the invitation

1796 Words
" Miss mandy andito na po tayo sa condo niyo." Pupungas pungas pang nag mulat si mandy ng mata at luminga muna sa paligid ng mabatid na nasa parking lot na sila ng condo niya ay tumayo na siya at nag lakad papunta sa elevator upang umakyat sa kasalukuyang tahanan niya. Maingat naman siyang inalalayan ng asisstant niya at ang driver niya ang nag dala ng mga gamit niya. Nang makapasok sa loob ng bahay niya ay dumeretso na siya sa silid upang mag alis ng make up at maghilamos ngunit natigilan siya sa pag lalakad ng tawagin siya ni ally ang p.a niya. " miss mandy may schedule po kayo bukas mall tour sa laguna pero bandang hapon pa naman." Paalala ng asisstan niya sakanya, dahil sa pagod at antok ay tumango lang siya at nag paalam sa mga ito. " DAD PLEASE, MAAWA KA SAKANYA." "WAG!!!" Tanging alingawngaw ng tunog ng baril ang nagpa bangong kay mandy, habol hininga siyang nag bangon, parang tinatambol ang kanyang dibdib kaya naman nag desisyon siyang mag bangon upang uminom ng tubig sa kusina. Napaupo nalang siya sa lapag ng kusina ng maalala ang panaginip niya, nanghihina ang mga tuhod na nakasandal siya sa ref. Matapos lumanghap ng malalim na pag hinga ay tumayo na siya upang bumalik sa silid. Muli nanaman siyang naka panaginip ng hindi ka aya-aya, nahirapan na siyang bumalik sa pag tulog kaya naman kinuha niya ang kahon na nakalagay sa ilalim ng kama doon pinagkatitigan ang larawang matagal niya ng tinatago, napabuntong hininga na lamang siya sa kalungkutang nadarama. Asan na kaya sila, bulong niya sa sarili niya, muli nanamang naglandas ang kalungkutan sa magkabila niyang mata, hanggang sa mapagod ay nakatulugan niya na ang ganoong pag iisip. Mabuti nalang at dapit hapon ang calltime niya kinabukasan kaya tiyak niyang makakabawi pa siya ng pahinga. Gaya ng inaasahan ay tinanghali na si mandy ng gising, kaya naman nag almusal na muna siya, bago gawin ang daily excercise routine niya. Dahil showing parin ang movie na pinag bidahan kaya naman kabi-kabilang mall tour ang pinupuntahan niya kasama ang mga kapwa artistang sila tanya at duke maging ang iba pang mga artista. Lulan ng sasakyan kasalukuyan niyang binabagtas ang daan papunta sa nasabing mall tour niya sa araw na iyon, kasalukuyang nakatigil ang sasakyang kinalululanan ng mahagip ng paningin ang mag inang namamalimos sa kalsada na habag siya sa kalagayan ng mga ito kaya naman pinakuha niya sa p.a niya ang nakahandang grocery, madalas siyang maybitbit na ganito sa sasakyan at ibinibigay iyon sa mga street dweller people sa kalsadang nadadaanan niya, kung minsan naman ay mga biscuits at cupcake ang binibigay niya sa mga batang nadadaanan niyang namamalimos sa kalsada. Naluluhang mga matang nag pasalamat ang ginang na may hawak na sanggol at magiliw itong nag pasalamat sa driver niya. Sa tuwing nakakapag share siya ng blessing sa mga taong salat sa buhay ay masaya ang puso niya, pakiramdam niya ay naiibsan nun ang pangunguliliang nadarama niya lalo na sa mga batang nakakalat sa kalsada. Pasimpleng nag pahid ng luha si mandy habang naka tanaw sa bintana ng kinalululanang sasakyan. " miss mandy napaka bait niyo po talaga." Anang asisstant niyang si m.m." " naku wala yun m.m, sobra sobrang blessing naman ang natatanggap ko kaya wala pa yang binibigay ko sa mga tao sa kalsada na nadadaanan ko." Nakangiting tugon naman nito. " miss mandy pwede ko po ba