Chapter 12 Batid Ko "Ate, umiiyak ka ba? Namumula'ng mga mata mo, o?" agad na tanong sa akin ni Jeezrel nang kami'y magpang-abot sa paanan ng bundok. Hindi ko na alam kung ano'ng hitsura ko noong mga oras na iyon ngunit sa alab na nag-aapoy sa kaniyang mga mata niya, batid niyang hindi naging maganda ang naging takbo ng nangyari sa akin. Kita ko sa mga mata ni Jeezrel ang antisipasyon sa aking pagsagot ngunit isang pagngiti lang ang aking nagawa. "N-napuwing lang ako," pagsisinungaling ko. "Sino'ng gumawa niyan sa 'yo? Sino'ng nagpaiyak sa 'yo?" galit na wika niya sa ilalim ng kaniyang paghinga. Nakaramdam ako ng takot sa dibdib. Ayokong mag-alala nang husto si Jeezrel. Wala naman ito sa akin. "W-wala nga," hilaw ang naging ngiti ko pagkatapos ko ulit siyang sagutin. "Matagal ka ba

