"Bwesit na matanda nayun." Pag dadabog ni eros "san nako pupunta nito! Hoy matanda ka!" Pagalit na sigaw nito sa langit, nag tinginan ang mga tao sa kanya at nag bubulungan na nababaliw nasya. Naka ramdam ito ng hiya kaya tumigil siya sa kakadabog.
Nakakita ito ng lata ng sardinas at iyon nalang ang pinagsisipa upang mawala ang galit niya.
"Bwesit talaga ang mga tao." Bulong nito habang sinusundan ang sinipa niyang lata. "Argh!" Napasigaw ulit siya sa galit dahil hindi niya matanggap ang parusa na ipinataw sa kanya, napalakas ang sipa nito at tumalsik sa mga pulubi.
"Hoy, bata kanina kapa sigaw ng sigaw diyan!" Angal ng matandang pulubi.
"Tsk" hindi sumagot si eros sa sinabi ng matanda at tinarayan nya lamang ito.
"Wala kana bang matitirhan? Mag papadre kaba? Para kang nakalabas sa mental dyan sa suot mo" ani ng isa pang matandang pulubi. Puti at mahaba na bistida ang suot niya kaya napagkalaman itong baliw at ang iba pang pulubi ay nag si tawanan "kami nga pala ang group 3 ng pulubi's squad iniipon namin mga nakita namin para may matirhan at makain kapa, gusto mo ba sumali ka samin. Mukha kana kasing baliw baka gutom kana" dagdag pa nito.
Kumunot ang noo ni eros "Bat naman ako sasali sa mga pulubing katulad nyo." Sagot niya sabay ng pag taas ng isa niyang kilay.
"AHAHAHAHA" nag tawanan ang mga pulubi dahil sa sinabi niya, habang siya ay inis na inis dahil sa pang aasar ng pulubi sa kanya.
Napahinto ang mga pulubi ng tumunog ang tyan ni eros habang siya rin ay nagulat. "AHAHAHAHAHAHA" mas lumakas pa lalo ang tawa ng mga pulubi dahil roon, tinakpan ni eros ang tyan niya dahil sa hiya.
"Bwesit anong nangyayari." Pagtatakang bulong nito sa sarili niya, dahil sa naging tao nasya lahat ng mararamdaman ng tao ay mararamdaman niya katulad ng gutom o iba pa.
"Oh ano, gutom kana ba?" Tanong ng matandang pulubi sa kanya with a mocking face "ikaw bahala kung hindi ka sasali samin, ikaw lang din naman mamatay sa gutom" pananakot nito kay eros.
Walang nagawa si eros at pinulot ang latang sinisipa niya at tumabi sa mga pulubi "anong ginagawa mo?"patanong na sabi ng matandang pulubi.
"Hindi ba obvious? Namamalimos?" Mataray na sagot ni eros. Hinila siya ng mga pulubi at dinala sa sulok.
"Kailangan mo mag ibang anyo" bulong ng pulubi sa kaniya.
Nagtaka si eros "ibang anyo?" Tanong nito. "Ano ba bitawan nyo nga ako, mga maduduming nilalang" angal ni eros sa kanila habang ang mga pulubi ay nakahawak sa kanya
"Hoy linda, ilabas muna" utos ng isang matandang pulubi habang inaabot nito ang kamay niya sa kasama niya
"Ito na kuya lando" sagot ng matanda sabay may inabot. "HAHA." mala demonyong tawa ng matanda.
Napataas ng kilay si eros ng nakita ang inabot ng matanda "Uling? Anong gagawin ko riyan?" Nag tatakang tanong nito habang pilit na tinatanggal ang malakas na kapit sa kanya ng mga pulubi ngunit ngumiti lamang ang mga pulubi "Argh wag!" Sumigaw siya ng idinikit sa kanya at ikinuskos ang uling sa mukha nya.
matapos na nilagyan ng uling si eros ay binitawan na nila ito."Ho!" Matagumpay na nakahinga ang matanda sabay punas sa noo nila na akala napaka laking trabaho yung ginawa nila.
"Ahh ang gwapo kong mukha wagh...." paiyak na sabi ni eros sa sarili habang hinahawakan nito ang mukha niya na nadungisan dahil sa uling.
"Wag kang mag alala mawawala din yan, alam muba yan si marites, gumanda matapos lagyan ng uling sa mukha" ani ng matandang babae. "Osya tara na." Usisa pa niya.
Gumabi na at natapos ang mga pulubi sa pamumulubi "ay wow marami tayo kita ngayon ah" masayang sabi ni linda
"Talaga baka swerte toh si eros" sagot naman ni lando "oh tawagin nayung ibang mga kasama natin at uuwi na tayo." Dagdag pa nito sabay tumayo sa kinakaupuan niya.
Nang nakarating na ang mga pulubi sa bahay nila, napangiti si eros dahil hindi gaano ka liit ang bahay nila. "Tsk hindi naman ganon kaliit" bulong nito sa sarili
Aksindente narinig ni linda ang bulong ni eros "Ay hindi, itong mansyon nato dito nag tratrabaho si ate. Buti nga e pinatira kami dito" ani nito."tara pasok na tayo, makita pa tayo ni ma'am agatha e.
Pumasok sila sa mansyon at pumunta sa likuran nito kung saan may maliit na bahay roon. "Ito?!" Gulat na tanong ni eros sa nakita niya, hindi naman ganon ka liit ang bahay, kasya ito sa sampuang tao ngunit para kay eros maliit dahil hindi pasya nakaranas ng ganon at isang malaking palasyo ang tinitirhan niya.
"Oa ka, ma sino na namam yang bagong kasama nyo" tanong ng batang babae na anak ni linda.
"Bagong myembro ng squad natin si eros" sagot ni linda "pag pasensyahan muna tong bahay kung maliit lang para sayo, e ito kasi ang dating laruan ni ma'am agatha noong bata pasya e pasalamat nga kami at binigay nya saamin. Libre narin kuryente at tubig kaya nag papasalamat kami kay ma'am" paliwanag ni linda
"Alam mo kong maarte ka wag ka dito mukha kang impakto sa mukha mo nayan" sabat ng batang babae kay eros.
"Hanni ano ba.. respetuhin mo rapat ang nakaka tanda sayo" suway ni linda habang hinahawakan bibig nito.
"Tsk" walang nasabi si eros at nilibot nalang muna ang harden ng mansyon.
"Nasan naba yung matanda nayun! Wala sakin yung papel ko." Bulong nito sa sarili habang nasa harden at nag lalakad.
"Heto"
"Ay palaka!" Nagulat na sigaw ni eros ng biglang may sumulpot na matanda sa tabi niya.
"Tshh call me pops wala tayo sa langit" ani ng matanda
"Po....pops tulungan moko, ibalik muna ako mag babago nako pramiss" pag mamakaawa ni eros sabay luhod.
"Patawad, ngunit hindi kuna mababawi ang parusa ko sayo. Bibigyan lamang kita ng isang taon upang matapos mo ang misyon mo rito sa lupa, at kapag hindi mo nagawa, hindi kana makakabalik sa langit." Sagot ng matanda "oh" inabot niya ang papel ni eros dahil naroon ang mga misyon na dapat niyang tapusin.
"Pops... sandali lang" pagpigil ni eros sa pag alis ng matanda, ngunit hindi ito nakinig at nag laho. "Bwesit na matanda nayun." Pagdadabog nito habang pabalik na sa bahay ng mga pulubi.
Napalingon si eros ng may sumigaw sa kanan niya "Ano ba!" Nakita niya ang isang babae na hawak hawak ang kamay nya at sa harap nito ay may matanda naka upo sa damo at parang may pinupulot.
Nilapitan niya ito upang alamin kung ano ang nangyari, tinulungan nito ang matanda na pulutin ang mga bulaklak na nahulog sa damo. "Tanda ano ang nangyari?" Tanong nito sa matanda.
"Wag ka muna maingay" pabulong na sumagot ang matanda habang nag mamadali pulutin ang mga bulaklak
"Hoy lalakeng impakto ka! Ano ginagawa mo!" Pagalit na sumigaw ang babae sa kanya habang hawak hawak parin ang kamay nito na para bang may sugat.
Tumayo si eros at kinunutan niya ng noo ang babae "mayaman kanga wala ka namang puso sa mga katulong mo, hindi ka man lang nahiya sa ginawa mo. Wala kang respeto sa matatanda" galit na sumagot si eros sa babae, umupo ito ulit upang tulungan ang matanda na tumayo
"Aba ta sino ka para sabihin yan sakin!" Galit na sabat ng babae kay eros "adeline paalis monga to!" Pasigaw na utos nito sa matanda.
Inawat ng matanda si eros at sinamahan na pumunta sa maliit na bahay dahil alam nya na bago lang siya roon.
Sinabi ni adeline ang lahat ng nangyari at ipinag taka ni eros kung bakit nag tawanan lang sila at hindi nagalit sa ginawa ng babae.
"nagulat ako sa kanya kanina ng nag tanong siya sakin, nakita ko mukha niya puno ng uling AHAHAHAHA" ani pa ni adeline, tumakbo si eros sa salamin para tignan ang mukha at nakitang may uling nga sa mukha niya. Napaupo nalang ito sa hiya.
"AHAHAHAHAHA" tawanan ng mga matatanda.
"Alam mo meroong oras na ganon si ma'am agatha, pero kapag nakilala mosya ng matagalan hindi naman siya ganon ka sungit o ka suplada." Paliwanag ni linda sa kaniya ngunit tinarayan lang ni eros dahil mali parin na sigaw sigawan lamang ang matanda.
Ngunit hindi niya nakita ang sarili nya na hindi rin gumagalang sa mga matatanda, pero sa totoo lang ay mas matanda pa si eros sa mga kasama niya dahil imortal siya na nag anyo lamang tao.
Kinabukasan ay maagang gumising ang mga tao sa maliit na bahay upang mag ayos at mag simulang mamalimos sa kalye.
"Oh asan si eros?" Tanong ni lando
"Maaga po umalis e" sagot ng batang babae
"E san naman yun nag punta?" Tanong ulit ni lando habang pinapahid ang uling sa mukha niya.
Habang si eros ay umalis ng maaga upang gawin at simulan na ang kanyang misyon.
"Dahil sa mali kong pag pana ay napunta itong babae nato sa maling lalake. Lunes ng madaling araw mag aaway ang dalawa dahil sa selos ng lalake. Mamatay ang babae sa sulok ng eskinita dahil sa sampung sasak ng lalake sa masisilang bahagi ng katawan ng babae." Bulong ni eros sa sarili habang naglalakad sa kalsada "ano naba ngayon?" Napatanong si eros sa sarili niya.
"Isang babaeng namatay matapos makipag tanan sa kaniya nobyo, kahapon sabado ng tanghaling tapat ay nakita ang bangkay ng babae na hubo't hubad-" narinig ni eros ang balita sa tv ng tindahan.
"Sabado, linggo at bukas ay lunes ng madaling araw sa eskinita sa tapunan ng basura.
to be continued...