L U C A
"We better get going right now!" hindi ko maiwasang madaliin si Zig habang chine-check pa nito ang sasakyan niyang iniwan namin rito sa tabing-kalsada ng magdamag. Napatingin ito sa akin at pinangliitan ako ng mga mata. "What? Alas dies na nga, oh. If we don't go now, baka abutin na naman tayo ng traffic sa daan."
He stopped checking the under of the hood of his car. Isinara na niya ito. "Alam mo, sa kaka-madali mo? Pwede tayong ma-disgrasya. I'm checking the condition of the car for our own safety. Hindi mo naman siguro gugustuhin na tumirik nalang bigla itong kotse sa kalagitnaan ng byahe, 'di ba?" He asked. Siyempre, umiling agad ako. "Saka, sino bang alas nuebe na ng umaga ay tulog pa? That wasn't me and that's for sure." He smirked at saka naglakad patungo sa likuran ng kanyang kotse para ibalik ang galon ng tubig na ginamit niya kanina rito.
Natahimik ako dahil sa sinabi ni Zig. He was right. Late na akong nagising. I slept too much. Ang sinabi ko kasi sa kanya kagabi ay alas siete palang ay bi-byahe na kami para pagkatapos ng dalawang oras, naroon na kami sa Buwan City.
"Hindi mo kasi ako ginising!" ibinalik ko sa kanya ang paninisi. Alam kong hindi tama pero kung hindi ko gagawin, ako naman ang sisisihin nitong si Zig. "So, kasalanan mo rin kaya ako nagmamadali ngayon." I smirked at him.
Napakamot ito sa kanyang ulo at tiningnan ako nang hindi makapaniwala. "Blame it on me, all you want. If that will make you happy, Luca. Ako na ang may kasalanan. Pasalamat ka nga at nakatulog ka nang extra pang oras. I didn't wake you because I want you to get more sleep." Pagdadahilan nito at isinandal ang kanyang kamay sa bukas na pintuan ng kotse niya. "Malamang kasi ay hindi ka na naman nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement mong makita ang lalake na 'yon." Nagulat ako sa paratang niya...kahit alam kong totoo naman na excited talaga akong makita si Rex ngayong araw.
"Bintangero ka talaga lagi, Zig!" Inismiran ko siya at aktong lalapit sa kabilang bahagi ng kotse para buksan ang pinto nito. "Tara na nga! Tatanghaliin tayo nito, eh." Matapos sabihin iyon ay agad na rin akong pumasok sa loob ng kotse.
Zig entered the car, too.
Hindi ko maiwasang mangiti nang simulan na niyang paandarin ang sasakyan. Hindi ko maitago ang pagkasabik sa aking mukha.
Nakatulog naman ako nang maaga kagabi ngunit bago ko ipikit ang mga mata ko, si Rex talaga ang nasa isip ko at kung anong mangyayari kapag nagkita kami ulit.
Nakasuot ako ngayon ng damit na ipinahiram sa akin ni Zig dahil hindi ko naman dala roon sa hotel ang maleta ko. Mas malaki nga lang ang size ng damit dahil mas malaki ang kanyang katawan kaysa sa akin pero okay na 'to. Sa totoo lang, ang porma ng itsura ko ngayon dahil suot ko ang branded na damit nitong best friend ko.
I'm wearing a gray checkered longsleeves polo. Naka-unbutton lahat ng mga butones nito at sa ilalim naman ay puting T-shirt na galing rin kay Zig. Suot ko naman sa pang-ibaba ang pantalon at sapatos na gamit ko kahapon. I feel like I look good with this combination of clothes.
Siyempre, kailangan kong magmukhang prisentable kapag humarap ako mamaya kay Rex.
"Wala na namang paglagyan 'yang malawak na ngiti mo." Zig interrupted the moment while I was imagining Rex. Napatingin ako sa kanya. He's focused on driving. "Akala mo naman talaga ay may plano siya kapag naibigay na 'yong ID sa lalakeng 'yon." Umismid ito nang hindi tumitingin sa akin. Napasimangot ako sa narinig mula sa kanya.
"Sa totoo lang, wala. Tama ka." Ang pag-amin ko rito kasi wala naman talaga akong plano bukod sa sulitin ang pagkakataon at kaibiganin siya. Gano'n pa man, umaasa akong magiging malapit kami sa isa't isa pagkatapos ng araw na 'to. "Malay mo naman, mayroon. Saka, mananatili naman tayo roon sa Buwan City for two weeks, hindi ba?" I told Zig.
Tumingin ito sa akin bago binalingan muli ang kalsada. "In your dreams." Nagulat ako sa tugon nito. He glanced at me. "I told you, Luca. I'm just doing this for you. And I also told you that we will not be spending two weeks there. That's final." Hindi iyon nakalusot. Akala ko kasi ay papayag na si Zig na magbakasyon kami roon ng tunay sa loob ng dalawang linggo.
"Kunat mo," inis kong sabi sa kanya. Natawa ito nang tingnan ako. "Pwede ka namang mauna na pabalik sa Bahaghari, eh. Magco-commute nalang ako pauwi." Ang pangongontrata ko kay Zig na sigurado naman akong hindi papayag sa gusto ko.
"That's not going to happen, Luca. We've talked about this, remember? Ibabalik lang natin 'yong ID sa kanya at mananatili lang tayo sa lugar na 'yon for few days. Isa pa, Auntie and Uncle told me to get you home safe." He explained kahit narinig ko namang sinabi iyon nina Mama at Papa sa kanya bago kami umalis. "Saka, bakit ba desididong-disedido kang manatili roon nang matagal? As if he'll be there with you for the whole week." Napailing ito habang naka-focus na ngayon ang mga mata sa pagmamaneho. I sighed.
"Fine! Few days will do." Pagtanggap ko sa katotohanang 'yon at napairap nalang.
I'm just being ambitious here, I know. Alam ko namang kahit maibigay ko 'yong ID niya ay walang kasiguraduhan kung ano na ang mangyayari pagkatapos no'n o kung magkikita pa kami ulit for tbe third time.
Ayoko nalang munang isipin dahil ang mahalaga naman, I'll get to meet Rex for the second time.
Zig and I didn't talk for about an hour and a half.
Nakatulog rin kasi ako after that talk. Sa totoo lang kasi ay inaantok pa ako mula kanina. Pinipilit ko lang na huwag matulog dahil ayokong magmukhang kagigising lang pag nagkita kaming dalawa ni Rex.
"Luca, wake up." I opened my eyes as soon as I heard Zig's voice. Napansin kong nakahinto na ang kotse. "Nandito na tayo sa bayan ng Buwan. What now?" He asked.
Kinusot ko ang mga mata ko at pagkatapos no'n ay napangiti.
Hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik at kaba na nararamdaman ko ngayon.
Nang pagmasdan ko ang paligid, nakahinto kami sa isang parking lot, sa tapat ng isang fast food restaurant. Sa paligid naman ay may mga mall at coffee shops. Ibang-iba kaysa sa lugar na pinanggalingan namin, dalawang oras ang layo mula rito.
"We'll wait for Rex here." Nakangiti kong sagot kay Zig habang nagsisimula na akong mag-ayos ng aking sarili. "I already messaged him. He's on his way here. Malapit lang rin naman daw siya rito kaya we wouldn't wait for too long." Sabi ko habang hawak ang cellphone ko matapos i-message si Rex.
"He better hurry." Zig responded na tila naiinip na agad habang hawak ang manibela.
Maya-maya pa ay naka-received ako ng reply mula kay Rex, saying that we should wait for the coffee shop named Tofi Shop and he'll be there in 5 minutes.
Hinanap agad ng mga mata ko ang coffee shop na tinutukoy niya at sa kabilang kalsada ay nakita ko agad 'yon.
"Zig, tara." I told him habang inaalis ang seatbelt sa katawan ko. "Doon na raw tayo maghintay ss coffee shop na 'yon. He'll be there in a bit." Sabi ko and bumaba na ng sasakyan.
Gano'n rin ang ginawa ni Zig na hindi nalang nagsalita at sumama na sa akin papunta roon sa coffee shop na sinabi ni Rex.
We entered the Tofi Shop and sat to first row of the tables, so that Rex could easily notice us.
Wala namang gaanong tao rito sa loob ng coffee shop na ito. Kung titingnan mo ang disenyo at pagkakagawa ng lugar, hindi maikakailang maganda ito. It's almost feels like it was made for rich people.
"Do you want to order some iced coffee?" napatingin ako kay Zig nang tanungin ako nito ngunit umiling agad ako.
"Mamaya nalang kapag dumating na si Rex." I answered and he just nodded.
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto ng coffee shop na halos kaharap ng table kung saan kami naka-pwesto.
Pumasok ang isang matangkad at tisoy na lalake. Nakasuot ito ng kulay asul na longsleeves polo, as if katatapos lang nito sa kanyang business appointment. He looks a little formal. Malaki rin ang pangangatawan ng lalake na ito.
I smiled once our eyes met.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong si Rex na ang lalakeng ito.
Kahit madilim ang paligid at nahihilo ako ng gabing makita ko siya sa loob ng bar, hindi ko makakalimutan ang itsura niya.
Nagsimula itong lumapit sa table namin ni Zig kaya siniko ko ang katabi ko na busy sa kanyang pagse-cellphone. Napatingin naman agad ito sa akin bago ibaling ang atensyon sa napansing lalakeng papalapit.
"Hi..." his manly voice said while smiling. He is looking at me. "Rex nga pala." He offered a handshake na agad ko namang tinanggap. Hindi namin ito nagawa noong unang beses kaming nagkitang dalawa.
Hindi ko maiwasang kiligin nang mahawakan ko ang kamay niya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kinakabahan ngayong sa pangalawang pagkakataon ay magkaharap kaming dalawa.
"Luca..." I introduced myself. It feels so new. Parang nitong nakaraang dalawang araw lang kasi ay nagpapalitan kami ng messages. And now, we're introducing ourselves in person. "By the way, this is Zig. He's my best friend." Itinuro ko si Zig na agad nitong tiningnan. Rex smiled at him while he just gave the latter a slight smile.
"Nice to meet you, bro." Rex said.
Tinanguan siya ng parang napipilitang si Zig. "Same, bro." Ang sagot nito sa kanya but he doesn't look like it. Gusto kong kurutin ngayon ang lalakeng ito dahil ibinilin ko sa kanya na umakto siya ng maayos at hindi parang tinatamad.
Umupo na si Rex kaharap kaming dalawa. I contained myself kahit kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya ngayong kaharap ko na siya at hindi nalang sa cellphone kami magkausap.
"Thanks for meeting us." I told him.
Napangiti ito at napailing. "No. Thanks to you. You traveled this far just to give me my ID. I really appreciate it." He said kaya naalala ko ang bagay na iyon.
Kinuha ko agad ang wallet mula sa bulsa ko dahil doon ko inilagay ang ID niya. "Before I forget, here's your ID." I handed it to him. "Next time, you need to keep that more secure with you." I smilingly told him.
"Thank you for keeping this for me." Sagot nito sa akin nang nakangiti bago ilagay sa kanyang wallet iyon. "Do you want something to drink? I'll order for the three of us." Rex offered.
Magsasalita na sana ako pero itong si Zig, umepal. "Thanks but we just finished drinking coffee, bro. But your offer is appreciated." Napatingin ako kay Zig, nakangiti ito but I know that smile. It's fake. What does he think he's doing? Tumingin ito sa akin and smiled, alam kong peke iyon. "Right, Luca?"
How dare him?
Wala naman na akong nagawa kaya tumango nalang ako nang nakangiti habang sa loob ko ay gusto ko nang batukan si Zig.
Ni-wala ngang baso ng kape sa lamesa, eh.
"Oh, that's okay." Rex smiled. "If you wouldn't mind, I'd like to offer you something. We have a vacation house, 25 minutes drive from here. You can stay there since I know you also came here for vacation. I'll be staying there to accompany you. Just take it as my 'thank you' for bringing my ID back. " Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Napatingin agad ako kay Zig and by the looks of him, mukhang tutol na kaagad siya roon.
"Of course! We'd defini-"
"...not go." I glared at Zig when he cut my words. Tumingin ito sa akin. "We have other plans but nice offer, though." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo at hinawakan si Zig.
"Would you excuse us for a minute, please? We'll just talk about it." Hindi naman nakapagsalita ang nakangiti at naguguluhang si Rex dahil hinila ko na si Zig palayo. "What the heck are you doing there? Talagang kinokontra mo ang mga desisyon ko, ano? He's offering a nice deal for us. Bakit ayaw mo?" naiinis kong tanong kay Zig once we reached the front of the men's bathroom.
"Wala 'to sa usapan natin, Luca. All we had talked was we will give him his ID and then, we'll find ourselves a place to stay...but not in that guy's place. We just met him." He told me. Ayan na naman siya sa mga panghuhusga at pagdududa niya roon sa tao. Napairap naman ako.
"We traveled this far because I wanted to see him again. You know that, right? At alam mo ring kung may chance, gusto ko siyang mas makilala pa. He seems to be a really nice guy." I took a glance to Rex, nakatingin ito sa aming dalawa. He is smiling and I did, too. "Just give him a chance for me, please? Ikakatuwa ko nang sobra kapag pumayag ka sa offer niyang magstay tayo roon sa vacation house nila. Lagpas isang linggo pa naman bago matapos ang bakasyon kaya please?" hinawakan ko ang kamay ni Zig. Pakiramdam ko ay kumalma ito at naunawan ang gusto kong iparating sa kanya.
Sandali itong hindi sumagot habang nakatingin sa akin na kunot ang noo. "Fine. Pero just to make things clear, hindi tayo lalagpas roon ng isang linggo. Aalis tayo agad." Nang sabihin ni Zig iyon ay hindi ko maitago ang tuwa sa ngiti ko. I pinched his right cheek. Nakasimangot pa rin ito.
"Thank you, Zig! Love you!" agad ko siyang sinenyasang sumunod na pabalik sa table matapos iyon. "I'm sorry if we took so long." I apologised to Rex once I got back on my seat.
"No, it's definitely okay." He said with a smile on his face. "So...what's your decision?" tanong nito nang makaupo si Zig sa tabi ko. Rex looked at me.
"We can't wait to stay in your vacation house." I answered him with a big smile on my face.
- End of Chapter 5 -