Pag uwi ni ryx sa kanyang bahay ay katahimikan lang ang sumalubong sa kanya, kaya naman nabalot nanaman siya ng pangungulila.
Gegewang gewang pa siya ng pumasok sa loob ng silid niya, mabilis na hinubad ang suot at nagtungo sa banyo upang maligo.
Kasabay ng pag patak ng tubig na nag mumula sa shower ay siyang pamimilisbis din ng mga luha mula sa magkabila niyang mga mata.
Akala ko masaya na ako, akala ko naka move on na ako bakit ganun, anang isip ni y-ryx.
Hinayaan niya lang sakupin ng tubig ang buo niyang katawan, mula sa ulo pababa sa tyan niyang may kurba ng abs hangang pababa sa sahig.
Ng kumalma na ang bugso ng damdamin ay nag pasya na siyang mag banlaw ng katawan binalot ang kalahating katawan sa tuyong tuwalyang puti.
Paglabas niya ay mabilis niyang tinuyo ang mga butil ng tubig sa katawan at nag bihis ng pantulog.
Simula ng iwan siya ni andeng ng gabing iyon ay poot at galit ang naiwan sa puso niya, ngunit ng makita niyang muli si andeng ay selos at inis ang naramdaman niya, aminado siyang nag seselos siya sa nakita niya kanina.
" magkakaharap din tayo, at babawiin ko siya sayo." Usal ni ryx sa kawalan.
Dala ng preskong pakiramdam kaya naman mabilis na dinalaw ng antok si y-ryx.
Kinabukasan ay maagang nag tungo si y-ryx sa opisina ng daddy niya, masaya itong sumalubong sa kanya at nag yakap pa sila.
" son finally your here, are you staying here for good?" Anito kay ryx.
" maybe." Tanging naitugon ni ryx sa ama, gayun pa man ay masaya ang ama niya na makita siyang naroroon sa loob ng kumpanya nito.
Marahil nababasa nito sa kinikilos ng anak na nagugustuhan na nitong manatili sa bansa.
" dad i found her." Pag papaalam nito sa ama na ikinatuwa naman ng ama.
" really?, ano nakausap mo naba?, kung kinakailangan na pasubaybayan ko ang buong bahay nila gagawin ko, baka tinatago lang niya ang apo ko." Anito kay ryx.
napabuntong hininga nalang si ryx sa tinuran ng ama, wala mang kasiguraduhan na nakay andeng ang anak ay umaasa siyang nasa mga kamay nga ni andeng ang anak nila.
Muli nanaman niyang na alala ang nakaraan nila, ang araw na pinasunog ang bahay nila.
Matapos iwan ni andeng, at piliing sumama sa ama nito ay naiwan sa pangangalaga niya ang anak nila, ngunit matapos niyang maisampay ang mga labahin sa likod bahay ay laking gulat nalang niya ng biglang tupukin ng apoy ang bahay nila, mabilis kumalat ang apoy sa bahay nilang gawa sa pawid, nag wawala siyang makapasok sa bahay nila ngunit agad siyang pinigilan ng kaibigan niyang si harold na napadaan lang sa bahay nila.
" ANAK!!, PARE ANDUN ANG ANAK KO SA LOOB, KUKUNIN KO ANG ANAK KO." ani ryx sa kaibigan, halos mag pambuno na sila sa pagpupumilit niyang maka pasok sa bahay nila.
Wala na siyang nagawa ng mga sandaling iyon, hangang sa panawan na siya ng ulirat, dala ng pagod at puyat.
Nakamulatan niya na lang na nasa hospital siya at andun na ang mga magulang niya, nakatunghay sa kanya at walang patid ang pag iyak ng mommy niya, nahimasmasan lang ito ng mag mulat siya ng mga mata.
" a..asan ako?, asan ang anak ko harold?" Aniya sa kaibigan.
Pag gising ni ryx ay ang anak ang agarang hinanap niya, dala ng pighati kaya naman hindi masyadong nakaka kain ng maayos si ryx, dahilan kaya mabilis siyang pinanawan ng ulirat, dala na rin ng puyat sa pag babantay sa bagong panganak na anak.
" tol wala ang anak mo sa bahay niyo, walang bangkay ng bata na natagpuan sa loob, baka may kumuha sa kanya habang nasa likod bahay ka." Pag lalahad ni harold kay ryx.
" what!! si..sino naman ang kukuha sa anak ko?". Ani ryx.
Tanging iling lang ang naitugon ni harold sa kanya, masaya siya sa sinabi nitong hindi nakasama ang anak sa sunog, ngunit malungkot siya sa isiping may ibang kumuha nito, halo halong isipin ang pumapasok sa isip niya ng araw na iyon, kaya naman tulala lang siya.
Nang masiguro ng magulang niya na ma aari na siyang ilabas sa hospital ay agad nitong inayos ang mga papeles at babayarin upang maka labas agad siya sa hospital at dinala siya ng mga ito sa bahay nila sa manila.
Ilang buwan din siyang natutulala sa pangyayari sa buhay niya, iniwan siya ni andeng, ngayon naman nangungulila siya sa anak na nawalay sa kanya, at na nanatiling palaisipan sa kanya kung sino ang kumuha sa anak niya, ngunit may hinuha na siya kung sino ang ma aaring kumuha sa anak niya, ngunti ng mga panahong iyon nais niya munang may mapatunayan kay andeng at sa ama nito pag nagkaharap silang muli, kaya pinaunaya niya ang pag hahanap sa inupahang detective ng daddy niya.
******
Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang pangungulila ni mandy sa anak, kaya naman nagawa niya ng ipahanap si ryx sa detective ngunit ayon dito ay mag isa itong nagtungo sa ibang bansa at kasalukuyang nag ma masteral sa kursong kinuha nito, ang ipinagtataka niya nga lang ay bakit walang ibinalita sakanya ang naturang detective tungkol sa anak nila.
Upang maka pag bakasyon sa ina ay lumagare ng trabaho si mandy, halos hindi na siya umuuwi sa condo na tinitirhan niya, minsan ay sa hotel sila na malapit sa lokasyon tumutuloy upang mabilis makarating sa lokasyon ng trabaho niya, minsan nga ay napag kakamalan niyang laging may naka masid sa kanya, ngunit iniisip niya dala marahil ng pagod at walang matinong tulog kaya ganun siya mag isip.
******
Ilang buwan ng sinusubaybayan ni ryx si andeng, madalas nitong isubsob ang sarili sa trabaho, pag nasa condo naman ito ay maghapon itong nagkukulong, hindi niya na maintindihan ang sarili niya, ang galit na nararamdaman sa dalaga ay tila unti-unti ng napapawi at napapalitan ng awa para dito.
Minsan ay nag panggap siyang delivery boy at nakita niya na mag isa lang ito sa loob ng silid nito at nag mumukmok doon, ramdam din ang kalungkutan ng nasabing lugar, nagawa niya na ding lumipat sa katabi nitong unit upang mas lalong masubaybayan ang ina ng anak niya, lihim siyang nakamasid kay mandy, minsan niya na ding sinubukang kausapin ito ngunit bigla siyang nag kuli dahil may mga kasama itong p.a at make up artist, kaya naman sinabi niya sa sarili niya na one day ay makakahanap din siya ng pagkakataon upang makausap ito.
******
Masayang nag mulat si mandy ng araw na iyon dahil kaarawan niya at ng anak na nawalay, umusal muna siya ng panalangin, sana ay makita ko na sila, anang isip niya at nag bangon na siya upang makapag ayos, dahil matagal niya ng ipinag paalam ang araw na iyon sa manager niya upang maging bakanteng araw niya, tatlong araw ang hiningi niyang day off, at dahil kaarawan ay pinayagan siya nito, ayaw man niyang mag daos ng kaarawan ng maraming beses ngunit sa propesyon niya ay natural ang ganoong pag diriwang kaya sa pag balik niya sa trabaho ay napipisil niyang may sorpresang niluluto ang mga ito para sa kanya.
" ate mands happy birthday." Masayang bati ni tanya sa kabilang linya ng telepono.
" salamat anya." Pasasalamat niya naman dito.
" ate, andito kami sa labas." Masayang pag papaalam nito na ikinagulat naman ni mandy, hindi niya akalain na pupunta ito sa kanya ng araw na iyon at sa ganoong ka aga.
Kaya naman dali-dali siyang tumungo sa pinto ng entrada at sinilip si anya.
Laking gulat niya ng hindi lang si anya ang nanduon, maging si tito rey at mommy nito, pati narin si duke at ang p.a at asisstant niya maging ang make up artist niya.
Pag bukas niya ng pinto ay masayang bumati ang mga panauhin sa kanya at humalik sa pisngi.
" happy birthday." Masayang bungad ng mga ito sa kanya.
" thank you, ginulat niyo ako huh!!." Naluluhang pasasalamat ni mandy sa mga ito, mag mula kasi ng mag artista siya ay ito na ang madalas niyang makasama sa tuwing mag didiwang siya ng kaarawan, kaya naman mabilis niyang tinapos ang mga proyektong gagawin upang maka dalaw sa inang nasa ibang bansa kasama ang lola niya.
" anak, nag pa reserve kami ng lunch sa restaurant nila duke." Masayang paglalahad ng manager niyang si tito rey.
Dahil ang schedule niya sa araw na iyon ay puntahan ang mga bata sa angels heaven upang dalhin sa resort na nirentahan niya, kasabay niya rin nag diriwang ng kaarawan ang kambal, bilang blow out niya sa kaarawan nilang tatlo mamayang gabi, kaya naman pinaagang lunch ang napili ng tito rey niya upang makasalo siya sa pag diriwang niya ng kaarawan.
Pag dating sa reastaurant ay may iba pa siyang mga panauhin na hindi inaasahan na dumalo, ikinagulat din niya ng makita ang lalaking kasayaw niya sa party ni duke, maging ang kapatid ni duke at mga kaibigan nito ay nandun din.
" happy birthday miss mandy." Sabay-sabay na bati sa kanya ng mag kakaibigan.
" thank you, na surprise talaga ako, hindi ko ineexpect na may ganap pala ngayon, salamat sa pag punta." Magiliw na pasasalamat ni mandy sa mga bagong kaibigan.
Nagulat pa siya ng may i abot na bulaklak si basty ang kasayaw niya nung birthday ni duke.
" ohh, thank you." At magiliw niyang tinanggap ang inabot nitong bulaklak.
Sa gilid naman ay panay senyasan ng mag kakaibigan, na animo ay may lihim na pag uusap ang nagaganap, ng mapansin ni duke ang mga kuya niya ay pasimple niyang binulungan ang kuya evo niya.
" whats with that move mga kuya?." Usisa niya sa mga ito.
Natigilan naman ang mga ito sa ikinikilos at natatawang hinarap si duke, nagulat naman si duke ng hatakin siya ng mga ito sa isa sa mga private room nila sa nasabing lugar.
" what happened mga kuya, a..asan nga pala si kuya ryx.?" Anito sa mga nakakatanda sa kanya.
" ahhhmmm... duke we have something to tell you." Umpisa ni evo.
Si duke naman ay mataman lang na nakatingin sa mga ito, nagtataka man ito sa ikinikilos ng mga kuya niya, ngunit isinawalang bahala nalang niya ito.
" ano kasi duke." Ani nate.
" si ate mandy mo at si kuya ryx mo." Ani liro, kaya naman napakunot noo si duke sa tinatakbo ng usapan nila.
" what do you mean ba mga kuya, will you please tell me about them, ano ba sila?." Ma usisang saad nito.
Kaya naman si bogurt na ang nag patuloy at nag lahad sa kung anong meron sa dalawa.
"Paligoy ligoy pa kayo, naguguluhan tuloy yung bata sa inyo, ahhhmmm!!.. kasi duke si kuya ryx mo at si ate mandy mo." Anito at bumilang pa sila ng ilang minuto ngunit hindi rin ito nag salita, kaya mga naka nganga sila sa harap nito at naghihintay ng sasabihin nito.
Nang mainip na sila ay si evo na ang sumita rito.
" maka paligoy ligoy ka samin ikaw pala diyan ang paligoy-ligoy eh." Anang mga ito kay bogurt
Hangang sa mapalingon silang lahat sa may pinto ng bumukas ito at iniluwa nito si y-ryx, tuwid mukha itong nakatingin sa mga nasaloob ng silid, kaya naman si duke na mismo ang lumapit dito at nangusisa ukol sa mga pinag sa sasabi ng mga kuya niya rito at kay mandy.
" ohhh, kuya ryx buti dumating ka, akala ko hindi ka sisipot eh, hihingi sana ako ng favor sa inyo para maging sponsor ng angels heaven orphanage, para sa mga batang tinutulungan ni ate mandy." Ani duke.
lumapit na si ryx sa kanila at inakbayan nito si duke, " yun lang ba duke, no problem matagal na bang tinutulungan ni mandy ang orphanage na iyon.?" Pangungusisa pa nito.
" mag 3years na ata kuya, feel niya daw kasi naiibsan nun ang pangungulila niya sa importanteng tao sa buhay niya." Ani duke.