kayo maimbitahan mamayang kumain, birthday ko po kasi ngayon eh, sakto po malapit lang dito ang bahay ng lolo at lola ko." Magiliw na paanyaya nito. " ayyy oo nga pala, happy birthday m.m." masayang bati nito at may kinuha sa bag na nakalagay sa lapag nito, at ini abot ang paper bag na maliit kay m.m. " salamat po ms. Mandy." Masayang pasasalamat nito sa dalaga. " your welcome m.m, akala mo siguro nakalimutan kona ang birthday mo no?." Natatawang sambit nito sa asisstant na si m.m. Malugod naman itong ngumiti ng malapad sa tinuran ni mandy at niyapos naman ito ni mandy. Naging mainit ang pag tanggap ng mga tao kila mandy panay hiyawan at tili naman ang namayani ng lumabas na si duke at tanya, marahil nakaka relate ang iba sa storya ng pelikula kaya naman ganun nalang kainit ang pag tanggap sa kanila. Matapos ng mall tour ay sunod naman nilang pinuntahan ang bahay nila m.m, inanyayahan narin ni mandy ang dalawa na makisalo sa kanila sa pag punta doon, kaya naman nag pabili siya ng pagkain pang dagdag sa handa ni m.m. Nang makarating sila sa bahay nila m.m ay muli nanaman nanariwa sa kanyang alala ang simoy ng hangin at ang katahimikan. Bigla niyang naalala ang dating buhay sa probinsiya nila, noong kasalukuyang magkakasama pa silang mag anak sa iisang bahay, ganitong ganito din ang tanawin sa nayon nila kaya naman pakiramdam niya ay nakauwi siyang muli sa tahanan nila. Nakangiting sumalubong sa kanila ang lolo at lola ni m.m, dali-daling lumapit si mandy upang humalik sa kamay ng abuelo at abuela ni m.m. " mano po lo at mano po la. " ani mandy tinawag niya na din ang mga kasamang sila tanya at duke maging ang mga asisstant ng mga ito at tulad niya ay isa-isang nag pahayag ng pag galang ang mga ito sa abuelo at abuela ni m.m. " alam niyo na guys, ipasok na natin itong mga pagkain, tanya, duke tulungan natin sila mag dala ng mga ito." Ani mandy sa mga kasama. Kaya naman nag kanya kanya na sila ng dala sa loob ng bahay na ikinatuwa naman ng mga matatanda. " kami nalang po miss mandy ang mag dadala niyang lahat." Anang p.a ni mandy na agad naman niyang tinutulan. " hindi na po ate beng, lahat napo tayo mag bitbit para sabay sabay narin tayong makakain." Ani mandy kaya naman tulong tulong na silang mag pasok ng mga pagkaing pag sasaluhan nila, tumulong din ang kapwa niya artista na sina tanya at duke. " masaya pala pag ganito no?." Natutuwang sambit ni duke. " ganito talaga kami ni ate mandy, pagtapos ng trabaho pamilya ang turing namin sa mga kasama namin, kasi pinagsisilbihan kami at pinapahalagahan nila kaya ganun din ang ganti namin sa kanila." Masayang paliwanag ni tanya kay duke. Natuwa ang binata sa tinuran ng dalaga kaya naman malawak ang ngiting pumasok sila sa loob ng bahay nila m.m. " happy birthday to you, happy birthday, happy birth day, happy birthday to you." Matapos nilang kantahan si m.m ay agad din nitong hinipan ang cake sa hapag. " naka pag wish ka na ba?" Usisa ni mandy. " opo ate mandy, pero mamaya kona po sasabihin sa iyo." Ani m.m, ganito sila pag wala sa trabaho magkapatid ang turingan, ganito ang gustong tawag ni mandy sa kanya, subalit pag nasa trabaho ay miss mandy ang gustong itawag ni m.m kay mandy na sinang ayunan nalang ni mandy di kalaunan. " kumusta kana ba apo?" Usisang tanong ng abuela ni m.m kay mandy. " maayos naman po ako lola si nanay tasing po ba may balita kayo?." Usisa naman ni mandy sa tagapag alaga niya noong maliit pa siya. " ayun maayos naman daw sila doon, kaso ang daddy mo daw ay madalas na maisugod sa hospital." Malungkot na pagkakasabi naman ng abuela kay mandy. Napaisip si mandy sa kasalukuyang sikwasyon ng ama, may galit paman siyang nararamdaman sa ama ngunit ama niya parin ito, anang isip niya. " ito nga pala ang numero ni tasing diyan mo siya pwedeng tawagan, nawala na kasi ang luma niyang numero kaya hayan diyan mo na laang siya tawagan". Anang abuela. " salamat po, kaya ho pala hindi kona matawagan ang nanay tasing iba na pala ang numero niyang gamit." Ani mandy. Masaya silang nakapag daos ng kaarawan ni m.m at panay pang aasar naman nila sa p.a ni tanyang boyish at sa p.a ni duke na may pagka malambot ang kilos. " naku nica at tim baka magulat nalang kami kayo na pala huh." Pang bubuska pa ni duke sa dalawa. " naku sir duke, malabong mangyari yan, hindi kami talo nitong si tim no." Nandidiring tugon ni nica. " bakit pogi naman si tim, maganda ka naman bagay nga kayo eh." Segunda naman ni tanya. Ngunit tanging pag ngiwi at pandidiri lang ang mabababnaag sa reaksyon ng mga ito, tila ba inis sa isat isa, kaya naman panay hagikgik lang ang naging reaksyon nila dahil sa tinatakbo ng pang aasar nila sa dalawa. " oo nga bagay nga kayo eh". Segunda pa ni mandy sa dalawa. Panay ngiwi at kunot ng noo naman ang dalawa ni nica at tim kaya tuwang tuwa sila sa reaksyon ng mga ito. " naku miss mandy hindi po ako pumapatol sa babaeng kilos lalake." Ani tim na ikinataas naman ng isang kilay ni nica. " ako din po ate mandy hindi ako pumapatol sa lalakeng mas babae pa kumilos sakin." Tugon naman ni nica kay tim. " ayy hindi ba magkatipan ang dalawang ito?, abay akala namin ay magkatipan ito, bagay na bagay kasi itong dalawa." Sabat naman ng lola ni m.m. " see... pati si lola nakikita ang chemistry niyong dalawa." Ani duke sa dalawa. " oo nga... kaya sana kayong dalawa nalang kasi nakaka kilig kayong tignan eh." Natatawang sambit naman ni tanya sa dalawa. Sabay namang umirap ang dalawa sa isat isa, na mas lalong nag pa hagikgik sa kanilang lahat. " ohh siya tigilan niyo na nga ang dalawang ito, baka ma unsiyami pa ang pag iibigan ng dalawang yan." Anang lolo ni m.m na ikina tuwa nilang lahat, buong akala nila ay aawatin lang sila nito yun pala'y makiki pahapyaw ng tukso sa dalawa. Matapos nilang makapag pahinga ay nag paalam na din sila upang umuwi sa kanya kanya nilang tinutuluyan. Habang nakatanaw at kumakaway ang mga matatanda ay muling humarap si duke sa mga ito, lolo paps lola neng iinvite ko po sana kayo this week end, pati kayo guys invited please make sure na makaka attend kayo." Ani duke sa kanilang lahat. " oo nga pala duke, this saturday is your 21st birthday right?." Ani tanya. " yes anya... uhhhmm ok lang ba kung ikaw ang partner ko?." Paanyaya ni duke kay tanya. " oo naman yun lang pala eh." Anito kay duke. " saan ba ang venue?." Tanong naman ni mandy. " uhmmm, sa house lang namin ate mands, wag kayong mawawala huh!, para maipakilala ko din kayo sa parents ko." Ani duke sa kanila. " ok duke, medyo ma la late lang kami ni m.m pero i will make sure na makakarating kami." Ani mandy. " thanks ate mandy." Tugon naman ni luke. Matapos maka pag paalamanan ay nag kanya kanya na silang sakay sa mga dala nilang sasakyan at masayang nag paalam sa mga matatanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD