MIKAELLA
"May sakit ako!" putol ko sa sinasabi ni Seth.
Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago nagsalita.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
Huminga ako ng malalim at tiningnan sya ng diretso sa mata.
"May Leukemia ako." sagot ko.
Tila parang estatwa si Seth sa kinauupuan niya ngayon. Alam kong naguguluhan sya sa sitwasyon ko.
"L-Leukemia? Pinagloloko mo ba ako, Ella?" may kaba sa tono na kanyang pananalita.
Si Seth lamang ang nandito sa akin ngayon, kaya tama lang naman siguro na sya ang pwede kong masabihan sa kondisyon kong to.
"Nagsasabi ako ng totoo." sagot ko.
Hindi sya nakapagsalita.
Huminga ako ulit ng malalim at hinawakan ang kamay nya na nakapatong sa mesa. Nanlalamig ito.
"Seth, patawad kung hindi ko agad nasabi sa'yo. Ayoko ring maniwala, pero kasi ito na yon e, nandito na to." paliwanag ko. Hindi na rin kinaya ng mga luha ko at kusang tumulo na ang mga ito. "Yung doktor mismo yong nagsabi tungkol sa kondisyon ko. Binigyan nya ako ng panahon na makapag-isip kung tutuloy ba ako sa treatment. Seth, please huwag mong isabi ito kahit kanino. Ikaw lang ang nakakaalam nito." dagdag ko.
Maliban kay Seth ay wala na akong gustong makaalam sa kondisyon ko. Ayokong kaawaan nila ako lalong lalo na si Stanley.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Ella? Hindi biro ang ganyang sakit. Sana sinabi mo na sa akin, una pa lang, nong nandon pa tayo sa hospital. Kailangan mong mag undergo ng treatment habang maaga pa." nag-aalalang sabi ni Seth.
"Pero Seth, ayokong malaman ito ni Stanley. Ayokong maging pabigat lalo sa kanya."
"At iyan pa talaga ang iniisip mo ngayon kaysa sa kondisyon mong iyan. Ella naman, kahit ngayon lang isipin mo naman yong sarili mo, hindi puro pagmamahal mo kay Stanley ang iniisip mo. Unahin mo naman yong sarili mo."
May punto naman si Seth sa sinabi niya. Sa sitwasyon kong ito ngayon, dapat kalagayan ko ang iniisip ko, pero iniisip ko pa rin si Stanley.
"Ayoko lang talagang mawala sa akin si Stanley." napayuko nalang ako.
"Kung ayaw mo siyang mawala sayo, edi magpagaling ka alang-alang sa sarili mo."
"Pero kasi Seth, wala akong sapat na pera para magpagamot." dahilan ko.
Ni piso ay hindi ako humihingi ng pera kay Stanley. Hindi rin naman ako gumagasta ng pera ko na inipon ko. Hindi rin iyon sapat sa pagpapagamot ko.
"I'll do it." hinigpitan ni Seth ang kapit sa kamay ko. "I'll be the one to pay all your treatment. Just promise me na magpagaling ka."
"Seth..."
"No more buts, Ella. Tumutulong lang ako. All you have to do is take care of yourself."
Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.
Habang-buhay kong pasasalamatan si Seth sa mga itinulong nya sa akin.
"Can I join your date?"
Stanley?
Napatayo ako.
Hindi ko akalaing nandito si Stanley. Kumakabog ng matindi ang dibdib ko.
"Stanley..."
Hindi nya ako pinansin kun'di ay umupo sya sa bakanteng upuan.
Umupo na rin ako at tumahimik. Naksalubong ang mga mata namin ni Seth. Bakas sa mga mata nya ang pagkagulat rin pero hindi ito natatakot.
"Bakit kayo tahimik? Go on, continue what you're talking about and your holding hands." sarkastiking sabi nya.
Tumikhim si Seth at tiningnan sya nito.
"So what if we're dating? At paano mong nalaman na nandito kami?" tugon ni Seth.
"So, I'm right. You two are dating behind my back." tiningnan ako ni Stanley kaya napayuko ako. Nahihiya ako sa nakita nya sa amin ni Seth. Inakala nya talaga na nagddate kaming dalawa.
"Look, bastard, isipin mo na ang gusto mong isipin. Stop judging kung hindi mo naman alam ang nangyayare. And for the record, you left your wife with me, and tama lang na asikasuhin ko sya dahil wala ka." napatingin ako kay Seth. Hindi ko akalain na sasabihin nya yon ng harap-harapan kay Stanley. "Instead of judging us of what you saw, you should be thankful because I took care of your wife which is not my responsibility but your responsibility as her husband." dagdag pa nito.
"Seth..."
"Do you think I'll thank you of what I saw a while ago. You're taking the opportunity to flirt with my wife while I'm gone. I'm not stupid." sabat naman ni Stanley.
