MIKAELLA
"Seth?"
Nagulat ako nang makita ko na si Seth pala ang humahaplos ng buhok ko. Hindi ko rin kung bakit nakapasok dito si Seth sa loob ng bahay namin ni Stanley.
Ayaw na ayaw ni Stanley na pumunta sya dito sa bahay namin. Paanong nandito sya ngayon? At gayong uuwi dito si Stanley at baka makita ni Stanley na nandito sya at baka kung ano ang isipin non.
"B-Bakit ka nandito?" tanong ko. Umayos ako ng upo.
Lumayo sya sa akin at lumakad papunta sa mga picture frame ni Stanley.
"I came here para sa project ng company namin and together with your husband's company." sagot nya habang tinititigan ang mga litrato ni Stanley.
Binaling naman nya ang tingin nya sa akin.
"Nagbabakasakali ako na nandito sya and here you are, ikaw ang nakita ko." dagdag nya.
"Anong project ba yan?" tanong ko.
"It's business matters." simpleng sagot nya. "How are you, by the way?" dagdag nya.
Umupo sya sa upuan na kaharap ko.
"Hindi na kita nakita after we celebrated my birthday. Sinasaktan ka pa ba nya?" dagdag pa nito.
Alam kong nagaalala rin si Seth sa akin lalo na sa sitwasyon ko. Siya lang ang sinasabiban ko ng mga problema ko una pa lang.
Nagkakilala kami dahil naging blockmate ko sya sa college. Same course kami. Hindi rin namin expect na maging magkaibigan kami. Huli ko na rin nalaman na business partners pala ang Daddy nya at si Papa. Yon nga lang, nakapagtapos sya, pero ako hindi. Gusto nya sana ako tulungan, pero ako na itong umayaw.
"Oo naman. Ayos lang ako dito. Hindi na ako sinasaktan ni Stanley." sagot ko. "Tara sa sala, at paghandaan kita ng meryenda." pag-iiba ko saka tumayo.
"Napano yang paa mo?" tanong nya.
Tiningnan ko naman ang paa ko na may benda. Ito pa yong sugat ko nong araw na natisod ako sa puno. Nong pumunta kami sa puntod ng mommy niya.
"Don't lie to me, ella. Sinaktan ka ba ni Stanley?" napa-alarma naman ako sa sinabi nya.
Kilala ko si Seth. Alam ko kung galit sya o hindi. Ang ayaw ko lang ay mapa-away naman sya ulit kay Stanley.
"Hindi, Seth. Nong isang araw pa to. Natisod kasi ako kaya napano yung paa ko sa puno. Pumunta kasi kami sa sementeryo kasama ko si Stanley." sagot ko.
Hindi ko na sinabi sa kanya ang buong storya dahil alam kong magagalit sya kapag nalaman nya ang pag-iwan sa akin ni Stanley sa gitna ng daan habang umuulan.
Huminga naman sya ng malalim at inalalayan ako.
"Yan ang sinasabi ko sayo, ella. Sa susunod kasi mag-ingat ka." sabi niya.
Hindi lang parang kaibigan sa akin si Seth kundi parang kuya. Na miss ko tuloy si Kuya.
Pumunta na kami ng sala. Iniwanan ko muna sya at pumunta sa kusina at nadatnan ko don si Manang na gumagawa ng meryenda.
"Manang, ikaw ba nagpapasok kay Seth dito?" tanong ko.
"Ay, oo iha. Hinahanap nya kasi si Stanley kaya pinapasok ko na." sagot ni Manang. "Sya nga pala, tumawag rin sa akin si Stanley na papasokin ko daw iyang kaibigan mo dito sa bahay dahil may paguusapan daw sila." dagdag ni Manang.
Napakalma naman ako sa sinabi ni Manang. Mabuti naman kung ganon. Akala ko kasi kusang pumunta dito si Seth. Bilib rin kasi ako kay Seth dahil kaya nyang hiwalayin ang personal life nya sa kaniyang negosyo.
"Hindi ba tumawag si Stanley sayo?" tanong ni Manang.
"Hindi po eh. Nasa office po kasi ako. Nakatulog ako don." sagot ko.
Pagkatapos ni Manang sa pagprepare ng meryenda ay kumuha na ako ng tray para ilagay don ang pagkain.
"Ako na po ang magdadala, Manang. Salamat po." sabi ko at tumungo na sa sala.
Nadatnan ko si Seth na nakatayo na kung saan kaharap niya yung malaking picture frame naming mag-asawa.
Nilapag ko mesa ang tray at nilapitan sya sabay titig sa picture frame.
"Paano mo minahal ang isang tulad niya?" biglang tanong nya.
"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay kaya kong tiisin lahat para sa kanya. Alam kong mabuti siyang tao." sagot ko.
Halos isang buwan na kaming kasal ni Stanley at natutunan ko na rinang mga asal nya. Alam kong mabait siyang tao. Hindi siya masama gaya ng mga sinasabi ng iba.
"How can you say that? Do you really have to endure all the pain?"
"Oo, Seth. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano kasakit, ay kaya mo pa rin siyang tanggapin ng paulit-ulit." napabuntong-hininga ako. "Hindi man siya ngumingiti sa litratong yan, alam ko sa sarili ko, na kaya ko siyang pasiyahin sa tamang panahon."
"That's what I like about you." binaling nya ang tingin nya sakin.
"Huh?"
"You're a strong woman. I'm one of your witness kung paano mo hindi sinukuan ang lahat ng problema mo. I was there the whole time comforting you. Nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nasasaktan. If I could be like him, gagawin ko talaga para magustuhan mo rin ako."
"Seth, hindi ako deserving para sayo. Just open your heart para sa iba. You're a very good friend to me at habang buhay kong pasasalamatan yon."
Si Seth na ang nagsilbing knight and shining armor ko simula pa dati. Nong umalis si Shane para mag-aral sa ibang bansa ay nandon si Seth na handa para maging kaibigan ko.
"And you also deserve a man that will treat you like his queen, and not this." dagdag nya.
Gets ko ang punto ni Seth. Gusto nya akong kumawala sa relasyong to dahil alam niyang nasasaktan na ako. Pero wala akong magawa dahil may kontrata at mahal ko na si Stanley.
"Gustohin ko man pero pipiliin kong manatili dito. Mahal ko si Stanley at ayokong sumuko. Lalaban ako."
"Okay, i get it. Fine. You already made up your decision at hindi ko na mababago yan." hinawakan niya ang balikat ko. "But, I just want you to know na nandito pa rin ako to help you. I'm always willing to help you." dagdag nya.
Tumango naman ako.
"Come here." lumapit ako sa kanya at nagyakapan kaming dalawa.
Seth is a total package man. Nasa kanya na ang lahat pati kabaitan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako napa-ibig sa kanya. Mahal ko siyang bilang kaibigan at ayokong mawala siya sa akin. Naging parte na siya ng buhay ko. Malaki ang utang na loob ko kay Seth. Siya ang naging pamilya ko nong mga oras na wala akong malapitan.
Kung pwede lang sana maturuan ang puso na magmahal ng iba ay sana noon pa lang pinili ko na si Seth, pero hindi eh, ang pait ng buhay.
Napabitaw ako sa yakap nang makarining ako ng malakas na pagsarado ng pinto.
Nagulat ako nang paglingon ko ay isang masakit na titig ang nakatingin sa amin ni Seth.
"Shane?"