KABANATA 15 to 16

1846 Words
"M-Mateo..." Parang kamatis ang mukha ni Natalie dahil sa hiya. Dinig na dinig niya ang t***k ng puso ng lalaki dahil sa pagkakasubsob niya sa dibdib ng lalaki. "P-Pwede mo na akong bitiwan. Okay lang ako." "Okay?" Kinunotan siya ng noo ni Mateo. "Mukha ka ngang mahihimatay." Tipid na ngumiti si Natalie. Nagsisimula niya nang maintindihan na sa kabila ng matabil nitong dila at maikling pasensya ay napakagandang lalaki ni Mateo. Mateo. "Okay lang talaga ako. Gutom lang with low blood sugar at nanghihinang mga paa." "Then let's get something to eat." Malapit sa baba ng Mount Lorenzo ang ospital na pinagdalhan nila kay Roberto. At mahihirapan silang makabalik sa villa kung sakali. Kaya naman naghanap na lang sila ng kalapit na restaurant. Dahil sa lokasyon ng bundok, mangilan-ngilan lang ang restaurant dito. At hindi pa ganoon ka-high-end ang mga lasa ng pagkain dito. Halata ang iritasyon sa mukha ni Mateo. "Hindi gaanong masarap ang pagkain dito pero pwede na." "Okay na ako rito," sagot ni Natalie saka isinubo ang candy na ipinabili niya sa waiter. "Basta kumain ka na para magkalaman na ang tiyan mo." Nilagyan ni Mateo ng tubig ang dalawang baso saka inabot kay Natalie ang isa. "Ang bata-bata mo pa pero napakasakitin mo na," mapang-asar nitong komento. "Malusog ako. May hypoglycemia lang kasi ako kaya bawala akong malipasan ng gutom," paliwanag ni Natalie na sanay na sa sarkasmo sa boses ng asawa. Maya-maya pa ay dumating si Isaac dala ang ointment na binili. "Pakisabi sa waiter magdala ng isang planggana ng maligamgan na tubig at bimpo," utos niya. Maya-maya pa ay dumating na ang waiter dala ang plangganita ng maligamgam na tubig at bimpo. "May kailangan pa po ba kayo?" tanong ng waiter. "Wala pa sa ngayon." Pagkaalis ng waiter ay tinuro niya ang upuan sa harap ni Natalie. "Ipatong mo ang paa mo r'yan." Nagulat si Natalie. Si Mateo ba talaga ang mag-a-apply ng ointment sa pasa niya? "Tsk." Nainip na si Mateo sa tagal ni Natalie. Kaya naman siya na mismo ang nag-angat ng paa ng babae. "Tiisin mo na lang ang sakit." "Ako na," protesta ni Natalie. Kumunot ang noo ni Mateo. "Kung hindi mo lang ako tinulungan, hindi ko 'to gagawin sa 'yo." "P-Pero-" ""Wag kang malikot!" Wala tuloy nagawa si Natalie kundi ang pumirmi at panoorin si Mateo sa paglagay ng basang bimpo sa tuhod niya. "Paano mo naisip na pumunta sa Luminara Temple para kumuha ng peace string?" "Nakapunta na ako roon nang nagka- fieltrip 'yong klase ko no'ng second year high school ako." Tinanggal na ni Mateo ang bimpo sa tuhod ni Natalie at nagsimula iyong pahiran ng ointment. "Ah!" hiyaw ni Natalie. "Wag kang sumigaw," iritang saway ni Mateo sa kaniya. Kaya kinagat na lamang ni Natalie ang labi sa tuwing gusto niyang humiyaw sa hapdi at sakit. ""Wag kang malikot! Para namang sinasadya kong saktan ka!" Halata ang pag-aalala sa boses ni Mateo. Lumapit ito sa kaniya para papirmihin siya. Ang mga mahihinang ungot ni Natalie ay nagpapawala kay Mateo sa pokus. Hindi niya na tuloy namalayan na napatitig na naman siya sa dalaga. Nang bigla ay tumunog ang wind chime na nasa pintuan. Natauhan si Mateo nang mapagtantong muntik niya nang halikan si Natalie. Ano bang pumasok sa isip niya at ginawa niya 'yon? Umatras na si Mateo. "Okay na." Naguluhan si Natalie sa pagbabago ng mood ng lalaki. Namutawi ang nakakabagabag na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Buti na lang at dumating ang waiter dala ang pagkaing in-order nila. "Kumain na tayo." Isinantabi muna ni Mateo ang kakaibang nararamdaman dala ng pangyayari kanina at pinagsandok si Natalie ng pagkain. "Kumain ka nang madami," aniya. "Salamat." Agad na nilantakan ni Natalie ang pagkain niya dahil sa sobrang gutom. At isa pa, ngayon na lang ulit siya nakakain ng matinong pagkain simula nang mawalan siya ng trabaho. Biglang tumunog ang cellphone ni Mateo. Tiningnan niya kung sino 'yon saka siya lumabas para sagutin ang tawag. "Sir Mateo! Nahimatay raw si Miss Irene sa set. Nasa ospital daw siya ngayon," tarantang balita ni Isaac. Nagsalubong ang kilay ni Mateo. "Ikaw na munang bahala. Susunod ako agad." Ibinaba niya na ang tawag at saka umalis ng restaurant. Naiwan si Natalie mag-isa sa loob. Nagtaka si Natalie nang hindi pa bumalik si Mateo kahit tapos na siyang kumain. Tumayo siya at tingnan kung naroon si Mateo sa labas kaso wala. Baka naman nasa CR? Sinubukan niyang maghintay sa labas ng CR. Hanggang sa umusbong ang kaba sa dibdib niya. Iniwan ba siya ni Mateo rito mag-isa? Inilabas ni Natalie ang cellphone niya saka tinawagan si Mateo. * * * Sa ospital... Naasikaso na ni Isaac ang lahat nang makarating si Mateo sa ospital. "May mild fever daw si Miss Irene. Kailangan niya lang magpahinga at uminom ng gamot." "Salamat." Nang makapasok sa silid si Mateo ay sinagot niya ang tawag ni Natalie. " Hello?" "Tapos na akong kumain, Mateo. Nasaan ka na? Hindi kita makita sa paligid." Sasagot na sana si Mateo nang makita niya siya Irene na nakatitig sa kaniya. Nagmumukha itong kaawa-awa ngayon. "Dumating ka," punong-puno ng pag- asang sambit ni Irene. Agad na ibinaba ni Mateo ang tawag Natulala si Natalie sa biglang pagpatay ni Mateo sa tawag. At isa pa, pamilyar sa kaniya ang boses ng babae na nasa kabilang linya. Kilalang kilala niya kung kaninong boses 'yon. Kay Irene 'yon, sa half-sister niyang nakasama niya nang mahigit isang dekada. Hindi nalungkot si Natalie sa isiping magkasama sina Mateo at Irene dahil normal lang naman 'yon. Ang nagpalungkot sa kaniya ay ang agarang pagbaba nito ng tawag nang tawagin siya ni Irene. Mukhang wala na siyang intensyong balikan siya rito. Siya na ang bahala sa sarili niya. Umalis na siya sa restaurant. Nang makalabas na siya roon at tinanaw ang paligid ay saka niya lang napagtanto na hindi siya pamilyar sa lugar na ito. Hindi niya rin kasi pinansin ang daan dahil bukod sa kotse ang ginamit nila para makarating dito ay sobra rin ang panlalambot niya kanina. Wala pa naman siyang makitang malapit na bus stop o kahit taxi sana. Sinubukan niyang tumawag sa mga drivers sa cab hiring apps kaso walang tumatanggap sa booking niya dahil sa malayo at liblib ang lugar na kinaroroonan niya. "Mukhang kailangan ko lakarin 'to," bulong niya sa sarili. Balak niyang lakarin na lang ang main road at aasa na lang siyang may dadaan na sasakyan na pwede niyang makisabayan. Kaya lang, masyadong mahina ang mga ilaw na nakakabit sa mga poste. Patuloy lang siya sa paglalakad nang maramdaman niya ang paglubog ng paa niya sa putik. "Ano ba naman 'to!" maktol niya nang mahirapan siyang tanggalin ang nakalubog niyang paa sa putik. Nagawa niya naman 'yon kalaunan. Kaso lang, naiwan ang sandals niya roon. Inis na inis na siya sa sitwasyon. Hindi niya na nagawang kunin pa ang sandals niya. Kaya naman nakayapak lang siyang nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating siya sa may intersection ay nakaramdam naman siya ng hapdi at kirot sa isa niyang paa. "Ah!" iyak niya. Hindi man gaanong makita, alam ni Natalie na basag na bote ang tumusok sa paa niya. Pinagngalit niya ang kaniyang mga ngipin at saka lakas loob na hinugot ang purunggo. * * * Sa ospital... "Pasensya ka na kung naabala pa kita rito," pagod na saad ni Irene. "Hindi mo kasalanan. Mas mahalaga ka kaysa sa ibang bagay. Huwag mo nang isipin 'yon," sagot ni Mateo. Namuo ang luha sa mga mata ni Irene. " Ibig sabihin ba no'n, pwede kitang tawagan kapag namimiss na kita?" Saglit na natigilan si Mateo. "Oo naman." "Kahit anong oras?" "Kahit anong oras." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Irene. " Salamat." Marahan namang hinagod ni Mateo ang buhok ng dalaga. "Magpahinga ka na. Babantayan kita hanggang makatulog ka." "Okay," bulong ni Irene saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Nang makatulog na ang babae ay lumabas na ng silid si Matei. Nang marinig ni Irene ang pagsarado ng pinto, agad siyang nagmulat at nilabas ang kaniyang cellphone. "Kumusta?" tanong ni Janet mula sa kabilang linya. "Nandito siya, ma. Sabi ko naman sa 'yo nag-aalala 'yon sa 'kin eh. Hindi mo namang kailangang pekein 'tong pagkakasakit ko," sagot ni Irene. "Tandaan mong kahit na may asawa na siya, dapat hindi ka niya nakakalimutan." Napakagat labi na lang si Irene. "Oo, ma." "Gumawa ka ng paraan para makilala mo ' yang Mrs. Garcia na 'yan. O 'di kaya magbayad ka ng ibang babae na magpapataboy sa babaeng 'yon sa buhay ni Mateo." * * * Sa labas ng ward... "Lo..." sagot ni Mateo sa tawag. "Kumusta na si Natalie? Balita ko ang laki ng ambag niya para mukuha mo ang Hidden Lake Project ah... Ay 'di bale na lang. Sabihan mo na lang siyang tawagan ako." Dahil doon ay saka lang naalala ni Mateo na iniwan niya si Natalie mag-isa sa restaurant. "Lo, nakatulog po si Natalie sa sasakyan. Sasabihan ko po siyang tawagan kayo bukas," palusot niya. Pagkababa niya ng tawag ay agad niyang tinawagan si Natalie. Ngunit cannot be reached ang numero nito. "Isaac, tumawag ka ng susundo kay Natalie sa restaurant." "Yes, sir." Dahil sa pagod na nararamdaman ay napagdesis'yonan na lang ni Mateo na umuwi sa condo niya. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ng daan ay tumawag si Isaac. "Sir, hindi raw po mahanap ng mga taga- villa si Ms. Natalie." "Ha? Nasaan naman kaya 'yon?" nag- aalala niyang tanong. "Ang sabi raw ng waiter ng restaurant ay kanina pa siya nakaalis." Ginulo ni Mateo ang buhok niya dahil sa halong pagod at pag-aalala. "Hanapin niyo siya agad. Malalim na ang gabi. Hindi ligtas para sa isang babaeng magpahaya- haya sa kalsada ng ganitong oras." "Yes, sir." "Isaac, saan nga ulit siya nakatira?" "Sa dorm ng university niya, sir. Ise-send ko na lang 'yong location." "Okay." Nang matanggap niya ang address ng dorm ni Natalie ay agad siyang nag-u turn at nagtungo sa San Jose University. * * * Sa San Jose University... Nagpasalamat si Natalie matapos niyang bumaba sa isang silver-gray Maserati. " Maraming salamat talaga sa paghatid." "No problem. Nagkataon lang na along the way 'tong destination mo," nakangiting sagot ng lalaki. Sunod siyang napatingin sa paa ni Natalie. "Kailangan mo bang pumunta sa ospital?" "Nako, hindi na. Minor injury lang naman 'to." Tumango ang driver at saka umalis. lika-ikang maglakad si Natalie. At bago pa siya muling makahakbang, biglang sumulpot si Mateo sa harap niya. "Hanggang kailan mo 'to gagawin? Ang galing mo rin talaga," malamig na saad nito. Napatigil si Natalie. Hindi niya maintindihan kung anong pinagsasabi nito. "Nakita kitang bumaba sa isang Maserati. Iba ka talaga, Natalie." Nanlaki ang mga mata ni Natalie sa gulat. "Akala mo ba ay nakikipagkalantari ako sa isang mayamang lalaki?" "Huwag mo nang itanggi." Umismid si Mateo. "Nakita mismo ng dalawang mata ko." "Anong nakita mo?" Umusbong ang galit ni Natalie. "Napakababaw mo! Hindi kita maintindihan!" Itinulak niya si Mateo at binulyawan. " Tumabi ka sa dinaraanan ko!" "Sa tingin mo ba, bulag ako?" gitil na tanong ni Mateo saka marahas na hinablot ang braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD