"Garcia?" Bakas ang pagkamangha sa boses ni Roberto. Napatingin pa siya kay Mateo, "How interesting?"
"So, what brings you here with Xicheng today?" dagdag niya.
"Kinausap po ako ni Lolo Antonio para samahan si Mateo sa pag-attend ng birthday niyo, Mr. Wang," pag-amin ni Natalie.
"Maraming salamat sa pagdalo, hija. At dahil narito ka ngayon, may naihanda ka bang regalo para sa 'kin?"
Mahinang natawa si Mateo nang marinig ang tanong ng matanda nang maisip kung anong klaseng regalo ang bitbit nito ngayon. Sigurado siyang hindi naman iyong kasingmahal at kasinghalaga ng mga natanggap na regalo ni Roberto kanina.
Ang ipinag-aalala niya lang ay baka madungisan ang tingin sa kaniya ng matanda sa ibibigay na regalo ng babae.
"Mayroon po." Confident na tumango si Natalie.
Napataas ng kilay si Mateo at saka bahagyang pinisil ang kamay niya. Binabalaan niyang maging maingat ito sa mga kilos niya.
"Don't mess this up," mahinang banta niya.
Binawi ni Natalie ang kamay niya at saka inilabas ang isang box sa kaniyang bag. Nagtungo siya palapit sa matanda at bahagyang yumukod para magbigay pugay. "Maliit na bagay lang po ito kumpara sa mga natanggap niyo kanina. Pero sana po ay magustuhan niyo. Ipagdadasal ko po na laging maging mabuti ang kalusugan niyo at ang kasiyahan niyo buong taon."
Binuksan ni Roberto ang box. Sandali siyang natulala. "I-Ito ang..."
Binalot ng katahimikan ang buong hall nang makita ang reaksyon ng matanda. Nahigit nila ang kanilang hininga. Ang nasa isip nila ay baka hindi nasiyahan ang matanda sa natanggap na regalo.
Abot langit ang kaba ni Mateo sa mga sandaling 'yon.
""Yan po ay isang peace string galing sa Luminara Temple. Pasensiya na po kung iyan lang ang regalo ko sa inyo," saad ni Natalie.
Napuno ng bulungan ang hapagkainan dahil doon. Ang iba pa ay lihim na pinagtatawanan si Natalie.
"Magaling!" Bakas ang sobrang saya sa mukha at mga mata ni Roberto. "Ang peace string na ito ay galing sa Luminara Temple na hindi available sa publiko. At para makakuha ng isa, kailangan mong mag-kowtow mula sa b****a ng templo. The effort put into obtaining it is a reflection of sincerity and respect," proud na paliwanag niya.
Nalaman kasi ni Natalie mula kay Antonio na isang tradis'yonal na Chinese si Roberto Wang. Kaya naman nagsaliksik pa talaga siya kung anong maaari niyang iregalo sa matanda nang hindi mananakit ang bulsa niya.
Tinuro ni Roberto si Natalie at saka tumingin kay Mateo. "This girl shows more humanity than you, Mateo."
Sa mga sandaling iyon ay napagtanto ni Mateo na ang mga pasa sa tuhod ng dalaga ay mula sa pagluhod sa templo. At ang kagandang loob nito ay ang tanging nagpamangha kay Roberto.
Nang matapos ang tanghalian, nilapitan si Mateo ng secretary ni Roberto. "Mr. Garcia, iniimbitahan po kayo ni Mr. Wang sa main house ngayong gabi. Pinapasabi niya rin po na isama niyo si Ms. Garcia."
Natigilan si Mateo no'ng una pero kalaunan ay nginitian niya ang kaharap. " Pakisabi kay Mr. Wang, salamat. We will be there on time."
Nang makaalis ang secretary ay agad na na nagliwanag ang mukha ni Mateo. Napansin naman iyon ni Isaac.
"Nasiyahan ba si Mr. Wang, sir?"
"Oo." Napatingin si Mateo kay Natalie na tahimik na naghihintay sa kaniya sa gilid.
Ayaw niya mang aminin ay mas effective ang effort Natalie kaysa sa effort na ginawa niya nitong nakalipas na anim na buwan.
Inihatid ni Mateo si Natalie sa kanilang kwarto. Napagdesi'yonan niyang hindi niya na ito tuluyang ipagtatabuyan. Pero pananatilihin niya ang distansya niya rito.
"Mateo..." tawag sa kaniya ni Natalie nang makarating sila sa kwarto.
Ibinalik ni Mateo ang normal na ekspresyon niya sa mukha. "Bakit?"
"Pwede ko bang gamitin 'yong kusina?" Itinuro ni Natalie ang kusina.
Tinaasan siya ng kilay ni Mateo, " Magluluto ka? Hindi ka pa ba nabusog sa kinain mo kanina?"
Umiling si Natalie. "Hindi. Medyo barado kasi 'yong ilong ko. Baka magkalagnat ako. Magpapakulo lang sana ako ng green. onion at luya."
Kumunot ang noi ni Mateo. "Effective ba'yon? Hindi ba dapat ay gamot ang iniinom mo?"
Ngumiti si Natalie. "Hindi na kailangan. Gano'n naman lagi ang iniinom ko sa tuwing nagkakalagnat ako no'ng bata pa ' ko. Tumalab naman."
Dahil sa kapabayaan na naranasan niya noong bata pa siya, natuto si Natalie pagdating sa paggamot sa sarili niya.
"Gawin mo kung anong gusto mo."
Umakyat na si Mateo sa taas at iniwan si Natalie sa kusina.
Maya-maya ay bumaba si Mateo para kumuha ng inuming tubig. Agad niyang nalanghap ang samyo ng green onion at luya sa first floor. Abala naman si Natalie sa paghigop no'n, hindi alintana si Mateo.
Naalala ni Mateo ang sinabi nito sa kaniya kanina. Ang pagpili nito sa green onion at laya ay nagpaisip sa kaniya kung gaano ba kahirap ang pinagdaanan ni Natalie sa nakaraan. Idagdag pa rito ang maagang pagkamatay ng kaniyang ina.
Kinagabihan ay nagtungo na sina Mateo at Natalie sa main house. Sa loob ng glass- roofed courtyard sila dinala ng secretary ni Roberto.
Sa gitna ng bakuran ay naroon ang isang kahoy na mesa. Nakaupo roon sina Roberto at Charles Morris.
Nagsalubong ang kilay ni Mateo nang makita si Charles doon. Ito ang pinakamalakas niyang kakompetisyon sa Hidden Lake Project.
Ngunit pilit niyang itinago ang pagsama ng timpla niya at lumapit kay Roberto para makipagkamay. "Mr. Wang..."
"Hmm." Ngumiti ang matanda sa kaniya bago ibinaling ang atensyon kay Natalie. " Dumating ka."
Nginitian ni Natalie pabalik ang matanda. "Isang karangalan po ang maimbita niyo rito, Mr. Wang."
"Mabuti at dumating ka. This is a rare opportunity. May inihandang mga kanta ang mga organizer para sa 'kin. Samahan niyo akong makinig, Mateo."
Inadjust ni Charles ang kanilang eyeglass. "Maghahanda na ako."
Bago tuluyang umalis ay binigyan niya muna ng mapang-asar na tingin si Mateo.
Magkatabing umupo si Mateo at Natalie. Dim lights lang ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Habang nakatutok naman ang spotlight sa mini stage sa harapan. Mula roon ay lumitaw si Charles na nagsimula nang kumanta.
Hindi man gano'n kagaling ay ramdan naman ang sinseridad nito.
"Magaling!" Masayang pumalakpak si Roberto.
Gustong umismid ni Mateo dahil halata namang hindi maganda ang pagkakakanta ni Charles doon. At alam niyang nagpapasikat lang ito kay Roberto.
Inaya ni Roberto si Charles matapos nitong kumanta.
"Mr. Garcia, alin sa tingin mo ang mas effective, 'yong kowtow ba o 'yong pagkanta ko?" nakangising tanong ni Charles kay Mateo.
Ngunit bago pa makasagot si Mateo ay nagpaalam na muna si Charles para pumunta sa banyo.
Normal lang ang ekspresyon ni Mateo. Pero ramdan ni Natalie ang inis nito.
"Kakain ka pa ba?" nag-aalangang tanong ni Natalie.
"Oo naman," maikling sagot ni Mateo.
"Let me offer the first toast!" ani Roberto.
Nagsimulang magkwento si Roberto kung gaano niya namiss marinig ang paborito niyang kanta, 'yong kinanta ni Charles kanina nang bigla ay hinawakan niya ang kaniyang leeg. Namutla na rin ito at nahirapang huminga.
"Mr. Wang!" sigaw ni Natalie. "Tumawag kayo ng ambulansya!" utos niya saka itinulak palayo ang mga tao. "Umatras kayo! Doktor ako!"
Lumuhod siya sa tabi ni Roberto at mabilis na tinanggal ang pagkakabutones ng kaniyang gamit.
Nang bigla ay hinawakan siya ni Mateo sa kamay. "Natalie, anong ginagawa mo? Buhay ang nakataya rito!"
"Alam ko!"
Walang oras ang dapat masayang. Bawat segundong dumadaan ay nagpapataas ng panganib sa buhay ni Roberto.
"Kahit magpatawag kayo ng doktor ngayon, matatagalan pa. Bigyan niyo ako ng dalawang minuto, pangako, magiging okay siya!" taranta at nag-aalalang ani Natalie.
"Bitiwan mo na ako! Wala na akong oras para magpaliwanag pa!" Tumutulo na ang pawis sa gilid ng mukha ni Natalie dahil sa kaba.
Sa mga oras na 'yon ay pinili ni Mateo na magtiwala sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Kaya sa wakas ay binitawan niya ang kamay nito.
Halata ang ginhawa sa mukha ni Natalie.
"Paabot ng kutsilyo. Nasa mesa."
"Okay."
Mabilis na inabot ni Mateo ang kutsilyo kay Natalie.
"Nababaliw na ba kayo?!" takot at gulat na sabat ni Charles. "Nasa peligro ang buhay ni Mr. Wang! Talaga bang hahayaan mo ang babaeng 'yan na gumawa ng kung ano?!"
"Huwag kang makialam!" tarantang bulyaw ni Mateo sa kaniya.
"Akin na ang ballpen mo!"
Walang pag-aalinlangang inabot ni Mateo ang ballpen mula sa kaniyang bulsa kahit pa gulat at kyuryuso siya sa ginagawa ng dalaga.
Tinanggal ni Natalie ang takip ng ballpen para makagawa ng makeshift tube. Saka niya hiniwa ang lalamunan ni Roberto at saka ipinasok ang takip ng ballpen sa hiwa nito. Napaiwas ng tingin si Charles pati na ang mga katulong dahil hindi nila kayang tingnan ang nangyayari.
"Nasaan na ba ang ambulansya?! Bakit wala pa rin?!" demanda ni Charles.
"O-On the way pa lang daw po, sir," kinakabahang sagot ng isang katulong.
"Hindi 'to pwede! Kailangan natin siyang madala sa ospital sa lalong madaling panahon! Ihanda niyo ang kotse!" Pinunasan ni Natalie ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kaniyang palad. Namutawi rin ang ngiti sa kaniyang labi. " Okay na siya."
Nagkamalay na rin si Roberto. At kahit hindi makapagsalita, halata ang kapanatagan sa mukha nito. Kita sa mata niya ang matinding pagpapasalamat kay Natalie.
Napabuga ng hangin si Mateo at saka ibinaling ang tingin kay Natalie. Lumabas ang dalawang dimples ng babae dahil sa bahagyang pagngiti nito. Isa sa aspeto ng kagandahan nito na nagpatulala sa kaniya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang ambulansya na nagdala kay Roberto sa ospital. Salamat na lang dahil sa ginawa ni Natalie ay hindi lumala ang sitwasyon ni Roberto. Kailangan na lang nito ng follow-up care.
* * *
Naghintay sina Mateo, Natalie, Isaac, at Charles sa labas ng ward. Halata ang pagkainip ng huli.
Samantala, napaupo si Natalie sa pagod. Nalilis na naman ang bestida nito dahilan para lumitaw ang pasa niya sa tuhod.
"Bakit?" tanong ni Mateo nang mapansin ang ekspresyon ng dalaga.
"Wala naman masyado. Masakit lang ang tuhod ko," sagot ni Natalie.
"Bakit hindi mo agad sinabi kanina?" Halata ang pag-aalala sa boses nito. "
Kahit pa doktor ka, dapat nagsabi ka pa rin."
Lumingon siya kay Isaac. "Bumili ka ng ointment para sa kaniya."
Tumango naman at agad na tumalima si Isaac.
Hindi maintindihan ni Natalie kung anong mararamdaman. Gulat pa kasi siya sa kabaitan at pag-aalala nito.
Naudlot ang kaniyang pagtitig kay Mateo nang biglang bumukas ang pinto ng ward.
"Narito ba sina Mateo at Natalie Garcia?" tanong ng nars.
"Kami po 'yon."
"Gusto kayong makita ng pasyente. Nanghihina pa siya kaya pakibilisan."
"§°§â§à."
Napaismid si Charles. "Sinwerte ka lang ngayon, Mateo. Kapag gumaling na si Mr. Wang, sisiguraduhin kong makukuha ko ang dapat na sa 'kin," anito bago umalis.
Pumasok naman sina Mateo at Natalie sa loob ng kwarto.
"M-Maraming salamat, h-hija. Utang ko ang buhay ko sa 'yo," nanghihinang sambit ni Roberto.
Mabilis naman na umiling si Natalie. " Walang anuman po 'yon. Tungkulin ko po 'yon bilang isang doktor."
"Hinding-hindi ko makakalimutan ito." Binaling ni Roberto ang tingin niya kay Mateo. "As for the Hidden Lake Project, you can have it, Mateo."
Parang nabingi si Matei sa narinig. Hindi niya inaasahan na sasabihin sa kaniya iyon nang personal ng matanda.
"M-Maraming salamat, Mr. Wang."
"Huwag ako ang pasalamatan mo. Si Natalie ang pasalamatan mo. Siya ang dahilan kung bakit mo nakuha ang proyektong 'yan." Ibinalik niya ang tingin kay Natalie. "She has a good judgement. She's an exceptional woman."
Nang masigurado na nila na maayos na ang kalagayan ng matanda, nagpasya na silang umalis.
"Maraming salamat," sinseron sabi ni Mateo kay Natalie.
Bumilis ang tumibok ng puso ni Natalie dahil sa kaba. Umaasa siyang nagiging maganda ang sagot ni Mateo sa hiling niya. "Mateo, kung talagang nagpapasalamat ka, pwede bang kausapin mo 'yong ospital para ibalik 'yong internship ko?" maingat niyang tanong.
Hindi agad na sumagot si Mateo.
"Tara," alok niya makalipas ang ilang sandali.
"H-Ha? Saan?"
"Kakain. Hindi pa tayo nakakakain."
"Ah."
Malalaking hakbang ang ginawa ni Mateo dahilan para mahirapang humabol si Natalie.
Nang maabutan niya ito ay bigla niyang hinanlot ang braso nito. Namumutla ang kaniyang mukha at tagaktak na rin ang pawis niya.
"Natalie!" gulat na tawag ni Mateo sa kaniya at saka siya mabilis na sinalo.