KIRO
SA TUWING tumitingin ako kay Edmon ay 'di man lang ito umiimik o di kaya'y humihingi ng tulong sa akin kahit na alam kong nahihirapan siya. Alam ko na iniiwasan niya pa rin ako dahil sa pinag-usapan naming dalawa noong nakaraang araw pero hindi pwedeng ganito na lagi na lang kaming hindi nagpapansinan. Ng maglalagay siya ng uling ay kaagad kong kinuha iyon at ako na ang nagsiga ng uling para sa pang-ihaw.
"Kanina ka pa napapaso kaya ako na lang ang gagawa." Tumingin lamang ito at bumuntong hininga kasabay ng pagtango. "Wala namang masama humingi ng tulong kaya huwag mong sarilihin ang lahat, Edmon." Hindi ko alam kung humuhugot ako sa part na 'yon pero ang gusto ko lang naman ay pagsabihan siya dahil kanina ko pa napapansin na ayaw niyang magsalita.
Habang nagbabarbecue kaming dalawa ay napapansin kong habang tumatagal ay nagsasalita na siya at kinakausap ako. Ayaw ko naman basagin ang sitwasyon lalo na nakakausap ko na siya ngayong hindi katulad nitong mga nagdaang araw na mailap siya sa akin.
"By the way I talk to Kimberly and I warn her if she do that again I'll exposed everything what she's doing." Napangiti naman ako at nagpasalamat pero sinabi ko rin na hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Magsasalita sana ako ng mapatingin ako sa di kalayuan at nakita ko si Malcolm na pinagkakaguluhan ng mga babae. Hindi ako nagseselos okay? Ang sakit lang sa mata ng nasasaksihan ko ngayon.
Nagulat ako ng biglang pinunasan ni Edmon ng sauce ang pisngi ko. Napahalakhak ito sa tuwa habang nakahawak pa sa kanyang tyan.
"Better," sambit nito.
"Ah gusto mo pala ng away, pwes pagbibigyan kita," dali-dali kong kinuha ang brush ng sauce at nilagyan din siya sa pisngi. Hindi ko na maiwasan pa ang matawa rin dahil sa itsura namin dalawa ngayon. "Quits."
"Okay you win." Natatawang sagot nito hanggang sa siya na ang sumuko at ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang lahat ng estudyante. Kahit si Malcolm ay nakatingin ng diretso na parang binabasa ang kanyang nasaksihan pero kaagad din siyang ngumiti at lumapit sa amin para tumulong.
"I'm good at this mahal let me take care that." Proud nitong sabi at inagaw sa kamay ko ang brush. Umupo na lang ako sa upuan habang pinapanood silang dalawa na magbarbeque. Wala naman na akong gagawin kaya okay lang kahit si Malcolm na ang gumawa dahil wala si miss. Napansin kong bumubulong si Malcolm kay Edmon na tila may tinatanong pero nginingisian lang siya nito. Mababanaad sa mukha ni Malcolm na para bang nababadtrip na hanggang sa nakuha ko kung ano ang problema niya. Tsk, nagmamagaling pa kasi hindi naman pala marunong magbarbeque.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay niya. Pansin kong nagulat siya sa ginawa ko at tila sumilay ang ngiti sa labi.
"Tumingin ka sa ginagawa mo hindi sa mukha ko, Malcolm," naiiling kong sabi. Tumango naman siya at hinayaan akong hawakan ang kamay niya habang tinuturo kung paano ang tamang pagbarbeque. "Alam mo ang galing-galing mong magluto pero pag-ihaw ng barbeque hindi mo kaya?"
"Tsk, I know how to fried not to grill, but I'm thankful because you're here to teach me." sabay kindat nito. Nanliit ang mata ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya na parang nakikipagflirt.
Nagpatuloy na kami sa pag-iihaw hanggang sa nagpaalam si Edmon para kumuha ng tubig kaya naiwan kaming dalawa ni Malcolm na tinatapos ang barbeque. Marami na rin ang nagsisimulang kumain ng hapunan at ang iba naman ay nagkakasiyahan na. Napatingin ako ng biglang tumayo si Malcolm mula sa tabi ko. Nagdikit ang dalawang kilay ko.
"Saan ka naman pupunta?" Ngumiti naman siya at pinisil ang dalawang pisngi ko.
"Hindi ako aalis dahil may kailangan lang akong puntahan mahal ikaw talaga," pinitik ko ang kamay nito na nakapisil sa dalawang pisngi ko, "pwede naman pilitin mo akong huwag umalis para sasamahan kita dito." Tinaboy ko kaagad siya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Ang corny mo." Natatawa kong saad pero may kiliti akong naramdaman sa aking tiyan ng sabihin niya iyon.
Pagkaalis nito ay naiwan naman akong mag-isa na nag-iihaw hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay dumating na ulit si Edmon dala ang mga barbeque na iihawin pa. Inabutan naman ako nito ng bottled of water na kaagad kong tinanggap.
"Salamat," tumango naman siya at uminom rin ng tubig.
Mahigit isang oras rin kami ni Edmon na nag-ihaw bago natapos hanggang sa inanyayahan na niya akong kumain pero tumanggi ako dahil hinihintay ko si Malcolm para sasabay na ako sa kanya. Lumapit na rin ako kila Vincent para magtanong kung alam nila kung nasaan si Malcolm pero kahit sila ay hindi rin alam pero may nakakita sa kanya na isang estudyante at sinabi naman nito sa aking kung saan dumaan si Malcolm.
Nakaramdam ako bigla ng takot dahil papasok sa loob ng gubat ang itinuro ng babae kaya nilakasan ko na lamang ang loob ko at bumuga ng malalim na paghinga. Nagsimula na akong maglakad para hanapin si Malcolm at tinatawag ko na rin ang pangalan nito pero hindi ko man lang siya nakita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napahinto ako ng biglang kumirot ang ulo ko at may kung anong bagay akong nakikita sa aking isipan. Pinilit kong tumayo pero nanghihina ako sa dahil sa pananakit ng ulo ko hanggang sa muntikan ng akong bumagsak pero may humawak sa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Kahit pa hindi ko makita ang kanyang mukha pero alam ko kung sino siya dahil sa pabango nito.
"M--Malcolm..." mahinang bulong ko sa kanya.
"Ano ba ang ginagawa mo?! Bakit pumunta ka sa gubat ng mag-isa?" Galit na sigaw sa akin ni Malcolm pero hindi ko magawang sigawan rin siya pabalik dahil sa panghihina. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya at niyakap siya sa kanyang bewang.
"Hinahanap kita dahil nag-aalala ako." Alam kong naririnig niya ang sinasabi ko kahit mahina ito. Nagulat ako ng bigla ako nitong pinasan sa kanyang likuran at nagsimula na siyang maglakad.
"Please don't do that again, hindi ko kayang makita na may mangyari sa iyong masama." Tumango ako at hinayaan na lamang siya. Naramdaman ko na lamang ang pagpikit ng mga mata ko at natulog habang nakasandal ang ulo sa balikat niya.
Nagising ako dahil sa malakas na kulog at ngayong ko lang napansin na wala kami sa camp site ni Malcolm. Naabutan ko siyang sinasampay ang suot naming damit dalawa. Ngayong ko lang narealize na wala akong saplot ngayong at tanging kumot lang ang nakatakip sa aking katawan.
"Gising ka na pala." Ngiting saad ni Malcolm at lumapit sa akin. Napalibot ako ng tingin dahil nasa isang kubo kaming dalawa.
"Teka nasaan na tayo? Bakit wala tayo sa camp site?" Lumapit siya sa akin na walang pang itaas at tanging boxer lang ang suot.
"Mukhang naligaw ako kanina at hindi ko na mahanap pa ang daan pabalik sa camp site," paliwanag niya habang hinihipan ang mainit na sabaw mula sa mangkok. "Mabuti na lang bago pa bumagsak ang malakas na ulan ay may nakita akong bahay na pagmamay-ari ni lolo Ashong." Sabay lahad nito ng kutsra na may lamang lugaw hindi naman akong nagdalawang isip na tanggapin iyon.
"Baka nag-aalala na ang lahat sa atin--"
"Nakausap ko na sila Vincent at sinabi kong ayos lang tayong dalawa kaya hindi na nila kailangan pang mag-alala." Putol niya kaya napatango-tango naman ako. Patuloy ito sa pagsubo sa akin ng lugaw hanggang sa inagaw ko sa kanya ang mangkok at siya naman ang sinubuan.
"Ayaw kong magkasakit ka ng dahil lang sa akin." Baka kasi kung ano na naman ang isipin niya kaya inunahan ko na siya. Napangiti ito at kumain na rin ng lugaw. Ilang minuto lang ng dumating si lolo Ashong na may dalang mga gamit.
"Mga Ijo patawad kung luma na itong dahil matagal na kasing umalis ang nakatira dito."
"Ayos lang lolo dapat pa nga na kami ang magpasalamat dahil pinatuloy niyo po kami dito." Sagot ni Malcolm. Nakatulala lamang ako kay Malcolm habang kinakausap si lolo Ashon at mukhang nagkakasundo silang dalawa. Ngayon ko lang nakita si Malcolm na ganito. Akala ko talaga noong una na masama ang ugali niya at hindi iniisip ang kapakanan ng ibang tao pero ang totoo ay may mabuti rin siyang puso.
"By the way lolo this is my boyfriend." Pagpapakilala ni Malcolm sa akin at nanlaki naman ang mata ko. Mabuti na lang ay nakasuot na kami ng damit ni Malcolm dahil kay lolo Ashong kaya nakatayo na ako ngayon.
"Naku alam ko naman na kasintahan mo siya dahil kung makatitig ka ay parang matutunaw na siya anumang oras." Sagot ni lolo Ashong at napakamot naman sa batok si Malcolm na tila nahihiya. Akala ko ay iba ang sasabihin ni lolo Ashong pero nasorpresa ako. Natawa si lolo Ashon sa naging reaksyon ni Malcolm kaya tumabi na rin ako kay Malcolm sa pag-upo at nakihalubiro sa kanilang dalawa.
"Totoo pong kasintahan ko si Malcolm lolo." Masaya at proud kong sagot. Napansin koa ng gulat sa mga mata ni Malcolm dahil sa sinagot ko. Hindi niya siguro inaasahan na 'di ko itatanggi na boyfriend ko siya. "From now on he is my boyfriend." Napangiti si lolo at nakipagkamayan pa sa akin.
"Hindi ko alam na aaminin mo rin pala ang nararamdaman mo kasi nababasa ko sa mga mata mo kanina na may pag-aalinlangan ka." Natawa kaming pareho ni lolo Ashong. Marunong rin palang magbasa si lolo Ashong ng mga tao?
"Ang totoo po niyan ay nag-aalinlangan talaga ako lolo dahil sa lagi niya akong pinagtitripan pero ayaw ko naman palagpasin ang lahat kaya kukunin ko kung ano ang sa akin." Sabay kindat ko kay lolo Ashon.
"Iyan ang dapat." Sabay apir naming dalawa ni lolo Ashon na parang magkasing-edad lamang. Napatingin ako sa katabi ko na tahimik na nakatingin lamang habang pulang pula na ang tenga. Tsk, halata talaga kay Malcolm na kinikilig siya ayaw niya lang ipakita.
Ilang minuto rin kaming nag-usap ni lolo Ashong at si Malcolm naman ay nakisali na rin. Aaminin kong iba ang saya sa mga ngiti niya ngayon na para bang nagpapagaan din ng loob ko. Totoo nga ang sinasabi lagi sa akin ni papa na kapag may mahal kang tao, makita mo lamang itong masaya ay sumasaya na rin ang nararamdaman mo. Ng matapos na kaming magkwentuhan ay nagpaalam na si lolo Ashong dahil kailangan na niyang matulog kaya naglatag na kami ni Malcolm ng banig sa lapag at pinatungan ng makapal na kumot.
Habang nakahiga kaming dalawa ay nakatingala kami sa itaas nitong kubo.
"So we're officially in a relationship? Sobrang saya ko ngayon," sabay tingin nito sa akin na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. "gagawin ko ang lahat para maging the best boyfriend mo, Kiro."
"Thank you for everything." Hinawakan nito ang kamay ko na nasa loob ng kumot.
"I love you, Kiro." Humarap ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata.
"I love you too, Malcolm." Tila may kiliti akong naramdaman sa aking tiyan ng sabihin ang mga iyon. Dahan-dahan lumapit ang mukha nito kaya napapikit na lamang ako hanggang sa isang dangkal na lang ang labi namin ng bumukas ang pinto kaya naitulak ko kaagad si Malcolm palayo.
"L--lolo Ashong nandiyan pala kayo." Ngiting sambit ko at natawa naman ito.
"Patawad hindi ko sinasadyang abalahin kayong dalawa," natatawang aniya. "gusto ko lang iabot itong kumot dahil malamig ang panahon ngayon kaya mas mabuti ng dalawa ang gamitin niyo at para na rin walang makasaksi ng ginagawa niyong dalawa alam mo na." Sabay kindat nito kay Malcolm at natawa naman si Malcolm pero ako ay nakatulala lang na hindi na'gets ang punto nito. Kinuha naman ni Malcolm ang kumot at nagpasalamat kay lolo Ashong.
"Ano ba ang sinasabi ni lolo? Para walang makakita ng ginagawa natin-- sh*t! Ibig sabihin ba ng sinasabi niya ay iyong ginagawa natin kanina lang?!" gulat na tanong ko kay Malcolm at tumango naman siya.
"Yup, why? There's nothing wrong what are we doing because you're mine and I'm yours." Saad nito. Napanguso naman ako dahil may punto siya hanggang sa natapos ang gabi na masaya kaming dalawa ni Malcolm.
Kinabukasan ay napansin kong wala na si Malcolm sa tabi ko kaya tumayo na ako at niligpit ang pinaghigaan. Pagkalabas ko ng kubo ay napaunat ako dahil sa tahimik na paligid na tila nasa isang probinsya kami kahit pa isla lamang ito. Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay ni lolo Ashong at nasa pinto pa lamang ako ay rinig ko na ang tawana nila ni Malcolm kaya kumatok kaagad ako. Pagbukas ko ng pinto ay kumakain na silang dalawa ng umagahan.
Nakangiting lumapit sa akin si Malcolm at itinulak ako paupo sa tabi niya.
"Hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo." Kumulo bigla ang tiyan ko sa dami ng pagkain sa lamesa.
"Alam mo ba na sinamahan pa ako ni Malcolm mamalengke sa bayan? Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto." Manghang sambit ni lolo Ashong. Naalala ko bigla ang pagluluto ni Malcolm sa akin tuwing umaga sa bahay. Ngayon ay na-appreciate ko na ang effort na ginagawa niya.
"Sinabi mo pa lolo marunong talaga 'yan at siya pa ang nagluluto ng umagahan ko." Nagsimula na akong kumain habang si Malcolm naman ay taas noong nakatingin sa amin. Tsk, lumalaki na naman ang ulo nito. Biglang umakbay sa akin si Malcolm.
"Kailangan talaga lolo, handa akong pagsilbihan ang mahal ko." Aniya at tumingin sa akin. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng pintig nitong puso ko kaya siniko kaagad siya.
"Ang corny mo," sabay subo ko sa kanya ng pagkain. Natatawa na lang si lolo Ashong sa pinaggagawa namin ni Malcolm.
Hanggang sa lumipas na ang oras na kailangan na naming bumalik ni Malcolm sa camp site. Nakakalungkot lang dahil magpapaalam na kami ni Malcolm kay lolo Ashong. Si lolo Ashong kasi ay wala ng kasama sa buhay at mag-isa na lang. Tinanong pa namin kung may kamag-anak siya at sinabi naman niya na may apo siyang babae na nag-aaral sa manila. Tinanong namin ang pangalan hanggang sa nagulat kami ni Malcolm ng ipakita nito ang isang litrato ng babae. Si Kimberly Santos ang nasa litrato.
Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Malcolm hanggang sa dumating na si Vincent at Oliver para sunduin kaming dalawa. Balak ko sanang sabihin na kasama namin si Kimberly pero pinigilan ako ni Malcolm.
"Kimberly needs to know that first." Aniya. Bagsak balikat na tumango naman ako dahil tama siya hindi dapat ako magpadalos-dalos sa desisyon. Habang papalayo ay kumaway pa ako kay lolo Ashong bilang pasasalamat sa pagpapatuloy niya sa amin. Dahil din kay lolo Ashong ay nagkaroon ako ng lakas loob na aminin kay Malcolm ang nararamdaman ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay ni Malcolm at sumandal sa balikat niya para umidlip. Napansin ko ang gulat sa mga mata ni Vincent at Oliver.
"Teka totoo ba itong nakikita ko dre? Suntukin mo nga ako sa mukha," sambit ni Oliver kay Vincent at kaagad naman siyang sinuntok. "Ouch! Bakit nilakasan mo?!"
"Sabi mo suntukin kita, iyon pa nga lang ang pinakamahinang suntok ko eh." Napahimas sa mukha si Oliver kaya natawa na lang ako. Pakiramdam ko ay kaya sila naging magkaibigan dahil nagkakasundo sila sa mga trip nila. Ilang minuto lang ng makarating na kami sa camp site at maraming mga estduyante ang naghihintay sa amin. Pagkababa ng kotse ay hawak ni Malcolm ang kamay ko ng tatanggalin ko iyon ay mas hinigpitan niya. Hinatak niya ako palakad kaya marami na ngayon ang nakakasaksi. Ang mga matang nagtatanong.
Pagkarating namin sa section namin ay nagpaalam sa akin si Malcolm dahil may kailangan lang itong puntahan. Napatango naman ako hanggang sa lumapit sa akin si Rico.
"Kamusta ka Kiro? May masakit ba sa'yo? Napilayan ka ba?-- hmm!" Tinakpan ni Yumiko ang bibig ni Rico kaya nagpasalamat ako.
"Alam naman namin na makikita ka ni Malcolm pero bakit ba kasi umalis ka ng hindi ka man lang nagsasabi? Marami ang nag-alala sa'yo." Saad ni Yumiko.
"Mahirap i-explain." Napatingin ako kay Malcolm na abalang kinakausap si Edmon ang iba pa niyang kasama.
Nagulat ako ng tinanong ako ng mag estudyante ng Hustone kung ayos lang ba ako. Bakas sa mga mukha nila ang pagtatakha.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Pagsisigurado ni Carson na kinatango ko naman.
"Ayos lang ako," kasabay ng pagtapik nito sa balikat ko.
"Alam mo ba ng malaman ni Malcolm na nawawala ka hindi na siya nagdalawang isip pa na pasukin ang gubat." Napatitig kaagad ako kay Malcolm ng hindi inaasahan at ito na naman ang kakaibang t***k ng puso ko.
"I think he likes you a lot Kiro," napangiti ako dahil sa sinabi ni Carson.
"Gusto ko rin siya Carson." Walang pag-aalinlangan kong sagot.
"Inamin mo rin sa wakas."Sabay tapik nito sa balikat ko. Nadapo ang tingin ni Malcolm sa akin at nagdikit ang kilay. Napakaseloso talaga ng boyfriend ko. Kumaway pa si Carson kay Malcolm na tila inuunsulto ito. Siniko ko na lang sa tagiliran si Carson para patigilan ito sa ginagawa niya baka kasi hindi na makapagtimpi si Malcolm at gumawa pa ng gulo, nakakahiya sa lahat.
Nagpaalam na sa akin si Carson para bumalik sa mga kaibigan niya. Napaupo na lamang ako sa gilid katabi sila Yumiko at Rico. Kanina pa silang dalawa nagtatanong kung ano ang nangyari at sinabi ko naman ang totoo. Sinabi ko kung ano ko na si Malcolm. Napasinghap silang dalawa na tila hindi makapaniwala pero kaagad din akong niyakap ni Yumiko.
"Congrats Kiro!" Masayang aniya.
"Salamat Yumiko." Pagpapasalamat ko rito.
Binati nila akong dalawa para sa aming dalawa ni Malcolm pero sinabihan ko rin sila na huwag munang sasabihin sa iba ang tungkol sa relasyon namin ni Malcolm. Ayaw kong mabigla ang mga humahanga kay Malcolm lalo na supporters nito.
"Ano? Gusto mong isikreto sa lahat ang relasyon niyong dalawa? Hindi kaya parang ang pangit naman ng gan'on?" Tanong ni Rico.
"May punto siya Kiro paano kung may ibang babae ang umaligid sa boyfriend mo, matitiim mo bang may lumalandi sa kanya?" Dagdag pa ni Yumiko kaya biglang tumaas ang dugo ko. Aaminin kong nainis bigla ako kapag naiisip ko pa lang may ibang babae ang lumalapit sa boyfriend ko.
"Tignan mo," sabay nguso ni Yumiko kaya napatingin ako roon. Naningkit ang mga mata kong maraming babae ang lumapit kay Malcolm na may dalang mga pagkain. "Ganyan ang makikita mo araw-araw kapag hindi mo sinabi sa lahat kung ano ang relasyon niyo ni Malcolm." Bigla akong napanguso dahil tama nga si Yumiko. Kapag hindi ko binakuran ang mahal ko baka maraming babae ang umaligid dito.
Parang nagdidilim ang paningin ko sa mga nasasaksihan hanggang sa hindi ko na mapigilan pa ang mainis at tumayo ako. Narinig kong tinawag pa ako nila Rico at Yumiko pero hindi ko na sina tinignan pa at dumiretso sa pwesto ni Malcolm. Kinuha ko ang pagkain ni Vincent at Michael.
"Hoy pagkain ko 'yan!" Sigaw ni Vincent.
"Hayaan mo na, mukhang nangangamoy selos." Natatawang saad ni Michael.
Pagkalapit ko sa pwesto ni Malcolm ay sumiksik pa ako sa mga babae at nilahad ang pagkain sa harapan nito. Mukhang nagulat pa siya sa paglapit ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Binigyan ko ito ng tingin na 'tititigan mo na ba ang hawak ko?' sabay turo ko sa pagkain na dala ko. Mabilis naman nyiang tinanggap iyon kaya maraming babae ang nadismaya. Napangisi na lang ako at hinatak si Malcolm paalis doon at dinala siya sa loob ng tent.
"Mas mabuting diyan ka na lang kumain, bakit kasi ang gwapo ng boyfriend ko, sh*t kainis!" Iritable kong sambit na kinatawa lang ni Malcolm.
"Are you jealous?" aniya habang may nakakalokong ngiti.
"Hindi ba halata? Oo nagseselos ako kaya huwag kang aalis diyan." Tumango-tango naman siya.
"Yes mahal." Bigla akong napangiti ng sabihin na naman niya iyon. "Mahal are you blushing." Sabay hatak ni Malcolm sa kamay ko at halos isang dangkal na lang ang lapit ng mukha naming dalawa.
"Tsk," iyon lang ang tanging nasagot ko hanggang sa sinamahan siyang kumain sa loob ng tent ko.
To be continued...
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe