L U C A Nagising ako nang wala na si Zig sa tabi ko. Masakit ang ulo ko pero pinilit akong bumangon at umupo sa kama. Pilit kong inalala ang mga nangyari na agad namang nagflashback lahat sa utak ko. Masyado akong nagpakalasing gabi, lumabas mula sa Drunkin' Doorman ngunit nahanap pa rin ako ni Zig at inihatid ako rito sa bahay. I did say one thing to him last night. Malinaw na malinaw sa pagkakaalala ko ang mga sinabi ko sa kanya, especially ang bagay na hindi ko inaasahang masasabi ko rito. I immediately looked for my phone. Nakapatong ito sa lamesa na nasa tabi ng aking kama. I noticed small cracks on the screen. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon ngunit hindi na ako magtataka kung nahulog 'yon kagabi dahil sa sobrang kalasingan ko. There's one message from Zig. Agad ko 'yon

