KIRO NAKATITIG LANG ako kay Kimberly na ngayon ay masayang kasama si Oliver. Marami ang nagulat dahil sa bilis ng pangyayari at magkasintahan na ngayon silang dalawa. Nalaman ko kay Malcolm na matagal na palang may pagtingin si Oliver kay Kimberly simula ng sila pa. Hindi kaya ang awkward niyon? Na may lihim pa lang pagtingin ang kaibigan mo sa girlfriend mo? "But for you is different," nagdikit ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "I will not let anyone fall for you even my friends." Napatigil ako sa pag-iihaw ng marinig ang mga sinabi ni Malcolm. Bigla akong napalunok ng maalala ang pag-amin ni Edmon sa akin. Paano kapag nalaman ni Malcolm ang bagay na 'yon? Pakiramdam ko ay masamang makita na masira ang pagkakaibigan nilang dalawa ng dahil lang sa akin. Mabuting tao si Edmon kaya hi