"Correction, you're stupid. If you're not, then hindi malalagay sa ganitong kondisyon ang asawa mo." napatingin ako bigla kay Seth. Pinanlakihan ko sya ng mata.
Please, Seth, huwag mo namang sabihin sa asawa ko.
"What condition are you talking about?" nagtatakang-tanong ni Stanley.
Tiningnan naman ako ni Seth. Please, Seth, huwag. Napayuko nalang ako.
"You're wife is emotionally stress, you bastard. It's because pinapahirapan mo sya."
"You know nothing." napalakas ang boses ni Stanley. Nagtinginan naman ang ibang tao.
"Seth, tama na." pumagitna na ako sa usapan nila. "Niyaya lang ako ni Seth na kumain. Nagkasalubong kami sa hospital kanina, pumunta kasi ako kay Papa. Please, tama na. Umuwi nalang tayo." paliwanag ko kay Stanley.
Huminga ito ng malalim at tumayo. Inayos nya ang kanyang suot.
"Fine." matipid nyang sagot.
"Seth, sorry talaga." paumanhin ko kay Seth at tumayo na.
Hindi ako kumibo sa buong byahe pauwi ng bahay. Wala ring tinanong ni isa sa akin si Stanley. Dumiretso na ako sa kwarto at kumulong. Pagod ang katawan ko. Gusto ko lang munang magpahinga. Ayoko rin na kausapin si Stanley dahil masama ang loob ko sa kanya. Ni hindi man lang nya ako binantayan sa hospital at inuna pa ang kanyang trabaho. Sabagay, wala naman talaga akong halaga sa kanya.
STANLEY
Hindi ko pa rin naaalis sa isipan ko ang nakita ng mga mata ko kanina. I saw them holding each others hand. I'm not blind and I'm not fcking stupid. It's just that I can't judge easily, but galit ako sa nakita ko kanina.
Ako dapat yung nasa posisyon ng kaibigan nya ngayon. I should be the one who took care of her nong nasa hospital sya. But, I also have my responsibilities. Nakasalalay ang company sa kamay ko.
I just don't want to see her with other men flirting around even sa kanyang kaibigan na yon.
"Okay lang po ba kayo, sir?" tanong ni Manong Mario.
I'm having coffee with him dito sa patio. It's already noon.
"Yes, i'm fine." sagot ko.
"Parang ang lalim ata ng iniisip nyo."
"I was just thinking of what happened earlier." sagot ko.
Manong Mario was the one who told where my wife is and whose with her. Nadatnan ko kanina na walang ang asawa ko dito sa bahay at si Manong Mario, so I was thinking kung saan sila pumunta.
"Pasensya na pala don kanina Sir, hindi ko kasi alam na magkasama pala sila ng kaibigan nya."
"It's okay." sagot ko. "Do you think they have relationship behind my back?" tanong ko. I was reffering tk my wife and to his jerk friend.
"Ay nako Sir, magkaibigan lang po talaga yan sila."
"Do you think so?"
"Opo. Napakabuti po nong si Seth sa asawa nyo." I just nod. "Ikinuwento nga po sa akin ng asawa nyo na matagal na silang magkaibigan nyan simula college pa po sila. Malaki ang utang na loob ng asawa mo sa kanya. Bilib nga po ako don sa kanya kasi, kahit anong busy nya nakakaya nyang bantayan ang asawa nyo sa hospital nong nakaraang araw." he added.
So, they're good friends.
"Paano nyo nasabi?"
"Nong nasa hospital po kasi kami ay hindi ito umaalis sa kwarto. Inaalagaan nya po ng mabuti ang asawa nyo. Pumupunta po don iyong sekretarya nya para dalhin yong mga papeles at kung may papipirmahan sa kanya."
"Okay. Do you think my wife is capable of cheating on me?" tanong ko.
"Ay Sir, hindi po iyong magagawa ng asawa nyo. Nakikita ko po sa mga mata nya kung gaano nya po kayo napupusuan. Mahal nya po kayo. Sinabi nya rin po yon sa akin."
Nakahinga ako ng naluwag. I'm not blind para hindi ko maramdaman na mahal nya ako.
"She said that?"
"Opo sir. Napakaswerte nyo po sa asawa nyo."
I'm happy to know na mahal nya ako.
I finish my coffee at pumasok na. I ask Manong Mario to clean the car dahil may pupuntahan kami bukas. We'll be visiting Grandpa's house since nakalabas na rin sya ng hospital. I'll come with me my wife.
"Ay sir?" lumingon ako kay Manong Mario. "Pakibigay po ito sa asawa nyo. Kinuha ko po yan kahapon. Nalimutan ko lang ibigay sa kanya kanina."
He handed me a brown envelope. Ano to?
"What's this?" I ask.
"Ah, resulta po yan ng check up nya."