a glimpse

1819 Words
" miss mandy, malapit na pong mag shoot kaya mag ready na daw po sabi ni direct". Ani ashley ang p.a ni direct wences. " ok, paki sabi 5 minutes nalang." Ani mandy at umalis na si ashley. Mataman niyang pinakatitigan ang repleksyon sa salamin habang inaayusan ng make up artist, natuon lang ang pansin niya sa dalawang tao nasa kabilang repleksyon ng salamin. ****** " i..i love you ryx." Ani andeng sa binata. Kunot noong tumingin ito sa kay andeng ng marinig ang sinabi niya rito, kaya inulit niyang muli ang sinabi dahilan upang pakatitigan siya ng binata sa mga mata. " si..sigurado kaba dyan?" Nahihiwagaang tanong nito kay andeng. " yes." " kahit mahirap lang ako?" Paniniguro nito kay andeng. " so?...kahit sino at ano kapa ryx". Anito sa binata at niyapos niya ito ng buong pag mamahal. ****** Asan na kaya siya?, usal niya sa kanyang sarili. " ayan finish na ms. mandy". anang make up artist na nag ayos sa kanya Pagkatayo niya ay hinarap niya ang dalawang ka trabaho, " naku tama na nga yang bolahan na yan, baka dumugin na tayo ng mga langgam dito sa dressing room." Masayang sambit nito sa dalawang nakababatang ka trabaho. Nauna ng lumabas si mandy, nakasunod naman ang dalawa sa likuran niya, dahil iisang management lang ang nag hahandle sa kanila nila tanya kaya madalas silang magkasama, si tanya at duke ay kasama sa pelikulang ginagawa nila. " ate mandy, sama kaba mamaya?" Mahinang bulong ni tanya kay mandy. Madalas kasi silang lumalabas ng patago at namamasyal pagkatapos ng trabaho, minsan ay sumasama din si duke sa kanila. " anong oras?" Anito sa mahinang tinig " dating gawi." muling bulong ni tanya. " ayan tayo huh!!, tapos muna ba yung thesis mo?, baka mamaya habang sumasayaw tayo hindi natin mapansin ang mommy mong sumasayaw sa tabi natin habang kinukurot tayo sa singit habang sumasayaw, dyahe yun tanya mga artista pa naman tayo." Ani mandy na ikina hagikgik nilang dalawa, dahil okupado ng pag uusap sila, ay napalakad ang pag tawa nila kaya hindi nila napansin na sakanila na nakatuon ang atensyon ng lahat ng tao sa paligid, kaya naman nagyuko lang silang dalawa ng ulo habang patuloy sa pag hagigik. " tumigil kana nga kakatawa diyan baka marinig pa tayo ni tito rey, malaman pa yung plano natin". Suway ni mandy na dalaga na panay hagikgik sa isiping kukurutin sila ng ina nito habang sumasayaw kasama nila sa gitna ng entablado. ang mommy ni tanya, si tito rey na manager nila at ang mommy ni mandy ay matalik na magkakaibigan, kaya naman pamilya na ang turingan nila. " Pack up na po tayo." sigaw ng p.a ni direct wences sa lahat ng naroroon sa set. "Ok thank you, ingat kayo sa pag uwi bye..." masayang paalam ni mandy sa mga kasama matapos nilang mag shoot ng movie na pinagbibidahan niya. Pagkasakay sa sasakyan ay agad silang nag tungo sa condo na inuukupa niya, nag pahinga muna siya saglit at naligo bago magtungo sa napag usapang lugar na pagkikitaan nila ni tanya. ***** Its been 4years since the day he left this country, napabuntong hininga nalang si y-ryx ng makalabas sa airport, dahil nakapag pahinga naman siya sa byahe kaya agad naman siyang dumeretso sa bar ng kaibigan niyang si evo. Pagdating sa nasabing lugar ay kaunti pa lang ang tao, natanaw niya ang mga kaibigan sa dulong bahagi malapit sa bar counter, dali-dali siyang nag tungo sa kinalalagyan ng mga ito. " y-ryx!!! bro.... long