THE CARRIER[MPREG]
THE PROLOGUE
Pani-bagong nakaka-kapagod na araw nanaman ang sisimulan ni Samuel o Sam sa pag-babanat ng kanyang buto.
Pero hindi iyon alintana ni Sam bagkus ay mas gina-ganahan pa ito sa araw-araw na nag-dadaan. Wala sa bokabolaryo nya ang salitang PAGOD. Hindi nya alam ang salitang PAHINGA. Dapat syang kumayod ng kumayod para sa isang napaka halagang tao sa buhay nya. Hindi sya pwedeng mag-pahinga dahil para kay sam mahalaga ang bawat araw para makapag hanap-buhay.
Lumabas si sam na dala-dala ang tatlong kahon ng kanyang mga paninda na samut-saring mga ready to eat food na kanyang mga sariling gawa na kanya naman na ibinibenta. Hila-hila ni sam ang kanyang Trolley habang nag-lalakad sa kanyang unang magiging destinasyon.
Sa harap ng isang pam-publikong paaralan ang unang destinasyon ni sam na malamang ay may mga nag-aabang na. Napa-tingin ni sam sa kanyang relos alas nueve na at malapit na sya sa kanyang unang pwesto.
Tanaw na na sam ang paaralan at kumakaway na sakanya ang kanyang mga suki.
"Oh... Pila lang ahh lahat mabibigyan..."
Si sam ng makarating ito sa tapat ng paaralan ...
Tulad nga ng ina-asahan ni sam ay naabutan nya doon ang ilang mga suki na nag-aantay sa kanyang pag-dating. Mga gwardya,guro,janitor ang kanyang mga suki sa pwesto nyang to ...
"O sam yung request ko ba meron na ??"
Si ma'am domingo isa sa guro sa paaralan at isa rin sa mga suki nito
"Oo naman ma'am ..."
Kinuha ni sam ang isang parihabang Tupperware at ini-abot ito sa huli
"Special yan maam ahh ... Daanan ko nalang po bukas yung Tupperware ko hehehe" dagdag pa ni sam habang naka ngiti.
Napa-ngiti naman ang ginang at ini-abot ang isang libong piso
"Nakoo maam wala ba kayong dalawang daan lang ?? Kaka-umpisa ko palang magtinda maam"
Kamot ulo saad ni sam sa ginang habang ibinabalik nito ang perang hawak.
"Sayo na yan sam ... Wag mo na ko suklian ... Hmmm alam ko naman na need mo talaga ng pera kaya idag-dag mo na yan." Naka-ngiting turan ng ginang kay sam.
Gulat naman ang makikitang reaksyon sa mukha ni sam at di maka paniwala sa sinabi ng ginang
"Si-sigurado po kayo ma-maam ?? Ahhh ... Maam di ko po to tatanggihan maam ...?? Sigurado po kayo ???"
Ang di maka-paniwalang sabi ni sam sa ginang na kaharap.
Di pa rin ito maka-paniwala dahil kahit kailan ay wala pang gumawa sakanya ng ganito kabuti. Oo kelangan nya pera dahil sa malaki ang panganga-ilangan nito kaya malaking tulong ito para sakanya.
Naka-ngiti pa rin ang ginang habang naka-tingin kay sam alam nito ang lagay ni sam at masaya sya na maka-tulong kagit sa maliit na paraan.
"Oo sam ... Idagdag mo na yan ipon mo... Wag ka rin mahiya na lumapit sakin kung kailangan mo ng tulong ... Parang anak na ang turing ko sayo kaya wag ka mahihiya huh ..." Ang ginang habang hinahaplos nito ang tuk-tok ng ulo ni sam.
Totoo ang tinuran ng ginang parang anak na ang turing nito kay sam dahil sa nakikita nya kay sam ang namayapa nito anak. Kung nabubuhay sana ang kanyang anak ee magkaka-sundo sila ni sam.
Kinuha naman ni sam ang kamay ginang at idinikit dito kanyang noo at walang humpay ang kanyang pasasalamat sa ginang.
Naubos ang laman ng isang kahon sa kanyang unang pwesto sa pam-publikong paaralan at masaya pa sya dahil kumbaga nagka-roon pa sya ng TIP. Masaya sya at may mga tao pa din na handang tumulong para sakanya ... Sa kanila.
Ang pangalawang destinasyon ni sam ay ang isang malaking companya sa lungsod. Doon ay mas marameng syang suki doon dahil nga madaming empleyado doon. Sumakay sya ng jeep upang maka punta sa companya na kanyang ikalawang pwesto.
Dahil hindi sya pwede sa mismong harapan ng kompanya at doon lang sya sa katabing convenience store ng companya namamalagi dahil nung minsan syang pumwesto sa harapan nun ay sapilitan syang pina-alis doon na naging sanhi ng pagka-tapon ng iba nyang paninda. Medyo na lugi sya nung araw na yon kaya di na sya pumwesto dun at buti na lang ay pinayagan sya ng manager ng convenience store na maka pwesto sa harapan ng kanilang tindahan.
Maya maya ay dumagsa na ang kanya nga suki galing sa kompanyan yon ... May canteen naman daw ang kompanya pero nagsasawa na daw sila doon at di naman daw masarap ang mga pagkain kaya di na sila doon kumakaen .. pabor naman iyon kay sam dahil sakanya ang bagsak ng mga hindi kumakain sa canteen na yon.
Isa sa mga suki ni sam ay si Ivan ... Palagi itong bumibili sakanya ng mga makakain. Pero tila may nagbago dito... Ang dating flat nyang tiyan ay para bang lumaki na nahahalata dahil sa medyo di na nya maisara ang huling dalawang butones sa suot nitong polo long sleeves
"Ivan ... Bat parang lumaki yata tyan mo ??? Tsaka bat ngayon ka na lang ulit bumili dito saken ?? Ikaw huh baka may iba ka nang pinag bibilhan ng pagkain ahhh ... Magtatampo ako sayo..." Biro ni kay ivan na busy sa pag kain ng mangga na hinog na nilalagyan nya ng KETSUP ???
napangiwi naman si sam sa nakita na kinakain ni ivan ...
Weird' ahh ... Anong trip nito... Turan ni sam sa kanyang isip.
"Nu kaba sam ... Wala akong ibang binibilhan ... Need ko lang talaga kumaen ng mga healthy food this past three months para sa pag-bubuntis ko ... Kaya di muna ako nakakabili ng mga tindi mo kasi pinapaunan ako ng jowa ng mga healthy foods. Tumakas nga lang ako ngayon at namiss ko mga luto mo ee ..."
Nagulat naman si sam sa narinig at hindi napigilang mapatayo at mapasigaw
"BUNTIS KAAAAA ???" Di pa rin naman makapaniwalang tanong ni sam "PAANO NANGYARI???" Dagdag pa nito
"Ano sam explain kopa sayo pano namin ginawa ng jowa kaya ko na buntis ??? Ganun ??? Malamang nag jug-jugan kami alangan naman mag-isa ko lang to ginawa .... Atsaka remember CARRIER ako kaya pwede akong mabuntis ... Kaloka to parang di alam..." Paliwanag ni ivan na may kasamang pang-aasar kay sam.
Alam naman ni sam ang pagiging CARRIER nito dahil napag-usapan nila ito nang minsan. Maging sya ay isa ring CARRIER ngunit di nya lang inaasahan na ganyan pala ang itsura ng isang lalaking nag dadalang tao.
Parang busog lang pala itsura pag buntis ang lalake hahahaha
Isip-isip ni sam na medyo napangiti pa
"Well congrats ... Ninong ako nyan ahh "
Biro ni sam kay ivan na ikinangiti ng huli.
"Dapat lang no para masarap palage ang pagkain ng baby ko ..." Si ivan habang himas himas ang tyan nya.
Napangiti naman si sam sa ginawa ni ivan.
Mararanasan ko din kaya yan... Ang mabuntis ??? Di naman malabo na mag dalang tao dahil CARRIER din naman ako .. pero sino naman papatol sakin *sigh* di bale na nga di ko muna iisipin yan ... May mas kailangan pa kong pag tuunan ng pansin kesa sa pag bubuntis
Turan ni sam sakanyang sarili.
Tulad ng ina-asahan ay ang natirang dalawang kahon ay simot marami pang naghahanap na mukhang nahuli sa kanilang pag labas at hindi na nila naabutan pa ang kanyang paninda
"Pasensya na mga sir at maam ubos na po ... Di po kayo naka-abot ... Yaan nyo dadamihan ko na sa susunod ...pasensya na po" hinging paumanhin ni sam sa kanyang mga costumer na wala ng nadatnan na paninda.
Iniligpit na ni sam ang kanyang mga gamit paninda. Itinupi ang mga kahon na pinaglagyan ng mga paninda upang gumaan-gaan naman ang kanyang mga dala. Hila ang trolley na naka-tupi na rin ay binagtas na ni sam ang kanyang huling destinasyon sa araw na iyon.
SAN ANDRES HOSPITAL
Pag-dating ni sam sa na sabing hospital ay binati ni sam ang mga nakaka salubong nyang maga kakilalang nurse sa ospital. Ilang beses na ba sya naka-punta dito ??? Hmmm di na nya mabilang kung ilang beses na rin ...
Diretso si sam sa kanyang pakay. Ang kanyang walong taon na gulang na kapatid. Masaya nyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng kapatid at naabutan nya itong nakikipag-biruan sa kanyang mga kasama dito sa loob ng kwarto. May tatlo pa syang kasama dito na kapareha lang din nya ng karamdaman.
May Hypertrophic cardiomyopathy isang uri ng sakit sa puso na napaka delikado. Dahil sa hindi normal ang pag t***k ng puso nito. Sabi ng doktor hindi pwede sa sakit na ito ang sobra sobrang emosyon. Magdudulot ito ng biglaang pagbilis ng t***k nito at paghirap sa pag hinga.
(A/N: sakit ni athena sa SDTG )
"Kuya sam..." Masayang Tawag sakanya ng bata ng makita itong pumasok sa silid.
Nakangiti din dito si sam ng makalapit ito at pinug-pog ng halik ang mukha ng kanyang kapatid.
"Kamusta ang baby ko ??? Sinumpong ka nanaman ba ?? Baka panay ang laro mo dito habang wala ako at nagpagod ng sobra ???" Si sam na tila sinisermunan ang kanyang kapatid alam naman nito na behave naman ito kata kampante ito na hindi sya sinusuway ng kanyang kapatid.
"Hindi po kuya ... Dito lang po ako sa higaan ko kanina pa ... Di po ako umaalis dito sa higaan ko.." depensa naman ni sunny sa kanyang kuya sam. Napangiti naman si sam sa sinabe ng kapatid at ginulo pa ang buhok nito.
Naputol naman ang kanilang pag-uusap ng pumasok ang isang bantay ng isang pasyente na kasamahan ni sunny. Si ate love
"O sam buti andito kana ... Inatake yan kanina si sunny pag-gising nya ... Parang nga syang binabangunot kanina nung makita ko... Nahihirapan huminga ... Buti na lang at nagising ako kaya naka-tawag ako agad ng doktor ...nakaka-takot pala yang atakihin sam ... Sobrang nag-iiba ang kulay nya ... Baka dapat sam mapa-dali na ang operasyon nyan ni sunny ... Maski ako natatakot din para kay sunny ... Bata pa sya marami pa syang magagawa..."
Gulat naman na napatingin si sam sa kapatid na ngayon ay naka yuko na. Alam nito na magagalit ang kanguang kuya sa dahil di nya agad ipina-alam dito ang nangyari kanina.
"Sunny ??? Bakit di mo naman sinabe agad ?? Huh?? Ano okay ka na ba ??? Maayos na ba ang pakiramdam mo ?? Nahihirapan ka pa ba huminga ??? Ano ???"
Bakas sa mukha at sa boses ang puno ng pag aalala ... Paano kung hindi na agapan ang kanyang kapatid ??? Paano kung di nagising ang kasama nila dito??? Ano na lang ang mangyayari sakanila.. baka pati si sunny ay iwan din sya tulad ng kanilang mga magulang.
Si sunny na lang ang pamilya nya ... Kaya di nya kakayanin kung pati ito mawala pa sakanya...
"Sorry kuya ... Di ko na po sinabe kasi alam kong mag aalala kayo saken ... Ayoko ko pong mag alala kayo saken ... Alam ko naman po kasi na bago ka pumunta dito ay nag tatrabaho ka pa ... Ayoko lang po na maka-dagdag sa mga pagod mo kuya ... Sorry po ..." Ang naiiyak na hingi ng tawad nito sa kanyang kuya sam.
Niyakap na lang nito ang kanyang kapatid at pinigil ang namumuong emosyon. Di sya pwedeng umiyak sa harap ng kanyang kapatid. Kailangan nyang mag-mukhang malaks para sa kapatid. Ini abot na lang si sam ang dala dala nyang bag at ini labas ang mga pagkaing kanyang itinabi bago pa sya makapag-tinda. Ibinigay nya sa kapatid ang isang Tupperware na nag-lalaman ng pagkain. Ganun din sa mga kasamahan nito sa loob ng silid.
Araw-araw ay nagtatabi sya ng pagkain na kanyang itinitinda para sa kanyang kapatid at sa mga kasamahan nito. Nagpasalamat na rin sya kay ate love, ang isa sa mga bantay ng pasyente na naka-saksi kay sunny na inaatake ng kanyang sakit.
"Sus ... Wala yon sam kaw talaga ... Di naman na kayo iba saken .. samin ni eman ... Sino-sino pa ba ang magtutulungan ee kundi tayo tayo lang rin na kapos ..." Si love habang nilalantakan ang pagkain na kanyang ibinigay dito.
Maya maya ay may pumasok isang doktor at ilang mga nurse sa silid at isa isang tinignan ang lagay ng mga pasyente huling inobserbahan si sunny dahil nasa pinaka dulo ang kanyang pwesto na katabi lang naman ni eman ang pasyenteng binabantayan ni ate love.
"Doc bert kamusta po kapatid ko ??? Ok na pa ba sya ???" Agad na tanong ni sam sa doktor matapos obserbahan ang lagay ng kanyang kapatid.
Bumaling naman ang tingin ng doktor sakanya at pagka-tapos ay ibinaling din kay sunny na naka tingin din sa doktor na tila nag-hihuntay din ng kanyang isasagot. Napabuntong-hininga naman ang doktor bago ibinalik ang tingin kay sam.
"Pwede ba tayong mag-usap sam sa labas ?? May mga dapat lang akong sabihin sayo..." Si doc bert bago ito naglakad palabas ng silid.
Kita ang takot sa mukha ng magkapatid ng marinig ang sinabe ng doktor. May namumuong kaba na nag-papabilis ng pag-t***k ng kanyang puso. Humalik sa nuo si sunny si sam bago sumunod sa doktor sa labas ng silid. Sinamahan naman ito ni love at magka-hawak kamay silang lumabas ng silid. Tila doon kumukuha nga lakas si sam dahil sa nakakapanghinang pag-t***k ng kanyang puso.
"Doc bert ???" Si sam ng maka-lapit sa doktor hawak parin ang kamay ni love.
Bakas sa mukha ng doktor ang pag-aalala na lalong ikinabahala ni sam.
Walang masamang balita ... Walang masamang balita ... Walang masamng balita ....
Ang paulit-ulit nya sabi sa kanyang sarili.
Bumuntong hininga ang doktor bago ito magsalita.
"Sam ... Di na ko magpapa-ligoy ligoy pa ... Sam hindi maganda ang lagay kapatid mo di na maganda ang lagay ng puso ni sunny di na rin nakakatulong ang mga gamot na inuinom ni sunny para sa puso nito... Sam kaelangan na ni sam na ma operahan sa lalong madaling panahon ... Kelangan na nitong mapalitan ... Sam wag ka mag alala dahil may donor naman na nag-hihintay. Sam wala tayong oras pag tumagal pa ito ...kelangan na ni sunny ng operasyon isang linggo sam ... Para makapag-isip ka ..." Mahabang paliwanag ng doktor kay sam na nakapag-pahina lalo sa huli.
Syempre gusto nyang maoperahan ang kapatid nya para tuluyan na itong gumaling. Pero saan naman sya kukuha ng napaka laking pera para operasyon ? Oo may ipon na sya pero alam nyang di yon sa para sa operasyon ni wala pa nga sa isang daang libo ang ipon nya na inilalaan talaga nito para sa kapatid.
Lalong nanlumo si sam sakanyang narinig mula sa doktor nanghihina ang tuhod na napa luhod na lang sa malaming na semento ng hospital. Naguunahan naman na lumabas ang mga luha nito mula sakanyang mga mata. Tila sumabog na ang matagal na nyang kinimkim sa sakit sa kanyang dib-dib at hindi na nga kinaya ng kanyang katawan.
Agad naman syang inalalayan ni love at tinulungan na maka-upo sa malapit na mga upan sa hall-way ng hospital. Tahimik naman na hinahagod ni love ang likod nito ni sam na tila ba na ipinapa-alam ang kanyang presensya sa itinuring na rin nyang kaibigan.
"Sam ... Maging matatag ka ... Wag kang mawalan ng pag-asa... Di ka naman bibigyan ng pag subok kung di mo kaya ee ... Pag-subok lang lahat to sam ... Kaya mo yan ..." Si love na himas himas pa din ang likod ni sam na walang humpay ang agos luha.
Buong mag-damag na na wala sa sarili si sam habang nag-babantay sa kanyang kapatid. Hindi pa rin maqala sa isip nya ang sinabe ng doktor tungkol sa kanyang kapatid. Nakatitig lang sa kapatid si sam habang natutulog ng payapa ang kanyang kapatid na tila walang ano mang sakit mula sa maamo nyang mukha hindi mo makikitaan na naghihirap ito sakanyang murang edad.
Kinabukasan ay doble kayod sya nung araw na iyon kung nung mga nakaraan ay pananghalian lang ang kanyang mga ibinibenta ay gumawa na rin sya ng almusal na pwedeng ibenta. Kailangan nyang kumita ng mas malaki para sa kanyang kapatid.
Nang maubos na ang kanyang paninda ay kung dati ay diretso sya sa hospital ay umuwi sya at naghanda sa sinabing trabaho ng kanyang kakilala bilang isang waiter. Buti na lang at nag-kulang sa tao ang pinapasukan ng kanyang kakilala kaya nakapasok sya agad. Alam nyang di sasapat ang mga kikitain nyang iyon ngunit sa isip ni sam ay malaking tulong na iyon pang dag-dag para makapag-ipon para sa operasyon.
Alas tres ng madaling araw natapos ang shift ni sam bilang isang waiter at kumita sya ng mahigit isang libo dahil na rin sa mga TIP na kanyang pasimple lang na tinanggap at pasimpleng itinago kasama na sa kanyang kinita ang sahod nya sa araw na iyon dahil extra lang naman sya doon.
Umuwi muna si sam sakanilang tinutuluyang apartment at nag pahinga saglit para makapag tinda ulit sya.
Mag-hapon nasa lansangan si sam at nag-hahanap buhay. Di na nya iniinda ang pagod dahil wala syang panahon para mapagod. Pero kahit magtrabaho pa sya bente quatro oras ay alam nyang hindi pa rin sasapat ito para sa operasyon. Naupo sa isang gather si sam at nanlalambot ang mga tuhod habang naiisip na maaring mawala sakanya ang kanyang kapatid. Naguunahan nanaman na tumakas ang mga luha sa mga mata nito. Tila nagiging bukal nanaman ang kanyang mga mata dagil sakanyang mga iniisip.
Si sunny na lang ang natitira sakanya simula ng iwan sila nga mga magulang nila dahil sa usang aksidente na parehas na ikinasawi ng kanilang mga buhay. Wala na syang ibang kapamilya maliban kay sunny kaya lahat ay gagawin nito para sa kapatid.
"O ... Sigurado ka na ba sa desisyon mo ??? Eto na ang huling pag-kakataon mo ... Pwede ka pang umatras..."
"Oo ... Alam mo naman na kelangan ko ng pera diba ? Isa pa syam na buwan lang naman ang itatagal nun tapos wala na... At least diba milyones din ang makukuha ko pagkatapos ng syam na bwan. Pwede na ko bumuo ulit ng panibago kong buhay... O may milyones na pako ...."
"Sabagay ... Ok na rin yan at least magagamit mo yang pagiging CARRIER mo diba ... Oo nga naman syam na bean lang naman ... "
Napatayo si sam sa kanyang pagkaka-upo sa gather ng marinig nya ang mga nag uusap na yon. Nag linga linga sya upang hanapin kung kanino galing ang usapan na yon. Pag baling nya ng tingin sa kaliwa ay nakita nya ang dalawang lalaking naglalakad. Dahil sa narinig ay sinundan nya ang mga ito.nakita ang dalawang lalake napumasok sa isang mataas na gusali.
CARRIER'S AGENCY
May mga ilang tao sa loob na tila mga nag-a apply.
Teka agency ba to para lang sa mga CARRIERS ???
tanong ni sam sa kanyang isip.
Nakita ni sam na lumabas ang isa sa mga lalaking sinundan nya at pumunta sa isang tindahan na malapit. Agad naman nya itong sinundan at gusto nyang malaman kung ano yung pinag-uusapan nila ng kasama nya kanina tungkol sa mga carrier.
Nang makalapit ay agad nya itong binati.
"Ahmmm... Excuse me ... Pwede mag-tanong ??? Ahhh kasi narinig ko kayo kanina ng kasama mo na nag-uusap tungkol sa CARRIER ... Atay marinig din akong milyones ??? Ahmm sorry pero ano yun ??? Ahm sorry ahhh sinundan ko kayo kasi naging interasado ako ... Ahmm kelangan ko kasi ng malaking pera kaya nung narinig ko ying pinag-uusapan myo kanina naging interesado talaga ako ..." Ang nahihiyang turan ni sam sa lalaki "at lalo na at involve ang isang CARRIER ??? Ahmm ano kasi ... CARRIER din kasi ako .. kaya lalo akong naging interesado ..." Dagdag pa nito sa kaharap na lalaki at nahihiya pa rin.
"Hmmm .. oo ayun oh ... Yung agency na yun ang tumutulong sa mga CARRIER para magka-pera ... Yung kaibigan ko ang CARRIER sinamahan ko lang sya dito..." Sagot ng lalaki sakanya habang tinuturo ang gusali na pinanggalingan nila.
"Di mo ba alam ang tungkol dyan ??? Sikat yang agency na yan para sa mga CARRIER. Ahh ... Dapat alam mo yan kung CARRIER ka ..." Dugtong pa ng lalaki habang umiinom ng softdrink na binili nito.
Napailing naman si sam sa tinuran ng lalaki. Totoong wala syang alam tungkol dyan sa agency na yan at sa katunayan ay ngayin lang nya ito nalaman.
"Okay ganito yun ... Mga CARRIER lang nag a apply dyan dahil isang trabaho lang naman gagawin nyo ... Pero sigurado naman na malaki ang kikitain mo pagka-tapos ng trabaho mo " tuloy na paliwanang ng lalaki kay sam.
Tahimik naman itong nakikinig sa lalaki at pumukaw sa kanyang interes ang TRABAHO at ang KIKITAIN. yung lamang ang gusto nyang malaman.
"Ahh anong Trabaho ?? At magkano ang kikitain ko sa trabaho naman na yun ?? Ahhhhh ... Kelangan na kelangan ko na talaga ng pera ...para operasyon ng kapatid ko ..." Ang di na napigilang tanong ni sam sa kausap nito. Hindi na sya makapag intay na malaman ang kanyang gustong malaman.
"Madali lang naman yung TRABAHO na ipapagawa sainyo ...
MAGDADALANG TAO KA LANG NAMAN PARA SA MGA MAYAYAMANG TAO NA GUSTONG MAGKA-ANAK.
AALAGAN MO YUNG MAGIGING BABY NILA SA TYAN MO ... USUALLY CARRIER ANG PINIPILI NILA NA MAGDALA NG GUSTO NILANG MAGING ANAK DAHIL PAG-LUMABAS NA ANG BATA AY EKSAKTONG EKSAKTO ANG ITSURA NG BATA SA SPERM DONOR. MINSAN KASI YUN ANG GINAGAWA NILANG TAGAPAG-MANA SA MGA NEGOSYO NILA.
AT TUNGKOL NAMAN SA MAGIGING MAYAD SAYO AY 70%/30% KAYO NG AGENCY ... 70 % ANG MAPUPUNTA SAYO AT 30% NAMAN ANG SA AGENCY. DI KA NA LUGI DAHIL KADALASAN EE MILYONES ANG BAYAD SA MGA CARRIER NA NAKUKUHA NILA. " Ang mahabang paliwanag sakanya ng lalaking kausap nito "Kung ako sayo... Kung kailangan mo talaga ng malaking pera ... Sunggaban mo yan ... Sayang opportunity bihira lang dumating ang ganyang pag kakataon at sabi mo nga ay para sa operasyon ng kapatid mo ?? Gawin mo yan para sa kapatid mo .. di naman ganun kahaba ang syam na bwan na pag-bubuntis ee ... Tapos ng syam na bwan edi lumayo layo kayo mag bagong buhay at least nakapag pa opera ang kapatid mo ..." Dagdag pa ng lalaki bago ito umalis at bumalik sa loob ng building na pinanggalingan nito ...
Naiwan si sam na nakatulala at iniisip ang mga sinabe ng lalake. Ang trabaho... Ang pag bubuntis ... Ang magiging bayad sakanya .... ANG OPERASYON NI SUNNY...
TAMA ANG MAHALAGA NGAYON AY ANG PAG-GALING NI SUNNY... TAMA SYA HINDI MAHABA ANG SYAM NA BWAN AT PAGKA TAPOS NON AT NAILABAS NA NYA ANG BATA AY MAGPAPAKA LAYO LAYO KAMI NI SUNNY AT MAGBABAGONG BUHAY GAMIT ANG PERANG AKING MAGIGING AKING MAKUKUHA ...
Tumayo si sam sa pagkaka upo sa harapan ng tindahan at tinungo ang gusali sa sasagot sakanyang mga suliranin ...
PARA SAYO TO SUNNY ... PARA GUMALING KA NA ...
Huling mga binanggit nya sakanyang sarili bago pumasok sa gusaling nasa kanyang harapan....
××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Owwwwkeeyyyy ... Ito na po ang PROLOGUE ko .. sana nagustuhan nyo
Lab lab