L U C A
"Maybe some other time..."
Napakunot ang noo ko nang marinig 'yon mula kay Zig. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ito sa buong linggong pabalik-balik ako rito sa bahay nila.
"But you said"
"I promised Gael that we're going to see the beach today." Lumabas siya mula sa pinto at isinuot ang kanyang jacket bago naglakad palabas. Sinundan ko ito. "Hindi ko naalala 'yong pag-aaya mong magkape tayo. Pasensya na." He looked at me and open the door of his car.
Pakiramdam ko ay nagdadahilan lamang siya dahil ang totoo, ayaw naman talaga niya akong makasama.
Kinunutan ko ito ng noo.
Magmula noong araw na makita ko siya at mag-usap kami sa may convenient store, hindi pa kami nagkakaroon ng oras magkasama.
Nagkita na kami. Nagrereply rin siya sa mga messages ko. He even answered a few calls from me. But it doesn't feel the same anymore. Hindi na katulad ng dati.
At pangatlong balik ko na ito sa bahay nila para yayain siyang lumabas pero ito na rin ang pangatlong beses na tinanggihan niya ako...para kay Gael.
Hindi ko maiwasang mainis.
"You should've told me before I came here." Ang sabi ko rito habang pasakay na siya sa loob ng sasakyan. "Hindi 'yong tuwing pupunta ako rito, saka ka magdadahilan. Kesyo, may lakad kayo ni Gael, may mahalagang bagay kayong aasikasuhin or whatever. It's always about him. Paano naman ako?" hindi ko na napigilan ang sarili kong ipakita sa kanya na napipikon na ako dahil sa palagi niyang pagcancel at pagtanggi sa mga invitations kong lumabas kami.
Napangisi ito. Nanatili siya sa loob ng kanyang sasakyan habang hawak ang manibela ngunit hinayaan niyang bukas ang pinto ng kotse.
"He's my boyfriend, Luca"
"And I'm your best friend, Zig."
Tinitigan ko siya nang seryoso. Napailing ito at saglit na tumingin sa malayo bago ako tingnan.
"Look, it's not the same like before, okay? May boyfriend na ako ngayon and you too, right? You have Rex now. We should focus more with our boyfriends." Ngumiti siya nang pilit ngunit hindi ako natuwa sa mga narinig mula sa kanya.
Yeah, right. The day we met at the convenient store, I told him that Rex and I are officially together. Pakiramdam ko kasi ay karapatan niyang malaman 'yon at kailangan kong sabihin 'yon dahil best friend ko siya.
Ngunit hindi ako sang-ayon sa sinabi niya ngayon. Just because we have boyfriends now doesn't mean we shouldn't have time for each other.
Hindi ko naman siya kinakalimutan kahit nandito na si Rex sa buhay ko pero siya? Parang kay Gael na lamang umiikot ang mundo niya at wala na akong espasyo sa buhay niya. Si Gael nalang palagi at wala nang iba.
"You've changed." I told him.
Tiningnan ako nito nang seryoso bago ako pilit na nginitian. "And that's life, Luca." Aniya. "People change and there is nothing we can do about it...but to accept it." Pakiramdam ko ay nasaktan ako sa mga sinabi niya.
"Gano'n ba?" Marahan akong tumango-tango at napaatras. "Fine...have a safe trip." Pilit ko siyang nginitian.
"Thanks..." he looked at me, closed the door and started driving away.
Napailing ako dahil sa mga narinig ko mula kay Zig kanina. Habang tinitingnan ang kotse niya palayo ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Sa kanya at sa nangyayari sa aming dalawa ngayon.
As much as I want to blame Gael for Zig, not having time for me anymore, hindi ko magawa. Alam kong hindi naman niya 'yon kasalanan.
When I met Gael, I can really tell that he's a good one. He's a good catch for Zig. Mabait ito at may magandang ugali.
Ngunit bakit ganito? Hindi ko maalis sa isip ko na kung wala siya, kung hindi siya dumating...baka maayos pa rin kami ngayon ni Zig at magkasama.
Pero hindi, eh. Hindi ko pwedeng isisi iyon sa kanya dahil alam kong hindi siya ang dahilan kung bakit nagkaganito kami ni Zig.
Hindi pa siya dumadating nang tila masira na ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba dahil hindi oo ang sagot ko nang magtapat sa akin si Zig na mahal niya ako at nang tanungin niya kung may may pag-asa ba siya para sa akin. O kasalanan naming pareho dahil siya rin naman itong umiiwas at pilit akong itinataboy palayo.
Hindi niya direktang sinasabi pero iyon ang nararamdaman ko.
Now there's Gael in his life.
At kahit pilit ko mang itanggi na hindi ako nagseselos dahil lahat ng atensyon ni Zig ay nasa kanya na, hindi ko iyon matago at paulit-ulit lang akong tinutukso ng utak ko.
Umuwi na lamang ako.
Ilang oras rin akong nakatulog nang hindi ko namamalayan. Marahil ay dahil sa inis at dahil sa labis na pag-iisip.
Nagising na lamang ako dahil sa maingay na pagtunog ng cellphone ko. Si Rex iyon.
Ipinaalam niya sa akin na narito siya sa Bahaghari dahil sa mga papeles na kinailangan niyang kunin para sa trabaho niya, bilang isang online seller ng mga gadgets at gaming materials.
Sa unang buwan na naming nagdi-date, nito ko lamang nakaraan nalaman ang tungkol sa trabaho niyang iyon. Hindi niya kasi ito nabanggit sa akin noong unang beses kaming nagkasama sa bahay-bakasyunan nila sa Buwan City.
Hindi ko alam na pupunta siya rito sa Bahaghari kahit Monday pa lamang ngayon at tuwing weekend kami nagkikita. Hindi rin niya ipinaalam sa akin na kailangan niyang pumunta rito at kumuha ng mga bagay na kailangan niya sa kanyang trabaho.
Marahil ay gusto niya akong sorpresahin.
Natutuwa naman akong malaman na nandito siya sa Bahaghari ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lamang kabigat ang pakiramdam ko kahit alam kong magkikita kaming dalawa ni Rex.
Nagbihis na agad ako nang sabihin niyang magkita kami dahil may ibibigay siya sa akin. Hindi ko alam kung ano iyon pero hindi ko madala ang sarili ko para makaramdam ng kasabikan roon.
I just don't feel good today.
Nagkita kaming dalawa ni Rex sa isang Chinese restaurant para kumain ng dinner.
"May sakit ka ba?" hinawakan ni Rex ang noo ko at dinama ito. Agad akong napailing. "If you want, I can drive you home. You kinda look pale." Pag-aalala nito ngunit inalis ko ang kamay niya sa noo ko.
Nginitian ko siya. "I'm okay..."
"You don't look that okay to me..." pagsalungat nito. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"You know what? Let's just get out from here. Gusto kong huminga..." na-gets naman agad iyon ni Rex kaya agad itong tumayo.
"Let's go," inalalayan pa ako nitong tumayo at lumabas na kami sa loob ng restaurant.
What I meant by the words I said, na gusto kong huminga, gusto kong ikalma ang isip ko, malayo sa ingay ng mga tao sa paligid. Iyong tahimik at makakapagrelax ako nang hindi nabibingi sa kapaligiran.
Nasa loob kami ngayon ng sasakyan ni Rex. Nagmamaneho siya habang ako, nakasilip sa bintana at pinagmamasdan ang bawat madadaanan naming lugar.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin or kung may lugar ba kaming pupuntahan ngayon.
Kanina lamang bago kami kumain doon sa Chinese restaurant ay naglabas ako sa kanya ng saloobin patungkol kay Zig.
Well, I always share what I think and what I feel about Zig at kung paano ako nito iwasan. Palagi kong sinasabi kay Rex ang tungkol sa nararamdaman ko sa ipinapakita at ipinaparamdam sa akin ni Zig. He always comfort me with a hug.
Pakiramdam ko nga ay nagiging unfair na ako sa kanya dahil simula noong hindi na ako kinakausap ni Zig at kahit hindi pa nagiging kami, si Zig na palagi ang laman ng mga kwento ko at kung gaano ko namimiss ito.
"I almost forgot," napatingin ako kay Rex nang magsalita ito. Nakangiti ako nitong tiningnan at itinuro ang maliit na box na nasa likuran. "Do you see that box? Kunin mo 'yon. That's for you." Napatingin ako sa box na itinuro nito at kinuha iyon mula sa likuran.
"What's this?"
"Open it," nakangiti niyang sagot sa akin habang hawak ko iyon.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at binuksan na ang maliit na box na iyon. Nakabalot sa makapal na bubble wrap ang laman noon sa loob ngunit nang alisin ko ang mga ito, nagulat ako.
"Rex, you don't have to give me this..." binalingan ko siya at tiningnan ang bagay na nakuha ko mula sa kahon. "This is too much. Baka malugi ka n'yan." Ang sabi ko rito ngunit umiling siya agad.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil binigyan niya ako ng latest model ng iPhone o mahihiya dahil napakamahal nito.
"Take it..." utos niya sa akin. "Consider that as my gift for you for our first month together." Nakangiti nitong sabi.
"What do you mean?" pagtataka ko mula sa narinig.
"Happy first monthsary, Luca."
Nang marinig ko iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan.
F*ck! I didn't notice! Hindi ko rin naalala na ngayon nga pala ang araw kung kailan naging kami. Our first month in a relationship.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng hiya sa kanya. "I'm sorry...nakalimutan ko. Happy first month to us, Rex." Lumapit ako rito at binigyan siya ng isang halik sa kanan niyang pisngi. "But...I don't have anything for you and this is really too much. I don't think I can accept this." Pagpupumilit kong ibalik iyon sa kanya dahil sa hiya.
"Luca, accept it. I gave that because I wanted to." Mula sa pagtingin sa kalsada, binalingan ako nito ng seryosong tingin at pagkatapos ay ngumiti. "And I don't ask for anything from you. Just you, beside me right now, sapat na iyon." Hindi ako nakapagsalita nang marinig mula sa kanya iyon. Tumango na lamang ako at ibinalik na sa loob ng kahon ang iPhone na ibinigay niya sa akin.
Ngumiti ako kay Rex at nagpasalamat. Ngunit kahit gano'n, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt at hiya dahil bukod sa mahal ang bagay na ibinigay niya sa akin...hindi ko rin naalala na monthsary pala namin ngayon.
Inihinto ni Rex ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Doon, pinababa niya ako at kinuha ang mga can ng beer sa likuran ng kotse.
We sat on the hood of his car, kaharap ang palayan. Siguro ay trenta minutos ang layo nito mula sa mismong syudad. Walang gaanong taong dumadaan at napakatahimik. Idagdag pa ang ganda ng langit ngayong gabi. Maraming bituin at perpektong bilog ang hugis ng buwan.
Sa unang bente minutos na nakaupo kami habang umiinom ng beer, we talked about the time we first me, pati ang mga bagay na nagustuhan namin sa isa't isa. We also talked about how hard my summer classes were and how is it going with his work online.
Parang ang perpekto ng gabi, ang perpekto ng lahat.
Not until I mentioned Zig's name.
"Hindi ko lang talaga maiwasang makaramdam ng inis sa kanya dahil ang dami niyang dahilan..." pagku-kwento ko kay Rex habang binubuksan ko ang pangatlong can ko ng beer. "Tuwing pupunta ako roon sa bahay nila para yayain siyang lumabas, palagi niyang idinadahilan si Gael." Napailing ako at uminom.
"Hindi ba natural lang 'yon ngayong nasa buhay na niya si Gael?" napatingin ako kay Rex. "After all, boyfriend naman niya 'yon."
Tila nagpantig ang tenga ko nang marinig si Rex na sabihin ang mga salitang iyon. Parehong-pareho sila ng sinabi ni Zig sa akin kanina.
"Pero best friend niya ako. Ang hinihingi ko lang, kaunting oras na kasama siya, like before." Paliwanag ko rito at napailing nalang bago uminom.
Napangisi si Rex. "Luca, you both know na hindi na katulad ng dati ang lahat, 'di ba?" sambit nito. "May Gael na sa buhay ni Zig and ikaw, you have me now."
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may magbago ngayong pareho na kaming mayroong karelasyon ni Zig.
I just don't understand why it needed to change. Kung pwede namang maging cool kami sa isa't isa kahit may kanya-kanya kaming jowa. Kasi ang totoo? Hindi ako cool kay Zig. Literal na nagbago siya.
"Namimiss ko lang siya bilang best friend ko," pagsasabi ko ng totoo. "At aaminin ko, I'm kind of jealous with Gael. Kasi dapat ako 'yon, ako 'yong kasama ni Zig palagi." Napailing ako dahil sa pagkadismaya habang sinasabi iyon kay Rex.
"Do you realize what you're saying?" napatingin ako rito at seryoso ang kanyang mukha. "Kung palagi kayong magkasama ni Zig katulad dati, anong lugar naming dalawa ni Gael sa mga buhay niyo?" nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong ng gano'ng bagay.
Hindi ako nakapagsalita agad.
"Why can't we just go out together without you mentioning things about him, your best friend...or kung best friend lang ba talaga ang tingin mo kay Zig?" lalo akong nagulat sa mga narinig ko sa kanya ngayon.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo. "What's wrong with you, Rex? What are you saying?" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. "I was just sharing and venting out to you!"
Napatayo na rin siya. "That's the point, Luca. You're always venting out to me to the point that it's deafining." Seryoso ang kanyang mukha. "Boyfriend mo ako Luca at alam mong makikinig ako sa 'yo palagi pero wala kang bukambibig kung 'di si Zig nalang. Every damn time, it's all about him!" nagulat ako nang sumigaw siya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o isagot sa mga sinabi ni Rex sa akin. Ang alam ko lang, pagod ako para patulan pa siya at pahabain ang pagtatalong ito.
"Gusto ko nang umuwi..." malamig kong sabi sa kanya.
Tumango-tango ito. "That's better," sagot niya. "Maybe we need to get ourselves some rest." Pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay tumalikod na ito at pumasok sa loob ng sasakyan.
Pumasok na rin ako sa loob no'n ngunit hindi sa tabi niya. Nagpasya akong umupo sa likurang bahagi ng sasakyan.
Siguro nga tama si Rex, kailangan ko munang ipahinga ang lahat ng iniisip ko ngayong gabi.
- End of Chapter Eighteen -