L U C A Ito na ang huling beses na iinom ako dahil kay Zig. Binuksan ko ang pangatlong bote ng beer mula sa bucket na puno ng yelo. Napakalamig nito at tamang - tama sa mainit na pakiramdam ko ngayon. Nandito ako ngayon sa Drunkin' Doorman, sa pangalawang pagkakataon pagkatapos ng inuman kagabi. Ngunit ngayon ay mag-isa akong tumutungga ng alak. I'm alone and that's okay. Pakiramdam ko ay nararapat lamang sa akin na mag-isa. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, ng mga ginawa ko at ng pagiging makasarili ko...dapat lamang na mag-isa ako. Alas dies na ng gabi. Mahigit isang oras na siguro ako rito sa loob ng bar. Maingay at masaya ang mga taong narito sa loob...ako lamang ang hindi. Paano ako sasaya pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Zig kanina? He picked me up at lunch and bro

