L U C A
"I...I don't think this relationship will work out."
Napasinghap ako sa aking narinig mula kay Rex. Hindi ko akalain na sa isang buwan at dalawang linggo naming magkarelasyon ay dito na niya tatapusin 'yon.
"Then, let's work it out." Pilit kong pinipigilan ang emosyon kong gusto nang kumawala. "Ano? Gano'n nalang ba 'yon? Just because you think it won't work out, aayaw ka na?" alam kong doon rin papunta ang statement niyang 'yon, sa pakikipaghiwalay kaya inunahan ko na ito.
Rex stared at me seriously. Hindi ko rin inalis ang mga mata ko sa kanya. We're staring at each other.
Hindi ko alam na kaya pala niya gustong makipagkita sa akin kahit Friday pa lamang ngayon ay dahil gusto niyang sabihin ito.
Nasa loob kami ngayon ng eskinita, sa tagong bahagi ng plaza kung saan ay walang makakakita sa aming dalawa ngayong gabi.
It's been two weeks since that night when we celebrated our first monthsary in a relationship but that didn't go well. Bago matapos ang gabing 'yon, pakiramdam ko ay napuno sa akin si Rex dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ni Zig at sa pagve-vent out ko sa kanya.
Magmula noong gabing 'yon, Rex is acting cold to me. Maski naman ako, hindi ko ramdam ang sarili ko. I never had the chance to tell him that I was sorry. Hindi ako humingi ng pasensya sa kanya sa palagi kong paglalabas ng sama ng loob rito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Pakiramdam ko ay sa isang iglap, nawalan ako ng gana. Kaya mula rin noong gabing mag-away kaming dalawa, hindi ko na rin ramdam ang bawat oras na kasama ko si Rex tuwing magkikita kami.
Ngunit hindi ko kailan man hiniling na humantong kaming dalawa sa ganito. We are just barely starting our relationship. Ni-hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa.
Yeah.
Totoo naman, hindi pa namin talaga kilala ang isa't isa. Tama. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito. Kung bakit ganito sa akin ngayon si Rex at kung bakit ako nagkakaganito.
Maski sarili ko nga ay parang hindi ko na rin kilala ngayon.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung tama bang pumasok agad ako sa relasyon kasama si Rex. Kung tama bang dinaan ko sa mabilisan ang lahat at inaya siyang maging boyfriend ko. Hindi ko alam kung 'yon ang pinakatamang desisyon na ginawa ko pero...gusto ko siya at hindi ko gustong mawala siya sa akin.
"Luca, I loved you..." tiningnan ako nito nang seryoso kasabay ng mga luhang nagbabadya sa mga mata nito. "Minahal kita sa loob ng isang buwan at dalawang linggong relasyong ito. Totoo iyon..."
"Pero kung mahal mo talaga ako, bakit mo sinasabi sa akin ang mga 'to? Kung mahal mo ako, bakit gusto mong putulin na ang relasyon nating dalawa?" bigla kong naramdaman ang patak ng luha sa aking pisngi nang diretsuhin ko si Rex.
Kinagat nito ang kanyang labi at sa pagkurap niya habang nakatingin sa akin ay tumulo ang kanyang mga luha.
"Because I know that this won't work out anymore..." ang sagot nito na nakapagpailing sa akin. "Tuwing magkasama tayo, wala kang ibang bukambibig kung hindi si Zig. Si Zig na best friend mo pero ngayon, hindi ko na alam kung gano'n mo pa rin ba siya tingnan." Nang sabihin niya 'yon, napakunot ang noo ko.
"Anong gusto mong palabasin?" pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at seryoso siyang tiningnan. "That I see him now as more than my best friend? Na gusto ko siya? Gano'n ba, Rex? Gano'n ba?!" hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa kanya dahil alam kong iyon ang gusto niyang palabasin.
"Oo!" nabigla ako nang sigawan niya ako pabalik. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. "Simula noong ihatid kita rito noong araw na umalis ka sa Buwan, wala ka nang ibang pangalang binabanggit kung 'di Zig, Zig, Zig! Now tell me, Luca...best friend lang ba talaga?"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko siya magawang sagutin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang sagutin at diretsuhin na best friend ko lang si Zig at iyon lang ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ngunit hindi ko madala ang sarili ko na sabihin iyon kay Rex.
Hindi ko magawa dahil sa totoo lang, maski ako ay litong-lito na rin. Maski ako ay naiinis na rin sa sarili ko dahil nagkakaganito ako. That these past few weeks, all I was thinking of was Zig at kung gaano ko siya gustong makita, makausap at kung gaano ko namimiss ang presensya niya.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam ko towards Zig. Kung bakit tuwing tatanggihan niya ako sa mga pag-aaya ko and pick Gael over me, nasasaktan ako.
Hindi ko alam pero natatakot ako na baka totoo...na baka tama si Rex, that I don't see Zig as my best friend anymore.
"Now what, Luca?" nang tingnan ko si Rex ay walang paglagyan ang mga luha nito. "Tama ako, hindi ba?"
"Rex no!" agad ko siyang sinagot sa pagitan ng pag-iisip at paghikbi. "He's my best friend"
"Cut the bullsh*t, Luca!" natameme ako matapos niyang putulin ang sinasabi ko. "Just for once! Just for once...maging totoo ka sa sarili mo. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin? Can't you see? Hindi mo ba nakikita na habang tumatagal, you're being selfish not only to me, but to yourself!"
"I don't know what you're talking about, Rex..."
Umiling-iling ako at pinunasan ang mga luhang patuloy sa pagtulo mula sa mga mata ko.
"That's why I'm ending this...I'm ending us."
Nang sabihin niya iyon, natigilan ako at hindi makapaniwala. Did I hear it right? He's...he's breaking up with me?
Hindi ako nakapagsalita.
"I'm breaking up with you, Luca..." pagkumpirma niya dahilan para mapakurap ako habang nakatingin rito. Kusang tumulo ang mga luhang hindi ko alam na lalabas mula sa mga mata ko.
"Seriously?" iyon lamang ang nasabi ko habang ang mga tuhod ko ay tila nanlalambot dahil sa narinig.
"Alam kong gusto mo akong manatili pero hindi ko kayang manatili sa tabi mo nang alam kong hindi naman ako ang nasa loob n'yan..." marahan niyang itinuro ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.
"Rex, please..."
"Do yourself a favor, Luca..." pinunasan nito ang mga luha niya at diretso akong tiningnan sa mga mata. "Maging totoo ka sa sarili mo." Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon ay tumalikod siya at naglakad na palayo.
He left.
He left me crying here in the dark.
Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko ngayon kung bakit palagi nalang akong nalalagay sa sitwasyon kung saan palagi akong naiiwan...sa sitwasyon kung saan palagi akong iniiwan.
Rex just broke up with me.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Kahit ang paghakbang ng mga paa ko ay hindi ko alam kung kaya kong kontrolin. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko kung saan niya ako iniwan.
Masakit.
Pakiramdam ko ay sa pangalawang pagkakataon, nawalan ako ng isang taong nagmamahal sa akin nang totoo.
Nasasaktan ako dahil nakipagbreak sa akin si Rex ngayong gabi at nasasaktan ako na hindi ko man lang masabi ito kay Luca dahil alam kong hindi naman niya ako pakikinggan. Nasasaktan ako dahil wala akong matakbuhan. Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko ay iniwan ako ng lahat.
Ngayon, pakiramdam ko ay mag-isa nalang talaga ako. Walang boyfriend at walang kaibigan. Pareho silang iniwan na ako. Pareho na silang galit sa akin at parehas silang ayaw akongl makita o makasama.
Siguro nga ay kasalanan ko rin talaga. Kasalanan ko 'to, eh. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat at kung bakit ako nasasaktan ngayon. Do I deserve all these? Yes, I do! Deserve kong lahat ito.
Una, naging self-centered akong tao. Pangalawa, naging makasarili ako at hindi inisip kung anong mararamdaman ni Rex. Pangatlo, nagsisinungaling ako sa sarili ko.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Pilit kong inihakbang ang mga paa ko para umalis sa madilim na lugar na 'yon.
Wala ako sa sariling naglalakad. Hindi alam kung saan pupunta. Hindi alam kung ano ang gagawin. Para akong isang plastik na nasa tabing kalsada, tinatangay ng hangin at hinahayaan kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Sa kalagitnaan ng aking wala sa sariling paglalakad, nabuo sa aking utak ang kagustuhang uminom ng alak. Tama. Iyon ang gagawin ko kasi 'yon naman talaga ang madalas kong gawin. Doon naman ako magaling. Ang magpakalasing.
At sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay mas may sense na ngayon at magpakalunod sa alak dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko.
Wala akong kasama pero walang makakapigil pa sa akin na pumunta sa Drunkin' Doorman at doon ibuhos sa pag-inom ng alak ang lahat.
Pinunasan ko ang mga natirang bakas ng luha sa mga mata ko. I better save it for later, kapag lasing na ako at hindi na makita nang malinaw ang mundo. Kapag hindi ko na gaanong nararamdaman ang lungkot at tanging hilo nalang ang namumutawi sa buong pagkatao ko.
Malapit lang ang bar na 'yon rito sa bayan kaya't lalakarin ko lamang iyon.
Nagmadali akong naglakad dahil hindi na ako makapaghintay na makarating roon ngunit wala pang ilang hakbang mula noong magdesisyon akong pumunta roon, natigilan ako nang makasalubong ang dalawang pamilyar na mukha.
Si Zig at si Gael.
Napahinto rin sila nang makita ako ngayong gabi. Nagtatawanan sila bago matigil 'yon nang mapansin na pamilyar ako sa kanila. Agad akong nginitian ni Gael.
"Hey..." usal ko sa dalawa.
Tiningnan ko ang gulat na gulat na si Zig. Marahil ay hindi siya makapaniwala na nakita niya ako ngayon. O marahil ay sa loob-loob nito ay naiinis siya dahil roon?
"Kamusta?" ang bati at tanong sa akin ni Gael, suot nito ang parehong ngiting ilang beses ko nang nakita sa kanya. "Where are you going?" kung makapagtanong ito ay tila close kaming dalawa ngunit sa magandang paraan.
Suminghot ako at inalis ang nakabarang kung ano sa aking lalamunan upang makapagsalita.
"I'm...I'm going to drink." Hindi ako nagsinungaling. Walang reaksyon si Zig sa narinig. "I'm on my way to Drunkin' Doorman."
Nagulat si Gael at napatingin kay Zig nang nakangiti. "Hey, babe. You mentioned that bar earlier. Doon rin tayo pupunta para uminom mamaya, 'di ba?" tanong nito sa naninigas niyang nobyo. Tango lang ang isinagot nito dahil nakatingin pa rin si Zig sa akin. "Bakit hindi pa ngayon?"
"What?" napatingin ako kay Zig na tila nagulat sa suhestiyon ni Gael.
"I said, why don't we go there now with Luca, instead of going there later? You know, para naman may kasama siya." Pangungumbinsi nito kay Zig. Nakatingin lang akong pareho sa kanila. "I mean, iyon ay kung okay lang kay Luca." Gael looked at me.
Nagulat man ako ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanila. Sa totoo lang, gusto kong mapag-isa pero kung sasama sila, wala akong pakealam. Gusto ko lang uminom at magpakalasing ngayon gabi.
Hindi ko lang alam kung gusto ni Zig na makasama akong uminom. Isa pa, Zig was never really a drinker kaya I doubt it. Kailan pa siya natutong uminom nang hindi ako kasama?
"Sure. Walang problema sa akin." Pilit kong nginitian ang dalawa. "You have a plan to drink there earlier? What's this? The new Zig Jimenez?" pabiro kong sabi habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon nito na halatang napikon sa narinig.
"I don't think it's a good idea..." Zig told Gael bago ako tingnan nang seryoso. "We still have a movie to watch, remember?" binalingan naman niya ngayon ng tingin ito.
"We can ditch the movie for it." Ang sagot agad sa kanya ng mapilit na nobyo. "Pwede pa naman nating mapanuod 'yon sa susunod."
Natawa ako nang pilit. "No. Don't even bother to convince Zig, Gael. Mahirap pilitin 'yan kapag alak ang pag-uusapan." Tiningnan ko ito na ngayo'y nakatingin lang kay Gael. "You should go and see that movie. I'll better get going to Drunkin' Doorman dahil gusto ko nang malunod sa alak ngayong gabi." Tumawa ako matapos bitawan ang birong iyon...kahit sa loob-loob ko ay totoo iyon.
Kumaway ako kay Gael na hindi maipinta ang mukha ngunit pilit na ngumiti bago ako tuluyang tumalikod at maglakad palayo sa kanila.
Ngunit ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa, natigilan na kaagad ako.
"Sandali..."
Napangisi ako nang marinig ang boses ni Zig.
"I've changed my mind. Gael was right. We can watch that movie some other time."
Pilit kong dinala ang sarili kong ngumiti nang humarap muli sa kanilang dalawa.
"Great."
Iyon lamang ang nasabi ko bilang sagot at humabol na sila sa akin sa paglalakad.
We all entered Drunkin' Doorman altogether.
- End of Chapter Nineteen