L U C A
Rex and I are officially together.
Mahirap mang paniwala pero we're dating for almost a month now.
Maski naman ako ay hindi pa rin makapaniwala na 'yong taong nakilala ko lang sa bar, sinundan ko sa Buwan City at nakasama ko ng isang linggo sa iisang bubong ay boyfriend ko na ngayon.
Pumupunta rito si Rex sa Bahaghari tuwing Sabado at Linggo.
Tuwing nandito siya ay pumupunta kami sa iba't ibang lugar, nagpapakalayo-layo at pinapalipas ang gabi. Be it at a resort or anywhere, kahit sa loob nga ng sasakyan niya ay nakakatulog kaming dalawa.
We had a lot of fun together.
Halos isang buwan pa lang mula noong naging kaming dalawa ngunit parang isang taon na dahil sa dami naming ginawa.
Thing is...we never kissed each other.
Marahil ay masyado akong naaaliw kapag kasama ko siya tuwing kumakain kami sa labas, naglalakad-lakad, namamasyal at pumupunta kung saan-saan kung kaya ay hindi ko naiisip ang tungkol sa bagay na 'yon.
One time, he tried to kiss me but I dodged it. Instead, I kissed him on his forehead. Hindi naman siya nagrereklamo o nagpupumilit tungkol sa halik or any s****l activities. Alam kong alam niya na hindi pa ako handa sa mga gano'ng bagay.
Isa pa, sa ngayon ay gusto kong mas masulit ang bawat oras na kasama siya habang ginagawa ang mga bagay kung saan mas nakikilala ko si Rex.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil Friday ngayon at bukod sa magkikita kaming dalawa ni Rex bukas, ito na rin ang huling araw ng summer classes ko.
Finally, dito na nagtatapos ang isang buwan ko ring ginugol para balikan ang mga subjects kung saan ako bumagsak.
Last week, we had our exams to test our knowledge about the subjects we were studying for the whole summer class.
The results were out, two days ago. Hindi gano'n katataas ang mga markang nakuha ko pero lahat 'yon ay sapat na para ipasa ko sila at tapusin ang summer classes na ito nang DF 2 1 a1 walang subject na naiiwanan.
Rex was very proud when I told him.
And I know, Zig will be proud too.
Halos isang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi siya nagpaparamdam sa loob ng halos apat na linggo. Tuwing babalik ako sa kanila ay gano'n at gano'n pa rin ang sinasabi ni Auntie, that he's not home or that he's out to some places. Ngunit alam kong hindi naman totoo 'yon.
Alam kong ayaw lang talaga niya akong makausap at makita.
Nang matapos ang huling klase ng summer class ko, naisip kong dumaan sa muna sa convenient store na malapit sa school para bumili ng mga pagkain at inumin para bukas. Ang sabi kasi sa akin ni Rex ay magse-celebrate kami sa pagtatapos ng summer classes ko.
Alas sinco na ng hapon at hindi naman gano'n karamami ang mga tao sa loob ng convenient store kaya hindi ko kailangang magmadali para pumila.
Kumuha ako ng mga can ng beer at malalaking chips. We are planning to drink tomorrow.
Papunta na sana ako sa cashier para bayaran ang mga pinamili ko ngunit may kung anong pumasok sa isip ko para bumalik sa liquor and beer section ng convenient store.
If I'm being honest, a part of me wants to drink now at hindi na makapaghintay para bukas. Hindi lang dahil natapos na ang summer classes ko kung 'di dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubayan ng stress sa sobrang pag-iisip kay Zig.
Nagmadali akong kumuha ng tatlo pang beer at nang mailagay 'yon sa basket na hawak ko, pabalik na sana ako sa cashier nang bigla akong napahinto.
Natigilan ako at tila hindi makapaniwala sa kung sinong nakikita ko ngayon.
Si Zig.
Natigilan rin ito nang makita ako.
Napalunok ako ngunit kasabay ng pagkagulat nang makita ko siya ay hindi ko rin maiwasang magtaka kung sino ang kasama niya ngayon.
Isang lalake. They are too close to each other. Ang lalakeng iyon ay nakahawak sa braso niya. Kapwa sila nakangiti kanina at nagtatawanan ngunit natigil iyon nang makita nila ako.
"Zig..."
Hindi ko alam kung anong una kong dapat sabihin o itanong sa kanya. Ang alam ko lang ngayon ay natutuwa akong makita siya. Natutuwa akong makitang maayos siya sa loob ng halos isang buwan ko siyang hindi nakita.
Ngunit may parte sa loob ko ang gusto siyang tanungin ng maraming katanungan. Kung bakit niya ako natiis? Kung bakit hindi siya nagparamdam nang gano'n katagal? Kung dahil ba sa sinabi ko noong gabing iyon kaya siya nagkaganito? Kaya kami nagkaganito?
"Luca..." banggit nito sa pangalan ko at binalingan ng tingin ang lalakeng kasama niya. "Nice to meet you here." Nginitian ako nito nang pilit.
Hindi ko magawang ngitian siya nang buo. Pakiramdam ko ay parang hindi niya alam na halos isang buwan rin niya akong iniwasang makita at makausap. As much as I want to say it back, that it's nice to see him here, hindi ko magawa.
"You never answered my messages and calls..." ang nasabi ko rito. "Are we still okay?" pagtatanong ko referring to our friendship kahit alam ko namang hindi.
Bumaling ulit siya ng tingin sa lalakeng katabi na litong-lito at tila walang ideya kung sino ako.
Tumingin sa akin si Luca.
"Yeah! We're still good. Masyado lang kaming busy ni Gael these past few weeks, that was why I never had the chance to answer your calls." Nginitian ako nito nang pilit ngunit alam kong nagsisinungaling siya. Halata sa pagiging hindi komportable ng itsura niya ngayon. "Anyway, nandito na rin lang tayo. Ipapakilala na rin kita kay Gael. My boyfriend." Binalingan nito ng tingin ang lalake at inakbayan.
Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Zig at sa kung paano niya ipakilala ang lalakeng kanyang kasama.
Kapwa sila nakangiting dalawa.
May maliit na ideya na ako kung sino ang lalakeng ito sa kanya ngunit hindi ko alam kung bakit ganito 'yong nararamdaman ko ngayon. Strange.
"And he's Luca...my friend."
Even the way he introduced me to Gael, kakaiba rin. Parang sa halos isang buwan siyang hindi nagparamdam at nagpakita, naging ibang tao na siya. We're best friends, right?
"Gael Dinero..." inalok nito ang kanan kamay sa akin. "Nice to meet you, Luca." Nakangiti at tinanggap ko ang pakikipagkamay.
"N-nice to meet you, too." Pilit akong ngumiti rito at tiningnan si Zig, he smiled at me.
Looking at Gael, mukha naman itong matino at mabait. Hindi ko lang maiwasang makaramdam ng tampo kay Zig dahil bilang best friend niya, sinabi niya sa akin ang tungkol rito. Susuportahan ko naman siya, eh. Makikinig naman ako sa kanya. Pero parang wala lang sa kanya 'yong pagkakaibihan naming dalawa kaya wala siyang nabanggit na may boyfriend na pala siya.
Ano nga bang inaasahan ko, pagkatapos ng lahat ng nangyari at nasabi namin sa isa't isa roon sa Buwan City?
Alam ko naman na galit siya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya. Alam ko na kaya hindi siya nagparamdam nang matagal at kaya ayaw niya akong makausap ay dahil doon.
"We gotta go," inakbayan niyang muli si Gael bago ako tingnan. "We're going to see a movie." Paalam nito sa akin kaya't napatango na lamang ako nang marahan.
Nginitian ako ni Gael bago sila lumabas ng convenient store. I smiled back at him, forcefully.
Nakita ko mula sa loob ng store na palapit na sila sa kotse ni Zig. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para iwanan ang basket ng mga bibilhin ko at nagpasyang lumabas para habulin sila...parang habulin si Zig.
"Zig, sandali..."
Pareho silang napahinto nang tawagin ko ang pangalan niya. Naantala ang pagsakay nila sa loob ng kotse. Napalingon sa akin si Zig.
"What?" makikita sa itsura nito ang pagtataka at pagiging hindi komportable matapos ko siyang sundan rito sa labas.
"Gusto sana kitang makausap..." I told him. "Kahit ilang minuto lang," pakiusap ko at tumingin kay Gael.
Tumingin si Zig sa kasama, as if he's asking if it's okay or not.
"Go, I'll be fine here." Ang sabi ni Gael na nakangiti bago buksan ang pinto ng sasakyan.
"I'll be quick. Wait for me inside the car, okay?" nagulat ako nang makitang halikan niya ito sa pisngi.
Tumango si Gael sa kanya at nginitian ako bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Zig walked away from the car. Mga limang metro siguro ang layo no'n bago siya huminto at tiningnan ako. Nagmadali akong lumapit sa kanya.
Hindi na ako nagsayang ng oras pa at sinabi na ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Zig, ano 'yon?"
Kunot ang noo nito akong tinitingnan. Malayo sa nakangiting mukha niya kanina.
"Anong ano 'yon?"
Napangisi ako. "Iyong kanina...si Gael." Tinitigan ko ang mga mata nitong hindi makatingin sa akin nang diretso. "Zig, halos isang buwan kang hindi nagparamdam. Hindi mo ako kinausap at hindi ka nagpakita. Tapos kanina, kung ngitian at batiin mo 'ko ay parang wala lang? Na parang normal lang ang lahat? Tapos malalaman ko nalang na may boyfriend ka na pala. Hindi mo man lang sinabi." Mahabang paglalabas ko ng hinanakit sa kanya.
