Who is Brian?

1203 Words
"Opo! I'm a fangirl ng Day6, bakit ikaw? hater ka ba nila?" - maangas na tanong ni Ran. "Pa'no pag sabihin kong oo" - sagot naman ng guy. "Ay, sayang naman ng life mo, bakit ayaw mo sa kanila?" - tanong ulit ni Ran. "Kasi karamihan gustong-gusto sila, silang mga sikat. pa'no naman kaming mga regular at simpleng tao? " - sagot naman nito kay Ran. " Wag po kayo mag-alala may magkakagusto rin po sa inyo, basta Be Yourself lang po! Yan ang sabi ng bestfriend ko eh!" - pabidang sabi naman ni Ran. "Ano bang nagustuhan mo dito kay Brian? pa'no mo ba siya nakilala?" - curious na tanong nito kay Ran. "Sino naman pong hindi makaka-kilala sa kanya? sa kanila(Day6) eh sikat sila! Kahit nga siguro yung mga unggoy sa bundok kilala sila. Si Brian?, hindi ko naman talga siya kilala personally.Pero dahil sa kakanood ko ng mga Music Videos, Interviews at shows nila feeling ko super close na kami. Nuong unang pinapanuod lang sa akin ng friend ko yung debut song nilang Congratulations, super elib ako sa unang beat ng drum. yung angas talaga ng pag-rap ni Brian yung nagustuhan ko eh! super cool niya don. tsaka damang-dama ko yung kanta akala mo broken ako kahit wala naman talaga akong jowa. Alam mo no'ng una para wala lang kase hindi naman talaga ako fangirl. As in! yung super fangirl? Isamlang naman kase ang iniisip ko nung mga panahong yun. Si Christian lang.. pero dahil crush ko lang naman siya na walang paki sa'kin. Siguro dahil na rin sa impluwensya ng mga classmates ko. Bigla nalang isang gabi after kong mapanuod yung concert nila, di ako makatulog kase nag-lilinger yung kanta nilang Colors and yung cover nila na Bad Day. and yung kanta nila na Why am I alooooone (at kinanta pa nga niya) nakalimutan ko yung title pero super ganda no'n pakinggan mo yun ah. Ang comforting kase, lahat naman ng kanta nila. Yung Letting Go madalas kong pinapakinggan, naka on repeat yung sa'kin lalo na pag bumibyahe ako eh. tas tamang moment lang feeling main character hehe. Alam mo yung may happiness kang na fefeel sa kanta nilang malungkot? Basta parang dinadamayan ka talaga nila. Si Brian, hindi naman talaga siya yung una kong nagustuhan. Si Jae talaga, kaso si Jae feeling ko masiyadong mayabang. tas etong si Brian ang astig nga lang tas parang ang cool niyang maging boyfriend! tas alam mo ba pinakabet ko talaga sa kanya kaya gusto ko siya ang manly nya and dream nya maging great dad! Ang cutie diba? Ang dami ko na sinabi. Hindi ko alam kung pa'no ipapaliwanag pero tanggap ko naman eh..." "na ano..?" bitin nitong natanong "Na hindi ko talaga siya makikita, makikilala at magiging friend o boyfriend di na ko umaasa dun. pero kay Christian may pag-asa naman siguro ako" - malungkot naman nitong dugtong. "Teka sino ba 'yang Christian na yan?" - tanong niya naman kay Ran. " Yung mahal ko, na hindi naman ako kilala, pero umaasa pa rin ako dahil sabi nga sa kasabihan 'Habang may buhay may pag-asa'" - pagkumbinsi nito sa sarili. " Parang mali naman 'yan! dapat habang may Pag-ibig may Pag-asa!" - Kontra naman nito sa sinabi ni Ran. "kase kung may buhay ka pa nga at umaasa ka pa rin, pero yung inaasahan mo ay wala namang pagmamahal, wala na ! paano ka na? Eh kung may Pag-ibig yung inaasahan mo tapos ikaw, kahit na meron kang Pag-ibig o wala may pag-asa ka pa rin. Gets mo ba?" "Hindi po" - naguguluhang sagot naman ni Ran. "Huh, bata ka pa, wag mo munang isipin yan" - sabi naman nito habang tinitignan si Ran na ini-ilawan ang muka nito gamit ang cellphone na hiniram nya kay Ran. "nakapikit ka ba talaga?" tanong nya ulit. "sabihin mo nalang kung may ilaw na, gusto ko na lumabas dito" - sagot naman ni Ran. " Dumilat ka na may ilaw na!" sabi nito habang tinatanggal nya yung shades at cap nya, pati na rin ang facemask niya. inaantay niya kung didilat nga si Ran. " Ayoko, Si Brian lang naman yan eh. Wag mo kong utuin nakikita ko yung shade ng light galing cp" sagot ni Ran at pinatay na nung guy ang ilaw mula sa phone. " Tama ka! Ang galing mo. Si Brian nga lang ang makikita mo" - maloko nitong sabi habang sinusuot ulit ang hawak niyang shades, mask at cap. "Anyway, pwede bang mag-tanong?" "nagtatanong ka na po, sige ano po yun?" - pilosopong sagot naman ni Ran. "Alam mo ba kung saan yung Planetarium? gusto kong pumunta don bago ko umalis eh" "Opo alam ko kung saan yun! dun sa...." "Tara! samahan mo ko dun. libre na kita ng pamasahe, sagot ko na rin dinner naten!" "Woah! ibig mong sabihin makikipag date ako sa'yo? eh, hindi naman kita kilala" - patangging sagot ni Ran. " Oo, Tama ka naman hindi mo naman ako kilala. kaya bibitawan ko na itong kamay mo. bahala ka na diyan ah" nanahimik lang si Ran sa sinabi ng lalaki at napakapit nalang siya sa damit ng lalaki. "Oh, baka umiyak ka nanaman diyan, di pa nga kita binibitawan bumitaw ka na. Pero sige na pleease! samahan mo na ako, hindi ko kase alam kung pa'no pumunta don" - nagmamaka-awang pagpupumilit nito kay Ran. "Bakit ? ang laki-laki mo na hindi mo pa alam bumiyahe? - asar na tanong ni Ran "Bakit ikaw? dalaga ka na, takot ka pa rin sa dilim?may crush ka pang nalalaman diyan. pero ...sige na pleeease samahan mo na ako" "Pagsasamahan kita, baka pagalitan ako ng lola ko kung gagabihin ako umuwi. malayu rin biyahe nun galing dito ah" - nag-aalalang sabi ni Ran. "Kung ganun pala dapat umaga! eh di umaga nalang tayo pumunta!" "Oh Sige na nga! Basta sagot mo lahat ah! - kumbinsidong sagot naman ni Ran. (uto-uto naman neto sama kaagad haysss) " Syempre naman! pero pwedeng bitawan ko yung kamay mo?" nanahimik lang si Ran tugon na ayaw nitong bitawan ng lalaki ang kamay niya. (ka artehan naman neto ni Ran, gusto may ka holding hands pa? landi yarn? hahahah. " Pero promise mo yan ha! sasamahan mo ko" - paniguradong tanong nito kay Ran. " Yes, Promises are meant not to be broken, wag mo lang bibitawan ang kamay ko" - pangako namang sagot ni Ran. After how many minutes ng paghihintay... "Ayan may ilaw na!" dumilat na si Ran sa sigaw ng estranghero. at sakto namang pag tama ng liwanag sa kanyang mga mata na nanggaling sa kakabukas lang na pinto ng wlevator ay kaagad din naman siyang binitawan ng lalaki at dali-dali itong lumabas na ng elevator. nasa 18th floor palang sila. " sandali! wait lang kuya Kelan?..." hindi na naituloy ni Ran ang tanong sa lalaki dahil mabilis itong nawala sa kanyang paningin . Bumungad sa kanya ang tatlong staff ng building na mag-aayos ng elevator. Lumabas na rin si Ran ng sirang elevator at gumamit nalang ng stairs pero dahil nasa 23rd floor palang ay hingal na hingal na siya. kaya bumalik at sumakay nalang siya sa isa pang ayos na elevator para makapunta sa 27th floor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD