revelation

2742 Words
" duke duke!!, happy birthday." Masayang bati ng mag kakaibigang evo, robert,nate, liro at y-ryx. " thanks mga kuya, ano bang gift niyo sakin?." Usisa naman nito sa mag kakaibigan. " ayyy kailangan ba may gift?." Ani nate. " sorry little bro nakalimutan namin na kailangan pala may gift pag umattend sa birthday mo, tara na mga bro alis na tayo wala pala tayong regalong dala." Ani evo sa kapatid. " hahahaha, ok lang mga kuya kahit wala kayong gift sakin, basta ang importante ay andito kayo ngayong birthday ko, at kumpleto kayo." Ani duke sa mga nakakatanda sa kanya. " yan ang gusto ko sayo duke duke." Ani evo. " hahaha, pwede ba namang wala kami gift sayo ngayong birthday mo?" Ani nate. " oo nga naman, ako duke ito ang gift ko sayo ohh, nakikita moba yung mga chicks doon, mamili kana sa mga yan mamaya ibibigay ko siya sayo." Ani robert kay duke, kaya naman pinag babatukan ito ng mga kaibigan. " loko ka talaga bogart, tinulad mo pa yung bata sa iyo, eh! Nuknukan ka ng pagiging babaero." Ani liro kay bogart. " grabe ka naman bro, hindi ba pwedeng na gwa gwapuhan lang sila sakin kaya panay lapit ng mga girls sakin." Mayabang na saad naman nito. " na gwa gwapuhan, sabihin mo bolero ka lang talaga, mabulaklak yang bibig mo." Ani y-ryx kay bogart. " grabe talaga kayo sakin mga bro, salamat sa moral support niyo huh!." Natatawang tugon nito sa mga kaibigan. " your welcome bro." Sabay sabay na tugon naman nilang apat. " ito duke totoo na talaga ito, this is my gift to our birthday boy." Sabay labas ni y-ryx sa dalang maliit na kahita. Agad namang nanlaki ang mga mata ni duke sa regalong ibinigay ng kuya y-ryx niya sa kanya. " thank you kuya, uyy g shock watch." Malapad ang ngiting nag pasalamat kay y-ryx, sunod naman na naglabas ng regalo ay si evo. " ito naman ang gift ko sayo little bro." At nilabas nito ang kahon na naglalaman ng bagong celphone isang latest i phone. " wow hindi na kuripot ang kuya ko." Ani duke kaya naman napahagalpak ng tawa ang mga kaibigan nito sa tinuran niya. " hahaha, grabe ka sakin little bro." Ani evo na natatawa sa tinuran ng kapatid. " ito naman ang regalo ko sayo, duke duke." At kinuha ni liro ang malaking kahon sa likod ng lamesang inuupuan nila. " woaaahhh... jordan 12." kinuha naman agad ni duke ang kahon na ini abot at nag pasalamat, dahil mahilig siya sa sapatos kaya naman marami siyang koleksyon nito at ngayon ay maidadagdag niya pa ito sa koleksyon niya. " ok ako naman ito ang gift ko sayo." Isang plane ticket ang ini abot ni nate. " woahhh trip to batanes, yes makakapag out of town na din ako mag isa." Ani duke, dahil bunso ito kaya naman mas mahigpit ang mommy nila ni evo pagdating sa kanya, mas makulit kasi ito kesa sa kuya evo niya, kaya ganun nalang kung pag higpitan ito ng mga magulang pati ang pag pasok sa industriya ng showbiz ay tinutulan ng mga magulang nito nung una, kaya naman ng mapansin ng mga ito ang pagiging responsable at pagiging masunurin na naidulot ng pag pasok ni duke sa showbiz ay sumang ayon na ang mga ito sa kanya, magmula kasi ng mag artista siya ay natuto na siyang pahalagahan ang mga bagay na meron siya at pinag yayaman niya na ang mga ito, nagkaroon din siya ng desiplina sa sarili ang dating mabarkada at bulakbok na duke ay focus na sa ginagawa at madalas sa bahay nalang pag walang pasok sa school at pag walang taping at kung gumimik man ay sa bar na pag aari lang ng kuya niya ito makikita. " kuya bogart ikaw ano naman regalo mo sakin?." Anito sa pang lima sa mga kaibigan ng kuya niya. " diba nabigyan kana ni y-ryx ng relo, si evo naman cellphone, tapos si kuya liro mo sapatos, si kuya nate mo naman solo trip to batanes? Eh... ako naman balatuhan mo sa mga nakuha mo sa kanila, tumatanggap ako kahit hindi kopa birthday." Anito kay duke habang itinataas baba ang dalawang kilay nito. Kaya naman pinagtulong tulungan itong kuyugin ng mga kaibigan nito at pabirong pinag kukutusan. " aray!!, grabe kayo mga vakla ahhh, mga ate kuya mga vakla itong mga kasama ko, ito si eva,si lira, natalia, at ang pinaka fresh fron state si yrish." Anito sa kilos babae. Panay tawanan lang ang namutawi sa mga naka paligid sa kanila kaya naman mas lalo siyang kinuyog ng mga ito. " mga kalokohan mo talaga bogart, baka maniwala yang mga yan.. type ko pa naman yung isa doon ohh." Ani nate na naka nguso sa babaeng itinuturo sa mga kaibigan nito. " wahahaha, ito na nga ohhh pumikit ka muna duke, ibibigay kona ang regalo ko." Anito at hinatak si tanya at dinala sa harap ng nakapikit na si duke, habang sumesenyas ito sa mga kaibigan na wag magsasalita. " ready kna?" Pigil tawang tanong nito kay duke, ang mag kakaibigan ay nanahimik lang din at nag pipigil ng hagikgik. " yes im ready." Ani duke. " ok!!.. in the count of 3... open your eyes.. 1.2.3." Ani bogurt. " pag bukas naman ni duke ng mga mata ay ang magandang mukha ni tanya ang nakamulatan niya naka ngiti ito ng matamis sa kanya. " happy birthday duke." Masayang bati nito kay duke. Si duke naman ay masayang naka tunghay sa harap ni tanya . " ok na duke?, tara na mga bro iwanan na natin sila." Yakag ni bogart sa mga kaibigan. " huy, ano yon?," kunot noong tanong naman ni nate kay bogart. " regalo ko kay duke, ok na yun tuwang tuwa nga si duke, mas natuwa panga kesa sa mga ibinigay niyong regalo eh!." Ani bogurt sa mga kaibigan. " kahit kailan ka talaga eh!." Ani liro. " HAHAHAHA, grabe talaga kayo sakin mga vaklah, ito na duke ito na talaga." Ani bogurt at inilabas ang kahon na nag lalaman ng cube ang latest gaming gadget. " wow.. thank you kuya robert." Masayang pasasalamat naman ni duke. " ang sweet ni kuya no?, pero hati tayo diyan huh!, ako lang dapat kalaro mo diyan." Hirit pa ni bogurt kay duke. " oo nga eh, hindi mo manlang ibinalot kahit sa dyaryo man lang." Ani evo. " hahaha, nag mamadali na kasi ako, rush ko lang nabili eh, alam niyo naman busy ako lagi." Anito sa mga kaibigan. Matapos maibigay ang mga regalo ay nag paalam na din sila kay duke, upang pumunta sa nakalaang pwesto sa kanilang lima. Dumarami na ang mga bisitang dumarating at nagiging busy na si luke sa pag iistima sa mga bisita katulong ng mga magulang at ng kuya evo niya. Nasa loob na ang lahat ng mga panauhin ni duke ng dumating si mandy sa nasabing lugar na pag dadausan ng kaarawan ni duke. Pag pasok niya sa gate ay magalang siyang sinalubong ng security guard at nag pakuha pa ng larawan kasama siya at magiliw niyang sinang ayunan. " naku miss mandy maraming salamat po, doon nga po pala sa garden kayo mag punta, diretsuhin niyo lang po iyang path way ang dulo po niyan ay sa garden." Anang guardiya sa gate, matapos makapag masalamat ay nag paalam na si mandy at tinungo na ang kinaroroonan ng nasabing lugar na pinagdausan ng birthday ni duke, simpleng red dress lang ang suot niya ngunit hindi mapag kakaila na bumagay ito sa angking kagandahan ni mandy, simple ngunit elegante ang dating nito. " si miss mandy." Anang mga tao sa paligid ng makita si mandy na paparating, ang iba ay bumabati kay mandy ang iba naman ay kumakaway. " hello po miss mandy." " hello, kumusta kayo." Ganting tugon naman ni mandy sa mga bumabati sa kanya. Agaw eksena ang pag dating ni mandy kaya naman halos lahat ng mga panauhin na naroon ay sa kanya nakatingin. Masaya naman siyang sinalubong ni duke at tanya at humalik ito sa pisngi. " happy birthday duke, sorry medyo late, katatapos ko lang kasing mag shoot." Hinging paumanhin nito sa binata. " thats ok, ate mands the important is your here, also m.m at kuya cliford, and ofcourse lolo at lola." Ani duke kay mandy at binati din nito ang mga kasama ni mandy. " ito nga pala duke ang gift namin sayo, ito naman ang kay tito rey, hindi kasi siya makakapunta dahil nasa out of town shoot siya ngayon." Ani mandy sabay abot sa regalong dala. " thanks ate mands." Tara kain na muna kayo." Paanyaya pa ni duke sa kanila at maingat na inalalayan ang abuelo at abuela ni m.m matapos makapag mano. ****** Sa dikalayuan ay masayang nag bibiruan ang mag kakaibigang, liro, nate, evo at robert, si y-ryx ay nag paalam sa kanila upang magtungo sa banyo. " ang ganda talaga ni mandy." Ani liro. " oo nga eh." Segunda naman ni nate. " lapitan natin." Ani bogart. " ayan kananaman nakakita kananaman ng chicks, hindi tayo papansinin niyan, kaya manahimik kana lang diyan bogurt." Ani evo sa kaibigan. Nasa ganoong pag uusap sila ng magbalik si y-ryx sa kinaroroonan nila. " sino nanaman ba yang pinag tatalunan niyo?." Anito sa mga kaibigan. " oyyy, si amboy naka balik na pala, ayun ohhh si miss mandy." Ani evo. " the sexy." Ani bogurt. " the gorgeous." Ani liro. " no other than mandy escudero." Ani nate. Nanlalaki ang mga matang nabaling ang pansin niya sa babaeng pinag uusapan ng mga kaibigan, bigla siyang nakaramdam ng pag kabog ng dibdib, at tiim bagang niyang pinagkatitigan ang dalaga. Nagtataka naman ang mga kaibigan niya sa reaksyon niya, dahil mula sa masayang itsura ay napalitan iyon ng madilim at tiim bagang na pag titig sa dalaga. " hey bro what happen to you?" Alalang tanong ni evo kay y-ryx. " dont tell me bro, kakilala mo si miss mandy?." Ani nate. " or baka naman nagka kilala kayo sa states." Segunda naman ni liro. Ngunit si y-ryx ay titig na titig lang sa dalaga, at malalim ang hingang pinakakawalan. " dont tell bro, siya si andeng mo?." Ani bogurt na ikina gulat nilang lahat. Habang si y-ryx ay sarkastikong napangiti sa tinuran ni bogurt. " mandy?, or andeng she is the only one who makes my life mesirable, she ruin my life, and i hate her for doing this to me." Tiim bagang ni y-ryx. " woahhh siya pala yun." Ani liro. " ang lupit mo bro, bilib na talaga ako sa taste mo." Segunda naman ni nate. " magaya nga yang ginawa mo, mag papanggap nga akong kargador sa palengke baka may makilala din akong kasing ganda at kasing sexy ni andeng mo or mandy escudero." Mapang asar saad naman ni nate, na tinawanan lang ni y-ryx. ****** Noong mga panahong hindi sila nag kasundo ng daddy niya sa kursong kinuha niya sa kolehiyo ay pinili niyang umalis sa bahay nila, dahil madalas siyang kagalitan nito, hindi nito gusto ang kursong kinuha niya dahil siya lang daw ang nag iisang taga pag mana ng mga negosyo nila kaya business ad, ang nais nitong ipakuha sa kanya or accounting, ngunit siya naman ay engineering ang napupusuan, nais niyang tuparin ang kurso ng ina na hindi nito nagawa dahil tulad niya ay mariing tinutulan ng lolo niya ang kurso ng mommy niya, kaya naman kahit ayaw nitong mag doctor ay napilitan itong sumunod sa lolo niya, hindi ikinatuwa ng mommy niya kaya pagkatapos na pagkatapos nitong maging isang doctor ay umalis na ito sa poder ng mga magulang. At dahil ang daddy niya ang nasusunod sa bahay nila kaya naman walang nagawa ang mommy niya sa kagustuhan ng daddy niya, sa tingin niya ng mga panahon na iyon ay tanging pag alis sa poder nito ang solusyon upang maipag patuloy ang pangarap na maging isang inhenyero. Kaya naman sumama siya sa anak ng guard nila na kababata niya, kasalukuyan itong nag ta trabaho bilang kargador sa palengke, doon siya nakituloy habang pinag aaral ang sarili pinilit niyang maging scholar sa paaralang pinapasukan kaya naman hindi niya naging problema ang tuition fee, lumalagare siya ng trabaho bilang kargador sa madaling araw at waiter naman sa gabi, hangang namalayan niya na isang taon nalang ang bububuin niya sa pag aaral, doon niya nakilala si andeng katulong ito ng tita mae nito sa pag titinda sa palengke. Madalas siya ang nagbubuhat ng mga inoorder nitong mga gulay at kung minsan naman ay siya ang pinapasama ng tita mae nito kay andeng sa pamimili ng mga gulay sa divisoria, hangang sa hindi na nila namamalayan na unti unti na pala silang nag kakagustuhan. Si andeng ang unang nag pahayag ng nararamdaman sa kanya, muli nanamang nanariwa ang tagpong iyon sa kanyang alala. Sumama siya sa peryahang malapit sa lugar nila, kasama din niya si andeng at ang kaibigan nitong si riza pati ang kaibigan niyang si harold na anak ng guardiya nila. Sumakay sila sa ferris wheel ngunit bago umandar ay hinarap siya ni andeng at matamang pinaka titigan sa mga mata, nag pakiramdaman muna sila, ngunit bago umandar ang tsubibo ay nagulat siya sa mga salitang binitiwan nito. " I... i love you ryx." Ani andeng. napasinghap si y-ryx ng marinig ang sinabi ni andeng, hindi agad siya nakahupa, ng mapansin naman ni andeng na walang reaksyon si ryx ay inulit nito ang mga katagang binitiwan kay ryx, namamanghang pinagkatitigan naman ni ryx si andeng bago tumugon. Si.. sigurado kaba dyan?" Tanong niya naman kay andeng. " yes." Anito sa kanya. " kahit mahirap lang ako.?" Paniniguro pa nya kay andeng. " kahit sino at ano kapa ryx." Muling tugon nito sa kanya. At siyang pag andar naman ng kinalululanan nila, sa tuktok nun ay hinalikan niya sa labi si andeng, bilang patunay na may nanaramdaman din siya sa dalaga. Matapos ng tagpong pangyayaring iyon ay nag desisyon siyang ilihim muna nila ni andeng ang relasyon nila. Konting tiis nalang andeng matatapos na ako, maibibigay kona din ang panganagilangan mo at pakakasalan kita sa simbahan, ani ryx sa isip niya. Magmula ng maging sila ni andeng ay mas nag sikap siya upang makapag tapos ng pag aaral, doon siya nag simulang mangarap ng mataas, ipinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat maibigay lang ang mga bagay na ninanais niya para kay andeng, malaking bahay, magarang kotse at maginhawang buhay para kay andeng at sa magiging anak nila. ****** Masayang nakikipag usap si mandy kay tanya at duke, masayang masaya siya ng gabing iyon, marami siyang mga bagong nakilalang kaibigan. Habang masayang nag uusap ay hindi siya mapakali sa kinauupuan niya pakiramdam ni mandy ay may mga matang naka tingin sa bawat galaw niya ng oras na iyon, kaya pasimpleng inilibot ang paningin sa paligid ngunit lahat ng tao sa paligid ay may kanya kanyang pinagkaka abalahan, kaya naman binalewala niya na ang nararamdamang iyon. Sa di kalayuan ay matamang pinag kakatitigan ni y-ryx ang dating kasintahan. Kasalukuyan silang nasa gazebo di kalayuan sa garden ngunit tanaw na tanaw niya ang kinaroroonan ni mandy. " bro whats your plan now?, i mean ngayong nakita mo na siya ano ng balak mo?." Ani evo kay ryx. Buntong hininga ang tanging naisagot ni ryx sa kaibigan, hindi niya din alam sa sarili niya kung ano bang dapat gawin niya ng oras na iyon. " ang bigat nun bro.." tanging nasambit ni evo. "Ooopppss." Ani bogart kaya naman napatingin silang lahat dito, at sinundan ang dirkesyon na tinitignan nito. Mas lalong nag igting ang mga panga ni ryx sa natutunghayan, kasalukuyang kasing nakikipag sayaw si mandy sa lalaking lumapit dito, walang iba kundi ang anak ng mayor sa probinsiya at kinakapatid nila evo at duke. " pa ano ba yan bro, mukhang may umaaligid na sa andeng mo." Pang bubuska pa ni bogurt kay ryx na lalong ikinaningkit ng mga mata nito. " if i were you bro, lalapitan kona yan at i uuwi sa condo, para wala ng makaka aligid." Tudyo naman ni nate. " kesa maunahan kapa bro, babaero pa naman yang kinakapatid ni evo." Ani naman ni liro. Mabilis niyang nilagok ang iniinom na alak at pilit na pinapakalma ang sarili sa natutunghayan. " not now mga bro, i need some other time to talk to her." Ani ryx sa mga kaibigan. Habang pinakatitigan ni ryx si mandy ay iniisip niya kung panong makakausap ng sarilinan ang dalaga, Batid niyang sa galit na nararamdaman niya ngayon ay hindi niya mapipigilan ang sarili at baka kung ano pang magawa niya sa lalaking kasayaw ni mandy, ayaw niya ring sirain ang masayang araw ni duke, kaya gagawa siya ng paraan upang makausap si mandy ng sarilinan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD