Chapter 22 Selfish Kahit na nagtataka at hindi ko halos maintindihan ang sinabi ko kay Itang, sinisimulan ko nang iwasan si Justice. Tuwing nakikita ko siya'y agad akong gumagawa ng paraan upang hindi na siya makalapit sa akin. Mariin din ang pagbabantay sa akin nina Vyanne at Jezreel. Kapag alam na nilang uwian ko na, agad-agad nila akong sinusundo sa aking silid-aralan o dili kaya'y sa aking pinapasukang opisina sa loob ng eskuwelahan. Madalas siyang hindi makalapit sa akin dahil sa mga kapatid ko. Kung minsa'y kapag nakikita ko ang reaksyon sa akin ni Justice ay naaawa ako't nanghihina sa kaniya. Batid ko naman na baka gumagawa na rin ang nakakataas upang mapaglayo kaming dalawa ngunit tuwing nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Justice ay nakakaramdam ako ng matinding kirot sa aki

