1.. Fara
Ang inyong mababasa ay isang imahinasyon ng author. Kung may mga kapangalan man na Tao, Lugar, at pangyayari sa tunay na buhay ay hindi ito sinasadya. Anuman Ang mangyari ay walang pananagutan ang author.
…..………...…..…….....................................
One : Fara
Naglalakad ako pauwi ng may biglang tumama sa aking ulo. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang lakas ng tama ng hindi ko alam na bagay sa aking ulo. May lumapit sa akin, " sorry," tumingin ako sa kanan ko at nakita ko, ang isang taong halos diko makilala dahil sa impak ng tumama sa ulo ko. Pumikit ako at huminga ng malalim, " Alam mo, hindi matatangal ng sorry mo itong sakit na nararamdaman ko ngayon". Yumuko yung mama, at tinignan ako ng isang tingin na hindi ko malilimutan.
Napa atras ako ng kaonti, ng may biglang sumulpot sa likod ng mama. " Pasensya ka na naglalaro kasi kami, ng di sinasadyang naibato sayo yung bola," pagpapaliwanag nung kasamahan niya.
Tinignan ko nalang silang dalawa at pinagpatuloy ang aking paglalakad, ng biglang nagsalita yung mama," Hindi man mapapawi ng sorry ang sakit ng nararamdaman mo, atleast nagawa kong magsalita ng salita na kahit kailan hindi kaya ng ibang sabihin." yung mama.
Tumingin ako sa likod ko at nagsalita, " welcome po!", pagkasabi ko nun ay padabog akong umalis.
Nakarating ako sa bahay ng alas singko ng hapon. Halos 30 minutes ang aking linakad pauwi. Deretso akong pumunta ng kwarto at humiga ako agad sa aking kama, dahil hanggang ngayon ang sakit ng ulo ko, dahil doon sa bola na tumama sa aking ulo.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, nagising nalang ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Fara, anak?" si mommy. "Po?" ako. " Magpalit ka na at nakahain na ang pagkain," mommy. "opo " Bumangon ako at deretso sa shower room, pagkatapos kong magshower ay nagbihis ako at bumaba. Pagdating ko sa hapagkainan ay nakita ko si mommy at daddy , " Nasaan po, si Kuya?" tanong ko. " Nasa trabaho pa yun, kilala mo naman yung kapatid mo," si daddy. Dinasal ni daddy yung pagkain saka kami nagsimulang kumain.
"Mom, dad, can I go with my friends on a camp?" ako. " Where" dad. " in Palawan" me. " How many days?" dad. " 2 days" me. " Have you told your Kuya?" mom. " Not yet, when he will come home I'll tell him" me. " when is that?" dad. " on this coming Friday?" me. " Ask your Kuya first, you know him, before you ask us." dad. " okay Dad" me. Pagkatapos naming kumain at paguusap ay bumalik ako sa aking kwarto.