L U C A
"I'm just doing this because I don't want you to go alone. Hindi pa rin kita sinusuportahan sa lalakeng 'yon."
Isang mapait na ekspresyon ang ibinigay sa akin ni Zig habang tinutulungan ako nitong ilagay ang aking maleta sa kanyang sasakyan.
Sinundo niya ako rito sa tapat ng bahay namin. Siya rin mismo ang nagpaalam sa akin kina mama at papa dahil kapag siya ang kasama ko, panatag sila. Though, alam kong labag sa loob niya ang pagbyahe namin ngayong araw papunta sa Buwan City.
"Whatever, Zig!" Nginitian ko lang siya at nagmake face bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. "Dami mo pang sinasabi, eh. Tara na nga!" Nakangiti kong sambit nang pumasok na siya sa loob ng kotse.
Tiningnan ako nito nang may inis sa kanyang mukha bago umiling at pinaandar ang kanyang sasakyan.
It's Wednesday and the time is 8 in the morning. Halos dalawang araw na mula noong pumayag si Zig na pumunta kami sa Buwan City kung saan nakatira si Rex, ang may ari ng ID na dala ko ngayon para ibalik sa kanya.
At first, my parents were against my plan. Good thing I had Zig to rescue me. Napapayag niya sina mama at papa. Since si Zig naman ang kasama kong pumunta roon, kahit gaano pa katagal ay pwedeng-pwede akong manatili sa Buwan City at makasama si Rex. Itong best friend ko lang naman ang ayaw.
"I'm telling you, Luca. This isn't a good idea. You can still cancel this trip. Kung gusto mo, pumunta nalang tayo sa ibang lugar." Heto na naman siya at pinipigilan ang mga naka-plano na. Napairap ako kay Zig habang nagmamaneho ito.
"Nope! I'll stick to the initial plan. No backing out. Period!" Mariin kong sabi habang nakatingin sa kanya. Napatingin ito sa akin at muling humarap manibela.
Umiiling ito na tila na-dismaya sa narinig. "You can just give his ID back to him via courier, you knew that, right? But you chose this, to travel for 5 long hours, just to see that guy." Napailing ulit ito. "Akala mo naman, siya na 'yong lalakeng magmamahal sa 'yo nang totoo." Mahina niyang sinabi iyon pero narinig ko 'yon nang malinaw.
Kunot-noo ko siyang sinagot. "Eh, paano kung siya na talaga?" I asked him. Napatingin ito sa akin na napangisi dahil sa narinig. "Paano kung after all the guys I had dated before, si Rex na 'yong para talaga sa akin? Paano kung kaya niya aksidenteng naiwan ang ID niya noong gabing 'yon ay dahil gusto talaga ng tadhana na magkita kami ulit? What if it's destiny that brought us together?" halos kuminang ang mga mata ko habang sinasabi ang mga 'yon kay Zig na tila natatawa na ngayon. What's so funny?
"Yan! D'yan ka magaling!" Natatawa itong umiiling habang patuloy sa pagda-drive. "Do you really think you're in a fairytale? Luca naman, hindi ka na teenager para maniwala sa mga gano'n. Ni-hindi ka nga sigurado kung mabuting tao 'yon, eh. You don't even know him, for you to think like that." Zig responded, bitterly.
Napairap ako. "And you also don't know him, for you to judge him like that." Sagot ko kay Zig. "If I know, you're just bitter because I'm taking small steps to my blossoming love life. Bakit hindi ka pa kasi manligaw? Para magkaroon naman ng tamis ang buhay mo, hindi 'yong puro pait nalang." I half-jokingly said. Gusto ko siyang asarin, since hindi rin naman niya ako tinatantanan sa mga pangongontra niya sa plano kong kitain si Rex.
Imbes na mainis ito ay ngumiti pa ang loko. "Sa tingin mo kapag nanligaw ako, may sasagot sa akin?" he asked. Sinulyapan ako nito nang may ngiti sa kanyang mukha. Nakakapanibago dahil kapag binibiro ko siya tungkol sa bagay na 'yon ay naiinis siya.
"Oo naman!" Diretsahan kong sagot sa kanya. "I mean, just by your looks, mapapasagot mo na kahit sinong ligawan mo. Gwapo ka, matangkad, you have a nice body at sobrang bango pa. Combining those qualities to your smartness and being a gentleman, kahit sino ay gugustuhin kang maging boyfriend nila." I told him everything I saw in him. Lahat naman ng 'yon ay totoo at walang kaduda-duda.
He smilingly looked at me. "Kahit ikaw?" nagulat ako sa narinig mula sa kanya. "Kapag niligawan kita, sasagutin mo ba ako?" a serious look flashed on his face after he ask me that question. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya.
"Para kang ewan, Zig Jimenez!" Tinawanan ko siya sa tanong niya. "Basta ang alam ko lang, ang swerte ko na best friend kita. Swerte rin ang taong mamahalin mo and that's for sure." Ngumiti ako sa kanya ngunit nang tingnan ko ito habang naka-pokus siya sa kalsada, seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Ang bilis niya magbago ng mood, lately.
"I guess, I'm not lucky enough. Maybe, I'm still not enough." Zig said without looking at me.
"What?"
Bumaling ito ng tingin sa akin, nginitian ako bago ibinalik muli ang atensyon sa kalsada. "Nothing." Sagot nito sa akin. "Get some sleep. Matagal-tagal pa ang magiging byahe natin." Utos nito sa akin.
Naramdaman ko naman na ang antok sa unang trenta minutos ng byahe namin kaya hindi na ako nagdalawang isip na subukang matulog.
"Wake me up, ah?" I told Zig and he just smiled.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal natutulog pero nang magising ako ay may unan na sa likuran ng ulo ko. When I looked at Zig, he's still driving.
He looked at me when he noticed that I'm awake. "Finally, gising ka na. You were sleeping for more than 2 hours now." Sabi nito at nang tingnan ko ang orasan sa kotse niya, it's already pass 11. Itinuro niya ang mga paperbag na nasa gitna naming dalawa. Nangangamoy pagkain iyon. "I bought that, 30 minutes ago. May nadaanan akong drive-thru. Hindi kita ginising agad kasi mukhang puyat ka kagabi kakaisip doon sa lalakeng 'yon." He smirked after saying those words.
Kunot-noo ko siyang tiningnan habang kumukuha ng burger mula roon sa paperbag. "Kagigising ko lang, Zig. Huwag mo 'kong simulan." I warned him. Mang-aasar na naman kasi ito. Natawa siya sa naging tugon ko. "Ikaw? Hindi ka ba kakain?" I asked him while I'm about to take the first bite on the burger.
"Subuan mo nalang ako, Luca." Ngumanga ito matapos sabihin 'yon. "I don't want to lose focus while driving..." he added and opened his mouth again.
Napatigil ako sa pagnguya. "Ano ka, sinuswerte? Ikaw na, 'no! Dalawa naman kamay mo, eh." Ang pagtutol ko sa gusto ni Zig.
Isinara nito ang bibig niya at saglit na bumaling ng tingin sa akin. Nakasimangot ito.
"Para namang hindi natin 'yon ginagawa noong high school at kapag nanunuod tayo ng movie together..." he responded. "Nevermind. Pahingi nga ako ng isa." Kinuha niya 'yong isang burger gamit ang kanang kamay niya. Hindi niya ako pinansin. Nagtampo ata ang loko.
"Bahala ka d'yan, Zig!" Hindi ko na rin siya pinansin at nagpatuloy nalang kaming pareho sa pagkain.
Totoo naman ang sinabi niya, eh. Noong high school kami ay madalas kaming kumakain nang sabay at kung minsan pa nga ay nagsusubuan pa ng pagkain. Wala namang malisya 'yon. Gano'n lang talaga kami.
Pero ngayon, ewan ko. Hindi ko alam. Hindi naman sa naiilang ako kay Zig kung susubuan ko siya ng pagkain pero kasi, mawi-weirduhan ako kung gagawin pa rin namin 'yon hanggang ngayon.
Matapos kumain, naisipan kong patambayin ang mga mata ko sa bintana at pagmasdan ang mga palayan, mga hayop at mga lugar na madadaanan namin. Napaka-therapeutic!
Trenta minutos pa lang ang nakakalipas mula kanina ngunit nang sapitin namin ang isang syudad, naramdaman namin ang traffic.
At first, akala namin ay normal na traffic lang ngunit nang usisain namin ang nangyayari ay nalaman naming may ginagawa palang kalsada kaya bumagal ang mga sasakyan dahil isa lang ang pwedeng daanan.
Nagtagal kami roon ng halos dalawang oras at nang akala namin ni Zig ay wala nang mas lalala pa roon, nagkamali kami.
"Another traffic?!" Muntik na akong mapamura sa nakikita ko ngayong hilera ng mga sasakyan. Sobrang haba nito at nasa pinakadulo kami. Talk about being so unlucky, huh?
Naririndi na rin ako sa mga busina ng sasakyang katulad namin ay naiinip na rin. Marahil ay kanina pa sila rito.
Nang tingnan namin ang pinakaunahan ay mayroong mga pulis na humaharang sa mga sasakyan. It's a checkpoint. Mahigpit daw kasi rito dahil madalas ay nahuhulihan ng mga ipinagbabawal na gamot ang may sasakyan. Kaya wala silang choice kung 'di ang manu-manong inspeksyunin ang mga dumadaan.
We stayed there for 3 hours. 3 long hours! Hindi 'yon biro. Maraming proseso ang pinagawa sa amin bago kami makalagpas roon. We even filled out a form. Gusto pa ata kaming i-drug test para makasiguro sila. Nakakainis!
Muntik ko pang makasagutan ang mga pulis kung hindi lang ako pinigilan at pinakalma ni Zig. They were the slowest, I swear!
When I looked at the time, it's already 4pm and we still have 2 hours before we arrive in Buwan City. It sucks!
"Now, tell me. Is it still worth it?" Zig asked while he's driving away from the checkpoint. Parang inaasar ako nito sa paraan niya ng pagtatanong.
I looked at him with an irritated face. "It will still be." I answered, trying to hide my exhaustion and annoyance.
"Okay! Sabi mo, eh." He sighed and smiled.
Hindi ko nalang pinansin si Zig dahil maiinis lang ako lalo kung papatulan ko pa siya. Instead, I focused my attention to the road.
Ngunit wala pang limang minuto ay sinalubong agad kami ng mga sasakyang nakapila at nakahinto sa gitna ng kalsada.
Traffic again for the third time!
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mainis at sumigaw. "What the fudge!" I looked at Zig na ngayon ay nakatawa sa akin. Hindi man lang ba siya nakakaramdam ng inis? The way he's looking at me right now is making me feel more annoyed. "Fine, Zig! You won today. Let's continue the trip tomorrow." I told him with an exhausted voice.
Hindi nagsalita si Zig at naghanap nalang ng lugar na mapa-parkingan.
After that, we both got out of the car.
Pakiramdam ko ay naubos na ang lakas ko at hindi ko na kaya pang bumyahe ng dalawang oras at maranasan na naman ang traffic.
I know Zig is tired, too. Hindi man niya 'yon sabihin pero sigurado akong ngalay na siya sa walong oras na ginugol naming dalawa sa loob ng sasakyan. I don't want to be selfish with him.
We better find hotel and spend the night there.
- End of Chapter Three -