya na muna pinansin.
" bro... kita mo ito ohhh, ganyan kana bro huh!!." Ani bogurt.
Matapos ituro ni sister anna ang kinaroroonan ng mga botilya ng kambal ay si ryx na ang nag presintang mag timpla ng gatas ng dalawa.
Buong galak siyang nag presinta sa pag timpla ng gatas na iinumin ng dalawang paslit, kaya naman muling nanumbalik sa alaala niya ang ilang araw na pinag samahan nila ng anak niya, matapos iwan ni andeng sa kanya ang anak ay siya na ang nag titimpla at nag lilinis sa anak.
Nang mapadaan naman siya sa mga kaibigan ay hindi siya nakaligtas sa pang aasar ng mga ito.
" ohhh!!, ano yan bro?." Ani liro.
" dont tell us, ibibigay mo yan kay andeng?." Ani nate.
" ano yan peace offering ?." Segunda naman ni bogurt.
Mag sitigil nga kayo, para sa dalawang bata ito sa itaas, ang cu cute nila mga bro, feeling ko tuloy ako ang daddy nila, daddy ryx pa nga ang tawag sakin mga bro." Masayang paglalahad niya sa mga kaibigan.
" boy at girl ba yung mga bata dun kuya?, yung dalawang batang malalapit kay ate mandy?." Usisa naman ni duke.
" yes yung boy at girl s maryx at yohan." Ani ryx.
" ahhh, si kambal... malapit talaga yun kay ate mandy." Tugon naman ni duke.
" ka.. kambal yung dalawa?." Gulat na tugon ni ryx kay duke.
" yes kuya, kambal yung dalawang iyon." Natatawang sambit ni duke dahil sa pagka bigla ni ryx.
Natigil lang sila sa pag uusap ng marinig ang tawag ng mga paslit kay ryx.
" daddy ryx.. dede po." Ani maryx.
Kaya naman napakaripas na nang takbo si y-ryx nang marinig ang tawag ni maryx.
Habang ang mga kaibigan niya naman ay natatawang nakatunghay sa papalayong si y-ryx.
" daddy ryx." Ani nate.
" daddy ryx." Ani liro.
" yes daddy ryx." Ani evo.
" kita niyo na, ilang oras palang magmula ng magkita sila may mga anak na agad." Lupit talaga ni y-ryx." Ani bogurt kaya naman nagtawanan sila.
Pagbalik ni y-ryx ay naka bihis na si mandy ng pantulog, ang kambal naman ay matyagang naghintay sa kanya upang makainom na ng gatas.
" thank you po daddy ryx." Pasasalamat ng dalawa ng ibigay na niya ang gatas na bagong timpla.
Nagkakailangan pa sila ni mandy ng hatakin siya ni maryx sa tabi ng mga ito.
" dito ka po tulog daddy." Malambing na paanyaya nito sa kanya.
Kaya naman nagkatinginan sila ni mandy na kasalukuyan na ding nakahiga sa tabi ni yohan.
" o..ok lang ba?.. kung dito ako matulog?." Hinging permiso nito kay mandy.
Dahil sa nakikitang pag kaaliw ni mandy sa tuwang nababanaag sa mga mata ng kambal kaya naman napapayag narin siyang doon na makitulog si ryx.
" o..ok lang sakin.. ok lang ba sa iyo?." Alalang tanong nito kay y-ryx.
" no worries i enjoying being with this two little angels." Pangungumbinsi nito kay mandy.
" pa.. pasensya kana kung kinukulit ka nitong kambal, wala kasing kinagisnang mga magulang ang dalawang ito eh!." Pag lalahad ni mandy kay ryx.
" no.. its ok.. ahhmm if you dont mind, matagal kana bang tumutulong sa orphanage?." Kuryosong tanong ni ryx kay mandy.
" its been 2 years from that day, umiiyak ako dahil sobrang sakit ng breast ko that time, dahil hindi naman nakakalabas ang milk, dahil wala nga ang baby ko sakin, that is my first time being ang actres, umiiyak naman ang kambal that time dahil wala silang breast feed milk, siguro gutom na sila that time and hindi sila sanay sa feeding bottles, ako naman halos sumirit na ang milk sa breast ko kaya nag offer ako kay sister anna na ipa breastfeed sila, pakiramdam ko ng mga araw na iyon kasama ko ang anak natin, since then nag dodonate na ako ng breast milk sa mga batang iniwan ng mga magulang dito sa angels heaven, nang kumikita naman na ako binibilhan kona sila ng milk nila, hindi na kasi ako lagi nakakadalaw sa kanila dahil kabilaan na ang offer sakin, sayang naman kaya gina grab ko." Paglalahad nito kay ryx.
Dahil sa paglalahad ni mandy ay parang dinudurog sa sakit ang puso ni ryx, sa nalaman na pinag daanan ni mandy, hindi lang pala siya ang nasaktan sa nangyari, buong akala niya ay wala na itong pakialam ng iwan sila nito.
" sa.. sana nasa mabuting kamay din ang anak natin." Bulong na sambit ni mandy ngunit umabot ito sa pandinig ni y-ryx.
Matapos inumin ng kambal ang gatas sa botilya ng mga ito ay nakatulog na rin ang mga ito.
******
" you mean si kuya y-ryx ang father ng long lost child ni ate mandy?." Bulalas ni tanya ng ikwento ni duke ang nalamang relasyon ng dalawa.
" you mean, alam mong may long lost child si ate mandy?." Balik na usisa naman nito kay tanya.
" well... ye...yes kaya nga siya madalas sa orphanage eh, dahil feel ni ate mands ay nakakasama din niya ang nawalay na anak.
Alam moba duke, hinanap pa ni ate mands si kuya ryx sa province but sad to say wala na daw ito doon sabi ng mga nakakakilala dito, feel nga ni ate mands tinataguan talaga siya ni kuya ryx, kasi iniwan niya si kuya ryx dahil sa takot niya na saktan ito ng daddy niya, kaya yun hinayaan niya na lang na maiwan sa pangangalaga ni kuya ryx ang anak nila, para hindi daw malungkot si kuya ryx." Paglalahad ni tanya sa mga pinagdaanan ni mandy.
" kaso pina kidnap naman ng daddy niya ang anak nila, pinasunog pa nga ang bahay na tinitirhan nila eh." Ani duke kay tanya.
" what??, pina dukot ang anak nila at pina pa sunog ang bahay nila?" biglang napakunot naman ang noo ni tanya at saglit na nag isip.
kung si tito mando ang nag padukot?, saan naman tinago ni tito mando ang anak ni ate mandy?, wala kasi akong nakitang bata sa bahay nila nung nag punta kami 2years ago na and bakit hindi nito sinabi kay ate mands na nasa kanya ang baby ni ate?." Ani tanya, na nagugulumihanan sa mga naiisip.
" haist, hindi pa nga nag kwento si kuya ryx sa napag usapan nila kanina eh, kaya nga hinihintay naming bumaba dito pero ilang oras na hindi parin bumababa dito, mukhang nawili din sa kambal." Ani duke, at dahil sa sinabi ni duke ay nakaisip sila ni tanya ng paraan upang silipin ang dalawa.
" mga bagets sama kayo kay ate tanya at kuya duke." Yakag ng dalawa sa dalawang paslit, pag tapat nila sa silid na tutulugan nila mandy at tanya ay dahan dahan nilang binuksan ang pinto, dahil hindi naka lock ang pinto kaya naman nagawa nilang masilip ang loob ng silid.
At doon nakita nila ang dalawang hinahanap ng mga mata nila, tulog na ang mga ito at sa pagitan nito ay doon nahihimbing ang dalawang kambal, si yohan ay naka yakap kay mandy, si maryx naman ay ganun din kay y-ryx, isa silang larawan ng buong pamilyang nahihimbing sa pagtulog.
Nagulat nalang sila ng muntik na silang mapa subsob sa pinto, dahil sa mga tao sa likod nilang nag uunahan sa pagsilip sa loob, kaya naman ipinasok na ni tanya ang dalawang paslit upang patulugin na, si duke naman ay isinara na ang pinto at niyakag ang mga kuya nito pababa sa resorts kung saan nakalagay ang swimming pool.
" nakita niyo yun mga bro?." Ani liro.
" muling ibalik naba ito?" Ani nate.
" sana nga naayos na ni ryx ang relasyon nila ni andeng." Ani evo.
" one happy family." Nag nining na mga mata ni bogurt habang sinasabi iyon.
" dapat mga kuya tulungan natin silang mag kaayos, para maging masaya na sila." Tugon ni duke sa mga kuya niya, tumango naman ang mga ito bilang pag sang ayon.
******
Kinabukasan ay maagang nagising ang kambal, agad naman itong nag bangon ngunit nanatili lang ito sa loob ng silid.
Dahil sa lamig ng aircon kaya naman sumiksik si mandy sa katabi niyang mainit na katawan, sa init ng katabi kaya naman napayakap pa siya rito.
Ganun din ang ginawa ni ryx sa katabi, ikinulong niya sa mga bisig ang katabi upang maibsan ang ginaw na nararamdaman niya.
Nang mag bangon si tanya ay gising na ang mga bata kaya naman matapos nilang mag hilamos ay niyakag niya na pababa ang mga bata upang makapag almusal na.
Nag inat si mandy ng katawan at tinalikuran ang mainit na bultong nararamdaman niya, ngunit ang mainit na bulto ay pumulupot sa bewang niya, at mas lalo lang siyang nakaramdam ng pwersang humahatak sa kanya upang himbingan pa ang pag tulog.
Ilang minuto pang napasarap ng himbing si y-ryx ng maalimpungatan siya sa pagkakangalay ng mga kamay niya at namalayan niya nalang na nag uunat na siya.
Naalimpungatan ang mahimbing na pag tulog ni mandy ng mag inat ang bulto sa likuran niya at may nadamang siyang umbok sa bandang pang upo niya kaya naman nanlalaki ang mga matang nag mulat siya ng mga mata.
Pinag aralan munang mabuti ni y-ryx ang dahilan ng pagkakangalay ng braso niya, at doon nakita niya may mabango na bulto ang nakaunan sa braso niya at ang isang kamay niya ay nakapulupot sa bewang nito at ang binti niya ay naka gantay sa katawan nito.
sa tagal ng panahon na mag isa lang siyang natutulog sa higaan ay hindi niya aakalain na ngayon muli siyang makakaramdam ng ganoong kasarap na pag tulog, mahimbing at mahaba ang naging tulog niya, habang naka unan sa matipunong braso at may naka yakap na isang kamay sa bewang niya at ang isang hita ay naka gantay sa hita niya, na labis niyang ipinag taka, kaya naman hinarap niya ang bulto sa likuran niya at laking gulat niya ng magkatinginan silang dalawa.
Napa singhap nalang si y-ryx ng biglang humarap sa kanya si mandy, sabay pa silang pinagkatitigan ang posisyon ng pagkakatulog nila, hindi nila akalain na mararanasan nilang muli ang makatulog ng ganun kahimbing habang magka dikit ang mga katawan nila.
Naunang nag bawi ng tingin si mandy at humingi ito ng paumanhin.
" so...sorry kung inunanan ko ang braso mo." Hinging paumanhin nito at nag yuko.
Si y-ryx naman ay nakaramdam ng kunsensya dahil batid niyang nangalay din ito sa pagkakagantay niya rito, ganito sila matulog noong magkasama pa silang dalawa, minsan nga ay nag kikilitian at nag haharutan pa sila bago bumangon, at kung minsan naman ay magkatinginan lang sila ng malagkit ay may mamamagitan na sa kanilang dalawa.
" no.. ako dapat ang mag sorry ginantayn kita, nangalay ka ba?" Alalang tanong nito kay mandy mukhang nababasa naman ni mandy ang tinatakbo ng isip ni y-ryx kaya naman pinamulahan na siya ng mukha, mataman kasing nakatingin si y-ryx sa mukha niya at panak naka ang pag lipat ng tingin nito sa katawan niya.
" o..ok lang ako sanay naman na ako dito noon, diba ganito tayo matulog noon?." Pag uungkat ni mandy sa nakaraan nila.
" yes... what happen to us andeng?" Balik na tugon ni ryx.
" i..im sorry kasalanan ko ang lahat." Ani mandy na nagsisimula nanamang mamasa ang mga mata.
" stop that... tapos na iyon all you need to do now is to prove na wala sa daddy mo ang anak ko, pag napatunayan mo yun then hahanapin ko ang anak, and i will do anything to find my child." Ma autoridad na pagkakasabi ni ryx, na lalong nag pa bigat sa saloobin ni mandy, nanatili lang nakayuko si mandy at pasimpleng nag punas ng luha sa mata.
Dahil sa kunsensyang nadarama para kay mandy ay inangat ni y-ryx ang baba ni mandy upang mapag masdan at matitigan sa mga mata si mandy.
" i told you to stop that, wala ng magagawa ang pag iyak natin ngayon, all we can do is to find our child." Mahinahong pagkakasabi na ni y-ryx kay mandy.
Kaya naman napapikit lang ng mga mata si mandy at tanging tango ang naging tugon nito.
Si ryx na ang nag pahid sa natirang luha sa gilid ng mata ni mandy, si mandy naman ay nanatiling nakapikit.
Nabulabog lang ang tagpo iyon ng biglang may maliliit na yabag ang kumatok sa pinto.
Doon lang nila napansin na silang dalawa nalang pala ang nasa silid.
Si y-ryx na ang nag bukas ng pinto at malaking ngiti ang ibinigay nito sa nabungarang nilalang pagka bukas ng pinto.
" umorning daddy, umorning mommy." Masayang bungad ng maliit na tinig ng batang babae sa kanila ni mandy.
Napangiti narin si mandy sa narinig na pag bati ng paslit kaya nagmulat na siya ng mata at bumangon na upang salubungin ang paslit, ngunit naunahan na siya ni y-ryx dahil pinupog na nito ng halik ang batang paslit sa buong mukha nito habang naka kulong sa mha bisig nito.
Natigil lang ang pag pupog nito ng halik ng mag reklamo ang paslit.
" ayay.. tusok si marx." Reklamo ng paslit sa maliit na bigote ni y-ryx.
" ryx... mag ahit kanga muna bago mo halikan ang mga bata." Sermon naman ni mandy kay ryx, animo'y isang ina na nanenermon sa ama ng anak.
Kaya naman tumigil na si ryx at nag yuko ng ulo." Sorry baby mag aahit na si daddy para hindi na ako pagalitan ni mommy." Anito habang karga ang paslit.
" good morning baby maryx." masayang bati naman ni mandy at humalik naman ang bata sa pisngi ni mandy dahil sa pagkakadikit nila ay hindi maiwasang magkadikit din ang mukha nila ni y-ryx habang karga nito ang paslit.
Nagkatinginan lang sila, ngunit si mandy ang unang nag bawi ng tingin, napalingong nalang sila sa isa pang paslit na dumating.
" umorning mommy mandy, umorning daddy ryx." Anang isa pang kambal.
Si mandy naman ang kumarga rito at pinupog ito ng halik.
" good morning baby yohan."
Panay hagikgik naman nito, kaya naman nakisali na si y-ryx at sa kili-kili ito hinalikan.
" ayay daddy, tusok kili ni yohan." Reklamo din ng isa pang paslit.
" ooppss sorry din baby, natuwa lang daddy sainyo." Napayuko nalang ito ng ulo ng makita ang titig ni mandy, kaya naman nag sorry din siya dito.
" sorry mommy, mag aahit na muna ako bago ko i kiss ang mga babies natin." Anito na ikinabigla din nito sa huli.
" o..ok tulungan mo nalang akong ibaba ang dalawang makukulit na ito sa baba para makakain na ng breakfast." Natatawang sambit ni mandy.
" ok.. lets go mga kids at nag mamading binuhat ito ni ryx sa magkabilang kamay at nag patiuna na sa pag baba, si mandy naman ay nag hilamos na muna.
Pagkababa ay naabutan ni y-ryx ang lahat na busy sa pag papakain ng mga paslit.
" good morning." Masayang bati niya sa mga kaibigan at sa mga namamahala sa mga bata.
" good morning din." Ganting bati naman nila sister sa kanya.
" naku kayo talagang dalawa kayo, hindi kayo papayag na hindi si mommy mandy ang magpakain sa inyo." Ani sister anna sa dalawang paslit.
" naku ganun po ba sister, pababa narin po si mandy baka nag hilamos muna yun." Ani ryx.
" daddy ryx ikaw po give ng food ko." Pagmamakaawa ni maryx kay ryx.
" ok baby, ano bang gusto mong food?" At mabilis naman kumuha ng pagkain nito si y-ryx ganun din kay yohan, kaya pag baba ni mandy ay sinubuan niya nalang ang paslit.
Dahil nauna ng kumain ang ibang mga bata ay nagkanya-kanya na itong langoy sa pool na hangang tuhod lang.
" dy..dy ebo turan mo po ako swim." Anang paslit kay evo.
" ok baby.. great choice swimmer itong si dy..dy evo mo." Ani evo at nag pati anod na sa paslit na may hawak ng kamay niya.
" ako din po dada bogurt." Segunda naman ng isa pang paslit, kaya naman tulad ni evo sumunod nadin ang tatlo sa mga paslit na humatak sa kanila.
" mga babies magpapalit lang si daddy ng pang swimming, dito lang muna kayo kay mommy ok?." Ani ryx at umakyat na sa silid upang maka pag ahit at maka pag palit ng damit.
Natutuwa naman si mandy dahil maluwag sa loob ni ryx ang maki halubilo sa mga paslit at pumayag pa itong tawaging daddy ng kambal at ng iba pang mga bata.