time no see." Masayang salubong ni evo sa kanya at nag yakap sila. " nate sampalin mo nga ako, i dont beleive this nakikita ko si y-ryx, lasing na nga yata ako". Ani liro sa kaibigang si nate kaya naman sinunod nga nito ang tinuran niya. " ARAY!!, bakit mo ako sinampal". Sapo nito sa pisngi. " sabi mo sampalin kita, ohh ayan..." natatawang sambit nito habang kumakamot sa batok. " bro!!, is that for real??... i thought you decided to stay there for good." Ani liro kay y-ryx. " oo nga bro, nag tatampo na nga kami sayo eh!, i thought you dont love us na." Ani naman ni nate kay y-ryx. Wala naman naging tugon si y-ryx kundi ang tumawa lang sa tinuturan ng mga kaibigan. Napukaw naman ang atensiyon nila ng marinig ang isang lalaking pumasok sa loob ng bar, patakbo itong lumapit sa kanila. " mga bakla andyan pala kayo." Anito na kanila na ikinangiwi nilang apat, sa kanilang lima ito ang pinaka makulit at mahilig itong mag panggap na bakla sa harap ng maraming tao, kay ganun din ang ginagawa nito sa kanila. Naagaw nito ang atensyon ng iba pang mga tao sa loob ng bar, ang iba ay nagtatawanan, marahil sa na iisip ng mga ito sa kanila mga brusko silang tignan magagandang tindig, ma muscle na katawan, at lahat sila ay mga gwapo, ngunit bakla ang tawagan nila. " acheng, andito kana, omg...omg... lalo kang gumanda ." Ani robert kay y-ryx na ikinatuwa ng binata. " siraulo ka talaga, bogart mamaya niyan maniwala yung mga tao na mga bakla tayo?". Anito kay robert. " hahahaha oo nga sis gumanda lalo ang sisters nating si y-ryx." Natatawang saad ni nate. " oo nga at ang fresh." Segunda naman ni liro, na umakto pang bakla. " what happen mga bro, nawala lang ako ng apat na taon ganyan na kayo?" Ani y-ryx na natatawa sa mga kalokohan ng mga kaibigan. " ikaw kasi bro, bigla ka nalang umalis, you left us without a single words, mabuti nalang at andyan itong si bogurt para ipaalam sa amin na umalis kana". May hinampong saad naman ni evo. " mga bro, you know what happen to me, i left you kasi may gusto akong patunayan sa kanya, i want to show her how unlucky she is, when she left me and choosing that bastard over me." May hinanakit sa himig ni y-ryx habang nag papaliwanag sa mga kaibigan. " yeah bro, we understand you alam mo naman andito lang kami para sa iyo." Ani bogurt habang tinatapik ang likuran ni ryx. " is there any news about your long lost." Naputol ang nais sabihin ni nate ng biglang tumunog ang cellphone ni y-ryx. " excuse me mga bro, i need to take this call, bogurt come with me, hello ma." At agad itong nawala sa paningin nila upang kausapin ang ina. Nag patuloy lang sila sa pag inom ng biglang sumulpot sa harap nila si duke ang nakababatang kapatid ni evo, at may kasama itong apat na panauhin. " hi mga big bro." Bati ni duke sa mag kakaibigan kaya gumanti rin ng bati ang tatlo sa kanila at pinakilala niya ang apat na kasama sa mga kuya niya. " by the way this is ate mandy escudero, tanya Lopez my leading lady at ang mga personal asisstant nila si m.m at nica." Ani duke at isa-isa ding gumanti ang mag kakaibigan para magpakilala sa kanila. " hi im evo." Anang kuya ni duke, sunod namang nag pakilala si nate at liro. " nice to meet you, ms. Mandy tanya,nica and m.m." at masuyo silang nakipag kamay sa mga ito. Tinanggap naman nila ang pakikipag kamay ng mga ito at tanging ngiti at tango lang ang naitugon ni mandy at tanya sa mga ito. " ooppss thats enough mga big bro, we need to go to our private place, alam niyo naman baka may makakilala pa dito sa dalawa at dumugin pa, bye mga kuya, para maka pag start na kami ng inuman, you know naman para maka pag unwind after busy schedule." Ani duke at inalalayan na sila paakyat sa vip room na pina reserve ni duke. Ilang minuto ng naka alis ang grupo nila duke pero hindi parin magkanda mayaw sa pag uusap ang magkakaibigan tungkol kay mandy. " ang ganda bro, ang bango pa." Ani nate. " oo nga mga bro, i wonder if she has already a boyfriend." Turan naman ni liro. " oopppss mukhang may bago nanaman kayong prospect mga bro." Ani bogurt na naunang nag lalakad pabalik sa pwesto nilang mag kakaibigan. " bro... you dont believe this yung artistang si mandy kasama ni duke-duke nasa itaas sila ang bango pre ang ganda pa." Pag mamalaki pa ni nate. Dahil matagal na nawala sa bansa kaya naman hindi pamilyar si y- ryx sa dalagang hinahangaan ng mga kaibigan, magmula ng umalis si y-ryx ay si bogurt na ang namamahala sa mga naiwan niyang negosyo, dahil ito ang humalili sa kanya. " sayang naman mga bro idol ko pa naman yun." Ani bogurt na nanghihinayan ang mukha. " mandy who?". Kunot noong tanong naman ni y- ryx sa mga kaibigan. " yung artista na maganda at sexy... oo nga pala amboy kana nga pala, dont worry bro pag bumaba dito mamaya ipapakilala kita, para makalimutan mona si andeng mo." Ani evo na ikina kunot naman ng noo ni y-ryx. " bro... please don't mention that name, i dont want to hear that name anymore." Naka simangot na turan nito sa kaibigan. " relax bro... move on na its been a year since you saw her right?, wala na yung ryx na iniwan niya, kaya dapat alisin mona yang galit sa puso mo, mag focus ka nalang sa mga dapat mong gawin, do you understand me, by the way any news?" Ani evo na may himig pang uusisa kay ryx. Napa buntong hinga lang si ryx sa tinuran ni evo sabay iling nito. its been four years since that happen, i felt so alone and incomplete that time anang isip ni ryx hangang sa makauwi na siya sa bahay niya, nauna na siyang umuwi dahil may maaga siyang lakad kinabukasan. Pagdating sa loob ng condo niya ay muli nanaman namayani ang katahimikan at kalungkutan na matagal niya ng tinatakasan. i have every thing that i want now, i can buy what i want now, but still im longing for someone, ani ryx sa isip niya. Pag pasok sa silid ay laking tuwa niya ng makita ang mga bagay na matagal niya ng gustong makita, kaya naligo muna siya at nag bihis bago humiga sa kama niya, mahigpit niyang niyapos ang mga unan na naka palibot sa kanyang higaan hangang sa makatulugan niya iyon. ****** Alas onse palang ng gabi ay umuwi na si mandy, dahil day off nila kinabukasan kaya naman nag paalam ang p.a niyang si m.m na uuwi muna sa bahay nito, kaya naman mag isa nanaman siya sa condo niya. Pag pasok sa loob ay dali-dali niyang hinubad ang rubber shoes na suot, at agad nagtungo sa pinaka paborito niyang lugar ng bahay niya. Nag alis muna siya ng make up at naligo, nag patuyo ng buhok gamit ang blower, suot ang blueng night gown ay nahiga na siya sa kama, muli nanaman siyang binalot ng pangungulila, kaya naman niyakap niya ang mga stuff toys na naka paligid sa kanya at doon inilabas ang kalungkutan na nadarama niya hangang sa makatulogan niya na ang ganung tagpo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD