Chapter 13

3731 Words

Chapter 13 Woman Hindi na ako ginambala pa ni Justice matapos ang engkuwentro na iyon sa pagitan naming dalawa. "Hinahanap ka sa 'kin ni Dimitri, ah?" banggit sa akin ni Joy nang magkasalubong kami sa hallway ng MSU. Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nang mapagdesisyunan ko na iwasan si Dimitri. Gusto ko na lamang na iburo ang namumuong damdamin ko para sa kaniya. Siya'y ikakasal na sa ibang babae at hindi na dapat akong umasa pa. Isang ngiting pilit ang naibigay ko kay Joy. Naglalakad na kami pareho papuntang parke. "Talaga?" Tumango sa akin si Joy. "Oo. Akala ko nga, nag-uusap kayo lagi no'n, eh." Nang hindi ako magsalita ay muli siyang sumambit, "Teka, hindi nga kayo nag-uusap?" Napabuga ako ng hangin. Napagpasiyahan namin na roon umupo sa mga sementadong upuan ng parke.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD