MIKAELLA
"Shane?"
Lumapit siya sa amin at biglang sinampal si Seth.
"Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo na pumunta dito. Pagkatapos mo kong iwan nong gabi yon—"
"Ano?" tanong ko.
Biglang pinutol ni Shane ang sinabi niya kay Seth dahil sa biglang pag tanong ko.
"Ah, wala, ella." huminga ng malalim si Shane at tiningnan ng masama si Seth.
Ito namang si Seth ay napahawak sa mukha niya na kung saan sinampalan ni Shane.
"Ito kasing kaibigan mong walang hiya." sabi ni Shane sabay siko kay Seth.
"Ano bang problema mo? Ha?" tanong sa kanya ni Seth.
"Problema ko? Ikaw?! Wala kang kwentang tao. Ang sarap mong apakan at itapon don sa Alaska. Animal ka!" sigaw sa kanya ni Shane.
Ano bang ikinagagalit ni Shane sa kanya? At kung makasigaw tong si Shane parang giflfriend na niloko.
Pumagitna na ako.
"Teka, ano bang problema nyong dalawa?" Tanong ko.
"Wala!" sabay nilang sagot at umiwas ng tingin.
"Ay, hindi pwede yan. Kaibigan ko kayong dalawa kaya dapat lang malaman ko ang problema niyo." sabi ko.
Tiningnan ko si Seth at tinanong.
"Seth, ano bang ikinagagalit ni Shane sayo at sinampal ka niya?" tanong ko kay Seth.
"E-Ewan ko sa babaeng yan. Siya tanungin mo." dinuro niya naman sa akin si Shane.
Bumaling ang tingin ko kay Shane at tinanong sya.
"Shane, bakit sinampal mo si Seth?" tanong ko.
Para na tuloy akong nanay sa dalawang to.
"W-Wala. Bwesit lang talaga yang kaibigan mo." sagot niya.
"Teka, bakit ka nga pala nandito? Hindi ka man lang nagtext na pupunta ka pala dito?" tanong ko ulit sa kanya.
"Pinapunta ako ni Stanley dito. Nandito daw kasi yung investor ng JWCorp. Ako daw ang kakausap muna sa kanya since papauwi pa lang sya." sagot niya. "Asan na pala yon? Nandito na ba?" dagdag nito.
JWCorp? Eh, sa pagkakaalam ko ay kina Seth yon.
Tiningnan ko naman si Seth.
"Seth, sainyo diba yong JWCorp?" tanong ko.
"Oo." simpleng sagot niya.
Nanlaki naman bigla ang mata ni Shane at dinuro si Seth.
"Ikaw?!" sigaw nito.
"Huwag nga kayong sumigaw baka maabutan kayo ni Stanley dito mamaya at—Ayan na pala siya."sabi ko.
"What's happening here?" tanong ni Stanley pagpasok nya ng bahay.
"Why the hell didn't you tell me that this jerk here is our investor?" bulyaw ni Shane kay Stanley.
Nilapitan ko si Stanley at kinuha ang coat nya.
"You didn't asked me." simpleng sagot nya sa kapatid nya.
"I hate you! "sigaw naman ni Shane. Kinuha nya ang bag at nilapitan si Seth."May araw ka rin sakin." duro nito kay Seth at padabog na umalis.
"Ella, go up stairs." utos sa akin ni Stanley na ikinabaling ng ulo ko sa kanya.
"Pero..."
"No more buts, just go upstairs." putol nya sa akin.
Wala na akong magawa kun'di tumango nalang.
"Sge, Seth." paalam ko kay Seth.
Tinanguan nya ako at ako naman ay dumiretso na sa taas at pumunta na sa kwarto ko. Magkaiba kami ng kwarto ni Stanley. Desisyon nya yan kaya wala akong magawa.
Hindi ako mapakali dito sa kwarto ko. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Siguro tungkol lang don sa business kasi si Stanley na mismo ang nagsabi na sya ang nagpapunta dito kay Seth para pag-usapan yong business. Pero, hindi eh, hindi pa rin ako mapakali.
Tiningnan ko ang orasan ko at 6 PM na rin pala. Kailangan ko nang magprepare ng dinner lalo na nandito si Stanley.
Lumabas ako at dahan-dahang bumaba sa hagdan dahil baka nasa sala sila naguusap. Pagbaba ko ay wala na sila. Baka nandon sila sa office ni Stanley naguusap.
Dumiretso na ako sa kusina at tinulungan si Manang na magluto ng dinner.
Hinanda ko na ang dinner sa mesa at isinali ko na rin si Seth para dito na siya kumain.
Nakita kong kakalabas lang nilang dalawa sa office kaya pinuntahan ko na.
"Handa na yong dinner." sabi ko. "Seth, dito ka na rin kumain." aya ko sa kanya.
"No." napatingin naman ako sa biglang pagsalita ni Stanley. "He have something important to take care of. Right, Mr.?" dagdag nito.
"Uhm, sorry, Ella. May dinner meetint kasi ako with a client. Sorry." sabi ni Seth.
Na dismaya naman ako.
"Ah, ganon ba..."
"Maybe next time. I have to go, bye." tumango nalang ako.
Sinundan ko sya gamit ang mga mata ko hanggang sa makalabas na sya ng pintuan ng bahay.
"Missed him?" napatingin naman ako kay Stanley.
"H-Hindi ah. Nag-aalala lang ako sa kanya." sagot ko.
"It's still the same." walang ganang sagot nya. "I'm not going to eat. You can eat if you want."
"Bakit? Naghanda kami ni Manang."
"I'm not in the appetite to eat." sagot nya at daghan-dahang lumapit sa akin at may binulong. "I want to eat you." at kinagat ang tenga ko dahilan na napataas ang balahibo ko.
"Stanley..."
"I'll wait for you upstairs." sabi nya at umalis na sa harapan ko.
Ako naman ngayon ay tulala. Stanley, ba't ka ganito? Anong ginawa mo sa sistema ng katawan ko?
Kumain na ako at habang kumakain ako ay parang wala ako sa sarili ko at tulala. Maraming gumugulo sa utak ko at hindi ko alam kung bakit. Marami ring katanungan sa utak ko na hindi ko alam kung paano masasagot ito. Ang bilis rin ng t***k ng puso ko na parang hinahabol ko ang bawat paghinga ko.
"Iha, okay ka lang ba?" nagulat ako sa biglang pagsalita ni Manang. Kasabay ko syang kumain dito sa mesa ngayon.
"O-Opo, manang. Marami lang po akong iniisip." sagot ko.
"Kung ano man iyang gumugulo sa isip mo, huwag mo na munang intindihin iyan. Kumain ka na." inabot nya sa akin ang plato na may ulam.
Pagkatapos kong kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan at nagligpit. Ayokong mahirapan pa si Manang dahil medyo may edad na rin ito.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim. Ano ba itong nangyayari sa akin? Kanina lang ay maraming gumugulo sa isip ko at ngayon naman ay parang kinakabahan ako at natatakot. Para bang may mangyayari o sadyang paranoid lang talaga ako.
"Hey..." napatingin ako bigla.
Si Stanley lang pala.
"You look pale. What's happening to you?" tanong niya.
"W-Wala ito." sagot ko. "Gusto mong kumain?" pag-iiba ko.
Binuksan nya ang ref at may kinuhang gatas at umupo sa island counter.
"I already ate my dinner before i went home." sagot nya. Tumango nalang din ako.
Pinunasan ko na ang mga platong nahugasan ko at nilagay ito sa lalagyan.
"What's bugging in your mind?"
"W-Wala man." matipid kong sagot. Marami. Marami akong katanungan sayo.
"You're not good at lying. Now, tell me."
Nitong mga nakaraang araw, napansin kong umiiba na ang pagtrato sa akin ni Stanley. Naging mahinhin na sya sa akin at hindi na niya ako sinasaktan. At iyon ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Bakit nya ginagawa sa akin to ngayon?
"B-Bakit ganito ka sa akin?" tanong ko.
"I-I don't know also. Why'd you ask?"
Humarap ako sa kanya.
"Dahil naguguluhan ako sa mga inaakto mo sa akin at nag-aalala ako dahil baka bukas umiba ka naman." sagot ko na may halong pagtataka ang tono.
Gusto ko na ring maging honest sa kanya dahil ayokong kinakain ako ng kaguluhan sa isip ko at baka hindi ako makatulog ng maayos sa gabi.
Nag-iba naman ang aura ni Stanley na para bang dumilim ang kaniyang mukha.
Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya.
"I will do what i want to do with you and you'll stay with me whether you like or not." singhal nya sa akin na ikinaatras ko.
Hindi ko talaga sya maintindihan. Kanina lang ay okay and mood nya tapos ngayon umiba na naman.
"Stanley..."
"You ask too many questions." dagdag pa nya.
"Sorry, Stanley. Gusto ko lang naman—"
"Enough, will you? I don't wanna hear it." putol nya sa akin at tumalikod.
Unti-unting may namumuong tubig sa mga mata ko. Napakaiyakin ko talaga. Bumibilis nang bumibilis naman ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga bigla.
"Stanley..."
At tuluyan nang nawalan ako ng malay.