source of enjoyment

2361 Words
Matagumpay ang naging film showing ng pelikula nila mandy at tumabo ito sa takilya. " congrats satin, ate mandy." Ani tanya ng matapos na sila at kasalukuyan silang nag hahapunan sa isang pribadong restaurant. " anya, gusto mo bang sumama bukas?." Ani mandy " saan??, mag babakasayon kana ba ate mandy?." Mapang asar na tanong nito sa dalaga habang tinataas baba ang dalawang kilay. " bakasyon ka diyan, may project pa akong gagawin kaya hindi pa pwedeng mag bakasyon." Paliwanag naman ni mandy. " so... saan ka naman pupunta bukas?" Ma usisang tanong naman nito sa dalaga. " sasama kaba pag sinabi ko?" Panunubok pa ni mandy sa dalaga. " eh, kasi kailangan pa namin mag hanap ng bahay ampunan na tutulungan namin ng mga classmate ko eh". Malungkot naman nitong pahayag. " oh!!, sakto sa bahay ampunan nga ako pupunta bukas, na mi miss kona kasi ang mga bata roon." Masayang pahayag ni mandy kay tanya na ikinatuwa naman nito. " talaga ate, sige sama ako, mag sasama din ako ng mga classmate ko para magawa na namin yung project namin." Excited na saad naman nito. " gusto mo bang sumama mamili ng mga dadalhin kong toys sa mga bata?". Ani mandy na mas lalong ikinatuwa naman ni tanya. " sige ate, sasama ako, marami bang bata doon?, makukulit ba sila?, paano ba sila napunta doon." Usisa nito kay mandy na ayaw mag paawat kakatanong. Nasa ganun silang pag uusap ng biglang sumingit si duke sa usapan nila. " sama din ako ate, magbibigay din ako ng mga toys at food sa mga bata." Masayang pahayag pa ni duke. " mukha exciting ito ate, na eexcite na akong makita ang mga bata doon." Galak na sambit ni tanya. Lihim naman na natuwa si mandy sa reaksyon ng dalawa, kaya naman mas lalo siyang natuwa sa isiping may makakasama na siya sa pag bisita sa mga bata, at kapwa niya rin mga artista. " ok sige sumabay nalang kayo sakin papuntang dept store." Ani mandy sa dalawa. " ok ate, if you want we boluntarily lend you some help to wrap the gifts". Alok naman ni duke. " ok... i like that." Masayang tugon naman ni mandy at nag sabay na silang tatlo patungo sa lugar na pag bibilhan nila ng mga regalo para sa mga orphan. " Ate mand, may i dea kaba kung ilang taon na sila? At kung ilan yung mga girls at mga boys sa kanila?" tanong ni tanya. " yes i have a list of their age and their gender.. why?." Ani mandy. " i think much better if we buy, them some clothes for the kids... what do you think ate?" Suhesyon pa nito. " thats great, Anya i agreed with that brilliant suggetion." " ako i think mag do donate nalang ako para sa mga pangangailangan nila doon since mga toys at mga dress naman ang binili niyo para sa mga bata, kaya cash nalang ang ibibigay ko sa kanila." Tugon naman ni duke. " thank you duke.. sharing is caring..." ani mandy at masaya na silang namili ng mga ipapasalubong sa mga bata sa bahay ampunan. ****** " MOMMY MANDY!!." Masayang salubong ng mga bata habang papalapit si mandy. " Good morning mga anak." Masayang ganting bati naman ni mandy habang isa-isa niyayakap at ginagawaran ng halik ang mga bata. Panay hagikgik at nag uunahan sa pag yakap ang mga paslit, kaya naman mas lalong natuwa si mandy sa init ng pag bati ng mga bata sa angles heaven orphanage. " mga anak may mga kasama nga pala si mommy mandy." At isa-isa niyang pinakilala ang mga kasama. " naku!! Ms. Mandy maraming salamat sa mga dala mong pasalubong at pagkain para sa mga bata, ganun din sa mga kasama mo." Ani sister paula. " naku walang anuman po yun sister paula, basta para po sa mga bata." Magiliw na tugon ni mandy kay sister paula. Maghapon nilang ginugol ang mga oras sa pakikipag laro sa mga bata, masayang masaya ang mga bata sa pakikipag usap sa mga mga kaklase ni tanya at kay duke. " sister paula, asan po pala si sister anna, pati po yung kambal?." Kunot noong tanong ni mandy. " ahhh nasa loob ng kwarto, nilalagnat kasi yung kambal." Anito kay mandy, hindi naman maiwasan ni mandy ang malungkot at mag alala sa kasalukuyang lagay ng kambal kaya naman nag desisyon siyang puntahan ang mga ito. Pagdating sa loob ng silid ay naabutan niyang pinapakain ang kambal ni sister anna. " mommy mandy!!. " masayang tawag ng dalawang paslit kahit nanghihina pa. Awang awa naman si mandy sa nakikitang kalagayan ng dalawa kaya naman niyakap at hinagkan niya ang mga ito na parang sarili niyang mga anak, tatlong taon palang ang kambal, ayon kay sister anna ay niligtas daw ito ng babaeng nagdala dito dahil gusto daw ito ipapatay ng mga armadong lalaki ng gabing isilang ito, dahil malapit ang babaeng nagligtas dito kay sister anna kaya naman pumayag si sister anna na dito ma malagi ang kambal, at nangako na babalikan nito ang kambal ngunit tatlong taon na ang nakakalipas buhat ng iwanan ang mga ito sa angels heaven orphanage at hangang ngayon ay hindi parin ito binabalikan ng babaeng nag ngangalang loraine. " kumusta na mga baby, anong nararamdaman niyo?" Alalang tanong ni mandy sa mga paslit halos hindi magkanda ugaga ang kambal na makalapit kay mandy kaya naman ikinalong niya ang dalawang paslit sa magkabilang hita, at panay halik sa dalawa. " mommy mandy, batit nayon lang po ikaw punta?." Anang paslit na si maryz. " bakit nayun lang ikaw punta mommy mandy?". Segunda naman ni yohan. " sorry mga baby, naging busy kasi si mommy mandy sa work kaya ngayon lang naka dalaw si mommy, hayaan niyo pag freetime ni mommy isasama ko kayo sa beach para makapag enjoy naman tayo...ok ba yun?." Anito sa dalawang paslit kaya naman sumigla ang nangangalumatang mga mata ng paslit at tuwang tuwa sa tunuran niya. Tatlong taon ng tinutulungan ni mandy ang angels heaven at sa tatlong taon na yun ay mas lalo siyang napalapit sa mga bata, lalo na sa kambal hindi niya maipaliwanag ang saya ng puso sa tuwing nakakasama niya ang dalawang paslit, un identical twins ang dalawa si yohan ang panganay at si maryx ang bunso. " kuya yohan tingin ako gift ni mommy mandy sayo." Anang paslit, tuwang tuwa ang dalawa sa mga regalong natanggap mula kila mandy. " danda no?." Ani yohan sa nakababatang kapatid. " danda din gift ko ohhh." Pagmamalaki naman nito sa nakatatandang kapatid. " kaya kailangan sa susunod na punta ni mommy mandy dapat magaling na kayong dalawa, para maka pasyal naman tayo sa beach... ok ba yun?" Ani mandy sa kambal at tuwang tuwa naman ang dalawang sumang ayon sa tinuran niya. Inalalayan muna ni mandy magpakain si sister anna sa kambal bago nag paalam sa mga ito, sa tuwing nag papaalam siya sa mga bata dito ay binabalot siya ng kalungkutan at pangungulila, kaya naman gumagawa talaga siya ng paraan pag day off niya na makapasyal sa mga bata. " bye mommy mandy." Masayang paalam ng mga paslit sakanila. " bye mga anak." Dahil halos lahat ng batang naroroon ang nasaksihan niya mula ng iniwan doon ay mga anak na ang turing niya sa mga ito. Mabigat ang loob na sumakay si mandy sa loob ng sasakyan niya upang makaalis na sa nasabing lugar, ang lugar na ito ang isa sa pinaka paborito niyang lugar na puntahan. Madalas niyang kumustahin ang kambal, nakaramdam lang siya ng kasiyahan ng malamang maayos na ang lagay ng mga ito. Ganun siya mag alala pag may nababalitaan siyang nag kakasakit sa mga bata sa orphanage, kaya naman kahit makulitan na sila sister anna ay panay tawag parin ang ginagawa niya upang makibalita sa mga ito. " ang ganda yata ng mood ng alaga ko ngayon." Masayang puna ni tito rey kay mandy. " syempre po tito rey, magaling na po ang kambal at malusog ang mga anak anakan ko sa angels heaven." Masayang pag papaalam niya naman dito. " ayy.. bongga yan, mabuti naman kung ganun... siya nga pala kailan kaba dadalaw sa mudra mo, nag dadrama nanaman kasi hindi mo na daw ata siya mahal kaya hindi kana dumadalaw sa kanya." Natatawang turan nito sa dalaga. " hayyy naku tito rey parang hindi na kayo nasanay kay mommy alam niyo naman po yun ganun talaga yun." Natatawang tugon naman niya sa manager niya. " alam mo naman unica ija ka nun kaya hindi mo masisisi, dont worry sinabi kona sakanya na busy ka kasi sa dami ng tanggap mong offer ngayon kaya hindi ka maka dalaw sa kanya, na intindihan naman daw ng mudra mo." Anito kay mandy. " thank you tito rey, babawi nalang ako kay mommy after ng isang movie natin, para maka pag relax naman, na mimiss kona din si mommy eh!." Pagpapaalam naman ni mandy. " tama yan anak, hayaan mo after nitong movie ipapaalam kita sa management para maka pag beauty rest ka ng bongga." Anito. " thank you tito rey." Ani mandy sabay yapos sa manager nitong si tito rey. " basta ikaw dear." Masayang tugon naman nito. Naging busy na si mandy sa kabi-kabilang offer na natatanggap niya, sinamantala niya na ang pag kakataon dahil nangako naman ang tito rey niyang bibigyan siya nito ng bakasyon matapos ang movie niya. Matapos ng guesting niya ay agad naman siyang nag tungo sa taping ng isang reality show, isa siya sa mga guest co host dahil siya daw ang request ng producer ng show. " ate mandy." Masayang tawag ni tanya mula sa dressing room na nakalaan para sa kanila. " ohhh, hi!!! anya kasama karin pala dito." Masayang salubong niya sa dalaga. " yes ate, alam mo naman ayaw tayo halos paghiwalayin ni tito rey, kaya kung nasaan ka andun din ako." Ani tanya. " at ako din." Singit naman ni duke sa usapan nilang dalawa na ikinagulat naman ni mandy. " ano kaba naman duke, papatayin mo ako sa gulat, para kang kabote bigla-bigla nalang sumusulpot." Ani mandy habang ang mga kamay ay naka hawak sa dibdib. " ayyy... sorry ate mands." Nakayukong hinging paumanhin naman ni duke. Dahil love team si duke at tanya kaya naman laging magkasama ang dalawa, hindi na maiwasang magka gustuhan ang dalawa dahil sa madalas na pag sasama. " naku duke, iba nayang tingin mo dito kay anya huh!!, naku sinasabi ko sa inyong dalawa mag tapos muna kayo ng pag aaral, hindi tayo habang buhay artista kaya habang may pagkakataong mag aral dapat i grab para sa future...ok?." Pangaral nito sa dalawa mataman namang nakikinig ang dalawa sa pangral niya. " opo ate." Ani tanya. " promise ate mands magtatapos muna kami bago ko ligawan itong si tanya." Magiliw na tugon nito habang naka taas ang isang kanang kamay na animoy nanunumpa sa kanya. " ganyan nga duke at tanya makinig kayo para sainyo din naman itong sinasabi ko." Pahabol na pangaral pa nito, ngiti at pag tango naman ang tugon ng dalawa sa pangaral niya. Natigil lang sila sa pag uusap ng marinig na nila ang hudyat na pinapatawag na sila upang simulan na ang kukuhanang eksena, kaya dali-dali na silang nag ayos at lumabas ng tent na nagsisilbing dressing room nila. Matapos ng shooting ay agad na silang umuwi, sa sasakyan palang ay nakatulog na siya dala ng kakulangan sa pag tulog at pagod. ****** Kasalukuyan siyang namamalengke kasama ang kanyang nanay tasing, magmula ng mahuli ng mommy niya ang daddy niya na may ibang babae ay umalis na ito ng bahay nila naiwan siya sa pangangalaga ng daddy niya dahil kasalukuyan siyang nag aaral sa kolehiyo ng mga panahong iyon, nagtiis siya sa harapang pang bababae ng daddy niya hangang sa makatapos siya ng pag aaral, ngunit hindi niya na kinaya ang ginagawa ng daddy niya ng ipilit siyang mag pakasal sa anak ng kaibigan nitong kapanalig sa politika, kasalukuyang mayor ang daddy niya ng mga panahong iyon, ang mommy niya naman ay nasa ibang bansa dahil sa palagiang pagkakasakit ng lola niya. Isang araw ay nag desisyon siyang lisanin ang bahay nila at nakituloy siya sa bahay ng kaklase niyang si riza, ulila na ito sa magulang at mag isang itinaguyod ang sarili upang makatapos sa pag aaral, dahil sa angkin nitong katalinuhan ay nakakuha ito ng scholarship sa unibersidad na pinapasukan niya at doon naging mag kaklase sila ni riza. " Are you sure about this mands?, baka hanapin ka ni mayor kahit malayo ang lugar namin, sa lawak ng kapangyarihan ng daddy mo mahahanap at mahahanap ka rin niya. " anang kaklase ngunit hindi niya iyon pinag bigyan pansin dahil ang tanging nais niya ay ang makaalis sa poder ng ama at makalayo rito. " please riza ikaw lang ang malapit sakin kaya ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko." Makaawa naman ni mandy sa kaklase, marahil inisip nalang ni riza ang mga tulong na nagawa ni mandy sa kanya kaya bilang pag tanaw ng utang na loob ang isinama niya ito sa lugar kung saan siya naninirahan. Naging payak at tahimik ang naging buhay ni mandy kasama ang kaibigang si riza. Nang makahanap naman ito ng trabaho sa manila ay sumama din si mandy kay riza, pinaluwas ito ng tita nito upang manirahan sa manila kaya naman sumama narin si mandy sa kaibigan mas nagalak siya sa isiping mas mahihirapan ang daddy niya na hanapin siya dahil sa laki ng maynila. " naku riza mandy pasensya na kayo rito sa bahay namin at maykaliitan lang ito, pero kahit ganito rito mababait naman ang mga kapitbahay dito at nag kakaisa." Hinging paumanhin ng tiyahin ni riza. " naku!! tita ok lang ito, ang importante lang naman po samin yung may masisilungan kami para pag nagsimula na kaming mag trabaho ay may matutulugan at matutuluyan kami. Tugon naman nito sa tiyahin. " tama po si riza tita mae." Segunda naman ni mandy. Dahil si riza ang unang nakapag trabaho ay itinuon naman ni mandy ang sarili sa pag tulong sa tita may ni riza, may puwesto ito sa palengke kaya naman tumutulong siya sa pagtitinda, laking tuwa naman ng tita mae nila ng dumating siya dahil mas marami itong nagiging benta dahil sa dami ng bumibili sa tinda nitong gulay sa palengke, sa angking ganda ni mandy ay maraming nahuhumaling sa kanya, ang iba ay napipilitang bumili ng paninda nila upang malapitan lang siya at masilayan ng malapitan ng mala anghel niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD