KIRO HALOS NAPAGOD ang lahat sa mga activity ngayong araw dahil more on physical movements at kailangan mong gumalaw. Kaya ngayong oras ay abala na ang lahat sa pagkain ng hapunan habang naglalaro. Naglaro na rin kami truth or dare habang nakaupo sa kanya-kanyang upuan nang bigla sa akin tumapat ang tuktok ng bote. Kainis! "Truth or dare?" Tanong ni Yumiko sa akin. Nandito siya sa amin ngayon dahil inimbitahan siya ni Rico. Ayaw din kasi ni Yumiko na sumama sa mga kaklase niya dahil halos lahat ng mga iyon ay puro kpop ang pinag-uusapan. "Truth." Matapang kong sagot habang iniinom ang tubig. "Kailan tumibok ang puso mo kay Malcolm?" Mabilis kong naibuga ang tubig sa gulat. Natawa silang lahat sa naging reaksyon kaya nahiya bigla ako. Aish! Kahit truth pala ang piliin ko hindi ako mak