Dahil sa sinabi ni duke ay nawala ang agam-agam ni ryx na si mandy ang kumuha sa anak nila, marahil iyon ang naisip ni mandy upang maibsan ang pangungulila sa anak nila, ngunit asan nga kaya ang anak nila, ayos sa imbestigador na inupahan ni ryx ay wala rin sa ama nito ang bata, ayon pa sa imbestigador ay mag mula ng ilayo nito si mandy sa kanya pagka panganak sa anak nila ay bumilang lang ng isang lingo at umalis ito sa poder ng ama, binalikan siya nito sa dating bahay nila ngunit wala na itong nabalikan dahil nga sa insidenteng halos ikamatay ni ryx, ang isiping namatay ang anak mo sa sunog na wala kang nagawa ay parang ikinamatay mo narin bilang magulang, ngunit ang malaman na hindi ito nakasama ay nabuhayan siya ng loob, ngunit hangang nagyon ay palaisipan parin sa kanya kung sino ang kumuha sa anak niya.
" duke can i ask you something?." Ani ryx.
" yes kuya, ano nga pala yung mga sinasabi nila na about sa inyo ni ate mandy?." Ani naman ni duke.
Humugot muna si ryx ng malalim na buntong hininga bago nag salita kay duke.
" your ate mandy and my andeng is the same person." Paglalahad nito na ikinagulat ni duke, nanlalaki ang mga mata nito sa pahayag ni ryx at saglit pa itong nag isip.
" you mean your andeng, the mother of your missing daughter?" Gulat na turan nito.
" yes, she is." Anito.
Unti unti nag sync in sa isip ni duke kung bakit madalas itong magtungo sa orphanage upang maghatid ng mga pagkain at laruan sa mga bata, dahil nangungulila ito sa anak na iniwan kay kuya ryx niya, ngunit napaisip din siya kung alam naba nito ang nangyari sa anak nila, alam na kaya nitong nawawala ang bata.
" kaya pala ganun si ate mandy sa mga bata sa orphanage, siguro dahil na mimiss na niya ang anak niyo kuya ryx." Anito kay ryx.
" ako din na mimiss kona ang anak namin, sana mahanap na siya ng investigator na hinire ko, sabik na sabik na akong makita ang anak ko." Naluluhang sambit nito.
" pero kuya diba ang sabi mo noon, baka si andeng mo ang kumuha sa baby niyo?, i.. think hindi siya, i think ibang tao." Ani duke na sinang ayunan naman ni ryx.
" sa tingin ko nga din duke, kasi kung nasakanya ang anak namin hindi siya magiging ganyan kalungkot, i know her masayahing tao si andeng, kahit sa maliit na bagay sumasaya na siya at nakikita ko yun sa mga mata niya, but now she's different from before, yung time na magkasama pa kami at hinihintay ang paglabas ng baby namin, and i saw it in her eyes she is sad and i feel her." Malungkot na saad ni ryx.
" i think kuya ryx, dapat mag kausap kayong dalawa, wala naman siyang nababanggit sa past niya pero ramdam ko rin na malungkot siya, baka ikaw lang ang mag pasaya sa kanya." Udyok pa ni duke sa binata.
" na isip kona rin yan, actually lumipat na nga ako ng tirahan para lang masubaybayan siya, sa katabing unit niya na ako nakatira ngayon." Masayang pag papaalam nito sa mga kaibigan.
" woaahhh, talaga bro, thats good to to know bro." Ani evo habang tinatapik si ryx sa balikat.
" bro bakit kaya hindi mo nalang ligawan ulit malay mo ikaw lang pala hinihintay niyan." Ani liro.
" oo nga bro, balita ko walang boyfriend yan." Si nate.
" wala nga yang boyfriend ngayon, pero may umaaligid na, yung kinakapatid nitong dalawa, yung anak ni mayor may pa flowers pa kanina." Pangbubuska naman ni robert habang tinitignan ang reaksyon ni ryx.
Napa igting panga naman si ryx sa nalaman kaya naman buo na ang loob niyang kausapin si mandy.
" after this, alam mo ba kung saan siya pupunta?." Usisa ni ryx kay duke.
" pupunta siya sa orphanage para sunduin yung mga bata, kasi nag rent si ate mands ng private resort para sa mga bata, sinasama niya nga kami gusto niyo rin bang sumama?." Anito sa kanila, kaya naman mas nabuhayan si ryx ng loob at kasalukuyang nag iisip kung paano makakalapit ng sarilinan kay mandy.
" ok, sasama kami, i want to talk to her alone, can you help me mga bro?." Anito na ikinangiti naman ng mga kaibigan nito.
" we will help you bro, kahit hindi mo hilingin were brothers even not by blood but in hearth." Ani evo na sinang ayunan naman ng mga kaibigan nila.
" your'e right fafa evo." Ani bogart na ikinatuwa naman nilang lahat.
Habang nasa loob ng naturang lugar ay nag pa plano na sila ng mga gagawin upang makapag usap si ryx at mandy ng sarilinan.
Si duke naman ay lumabas na upang makisalo sa pagtitipon sa labas, doon ay ang pag awit na ng birthday song ang naabutan niya, piling tao lang ang dumalo sa kaarawan ni mandy, tanging malalapit lang sa kanya, matapos kumain ay nag usap-usap pa sila ang iba naman ay nag paalam na, tanging ang tito rey, mommy minds ni tanya, si tanya at duke at ang iba pa nilang madalas kasama na katuwang sa trabaho ang naiwan doon.
" ohh pano aalis na kami nitong bff ko, happy birthday mandy, duke tanya samahan niyo na muna ang ate mandy niyo sa pupuntahan niya." Ani tito rey sa kanila.
" duke, banatayan mo ang dalawang ito huh!!, bawal lapitan ng kahit sino ang mga anak kong ito, lalo na itong unica iha ko ikaw lang ang pinapayagan kong makalapit diyan, ito naman si mandy binilin ito ng bff namin ni rey samin kaya duke ijo.. ikaw na bahala ahhh." Ani tita minds sa kanila matapos humalik ay nag paalam na ito sa kanila.
" ahhmmm, ate mands ok lang ba kung isasama ko ang kuya ko pati ang mga friends niya, para maka bonding din nila ang mga bata kasi willing silang mag sponsor sa mga bata sa angels heaven." Pag papaalam ni duke kay mandy.
" oo naman duke, walang problema iyon, isa pa na meet kona din naman sila and all i can say ay mababait naman sila, and thank you nga pala dahil willing silang mag sponsor sa mga bata." Nagagalak na saad ni mandy kay duke.
" so pano ate mands, tara na sa iisang van nalang tayo sumakay para masaya." Ani pa ni duke na sinang ayunan naman ni mandy, silang dalawa nalang ni tanya ang sumaam kay mandy, ang ibang kasama nila ay nag paalam upang maka pag day off kasama ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito.
" ok mukhang maganda yan." Ani mandy.
Dala ang mga gamit ay isa-isa na silang sumakay sa van na gagamitin nila, sa dulong bahagi ng van ay nakasakay si mandy at tanya, sa tabi ni tanya ay si duke, sa harapang bahagi naman ang mag kakaibigan si evo ang nag mamaneho katabi niya si liro at nate, si bogurt naman nasa bandang gitna at panay ang pangungulit kila duke, tanya at mandy.
" miss mandy pasensiya kana sa kaibigan naming ito huh!!, safe naman yan kababakuna lang ng anti rabies niyan, kaya harmless yan." Ani evo habang nag mamaneho na ikina halakhak naman ni mandy.
" naku ok lang, enjoy nga ang byahe natin eh, hindi tayo maiinip." Ani mandy.
" kita mona miss mandy, ganyan ka sweet yan mga kaibigan kong iyan, mga baklang toh, nilalaglag ako kay miss mandy, pagkukurutin ko mga singit niyo dyan eh." Ani bogart sa tonong binabae.
Lalo tuloy natuwa si mandy sa pagkukulitan ng mga ito, at napuno sila ng tawanan habang nasa byahe.
Pagdating sa orphanage ay naabutan nilang bihis na ang mga bata at panay na ang tanong ng mga ito, dahil sa sorpresang hindi inaasahan ni mandy kaya naman nahuli siya ng ilang oras sa pagpunta sa orphanage.
Pagka hinto ng sasakyan ay isa-isang lumabas sila mandy, at patakbong lumapit sa mga batang naghihintay.
" mga anak, sorry na late si mommy mandy." Ani mandy habang yumayapos at humahalik sa mga paslit.
Mula sa labas ng orphanage ay naka hinto ang sasakyang kinalululanan ni ryx, sinadya niyang hindi sumabay sa sasakyan ng mga ito upang hindi malaman ni mandy na kasama siya sa mga ito, baka kasi hindi maging maganda ang pagkikita nilang iyon kung makikita siya agad nito at maging dahilan pa ng pagka unsiyami ng lakad ng mga bata, kaya nag desisyon siyang magpapatulong siya sa mga kaibigan niya upang makausap ito, nakaramdam siya ng kasabikan ng makakita ng mga bata.
Ang laki ng ngiti niya ng makita kung paano ni mandy pakitunguhan ang mga bata at ganun din ang mga bata kay mandy.
Panay halik at yàpos ang mga bata kay mandy, nakakatuwang makita ang ngiti ng mga ito ng makita si mandy na bumaba sa sasakyan.
*****
Dahil 12 pa lang ang bata sa pangangalaga ng angels heaven kaya hindi sila masyadong nahirapan.
Mabuti na lang at sumama ang mga kaibigan ng kuya ni duke kaya may katuwang sila sa pag babantay ng mga bata, pawang nasa 4,3, 2 ang edad ng mga batang kasama nila, dahil bago pa lang naitatag ang nasabing bahay panuluyan ng mga batang inabandona at pinaki alagaan pansamantala, kaya naman kakaunti pa lang ang mga bata rito.
pagdating sa naturang lugar ay sa coaster na inarkila ni mandy sila sumakay at si evo naman ang naiwan sa van na sinakyan nila upang mag maneho ng van dahil dadalhin din nila iyon sa resort.
Pagdating sa resort ay tuwang tuwa ang mga paslit ng makita ang swiming pool, at sa kusina naman ay may ibat ibang pagkaing naka handa, sa gilid naman ay may chocolate fountain at desserts bar na puno ng marsmallows, cookies,cupcakes at mga chocolates.
" mga bata gutom na ba kayo?." Ani mandy sa mga paslit.
Sabay-sabay namang tumugon ang mga ito kaya naman niyakag niya na ang mga ito sa hapag upang makakain na.
" mga bata kantahan na muna natin si mommy mandy niyo ng birthday song pati ang kamabal na si yohan at maryx." Ani sister anna.
Matapos silang kantahan at mag blow ng kanya-kanya nilang candle ay tuwang tuwa na nakapila ang mga paslit upang halikan siya bago kumain ang mga ito.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay na kumpleto na ang kaarawan niya, ang huling yumakap at humalik sa kanya ay ang kambal.
" py birthday mommy." Ani yohan at humalik sa pisngi niya sunod naman bumati ay si maryx.
" a birthday mommy, wala ako gift kaya kiss alang kita adami." Anito na ikina hagikgik ni mandy.
" ok lang yan baby, basta ang importante kay mommy masaya kayo, ito pala gift ni mommy sa inyo." Ani mandy habang yakap yakap sa mga bisig ang dalawang kambal, tuwang tuwa naman ang dalawa sa regalong ini abot niya sa dalawa.
******
Mula sa labas ng resort ay tanaw ni ryx si mandy na may yakap-yakap na dalawang paslit, hindi niya maintindihan ang tuwang nararamdaman ng mga oras na iyon, biglang lumukso ang puso niya, at nanghihina ang kanyang mga tuhod, parang gusto niya ring makiyakap sa mga ito.
Ngunit pinilit niya nalang makuntento sa pagmamasid sa mga ito kaya naman pinakalma niya ang nararamdaman, ng makahuma ay matyaga siyang nag hintay sa loob ng sasakyan niya, mamaya ay makakausap niya narin naman si mandy kaya mag tya tyaga na lang muna siya sa pag tanaw sa ina ng anak niya.
Habang nag hihintay sa tawag ng mga kaibigan ay nakuntento muna siya sa pag tingin sa mga larawang matagal niya ng pinagkakatago sa wallet niya, kuha nila ni mandy ang larawang iyon noong unang beses silang mag date sa mall, dahil uso ang photo studio sa mga mall ng mga panahong iyon ay nag pakuha din sila, habang nakayakap siya kay andeng at masaya silang nag pakuha ng larawan, magmula nun ay hindi niya inalis ang larawang iyon sa wallet niya, magpa hangang sa ngayon ay pinagkatago tago niya parin ang tanging larawan na meron sila.
Napakunot na lamang siya ng noo ng biglang mag ring ang kanyang telepono.
" bro, nasa loob na ng room niya si andeng mo puntahan mo na doon sa taas dulong kwarto sa kaliwang bahagi." Anang kaibigang si bogurt, kaya naman dali-dali siyang lumabas sa sasakyan niya at mabilis na tinungo ang silid na kinaroroonan nito.