THE PART 2

5725 Words
So eto na po ang part 2 Enjoy po ×××××××××××××××××××××××××××××××××××× SAM POV Maraming nakaka-gulat na pangyayare sa mundo. Nandyan ang mahuhulog ka kanal... Ang magulat sa biglang pag putok lobo Ang mabatukan ng iyong katabi na hindi mo naman kakilala O ANG YAKAPIN KA NG TAONG NGAYON MO LANG NAKITA SA BUONG BUHAY MO ... AT TAWAGIN KA SA IBANG PANGALAN ... Eto nga nakakulong parin ako sa bisig ng gwapong lalaking to ... Oo gwapo dahil nakita ko sya bago nya ko yakapin ... Bakit nga ba ako niyayakap nito ??? At sino ba to ??? Marahan kong tinulak ang lalaking naka yakap saakin dahil medyo hindi na ko makahinga ... Hindi dahil gurl sa higpit ng yakap nya kundi sa biglang pag higit ko ng paghinga dahil nabigla talaga ako ... Pero ang bango nya... "Ahhm ... Teka lang po ano ... Ahhh medyo di na po ako maka-hinga hehehe ... Tsaka po hindi Devin ang pangalan ko ahm Samuel po ..." Sabi ko sa lalaki habang nilalayo ko sya sa pagkaka-yakap mula sakin. Klinaro ko muna ang aking lalamunan para makipag-kilala ng maayos sa aking kaharap. "Ahmm ... Samuel ... Samuel perez..." Inabot ko naman ang kamay ng lalaki na nakatulala na nakatingin sakin. Anong trip nito ni kuya ... Gwapo pa naman sana kaso mukang eng-eng ... Isip-isip ko patungkol sa lalaki. Nang bitawan ko ang kanyang kamay ay nakita ko naman na hinwakan ni Sir Romnick ang kamay ng lalaki. Mukhang natauhan naman ang lalaking kaharap ko dahil sa ginawa ng ni sir romnick. Kumurap kurap ang mata nito bago ibinaling ang tingin kay sir romnick. "Anak ? What's wrong ? Sinong devin ?" Ang nagtatakang tanong ni sir romnick maging ang kanyang asawa ay nakatingin din sa lalaki. Mukha naman natauhan ang lalaking yumakap sakin kani-kanina lang at palipat lipat ang tingin saakin at sa kila sir romnick. Tumitig pa ito saken ng ilang segundo bago nag-salita. "Ahm... I'm sorry ...it was a mistake ... I'm sorry ... I-I t-thought he was the friend of m-mine that i didn't see a long time a ago..." Ang medyo nauutal na sabi nito. Naunang itong umupo marahil ay sa pagka-pahiya ay napa buntong hininga na lang ito. Siguro ay sobrang miss na nya ang kaibigan nya at napag kamalan pa nya ako. "Anyway...zach...again this is Samuel perez he is the Carrier that we choose to carry our grandson... Samuel this my son zacharias gotham and he is the donor." Ang masayang pakilala naman ni sir romnick sa binatang kaharap ko. Medyo na nailangn naman ako sa paraan ng pag tingin nya sakin parang sinusuri ang buong mukha ko. Dahil sa paraan ng pag titig nya ay agad ako pinamulahan ng mukha at nag-iwas ng tingin. Uminom na lang ako ng tubig dahil sa pag-iinit ng mukha ko. Grabe ka naman kyahh ... Wag kang ganyan tumingin trabaho lang to. Mukha ba kong di katiwa tiwala ??? O di ba ko kaaya aya tingnan ??? Grabe nakaka ilang talaga sya ... "Ahmm .. good morning " ang kinakabahan at naka ngiwi kong bati kay zacharias. Pwede bang zach nalang itawag ko ang haba ng zacharias ee. Hindi man lang ito tumugon sa bati at patuloy pa rin ang pg titig sa mukha ko. Syeeeeeeeeeettttt ... Kuyaaaa tama na na iintimidate na ko grabe .. sabihin mo lang kung ayaw mo sakin para magdala ng magiging anak mo ... Majrami pa naman yata dyan na naghahanap ng Carrier ... Wag naman sa ganyang paraan .... Nakakatakot sya timingin Dahil sa iniisip ko ay naging sunod sunod ang lagok ko ng aking laway at medyo pinag papawisan na rin ako sa noo at lalo na sa ilong. "Siguro ay kinakabahan ka dahil nakipag kita kami saiyo ngayon ?? Kahit pwede naman sa opisina na lang ng agency nyo ???" Si sir romnick ang bumasag sa katahimikan at sa pagiging tensyon ko. Ibinaling ko na lang ang tingin kay sir romnick para mawala ang nararamdaman kong ilang sa kaharap ko ewan. Tumango ako kay sir romnick kahit di naman yun ang dahilan. Pero takte lang nararamdaman ko pa rin ang titig nya sakin. " Well... May gusto lang kaming sabihin tungkol sa iyong trabaho which is being a carrier to our future grandson... Ahm gumawa kami ng sarili naming kontrata about sa pagiging Bearer o carrier ng magiging apo namin." Panimula ni sir romnick at inilabas ang isang brown envelope na malamang ay nag lalaman ng sinasabi nilang kontrata. Sumagi na rin sa isip ko ang ganitong pangyayari at di nga ako nagkamali. Dahil sa mayayaman sila at gustong makasigurado na di sila magiging dehado. Ang utak nga naman mga mamayaman ... Akala mo palagi silang lalamangan. "Naka-paloob dyan sa kontrata ang magiging serbisyo at trabaho mo bilang isang carrier NA PARA LANG SA PAGITAN NATIN. IKAW AT ANG PAMILYA KO LANG ANG NAKAKA-ALAM NG KONTRATANG ITO AT LABAS ANG AGENCY NYO DITO." Patuloy sa paliwanag ni sir romnick seryoso naman ang mukha nito pero di naman nakakatakot. Mas nakakatakot parin ang anak nya "Pero wag kang mag-alala kase dalawa lang naman ang kondisyon namen na ginawa ng asawa ko. Hehehe wag kang matakot..." Si sir romnick parin. Yung totoo may kasama ba kame ??? Tsk sana di na lang kayo sumama kung tutunga-nga lang kayo dyan. Binuksan ko na lang ang envelope na nakaharap sakin at binasa ang kontratang sinasabe nila... Ni sir romnick lang pala. Kasi busy yung asawa nito sa cellphone at yung anak nya ayun nakatitig pa rin saken ... Yung totoo kya ... May pag-asa pa... Pwede ka pang kumontra kung di mo ko gusto para magdala ng anak mo ??? At tama nga si sir romnick dalawa nga lang ang kondisyon 1. You are staying with us during your pregnacy until you deliver the baby. 2. You have no right about you life until you deliver the baby. (Incase of emergency) Nanlaki naman ang mata ko sa nabasa. Pagtingin ko kay sir romnick ay nakangiti lang sya saken na tila alam na nya ang nasa isip ko. "I think ... Nabasa mo na ang pangalawa ??? Don't worry samuel ahhhh like what written there IN CASE OF EMERGENCY lang naman sya samuel ... I'm sorry but kami muna ang hahawak sa buhay mo ... Ahmm sorry medyo creepy pakinggan ano ... Pero samuel kung iaacept mo ang trabaho bilang carrier ng magiging apo namen ay you need to sacrifice your life para sa apo namen... Yun ay kung pumapayag ka... gusto lang namin talaga makasiguro na kung manyayari man yun ... Ee ang baby ang ipa prioritize..." Mahabang paliwanag ni sir romnick... Pero kailangan ko ba talagang gawin yun ??? Ang isakripisyo ang buhay ko para sa mga ito ??? Buhay ko kapalit ang buhay ng iba ??? Pero paano kung ganun ??? Paano si sunny ??? Maiiwan sya mag isa pag nawala ako... Si sunny ... 'im sorry sam pero kailangan na ni sunny na maoperahan sa lalaong madaling panahon ... Isang linggo sam para makapag isip ka.. Kung ako sayo sunggaban mo na yan minsan lang dumating ang oportunidad na ganyan ... Tsaka diba sabi kelangan mo ng pera para sa kapatid mo ???  Para sa operasyon ni sunny ... Tama para kay sunny to ... Para di na sya mahirapan at mamuhay na sya ng normal. Ng walang sakit ... Napatingin naman ako kay sir romnick. Buo na ang pasya ko. Gagawin ko to para sa kapatid ko... Para kay sunny... "Pumapayag po ako sa kondisyon nyo ..." Ang buong kompyansa kong saad habamg nakatingin ng deretso sa mata ng aking kausap. Para kay sunny to. Para kapatid ko ... "Well it's settled then ...paki pirmahan na lang yan samuel para patunay na pumapayag ka sa kasunduan naten." Si sir romnick sabay lapag ng ballpen sa aking harapan. "Ahhh ... Sir ... Pwede po ba kong mag request ???"sabi ko bigla habang naka tingin parin kay sir romnick. Tumingin naman ito sakanyang asawa. "Pwede po ba akong mag advance payment ??? Panimula ko hindi ko na sya pinag salita para di mawala yung lakas ng loob ko. "Kelangan na kelangan ko po talaga ng pera ngayon ee ... Para po sa operasyon ng kapatid ko... Ahhhh actually po nag apply po ako sa agency at nagbabaka sakali lang na may kumuha sakin... Kelangan na po kasing ma operahan ng kapatid ko sa lalong madaling panahon... ikaltas nyo na lang po sa magiging bayad ko para po sa trabaho ko .... Ahhh IPINAPANGAKO KO PO NA AALAGAN KO ANG MAGIGING APO NYO... ISASAKRIPISYO KO PO ANG BUHAY KO ALANG-ALANG SA BATA... PLEASE PO PAYAGAN NYO PO AKO MAG ADVANCE PARA PO SA KAPATID KO ... BATA PA PO SYA GUSTO KO PONG MARANASAN NYA ANG MAGING BATA... GUSTO KO PONG MARANASAN NYA ANG TUMAWA NG SOBRAS SAYA YUNG DI NA NYA PIPINGILAN YUNG EMOSYON NYA ... YUNG TATAWA SYA NG SOBRANG LAKAS KASI SOBRANG SAYA NYA ... YUNG HINDI NYA AALALAHANIN NA MAY SAKIT SYA AT MAY LIMITASYON LAHAT NG EMOSYON NYA. IPINAPANGAKO KO PONG SAINYO ANG BUHAY KO. HANGGANG SA MAKAPANGANAK AKO. PANGAKO PO ... PANGAKO ..." Dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ay sumabog na ako at sinabi lahat ng gusto kong sabihin isipin na nila ang gusto nilang isipin pero mag papaka-baba ako para sa kapatid ko gumaling lang sya. May nangigilid na rin na luha sa gilid ng aking mga mata pero pinipigilan ko paring umiyak sa kaharapan nila. Napayuko ako dahil sa nararamdaman ko bigat at ginhawa. Bigat para sa aking kapatid na nahihirapan dahil sa sakit nya. At ginhawa dahil tila may napag sabihan ako ng mga hinanaing ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking mga kamay at pag-angat ko ng aking mukha ay nakangiting sir romnick ang aking nabungaran. Napansin ko rin ang pangigilid ng kayang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Don't worry tutulungan ka namin para sa kapatid mo ... Kami na ang bahala sa mga gagastusin ng kapatid mo sa operasyon ... Wag ka ng mag alala. Napaka buti mo samuel ... Bihira akong makakita o makakilala ng mga taong kagaya mo. Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko..." Si sir romnick na hindi na napigilan ang pag tulo ng kanyang luha. Napangiti naman ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Tumayo ako at yumuko, idinikit ko ang aking noo sa kanyang kamay na hanggang ngayon ay nakahawak sa kamay ko at paulit ulit na nag pasalamat. Ilang beses akong nagpasalamat kay sir romnick habang nasa ganoong posisyon at di ko na napigilan ang mga luha kong gustong kumawala. Nang maupo ako ay nakayuko pa rin ako at lumuluha. Inabutan ako ni sir ellias ng box of tissue at pinasalamat ito. Buti naman kumilos na sila kanina pa sya nakatunganga dyan. Humingi naman ako ng paumanhin sa mag-anak. Ganun pa rin ang kanyang anak kung hindi naka titig sakin at nakatunghay sa labas ng kainan na tila malalim ang iniisip. Hala mukhang ayaw nya talaga saken dahil wala pa syang sinasabi simula ng umupo pa sya dyan ... Bahala sya dyan yung parents naman nya ang pumili saken ee... "Sabihin mo na lang saken kung saang hospital na ka confine ang kapatid mo para may maipadala kaming tao doon para asikasuhin ang lahat ng kailangan ng kapatid mo ..." Sabi ni sir romnick saakin. "At kung okay na samuel pwede mo ng pirmahan yung kontrata naten...?? Para makapag simula na tayo ???" Dugtong na sabi pa ni sir romnick. Pinirmahan ko naman ang nasabing kontrata. "Kelan ba ang operasyon ng kapatid mo samuel ???" Biglang tanong ni sir ellias matapos kong iabot ang kontrata kay sir romnick at pinirmahan din nito. "Ahm kung hindi naman po nakakahiya sainyo gusto ko na po sana agad na maoperahan ang kapatid ko binigyan po ako ng doktor ng isang linggo para makapag-isip at may natititra pa po akong tatlong araw ... Kung okay lang ho bukas na ho sana makapag advance na ko ??? masasabi ko na po sa doktor ang tungkol sa operasyon... Dahil pagtapos ng pag uusap naten ngayon ay dederetso na po ako sa hospital...kung gusto nyo ho pwede po kayong sumama para po makilala nyo ang kapatid ko ..." Mahabang paliwanag ko sa mag asawa. Sa mag asawa lang lang kasi parang lutang yung anak nya na parang di interesado sa nagaganap. Haleeerrrr ... Wala ka bang icocoment ??? Anak mo kayang ang dadalhin ko ... Wala ka bang violent reaction ???  Dyan ??? "Nako di na kami makaka dalaw sa kapatid mo at may pupunthan din kami pagtapos ng pag uusap naten. Ipapadala ko na lang ang secretary ng asawa ko para sa pag aasikaso ng mga kailangan ng kapatid mo ..."  Si sir romnick. Tumango naman ako sa sinabi ni sir romnick. Napatingin naman ako kay zacharias at nahuli ko nanaman na nakatingin sya sakin... Anoooo baaaaa !!!! May mali ba sa mukha ko bakita ka ganyan makatingin.... Sa pagkaka-alam ko ngayon lang tayo nagkita ... Di pa naman nag ku krus ang landas nating dalawa dati pero bakit parang ang laki ng kasalanan ko sayo Agad na lamang ako umiwas tingin sakanya dahil nararamdaman ko nanaman na mag-iinit nanaman ang mukha at malamang ay pamumula nanaman ito. Hayyysssss ... Kuya kasi ee ... Buti na lang ang gwapo nya .... Hala kelan pa ko natututong tumingin sa itsura ???  Okaaaayyyyy gwapo naman talaga .... Okay yun lang yun Matapos ng pag uusap ay umorder na sila ng makakain namen ... Yes tama... Makakain NAMEN ... Ayoko sana dahil ng makita ko ang presyo ng pagkain ay nanlumo ako ... Ang mahal susme .... Pang lima hanggang isang linggo nang budget namen yun ni sunny ee. Nakakaloka naman talaga gumastos ang mayayaman ... Dahil sa pinilit nila ako at sinabing sila na ang bahala ay omorder na lang ako ng mura mura ... Budget meal ika nga ... Buti may rice meal sila... Kasi yung inorder nila parang ulam ee ... Walang kanin.... Umorder lang ako ng beef teriyaki with rice sa halagang five hundred pesos ... hihihi favorite ko yan ee ... Simula ng makita ko yan sa TV na pinapalatastas ay natakam ako agad kaya nung natikman ko noon grabe sobrang saya ko ... Susme... Kung tutuusin kayang kaya kong gawin yon ee pinag-aralan ko talagang gawin yyon kasi nga favorite ko .... tsk ang mahal magkano kaya yung kanin na ginamit nila ??? Baka sa kanin nila binawi kaya medyo mahal .... May mga napag-usapan pa kami nila sir romnick. Pansin ko naman na malalim ang iniisip habang nakatingin sa phone nya. Nawala naman ang paningin ko sakanya ng dumating na ang mga order namen. Nag simula na silang kumaen kaya lalantakan ko rin ang favorite ko. Sisimulan ko na sana ang pagkain ng mapansin ko nanamang nakatingin sa gawi ko si zacharias. Ay mali sa pagkain ko pala tapos saakin. "Ahm ... Gusto mo ???" Alok ko kay zacharias ng tumingin sya sakin. Para kasing gusto nya yung pagkain ko kaya inalok ko. Napansin ko naman ang kanyang ginawang paglunok at walang pasabi na umalis sa kina-uupuan nya. Narinig ko pa na tinawag sya si sir ellias. Marahil ay nabigla din sa ginawa nya. "Pag pasensyahan mo na ang anak ko samuel ... Marahil ay stress lang yun sa trabaho kaya wala sa mood ..." Si sir romnick na nakangiti. Tumango na lang ako bilang sagot at sinimulan na ang pagkain ko. Mga limang minuto din siguro ang naka lipas ng bumalik si zacharias sa kanyang upuan at walang pasabi na kumain. Tahimik na lang ako na yumuko habang kumakain. "Samuel ... Siguro after ng operasyon ng kapatid ay pwede na tayong mag start sa pag process para sa pagbubuntis mo ???"  Si sir romnick matapos naming kumaen at nagpapahinga na lang. "Ahhh ...okay lang po ba sir kung after two weeks pagtapos po ng operasyon ??? Para po maalagaan ko muna yung kapatid ko bago ko sya iwanan.??? Wag po kayong mag alala di ko po kayo tatakbuhan ... Huling paki usap ko na yun sainyo sir ... Pangako po" sagot ko at itinaas pa ang akong kanang kamay natila nanunumpa at nagsasabi ng tapat. Bahagya naman na natawa ang mag asawa habang nakatingin sakin. "Hayyyy nako samuel ... Di talaga ako nagkamali na ikaw ang pinili ko... Sana makuha ng magiging apo ko ang pagiging jolly mo ... Diba mahal ???" Ang natatawang turan ni sir romnick. Tumango lang naman si sir ellias at naiiling iling pa. "And about to your request ... Of course pwede mo munang alagaan ang kapatid mo ... Pero samuel two weeks lang ahh gusto ko na kasi talaga magka apo ..." Natapos na ang aming tanghalian at maayos na naghiwahiwalay. Nagpasalamat naman ako sa pananghaliang inilibre nila saakin na napag-alaman ko na pag-mamay-ari pala nila na restaurant na yun. Grabe gaano kaya kayaman ang mga GOTHAM ??? Dumiretso ako sa hospital matapos makapag-paalam sa mga Gotham. Agad ko naman na tinungo ang silid nila sunny dala ang ilang supot ng pagkain at dala na rin syempre ang magandang balita na ma-ooperahan na sya sa mga susunod na araw. Naabutan ko na masayang nagkukwentuhan sina eman at si sunny sa higaan nito nakabantay na naka-upo si ate love sa gilid at nag se-cellphone at panaka nakang binabaling ang tingin sa mga bata. "Kamusta ang baby boy ko ??? Mukhang nagkakasiyahan kayo ahh" ang masigla kong bati sakanilanagulat naman ang dalawang bata na busy sa pagkukwentuhan  ng marinig ako maging si ate love ay napatingin saakin. "O... Sam ang aga mo naman yata ... Di kaba nag tinda ???" Si ate love at kinuha ang mga supot na dala ko. Himalik muna ako kay sunny bago sumagot kay ate love. "Hindi ako nakapag-tinda teh kasi may kinita akong tao..." Ang nakangiti ko pa rin na saad kay ate love habang hinahaplos ang buhok ni sunny. "Kinita na tao ??? Sino naman yan ??? At teka ang saya mo yata ngayon ??? Iba ang glow ng mukha mo ngayon ang aliwalas ... Para kang nabunutan ng malaking tinik at guminhawa yang aura mo" naka ngiti ring sabi ni ate love. "Oo nga no kuya ... Ang aliwalas ng aura mo ngayon ... Tsaka kanino ka nakipag kita ??? Hmmmm siguro may boyfriend ka na no ??? Uuuuuuyyyyyyy si kuya lumalab life ...." Asar ni sunny saakin. Mas lalo ko naman pinalawak ang mga ngiti ko. Totoo naman ang sinabe ni ate love na parang akong nabunutan ng malaking tinik sa dib dib ko. Dahil sa wakas ay ma ooperahan na si sunny. "Hmmm kaw talaga ... boyfriend boyfriend ka dyan ... Nakooo ha .. walang ganun ... Nu kaba ...tsaka hindi ko muna yun iniisip mas naka focus ako sayo kaya wala akong time na magboy friend boyfriend na yan ... Masaya ako dahil ... Tama si ate love ... Parang nabunutan ng malaking tinik sa at naka hinga ng maluwag ... Alam mo ba kung bakit ???" Sabi ko sa mga kaharap ko with matching hand movement pa. "Si kuya ... Parang ewan ... Syempre hindi ... Pano ko malalaman ee nandito lang naman ako sa loob ng ospital na to ..." Ang kamot ulong sabi ni sunny at pamimilosopo na rin. Pareho naman kaming natawang tatlo nila ate love at eman sa sinabe ni sunny. "Ee ano nga kasi ang dahilan at masaya ka ngayon aber sammy???  Ha??? Ee baka naman tama itong si sunny at may boyfriend ka na nga ...." Gatong naman ni ate love. "Isa ka pa ate love ee ..." Kamot ulo kong sabi naman kay ate love. "Ee ano nga kasi ... Pasuspense naman kasi ee ... Banat na ... Bira na... Tagal magkwento" si ate love na atat na talaga sa sasabihin ko. "Ok ... Eto na... Una sa lahat ..."  Panimula ko at nakita ko naman na nakatingin sakin ang tatlo. Tumigil ang tingin ko kay sunny na naka ngiting naka tingin sakin at naghihintay sa sasabihin kong balita. Ngumiti ako sa aking kapatid at di na napigilang ngilidan ng mga luha. "Una sa lahat ay ma-ooperhan na si sunny ..." At tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga luha sa aking sinabe. Ang kaninang naka-ngiting mukha ni sunny ay napalitan ng pagka gulat habang nakatitig sakin tila tinatantya kung nag sasabi ba ko ng totoo. "Kuya ..." Ang tanging nasabi ng ni sunny at bigla na lang nag unahang bumagsak ang luha nito sa narinig. Maging ang sarili ko ay hindi na rin napigilan ang lumuha dahil sa aking nararamdaman. Naririnig ko rin ang mga ipit na hikbi nila at love at eman na aming katabi. "Oo bunso ... May pangpa opera na tayo ... Gagaling kana ... Mamumuhay ka na ng normal.... Pwede ka nang tumawa ng sobrang galak bunso... Yung di mo na iisipin na may limitasyon lahat ng emosyon mo ....bunso magiging normal ka na ... Pwede ka ng mag laro kasama ng mga magiging kaibigan mo .... Di mo na sasabihin sakin na iba ka sakanila ...." Sabi ko kay sunny habamg yakap yakap ko sya. Wala naman ibang ginawa si sunny kundi ang lumuha. "Tama yan .... Baka di pa umabot si unny sa operasyon nya pag di pa kayo tumigil ..." Si ate love na nagpupunas ng kanyang mga luha sa mata. "Masaya ako sayo sunny ... Napaka swerte mo at may kapatid kang katulad ni kuya sam mo ... Dapat maging good boy ka sakanya ..." Dugtong pa ni ate love na sabi kay sunny. "Opo ate love ... Palage naman akong good boy kay kuya ee ..." si sunny na nagpupunas na rin ng kanyang mga luha. Bahagya naman ang natawa dahil mukha kaming ewan. "Kuya... Saan ka po nakakuha ng pera para sa pangpa opera ko ... ??? May trabaho ka na po ba ???" Segundang tanong sakin. Natigilan naman ako sa tanong ni sunny ... Dapat ko bang sabihin sakanya ang pinasok kong trabaho ??? Napatingin ako kila ate love at naghihintay din ng magiging sagot ko. "Ahhh oo bunso... May trabaho na ko at nasabi ko sa amo ko na yung tungkol sayo kaya nakapag advance agad ako bunso. Mamaya kakausapin ko na si doc. Bert para mapa schedule kana sa operasyon mo." Sagot ko sa tanong ni sunny pilit akong ngumiti dahil di ko alam kung paano ko sasabihin sakanya na pansamantala ko muna syang iiwan dahil sa trabaho ko. "Ahhh ... Ate love pwede mo ba ko samahan saglit kay doc bert." Baling ko kay ate love. Tumango naman ang huli at sabay na kaming lumabas ng silid. "Teka sam ... Ano bang trabaho ang napasukan mo ??? Legal ba yan ???" Biglang tanong ni ate love sa pagitan ng pag lalakad namin sa hallway. "Oo naman ate love legal to... Actually ... Ate may ipapaki-usap sana ako sayo... Kung ayos lang???" Ang nahihiya kong sabi kay ate love. Naka tingin lamang sakin ang aking kausap na may seryosong ekspresyon. "Sige sam pwede naman ... Basta kaya ko" si ate love. "Ahhh ... Ipapaki-usap ko kasi sana sayo si sunny pagkatapos ng operasyon ee baka pwedeng sainyo muna tumira si sunny pansamatala lang te love hanggang sa matapos yung trabaho ko tapos babalikan ko sya agad. Di ko kasi sya pwedeng isama sa trabaho te love. Wag ka mag alala kasi mag bibigay ako budget para kay sunny lahat ng naipon ko ibibigay ko sainyo para kay sunny te love ... Wala na talaga akong malapitan ngayon te love ... Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko kay sunny ngayon." Mahaba kong sabi kay ate love. Di naman nawala ang seryosong tingin na ibinibigay ni ate love saakin simula pa kanina. "Tapatin mo nga ako samuel... Anong trabaho ba yang pinasok mo at kelangan mo pang iwan ang kapatid mo ??? Sigurado kabang legal yan ???" Seryoso pa ring sabi ni ate love. "Pangako te love legel tong trabaho ko...di naman ako gagawa ng masama te ... Oo kailangan ko ng pera pero hindi ako gagawa ng masama dahil lang kailangan ko sabihin na nten na komplikado lang talaga..." Sagot ko kay ate love at iba na ngayon ang ekspresyon ng mukha nya tila ba nagsasabing ituloy mo at gusto kong malaman ang lahat. "Ganito kasi ang nangyari te love...." Sinimulan ko na ang pag kukwento simula sa araw ng sabihin ni doc bert ang kondisyon ni sunny hanggang sa pag apply ko sa Carrier agency hanggang sa pagkikipag kita ko sa pamilyang Gotham kaninang umaga. Gulat naman ang naging expression na makikita sa mukha ni ate love ngayon. "Dahil valid naman yang rason mo sige pumayag na ko na samin muna si sunny ... Tutal ee mukhang nagiging sobrang magka sundo sila ni eman I'm sure matutuwa si eman pag nalamang makakasama nya si sunny sa bahay." Nagsimula na kaming maglakad ulit ni ate love papuntang opisina ni doc bert. Agad ko naman sinabe sa doktor ang dahilan ng sadya ko. Nang masabi ko ang pakay ko ay agad nya pina schedule ang operasyon ang magiging operasyon ni sunny na gagawin agad sa araw ng sabado. Nagpaalam ako kay sunny na uuwi muna ako para makapag palit ng damit. Matapos ko makapag pahinga ng maunti ay ay agad ginawa ko na ang dapat kong gawin kung bakit ako umuwi. Naligo na ako at nag ayos nagluto din ako ng hapunan na dadlhin ko sa ospital. Nag balot ng ilang pirasong damit pamalit ni sunny at rwady na ulit akong bumalik sa ospital. Wala si ate love ng dumating ako sa kanilang silid may pinuntahan daw ni eman. Nanunuod lang si sunny ng tv kasama si eman ng pumasok ako. "Kuya..." Masayang bati sakin ni sunny. Nginitian ako naman ito ginulo ang buhok na ikinasimangot nito. Natawa naman ako sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Kumaen na kayo ???" Tanong ko sa dalawang bata habang inaayos ang mga dala ko sa isang gilid. Umiling naman ang dalawang bata. Malamang ay di nanaman nila kinain ang rasyon na ibinibigay ng ospital. "Tamang tama may dala akong pagkain... Ihahanda ko lang..." Naagaw naman ng pansin nila ang mga sinabe ko. Basta talaga luto ko hahahaha magtayo kaya ang karendirya ??? Hmmmm Kumaen na nga kame ng aming hapunan habang nanunuod ng tv. Matapos kumaen at makapag pahinga at pinatulog ko na ang dalawang bata. "Kuya ..." Si sunny nako mukhang di nanaman ito makatulog. "Nandito si kuya bunso ... Bakit ??? May masakit ba sayo ???" Tanong ko sa kapatid ko at hinawakan ang ang kanyang kamay. "Kuya... Natatakot po ako ... Paano kuya kung hindi maging successful yung operasyon ko ??? Ayaw kong iwan ka kuya sam ... Alam ko malulungkot ka pag nawala ako... Wag na kaya akong magpa opera... Titiisin ko na lang sakit ko kuya ..." Si sunny "Shhhh .. wag mong sabihin yan ... Magiging successful ang operasyon mo okay ... Hindi mo iiwan kaya walang mangyayaring hindi maganda okay ... Ginagawa ko ang lahat para sayo para manatili ka dito sa tabi ko ...okay ... Isipin mo nalang bunso... Ano ... Pag naging successful ang operasyon mas magkakasama tayo matagal diba ... Edi lalong di mo ko iiwan ... Mas matagal pa bago tayo magkahiwalay...okay ???" Paliwanag ko kay sunny habang hinahaploas ang kanyang buhok na medyo mahaba na. "Salamat kuya dahil di mo ko pinabayaan ...mahal na mahal kita kuya ... Promise po magiging good boy ako at ipoprotek po kita. Di po tayo maghihiwalay kahit maging lumaki na ko kuya..." Sabi ni sunny na nakapg antig saaking puso. Napangiti ako dahil sa mga sinabe ng kapatid ko. "Mahal na mahal din kita bunso ... Ikaw ang baby ko kahit lumaki ka na baby pa rin kita ... Kahit na mag asawa ka na ... Baby pa rin kita... Kahit may baby ka na ... Ikaw pa rin ang baby ko ..." Turan ko kay sunny habang sinusundot sundot ang kanyang tagiliran na nakakapag kiliti sakanya "Hmmm kuya ... Wait ... Saan ba yung work mo ?? Isasama mo ba ko dun sa work mo ??? Ano ping work mo ??? Ang bait naman po pala ng boss kung ganun kasi nakapag advance ka kaagad sakanya kahit di ka pa pumapasok. Gusto ko syang makilala kuya." Si sunny na sandaling nagpatigil saakin. Eto na ba ang pagkakataon para sabihin sakanya na iiwan ko sya pansamantala ??? Baka eto na nga ...*sigh* "Ahhh ... Tungkol dyan bunso ano kasi ... Di kita pwedeng isama sa trabaho ko medyo malayo kasi yun kaya di kita maisasama... Pero pansamantala lang naman yun bunso... Iiwan muna kita kila ate love mo... Dun ka muna habang wala ako ... Pero nangangako si kuya okay.    Nangangako si kuya na pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ni kuya.... Susunduin kita agad at mamumuhay ng magkasama okay ??? Pangako yan ni kuya..." Paliwanag ko kay sunny na nakapag patahimik sakanya. Bigla naman yumakap sakin ang kapatid ko at tahimik na umiyak. Ramdam ko ang pamamasam ng dibdib ko marahil sa mga luhang kanyang inilabas. "Pangako kuya ... Magiging good boy po ako ... Di po ako magiging pasaway kila ate live habang hinintay ka. Pangako mo kuya na babalikan mo ko pagtapos ng trabaho mo ahh ...pangako yan kuya ..." Si sunny na habang umiiyak pa rin. Hinaplos ko lang ang kanyang likod at pinigil na umiyak. "Pangako bunso ... Pangako." Buong puso kong pangangako sa aking kapatid. Kinabukasan ay hindi na muna ako nag tinda at naisipan ko na tutukan ang pag aalaga kay sunny araw na iyon. At isa pa ay ngayon darating ang ipapadalang tao ng pamilyang gotham para asikasuhin ang kailangan para operasyon ni sunny. Habang pinapakain ko ng almusal si sunny na binili ko sa labasan ay may isang babaeng pumasok sa aming silid at dumertso kung nasaan kami. Nakasuot ito ng blouse na puti at may nakapatong na itim na coat naka skirt ito at naka stiletto. May nakasabit na handbag sa kanyang kanang kamay. Tumigil ito sa aking harapan na naka ngiti labas ang maputi nyang ngipin. "Maricar peñaflor secretary of mr.ellias gotham... Ako ang pinadala nya dito para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin nyo sa operasyon ng iyong kapatid." Ang masayang bati nito saken. Tumayo naman ako sa aking kinauupuan at inabot ang kanyang kamay at nag pakilala. "Samuel perez po .. at ito ang kapatid ko na si sunny ... Sunny perez... Sya yung ooperhan ... Maraming salamat po sa pag punta at pasensya na po sa abala." Pag papakilala ko sa babaeng kaharap ko. "No worries it's my job actually..." Si ms. Peñaflor habang nakangiti."so shall we ?? Para mapadali ang kakailanganin ni sunny para operasyon... And by the way ... Ipinapa-abot pala ito ni sir romnick para kay sunny ... I'm sorry i forgot to give it you first." Inabot ni ms.peñaflor yung basket na dala na puno ng ibat-ibang prutas. Buong araw kaming nag asikaso ni ms.peñaflor para sa operasyon ni sunny nakakhiya man ay napilitan kaming pumila sa may kahabaang pila para sa pagbabayad ng bills. Inabot ng mahigit isang milyon din ang nagastos kasama na ang bayad sa operasyon magiging kwarto pagkatapos ng operasyon mga gamot at iba pa. Na medyo nakakahilo dahil sa ang dami pala talagang kailangan na bayaran pero yung naiipon ko wala pa kalahati kahit sa pangbayad man lang sa operasyon. Grabe naloloka ako sa laki ng perang lumabas. Pero okay na rin yun pagtatrabahuhan ko naman ang mga ginastos dito. Dumating ang araw ng operasyon at hindi ako mapakali sa aking kinalalagyan kasama ko si ate love at si ms. Peñaflor na pinabalik ng amo nya kung may kakailanganin para raw ba kami. Paikot ikot ako at taimtim na nanalangin na sana maging matagumpay ang operasyon. Ilang oras ang lumipas ay lumabas ang dokto na nag oopera sa kapatid halata ang pagod sa itsura ng doktor pero kapansin pansin ang ngiti sa kanyang mga labi. Masayang ibinalita nito na successful ang operasyon ng kapatid ko at maya maya lamang ay ililipat muna ito sa ICU at doon muna mamamalagi hanggang sa magising ito at mag stable ang kanyang kondisyon. Todo pasasalamat ang nagawa ko sa doktor dahil sa naging matagumpay ang operasyon. Sa mga sumunod na araw ay nagkamalay na ang kapatid ko ibinalita rin na stable na lagay ng kapatid ko at pwede na itong ilipat sa private room na kinuha ni ms.peñaflor... wala akong araw na sinayang at buong linggo kong inasikaso si sunny madalas ay binibisita ito ni ate love at minsan kasama si eman. Sabi ng doktor ay sa isang linggo ay pwede ng madischarge si sunny pero pinag iingat muna ito na wag muna masyadong magpagod. Ibinilin din ng doktor ang buwanang check-up ni sunny. Araw ng martes ang araw na pwede ng labas si sunny ng ospital. Mahirap man ay alam kong ito na rin ang araw na kelangan kong iwan pansamantala ang kapatid ko. Kasabay din na nadis charge sa parehong ospital si eman kaya sabay sabay na kami aalis. Nung araw din na iyon ay bumalik si ms. Peñaflor at sinabing inutusan sya ng kanyang amo na sunduin kame at ihatid para daw mas maging ligtas ang pag byahe namen pauwe. Naimpake ko na rin ang mga gamit ni sunny na ililipat namen kina ate love. Habang bumabyahe ay di ko maiwasan ang bumigat ang aking pakiramdam dagil sa twing iniisip ko na magkakalayo kameng dalawa ay bumibigat ang pakiramdam ko. Marahil ay kami na talaga ang magkasama sa lahat ng oras kaya mahirap para sakin ang lumayo... Pero iisipin ko na lang na pansamantala lamang ito at di magtatagal. Syam na buwan lang at magkakasama na ulit kami ... Lalayo kami dito sa maynila at maninirahan sa malayong lugar at mabubuhay ng panibago. Tumingin ako kay sunny na katabi ko at payapang natutulog at nakayakap saakin. hinaplos ko ang kanyang pisngi at pinigilan ang maluha dahil sa aking mga naiisip. Konting tiis lang bunso ... Konti lang ... Para sayo tong ginagawa ko... Syam na bwan lang bunso at makakasama na kita ulit .... ×××××××××××××××××××××××××××××××××× WHOOOOOOOOOOOAAAAAAAAA PA COMMENT NAMAN PO KUNG ANO MASASABI NYO SA KWENTO KO ... KUNG MAY REACTION PO KAYO WAG KAYONG MAHIYANG SABIHIN ... PARA PO MAPA IMPROVE KO PA ANG WRITING SKILLS KO ... SALAMAT PO SA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD