L U C A
"Do you still have available room for two?" Zig asked the hotel receptionist na bumati sa amin nang pumasok kami rito sa hindi kalakihang hotel.
Alas cinco na kasi ng hapon at hindi katulad sa Bahaghari City, kung saan kami nanggaling, walang gaanong mga lugar na nag-o offer ng mga accommodation rito.
Mabuti na nga lang at nakita namin itong building na 'to habang naglalakad kami ni Zig kanina.
"Pasensya na po, Sir. Wala na pong room na available para sa dalawang tao." She responded. Napailing kaming pareho ni Zig out of disappointment. "May available po kaming isang room pero pang-isang tao lang po ang kama no'n." Dagdag ng receptionist.
"We'll take that, instead." Ako na mismo ang sumagot roon. We have no choice right now. Alangan namang magpaabot pa kami ng gabi sa labas para lang maghanap ng ibang hotel na matutuluyan ngayong gabi?
Tumingin ito kay Zig matapos akong tanguan nang nakangiti. "Pa-fill out nalang po nitong form kasama ng pangalan at pirma niyo." She handed the paper to Zig. Agad itong nagsulat roon. He handed it back to the receptionist and gave her the payment. "Ito po 'yong susi ng kwarto niyo. Room number 7, second floor."
"Thanks!" kinuha ni Zig ang susi sa kanya at tumingin sa akin. "Let's go, Luca."
Naglakad na siya patungo sa elevator at sinundan ko ito. Sumakay kami roon hanggang makarating kami sa second floor.
Gaya ng sabi ko kanina, hindi kalakihan itong hotel. Wala rin silang bellboy or kahit anong service para magbigay ng assitance sa guests nila. Marahil ay hindi pa gaanong developed ang hotel na ito kagaya ng mga nasa pinanggalingan namin.
Sinusihan na ni Zig ang room number 7 kung saan kami tutuloy nang buong gabi.
Bumungad sa amin ang isang maliit na espasyo sa loob nito. Isang maliit na kama at sa tabi nito ay mayroong lumang lampshade. Sa tapat naman nito ay may isang maliit na table at isang upuan. May mini refrigerator rin sa isang sulok.
Mukhang pang-isang tao nga lang talaga ang kwartong ito pero mas mabuti na ito kaysa sa wala.
I looked at Zig.
Kakababa lang nito ng kanyang dalang backpack sa kama. Wala naman akong dalang kahit na ano dahil ang mga gamit ko ay nasa maleta na iniwan ko sa loob ng kotse niya. Zig told me that if I want to change my clothes, he'll spare me some of his clothes.
"Ikaw na rito sa kama. Ako nalang ang matutulog sa lapag." Iyon ang sinabi niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. "Lalamigin ka." I told him. Totoo naman. Wala man lang kasing sapin o kahit carpet sa loob ng kwartong ito. Ayoko namang hayaan siyang matulog sa sahig habang ako ay komportableng nakahiga sa kama. "Tabi nalang tayo. Kasya naman tayo siguro d'yan sa kama. Saka, tiisin nalang natin dahil bukas naman ay aalis na tayo rito." I suggested.
Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha. Siguro ay iniisip niya kung paano kami kakasya sa maliit na kamang ito. Malaking tao si Zig at parang sa kanya palang ay alanganin na ang sukat ng kama.
"Are you sure? Baka mahulog ka lang sa kama kapag nagtabi tayong dalawa." He laughed. Natawa rin ako nang bahagya dahil iyon rin ang nasa isip kong posibleng mangyari mamaya. "Tulad ng sinabi mo, aalis na rin naman tayo bukas. Kaya ko namang magtiis munang matulog sa lapag. You should take the bed." Ngumiti ito as if he'll be fine with his idea.
"No. We'll share the bed together." I told Zig. Hindi ko matiis na matutulog ang best friend ko sa lapag, knowing that he paid for this accommodation using his own money. "Kakasya tayo d'yan. Yakapin mo nalang ako para hindi ako mahulog mamayang gabi." I laughed. Iyon lang rin kasi ang naiisip kong paraan para magkasaya kaming dalawa ni Zig. Tutal, pareho naman kaming lalake. Wala rin namang malisya dahil magbest friend kaming dalawa ng lalakeng ito.
He paused for a second after what I said and just laughed. Natawa naman ako lalo sa reaksyon niya.
"You know what, Luca? That will do." He said and laughed. "Sige, maghati na tayo sa kama." Pagpayag nito.
After discussing how we would fit on the bed, naupo kaming pareho roon. Doon ay naramdaman ko ang pagod at inis dahil sa mga interruption na idinulot ng traffic kanina.
If it wasn't for the heavy traffic, nasa Buwan City na sana kami ni Zigmeeting Rex.
Naudlot tuloy nang isang araw ang pagkikita naming dalawa. Naiinis ako dahil sinabi ko na sa kanyang makakarating kami ngayong araw pero kinailangan ko 'yong bawiin dahil sa nangyari.
I texted him that Zig and I will continue travelling to his place tomorrow.
"I see. You should definitely take your time and don't rush. See you soon."
That was his reply. Hindi ko maiwasang mapangiti for the third time I'm reading it.
"Even if you read that message for a million times, it will not change." Napatingin ako kay Zig nang umepal na naman ito sa tabi ko. "Kinilig ka naman agad." He looked bitter, as always.
Inirapan ko siya at itinulak nang marahan ang kanyang braso. "Alam mo, ikaw? Wala ka nang ibang ginawa kung 'di ang maging ampalaya ngayong araw na 'to. Try mo kayang maging matamis naman, ano? Like, support me! I'm your best friend, in case you don't remember." Sagot ko sa kanya na may kasamang pagbibiro.
"Support mo, mukha mo." Tumayo ito at tumalikod. Hinubad niya ang kanyang suot na polo bago humarap sa akin. "I will only support you if I feel good about that guy kaso hindi, eh. And in case you forgot rin, hindi mo pa kilala ang lalakeng 'yan." Dagdag niya habang nagsusuot ng sando na kinuha niya sa kanyang bag. Napasimangot ako bigla.
"Kaya nga kikilalanin, eh." Sagot ko kay Zig. "That's why we are here at this situation. We are travelling to meet him. Para makilala ko siya nang mabuti at mapatunayan sa 'yo that Rex is a good guy. That he is the guy who's destined for me." Natulala ako sa kawalan habang sinasabi iyon nang nakangiti.
"You're awake but you're dreaming. Gising, Luca!" He threw his polo right on my face. I smelled his perfume. Ngunit kahit gaano kabango iyon, hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa. Ibinato ko ito sa kanya na agad naman niyang nasalo.
"Ewan ko sa'yo, Zig! Para kang baliw!" Inilabas ko ang aking dila at nagmake-face sa harap niya. "Just buy us food. Gutom na ako." Utos ko sa kanya.
Naiiling ito habang tumatawa. Nginisian ko lang ito. "Copied."
Zig left to buy us food.
Bumalik siya after 15 minutes. May convenience store kasi sa tabi lang ng hotel na ito. We have no choice but to eat convenience store food for dinner dahil wala rin namang ino-offer na pagkain ang hotel. Isa pa, malayo ang mga restaurant mula rito.
I don't want to bother Zig that much.
"That was good." He said after we ate rice in a box with mixed meat and vegetables inside.
Hindi ko akalain na ang mayamang lalake na katulad ng best friend kong ito ay magugustuhan ang isang pagkain sa convenient store.
Hindi kasi siya madalas makatikim nang ganito dahil madalas ay sa mga restaurant kaming kumakain.
"Pwede na. Nabusog naman ako kahit papaano." Ang sabi ko bago tumayo at maglakad patungo sa kung saan naka-pwesto ang mini refrigerator para kumuha ng tubig. "Whoa. This place isn't bad after all." I said when I saw two bottles of beer. Napakalamig noon.
Kinuha ko iyon at nakangiting ipinakita kay Zig. He looked at me and looked at the two bottles of beer, as if he isn't up for it.
"Nope. We aren't drinking that." Agad nitong pagtutol na ikinasimangot ko. "We are both sleeping now." Sabi pa nito.
Sinamaan ko ng tingin si Zig. "Ito naman! Napaka-killjoy mo naman!" sagot ko at walang anu-ano ay tuluyan nang binuksan ang dalawang bote gamit ang bottle opener na nakalagay sa ibabaw ng maliit na mesa. Zig look surprised. "We'll just finish these bottles, then we'll sleep." Nakangiti ko itong nilapitan at ibinigay sa kanya ang isang bote ng beer.
Wala na itong nagawa. I sat beside him. Nasa harap pa namin ang mga kalat ng pinagkainan namin kanina.
"When it comes to beer, you're really unstoppable, huh?" Zig gave me a bored look. Napahinto ako sa pag-inom. Hindi niya pa rin ginagalaw ang kanya.
"Unstoppable ka d'yan! Why can't you appreciate this?" tanong ko at iminustra ang hawak na bote sa kanya. "It helps you feel relaxed, as if it is its power. Ang alak na siguro ang pinakamadaling lapitan kapag masaya ka o kapag may problema ka. It helps you sleep." I explained it to Zig. Napailing ito.
"It won't solve anything. It will just make you dizzy. At kapag palagi kang umiinom, you'll become alcoholic. Magkakasakit ka pa." He told me. Nangangaral na naman ito. "That's why I keep telling you not to over-indulge yourself with alcohol, Luca. It's not healthy." Napailing ako sa pagiging health-conscious niya.
"Oo na! Oo na!" I drank my beer again. I looked at his bottle. "Pero kapag hindi mo pa ininom 'yan, ako ang uubos d'yan. Ayaw mo naman siguro malasing ako, 'di ba?" I smirked at him, as if I'm warning him.
Agad naman niya 'yong nilagok. Natawa ako nang mahina. Iinom rin pala, dami pang sinasabi.
"It tastes bitter, as always." Natawa ako sa reaksyon niya. Para namang first time niya palagi. Napailing ako habang nakatingin kay Zig.
"Parang ikaw. Bitter as always." Boom! He immediately looked at me. Mukhang nairita ito sa biro ko. Natatawa kong ininom ang akin. "Maiba nga ako, Zig. Alam kong hindi ko madalas maitanong 'to sa 'yo and we barely talk about this but, gusto ko lang malaman kung anong tipo mo sa taong gusto mong mahalin? Like, your ideal person?" I asked him. Para naman may topic kaming dalawa habang umiinom.
He looked at me and stared for a couple of seconds. Hindi ko alam kung nag-iisip ba siya or what.
Then, he looked away.
Napangiti ito sa kawalan.
"Ideal person?" he repeated. I am attentively listening to him. Bigla akong na-curious dahil bihira kong naitatanong sa kanya ang mga ganitong klase ng bagay. "Someone who's fun to be with. 'Yong taong nakakatawa tingnan kapag naiinis, it makes me satisfied. A person whose actions are stupid but in a cute way. But most especially, a person who is not afraid to show who he or she really is." He looked at me and smiled.
Napatango ako sa kanya matapos marinig ang mga bagay na gusto niya sa isang tao. Ayos rin pala itong si Zig, gusto niya sa taong mamahalin niya ay 'stupid but in a cute way'? Is there such a thing?
"Well, as your best friend who loves you, I'm hoping that one day...you'll meet that person." I smiled at Zig, genuinely.
His smile is slowly fading. "Hindi na siguro kailangan. Nakilala ko na ang taong 'yon noon pa." Nagulat ako nang sabihin niya 'yon. "Mukhang ayaw yata sa akin, eh." He laughed. Napailing ako at natawa.
"Kung sino man 'yon, gets ko siya. Malamang ay dahil sa ugali mong mapag-asar at killjoy kaya ayaw niya sa 'yo." Pang-aasar ko kay Zig. Natawa lang ito.
We both laughed.
Nagkwentuhan lang kami ni Zig sa loob ng labing-dalawa pang minuto bago naming maisipang magligpit na. Naubos na rin kasi ang beer na iniinom namin kaya there's no reason stay up.
At 8pm, we are both lying on bed.
Zig fell asleep really fast. He's hugging me. Wala naman akong magawa dahil hindi rin ako gaanong makagalaw. Walang espasyo para roon. Nakaharap ako sa kisame ng kwarto habang si Zig naman ay nakatagilid habang ang kanyang kamay ay nakayakap sa aking dibdib, he's locking his hand to my arm. If it wasn't for it, kanina pa ako nahulog sa kama.
I can't help thinking about Rex. Gusto ko na siyang makita. Hindi na ako makapaghintay na makilala siya. I can't wait until tomorrow.
Nakangiti akong napapikit habang iniisip ang gwapong mukha nito.
Tomorrow will be the start of everything between us!
Ilang segundo pa, ang paghilik nalang ni Zig ang huli kong narinig bago ako yumakap sa kanya at tuluyang nakatulog.
- End of Chapter Four -