Tinitigan ako nito nang matalim. "Bakit ko sasabihin sa 'yo? Kailangan ko bang sabihin sa 'yo ang tungkol do'n, gayong alam ko naman na busy ka kay Rex?" hindi ako nakasagot sa mga sinabi niyang iyon. "Saka, oo. Tama ka, Luca. I was intentionally avoiding you. Iniiwasan kita dahil hindi kita kayang harapin. Kapag nakikita kita, naaalala ko lang kung gaano ako kababa. Naaalala ko lang kung gaano ako nagpakatanga sa 'yo. At ayoko nang maramdaman ulit 'yon. " Those words cut deep.
"But we're still best friends, right?" I asked.
Gusto kong sabihin niyang oo kahit halos isang buwan niya akong hindi kinausap. Gusto kong sabihin niya pa ring oo kahit ipinakilala niya ako kay Gael bilang kaibigan lang niya. Gusto kong sabihin niyang best friend pa rin ang tingin niya sa akin kahit nasaktan ko siya.
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam, Luca." He looked away. "I don't know what to feel about you, anymore. Or kung worth it pa bang maging magbest friends tayo after what happened...after that night."
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa mula sa mga narinig ko mula sa kanya.
"Pero ako, hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa 'yo sa kabila ng mga nangyari at nasabi natin sa isa't isa noong gabing iyon, eh." I told Zig. Pakiramdam ko ay nagiging emosyunal na ako sa pagkakataong ito. "Hindi naman ibig sabihin na sinabi kong pagiging best friend mo lang ang kaya kong ibigay ay magbabago na ang lahat. Sa totoo lang, Zig? Ako pa rin naman 'to, sinabi mo man na mahal mo 'ko, ako pa rin ito. Ang best friend mong si Luca pero ikaw? Ikaw 'yong nagbago. Ikaw 'yong umiwas. Ikaw 'yong pilit na winawakasan ang pagkakaibigan nating dalawa...hindi ako. " Sa puntong iyon, hindi ko na maiwasang maluha.
Hindi ako matingnan nang diretso ni Zig. "Tama ka naman. I've changed and that was because I loved you too much, to the point that I forgot to love myself. Ngayon, sarili ko naman. And now, nandito na si Gael. He gave me the love that I deserve. Nakikita niya ako, napapansin niya ang nararamdaman ko at hindi katulad mo, mahal niya ako."
"Mahal kita, Zig!"
"Bilang matalik mong kaibigan?" napangisi ito. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang namumuong mga luha roon. Pilit niya 'yong pinipigilan. Tumingala siya bago tumingin sa malayo. "Nakilala ko si Gael, online. Nakakatawa nga, eh. Sa iyo ko natutunan ang maghanap ng makakausap sa gano'ng paraan. And you know what? Naging mabilis ang lahat. Kahit halos isang buwan pa lang kami, it feels like we've been together for years. Ngayon ko lang naramdaman 'to. Ang pakiramdam na hindi ko naramdaman kahit kailan sa 'yo. Iyong pakiramdam na minamahal..." pinigilan man niya, tumulo nang kusa ang mga luha mula sa mga mata nito.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong isagot pagkatapos niyang sabihin sa akin ang lahat ng hinanakit niya at kung paano niya ikumpara ang pagmamahal na nararamdaman niya mula kay Gael at sa akin.
I hurt Zig to the point that I've changed the way he look at me and the way he sees our friendship now.
Ngunit kasalanan ko ba talaga ito? Kasalanan ko siguro na hindi ko nakita na minamahal niya ako at palihim siyang nasasaktan tuwing nagiging makasarili ako. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na ginusto kong masaktan siya...na gusto kong saktan siya.
At kung alam ko lang na minamahal niya ako nang patago, hindi ko rin alam kung paano maiiwasang masaktan siya kapag sinabi kong best friend lang ang tingin ko sa kanya.
Sinabi ko ang totoo noong gabing iyon dahil iyon ang tama, ang maging totoo sa kanya at dahil sa ganoong paraan ko siya nakikita.
Ngunit nang dahil sa pagiging tama at totoo sa kanya, pakiramdam ko ay nawalan ako ng best friend. Pakiramdam ko, hindi niya matanggap iyon kaya pilit niya akong iniwasan. I'd like to think that he's being unfair here...but I just can't judge him.
Nasaktan ko siya nang hindi ko namamalayan.
"That's why I'm sorry..." pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.
Pinunasan rin niya ang kanyang mga luha bago ako tingnan nang diretso. "I'm...I'm sorry for avoiding you, too. Alam kong iniisip mo that I was unfair and yes, tama ka. Just...let's just talk some other time. Kailangan ko nang balikan si Gael roon." Paalam niya.
Hindi na ako nito hinintay makasagot dahil tuluyan na itong naglakad pabalik sa kotse niya. Pumasok siya roon at pinaandar iyon.
They left.
Naiwan ako sa kung saan niya ako iniwan. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.
May isang parte sa loob ko na nang makita ko si Gael ay nakaramdam ako ng inggit o selos. Mabuti pa siya.
Pakiramdam ko ay siya ang pumalit sa akin kahit alam kong. boyfriend niya si Zig.
Siya na ngayon ang kasama ni Zig at hindi ako.
Bakit ako nasasaktan? Bakit ang sakit sa pakiramdam?
- End of Chapter Seventeen -