"Eros!" Pasigaw na tawag sa kanya ng matanda habang may dala dalang lata.
"O, tanda bat kayo nandito?" Tanong ni eros dito
"Wala, hinahanap ka." Sagot nito kay eros "oh" ani nya pa sabay abot ng lata kay eros "tara na at may trabaho pa tayo" utos niya, napakunot ng noo si eros dahil sa ayaw niya nang mamalimos at magmaka awa sa mga tao.
"Ayaw ko nyan, mag hahanap nalang ako ng mas maayos na trabaho." Sagot nito, tumalikod ito sa matanda at humakbang ngunit hinila siya ng nito at pinigilan.
"Maayos ba kamo?" Tanong ng matanda sa kanya, ngumiti ito ng malaki kay eros na parang may gustong sabihin. "Marunong kaba mag kung fu?" Ani nito
"Bakit, gusto muba ako makipag away dyan sa gilid" sabat naman ni eros sa matanda. Inalis nito ang kamay ng matanda na nakasabit sa damit niya "tsk"
"Hindi, nag hahanap kasi ng body guard si ma'am agatha kaya kung gusto mo, pumunta kana roon para mag ka pera ka naman" sagot ng matanda sa kanya
"Body guard, dina non kelangan ng body guard demonyo nayun e" sabat nito sa matanda
"Kung ayaw mo edi wag, malaki pa naman sahod niya" ani na matanda sabay lakad pa alis kay eros upang mag simula na mamalimos.
"Mag kano" tanong ni eros rito, huminto ang matanda at napa ngiti ng malaki at lingon kay eros.
"Forty thousands a month, malaki narin yun. Ang gagawin mulang babantayan mulang siya" paliwanag ng matanda sa kaniya.
"Sige" pag sangayon ni eros sa matanda, nakangiti ng malaki ang matanda dahil sa sinabi niya.
Nag apply na si eros ng trabaho sa babae, nagka tinginan ang dalawa "ikaw ba ang bagong mag aaply ng body guard ko?" Tanong ni agatha kay eros while crossing her arm.
Napakunot ng noo si eros sa mala maldita niyang tanong, sabay upo sa harap ni agatha "oo" malamig na sagot nito kay agatha sabay ng pag taas nito ng kilay.
Ngumiti sa kanya si agatha "NEXT!" Sigaw nito sa ibang naka pila upang mag aply ng trabaho.
"Ma...ma'am agatha si eros po ay ano po....magaling posya sa karate, kung fu, boxing at kahit ano ipapagawa nyo kaya niya po" usisa ni linda kay agatha
Napakunot ulit ang noo ni eros ng marinig niyang nag sinungaling si linda.
"I don't care, ayaw ko sa mga demonyo" sagot ni agatha habang nakatingin ito kay eros at tinatarayan siya. "NEXT!"
Umalis ang dalawa na bigo "pera na naging bato pa" pag dadabog ni linda.
"Sabi ko naman sayo demonyo yang babae nayan e, wala yang awa sa mga mahihirap" sagot ni eros sa kaniya.
"Osya alis na muna ako at mamalimos pako, ikaw na muna diyan" paalam ng matanda.
Linggo ng madaling araw nag antay si eros ng matagal upang mapigilan ang gagawin ng lalaki sa kaniyang nobya, nababagot ito sa kakaantay
Madilim pa ng linggong iyon at hindi pa sumisikat ang araw kaya walang masyadong tao at tahimik ang lugar, inantay ni eros ang babae at ang lalake upang pigilan ang pagkamatay ng babae, maya maya lang ay narinig na nito ang pag aaway ng dalawa. Nag selos ang lalake at pinag hihinalaan niya ang babae na may iba na, nag init ang ulo nito at nag init din ang ulo ng babae.
"Napaka landi mo talagang babae ka!" Sigaw ng lalake sa babae habang hinila nito ang buhok ng babae.
"Woah, hindi dapat ganyan ang pagtrato mo sa babae, tsk tsk sayang lang ganda ng mukha ng nobya mo kung ganyan lang gagawin mo." Salita ni eros habang naka sandal lang sa dingding at tila pinapanood lang ang dalawa nag aaway.
Nagulat ang lalake kay eros dahil bigla lang syang sumulpot kung saan "Hoy ikaw na babae ka ito na ba pinalit mo sakin!?" Pasigaw na tanong niya sa babae.
"Ano ba bitawan moko, jonathan. Nasasaktan ako!" Ani ng babae, pilit nitong tinatanggal ang malaking kamay ng lalaki na malakas na nakakapit sa mga buhok niya. Halos nag lalagas na ang buhok ng babae dahil sa sambunot ng lalake.
"Alam mo kung ayaw mo ng gulo, tumigil kana diyan." Saway ni eros sa lalake, ngunit dahil sa sinabi niya ay mas lalo pang nagalit ang lalake at dinamay siya.
Hinila nito ang damit ni eros "wala kang hiya! Mga hayup kayo!" Galit na sabi ng lalake kay eros.
Biglang kumuha ng matalim na kutsilyo ang lalake at isasaksak na sana kay eros ngunit pinigilan ito ng babae "ano ba! Jonathan tama nayan! Wala akong lalake." Pilit na Pagpigil nito sa nobyo nya.
"Tumahimik ka!" Sumagot ang lalake at hinampas ang malaki nitong braso sa mukha ng babae na sya ring nag patumba sa babae.
Nawalan na ng pasensya si eros at nilabanan ang lalaki, hinawakan nito ang kamay ng lalake at pinirat na parang isang malambot na unan lang, agad nabitawan ng lalake ang patalim na dala dala nya. Napaurong ito sa sakit ng pagka hawak ni eros.
"Anong klaseng tao ka!" Galit na sigaw nito, susuntukin na sana nito si eros ngunit napigilan niya ito.
Idinikit ni eros ang kamay ng lalake sa likod nito upang hindi na makapalag, madaliang tumawag ang babae sa police upang ipakulong ang lalake. Nang nahuli na ang lalaki ay nag pasalamat ang babae at umalis.
"AHAHAHA, one down" bulong ni eros sa sarili ng tagumpay nyang magawa ang pinapagawa na misyon sa kanya. Pero nakaramdam ito ng pagsisi, dahil sa ginawa niyang katangahan ay maraming tao ang nadamay.
"Masarap ba sa pakiramdam?" Isang lalake ang nagsalita sa likuran ni eros
Napalingon si eros dito at nakita ang tagapamahala ng kalangitan "medyo" sagot niya rito
"Buti naman at napigilan mo" ani pa ng lalake
"Pops pwede naba umuwi, hehe" pangiti na tanong ni eros rito.
"Oo" sagot ng lalake sabay ngumiti rin sa kanya.
"Yes!" Napasigaw si eros sa tuwa ng narinig niya ang sagot ng lalake.
"Umuwi sa bahay ng mga pulubi, AHAHAHA" ani pa ng lalake habang gumagawa na nakakainis na tawa kay eros, nawala ang ngiti ni eros sa sinabi nya at napakunot na lamang sa noo.
"Pops sige na, pauwiin muna ako" Pag mamakaawa ulit ni eros sa lalake.
"Hindi, gawin mo muna yang parusa ko sayo" sagot nito sabay may binigay na pera kay eros at biglang nag laho.
Umuwi si eros sa bahay ng mga pulubi at nag dala ng pagkain bilang pasasalamat niya sa kanila, ngunit wala pang tao roon dahil tanghali pa non at namumulubi pa ang mga pulubi.
Pumunta muna siyang harden upang pag isipan ulit ang susunod niyang misyon. Habang nag lalakad ito sa harden na puno ng rosas humiga siya sa isang water fountain at tinitignan ang papel.
"Hmm, napaka brutal ng pagpatay. Naging stalker siya dahil sa pagmamahal niya sa lalake ngunit ang lalake ay nambabae sa kanya kaya nya napatay ang lalake " bulong ni eros sa sarili habang nakahiga at walang pake sa paligid nito.
"At bakit ka naririto sa harden ko?" Tanong ng agatha ngunit hindi iyon napansin ni eros dahil sa pagiisip nito sa misyon niya at nakatakip sa mukha niya an papel kaya hindi niya nakita si agatha"hoy!" Sigaw pa niya
Si eros ay hindi sumagot at nag salit. Napuno ang pasensga ni agatha at akala niya ay hindi siya pinapansin ni eros, itinulak niya ito gamit ng paa niya, na ikinahulog ni eros sa tubig.
"Ah! Anong ginagawa mo" napasigaw si eros at nagkaroon ng sari saring reaksyon dahil sa ginawa ni agatha.
She chuckled "Pft, Ahaha what a dump guy" natawa na sabi ni agatha sabay alis.
"Baliw na babae." Bulong ni eros sa kanya sabay pulot sa basa at punit punit na papel niya.
Nagalit si eros dahil sa pagkapunit ng papel niya "ano na gagawin ko, pops tulungan moko, wagh" paiyak na pagmamakaawa ni eros habang naka tingala siya sa langit at naka luhod.
Hindi alam ni eros na nakita siya ni agatha habang kinakausap niya ang langit, napangiti ito sa kaniya "ahaha, baliw basya?" Sabi nito sabay tumalikod at sinimulang mag lakad.
"Hey, adeline give that guy a towel." Ani ni agatha sa matanda
"Yes po ma'am " sagot nito sabay punta kay eros na basang basa "eros ok kalang? Ikaw kasi tinatanong kani ma'am kanina dika sumasagot nagalit tuloy siya" sabi ng matanda kay eros sabay abot sa towel.
Walang masagot si eros dahil pareho silang mali, tumayo nalang ito at umalis.
Kinabukasan ay inutusan si adeline papuntahin si eros sa office ni agatha, habang papunta doon ay nakangiti si adeline at nag tataka naman si eros kung bakit siya pinatawag.
"Ma'am namdito napo siya." Ani ni adeline
Napakunot ng noo si eros nangtitigan siya niya agatha, ibinaba ni agatha sa lamesa ang hawak hawak nitong libro. "You are hired." Malamig na banggit ni agatha kay eros.
"Ok." Sagot ni eros na wala man lang reaksyon.
"But, one condition." Dagdag ni agatha kay eros, tumayo ito at pumunta sa harap ni eros.
"Kailangan, nandito ka everytime na kailangan kita. I won't talk, dapat alam mo na kailangan kita." Ani nito kay eros habang gumagawa ng nakakainis na ngiti
nqgulat si eros sa sinabi ni agatha, pwede bayun? "60?" Offer nito kay eros
Hindi na nag isip si eros at umuo "sige, 60 thousands" ulit pa nito.
Unang araw ng trabaho ni eros ay madali lang, dahil si agatha ay isang sikat na model ay sunod sunuran sya rito kung saan siya pumunta. Dahil sa kailangan niya bantayan si agatha ay nilipat si eros at binigyan sya ng kwarto sa loob ng mansyon ni agatha.
Akala ni eros ay madali lang ang pinapagawa nito ngunit makalipas ang ilang araw, mas bumibigat ang pinapagawa ni agatha sa kaniya.
"Bwesit na babae nayun hindi man lang ako binigyan ng oras makapag toothbrush" pabulong na angal ni eros habang kumukuha siya ng tubig na inutos ni agatha.
"Oh ito napo tubig niyo, MA'AM" Ani nito, binigyan niya ng malamig na tubig si agatha.
"Ahh... sorry hindi kasi ako umiinom ng malamig na tubig e, hehe" pangaasar sa sabi ni agatha sa kaniya, walang magawa si eros kundi kumuha ng maligamgam na tubig at may naisip na kademonyohan.
Nilagyan nya ng asin ang tubig ni agatha at ibinigay sa kaniya "ito napo ma'am" mahinhin na sabi ni eros kay agatha, sabay dahan dahan nyang ibinigay ang tubig sa babae.
Ininom ito ni agatha at biglang nasuka dahil sa alat ng tubig "ah! Ano to bat ang alat"
Palihim na natawa si eros sa mukha ni agatha "ma'am bakit po?" Inosenteng tanong nito.
"MAALAT ANG TUBIG!" Galit na sigaw nk agatha sa kanya.
"Ma'am hindi po.." sagot ni eros na kunwari hindi nito alam ang ginawa niya
"Eros" tumingin si agatha sa mukha ni eros at ngumiti "inumin mo" utos nito kay eros.
"Ma...am?" Pabulol na tanong nito
"Drink this, now." Ulit na sabi ni agatha
Ininom ni eros ang tubig, pinigilan nito ang alat ng tubig at pinilit niya lunukin ito. "AHAHAHA" tawa ni agatha kay eros, nainis man si eros pero napangiti rin siya na tumatawa si agatha.
to be continued...