The First Date

1247 Words
lumipas ang 2 araw hindi na muling nakita ni Ran ang estranghero. Nag-aantay siya sa gate ng scholl nila habang ang kanyang mga kaibigan niya naman ay nasa kabilang side ng gate, pinagmamasdan lamang ang gagawin niyang kaanuhan sa buhay. Ibibigay niya kase nang personal ang loveletter at cake na ginawa niya para kay Christian. Masaklap lang palabas na pala sila Chrisitian eh nasa side sya ng Entrance gate. Kita mong katangahan pinapairal, nagantay oras ng uwian, malamang pauwi na mga estudyante nyan at sa entrance siya pumwesto. Nakita ni Ran ang nilalang na dahilan ng mabilis na pag-t***k ng kanyang puso, ngunit napawi ito nang matanaw niya ang masakit na katotohanan na may inaakbayan si Chrisitian na babae, ang girlfriend niya at pinapayungan pa ito. Hindi matanggap ni ran ang nasaksihan at sa inaasahang labis na pagkadismaya at kalungkutan ay itinapon niya ang letter na hawak at box ng chocolate na ginawa niya.. lumabas siya ng entrance gate na taliwas sa mga papasok na ibang estudyante. Tumatakbo siya ngayon papunta sa malapit na station ng train habang pumapatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Rinig niya ang busina ng paparating na tren, mas binilisan niya ang takbo upang bakasakali ay maabutan na makasakay sa tren. Ngunit sa kasamaang palad, tila mabagal ang hakbang ng kanyang maliliit na binti kaya di siya nakabili ng ticket agad at di na nga nakasakay sa Tren. In short, naiwan na siya ng tren. 30 mins ang kailangan niyang antayin para sa susunod na bagon ng tren. Syempre kailangan niyang magantay kahit gaano pa ito katagal. Nang makasakat at makababa na ng tren ay sumakay na siya ng jeep pauwi sa kanila. pero dahil sa mabigat na damdamin , pumasok muna siya sa isang convenient store para magpalamig. Bumili ng chocolate drink, umupo sa may side table at saka na siya naiyak. Hindi niya matanggp yung nakita niya, hindi niya iyun inaasahan kaya't labis nitong dinamdam. Paano ba naman 38 hours before yung time na magkikita sana sila ni Christian , nag email siya na mag aantay siya at sinagot naman siya nito kaya't umasa si Ran. Ayan! masakit naman talaga angt umasa ka sa wala eh! kaya ayan siya ngayon, humahagulgol. hay nako batang to! hindi lang naman si Christian lalaki sa earth! Sino ka ba naman Ran para makipag-meet sa'yo si Chrisitian eh di naman kayo close! lakas ng loob mo ah! "Uy! Wag ka na umiyak magkakaliwanag din ang bahay,este! buhay mo!" - Itinapat ng lalaki ang malaking poster ni Brian sa muka ni Ran. Pansamantalang natigil si Ran at napatingin sa kanya nang nakangiti habang tumutulo pa ang mga luha sa pisngi nito. " Ikaw nanaman ba yan kuya?" - hinawi ni Ran ang poster ni Brian para makita yung muka nung lalaki. kaso nakita niyang naka maskara ito na muka ni Brian, bumili pala siya ng isang set ng Day6 mask. " hahahaha! anu yan!" bungisngis na tanong ni Ran. " Ano, ready ka na bang makipag-date kay Brian ng Day6?" - tanong ng lalaki. " Syempre! sino ba namang hinde? " pinakalma ni Ran ang sarili at nagpahid ng muka. "Pero, wag mo kong utuin hindi ikaw si Brian!" mejo disappointed na sagot ni Ran na nakatingin sa estranghero nang maalala niya ang pinangako dito. Lalong nakaramdam si Ran ng kalungkutan, ayaw na niyang maalala si Christian na hindi tinupad ang sinabi nito ayaw niyang maging katulad nito. ayan bilang ma pride na nilalang " o sige, pumunta tayo kung saan mo gusto pumunta!" may isang salita naman pala si ate Ran niyo at sinamahan nga ang estranghero at bumiyahe papuntang Planetarium na nakasuot pa rin ang maskara ni Brian sa muka nito. " Hindi mo po ba tatanggalin yang maskara? hindi po ba nakakahiya para sa'yo?" - mejo ilang na naitanong ni Ran. "Hindi! Para mapasaya kita, diba gusto mo si Brian? Oh ngayon ka-date mo na siya. Okay lang ba sa'yo? di nga lang ako mag rarap ngayon? hehe" "eeh hahaha okay na yan!" Masayang sagot naman nito ni Ran. Sumakay sila ng jeep, ng tren, ng kalesa, at ng bike na suot-suot nung guy yung maskara ni Brian. Tuwang-tuwa naman sa kanya si Ran. Nakarating na sila sa Planetarium, at dahil sa madilim ay napakapit nanaman etong si Ran sa braso ng mapagpanggap na Brian. " kuya, sulitin mo lang po ang pagtingin samga celestial bodies dito. basta ako dito lang ako" - Pikit matang sabi ni Ran. " Ayaw mo ba talagang dumilat?" - tanong ng lalaki habang tinatanggal ang maskara ni Brian. Hindi umimik si Ran. "Kung ganon , hindi kita pipilitin. Kumapit ka nalang sa'kin at isipin mong ka-date mo si Brian" - Hinawakan nito ang kamay ni Ran at nagsimula nang libutin ang Planetarium. " Sayang ang ganda ng mga nakikita ko! nakaka-amaze, constellation of stars, itong orion's belt, may big dipper! Scorpion tapos yung favorite ko! mga galaxies! at ang milkyway kung nasaan tayo. tapos ayun yung andromeda na napakalayo." banggit pa nito habang naglilibot sila ni Ran. Lumipas ang ilang minuto ng paglilibot. " Hindi ko pa pala alam kung anong pangalan mo, hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't-isa" Banggit nito kay Ran " Rana Lae Jean Villa Gracia ang pangalan ko but you can call me just Ran" - sagot naman ni Ran. " Ang haba pala niyan , okay sige just Ran" " Ran lang" - Ran " Ran lang" - ulit ng lalaki. napatigil naman si Ran sa paglalakad. " Kuya! R - A - N, Ran!" "Tatakbo ba ako?" pang-asar nitong sagot kay Ran. " Hay nako! eh ikaw? ano bang pangalan mo?" inis na tanong naman nito sa lalaki. " you can call me Brian, B - R - I - A - N" sagot nito. " Wag na nga, ang korny mo! mapagpanggap ka lang naman na Brian. Ano ng kase?" inis paring tanong ni ran. " hahahahah! hirap mo namang biruin. I'm Kenneth De Guzman, but you can call me Brian. since gusto mo naman kase si Brian and siya yung ka date mo ngayon" sagot naman nitong mapagpanggap na Brian. " hahahahahahah! lakas ng tama mo! sige sabi mo yan eh" masayang sagot naman netong si Ran. " Ayaw mo ba talagang dumilat para naman masilayan mo sa huling pagkakataon ang ganda nitong mga stars na nakikita ko? " - hirit pa netong mapagpanggap na Brian. " Nakikita ko rin naman sila sa gabi, sa bintana namin." sagot naman ni Ran. " Mas malapitan naman ngayon, saka diba madilim naman ang nakikita mo pag nakapikit ka? ba't ba kase ayaw mong dumilat para makita mo yung star ? takot ka ba sa dilim?" - Pagpumilit na tanong nitong mapagpanggap na Brian. Mula sa liwanag ng mga stars na nakapaligid sa kanila ay naaninag niyang nakapikit pa rin at yumukong nanahimik si Ran. batid niyang hindi komportable si Ran sa tanong niya. " S-sorry kung ganun, hindi na kita pipilitin, tama ka pwede namang makita itong mga stars sa labas pag gabi eh" ibinalik na nito ang maskarang suot at pati na rina ng cap nito, palabas na rin sila ng Planetarium. " Nakalabas na tayo, pwede ka na dumilat" sabi ng mapagpanggap na nilalang. bahagyang napangiti si Ran sa pagdilat at hinawakan muli ni Brian na mapagpanggap ang kanyang kamay. " Tara kain na tayo!" aya nito kay Ran at nagtungo sila sa Everyday cafe (isang sikat na cafe inspired by Ran's fave band ang Day6)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD