CHAPTER 3

1533 Words
“ITS BEEN a great night for me, Sierra.  I hope we could go out again sometimes. Nag-enjoy ako nang husto na kasama ka.” “Nag-enjoy din ako, Donald. And sure, let’s go out again when you’re free.  You already have my number, right?  Tawagan mo lang ako at kapag may free time din ako, I’ll be glad to go out with you again.” “I would definitely take on that offer.”   Naka-plaster pa rin ang ngiti sa mga labi ni Sierra habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Donald.  Hindi siya nagkamali sa pagkakakilala rito.  Mabait ito at napaka-gentleman.  Wala itong ginawa buong gabi na magkasama sila sa dinner kundi ang purihin siya.  Pakiramdam nga niya ay dumoble ang laki ng ulo niya sa sobrang papuring ibinigay nito sa kanya. “Ikaw talaga, Sierralaine.  Natulog lang ako, nagtaksil ka na agad sa sumpaan natin.” Napalitan ng simangot ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang boses na iyon.  Nang lingunin niya ang pinanggalingan niyon, nakita niyang nakaupo sa bermuda grass sa labas ng gate ng bahay nito si Reigan habang abalang abala sa pagkain ng balut kasama ng suking magbabalut ng kanilang village. “Matagal na kitang isinumpa, Reigan.  Mang Isko, bantayan ninyo ang lalaking iyan at baka takbuhan kayo.”   “Okay lang iyon, Sierra. Nilibre naman kami ni Doc Reigan sa check-up ng bunso ko nung nakaraang linggo.” Reigan held up his hand holding the balut he was eating. “Aren’t you proud of me, darling?” “Darling mong mukha mo.” Papasok na sana si Sierra sa bakuran nila nang marinig uli ito na magsalita.   “Sino ang lalaking kasama mong iyon?” “None of your business.” “Paano siya nakapasok dito sa village natin? Bawal ang mga pangit dito, ah. Di ba, Mang Isko?” Tumawa lang ang magbabalut. Asar na binalingan ni Sierra ang kapitbahay. “His name is Donald. And he’s my suitor,” buong pagmamalaki niyang sagot. “Kaya huwag mo siyang matawag-tawag na pangit dahil mas guwapo iyon sa iyo.” It was a lie. Because no matter how much Reigan irritated the hell out of her, there was no doubt he was still the most handsome man she had ever met. “Wala akong tiwala sa karakas ng lalaking iyon.  Boses pa lang, parang lagi ng lumalabag sa karapatang pantao.” “Matino si Donald,” nanggigigil niyang wika.  “Huwag mo siyang igaya sa iyo na walang magawa sa buhay kundi ang manlait ng kapwa.” “There’s really nothing to compare.  Santo ako, eh.  Ang isang iyon, m******s.  Hindi ba, Mang Isko?” “Medyo nga, Doc.” “Anong medyo?  Talagang m******s iyon.  Pustahan pa tayo.” “Bawal ho sa relihiyon namin ang pumusta, Doc.” “Ganon ba?”  Nilingon siya nito.  “Tayo na lang, Sierra.  Pustahan tayo, sa first date nyo, dadalhin ka na nun sa motel.” “Kanina ang first date namin.  And guess what?  Dito niya ako idiniretso sa bahay pagkatapos naming mag-dinner.” “Okay. Pustahan tayo, sa second date nyo—“ “Wala ka talagang kuwentang kausap, Reigan. Tigilan mo na iyang pang-iintriga mo sa taong hindi mo naman kilala.” “Okay. Pero mas guwapo ako dun, ‘di ba, Mang Isko?” “Oo naman, Doc. Napakabait mo pa.” “Narinig mo iyon, Sierra? Sa bibig na ni Mang Isko nanggaling iyon, ha? Kaya nga nagtataka ako kung bakit nagtataksil ka pa sa sumpaan natin.” “Ewan ko sa iyo.” Kinapa na ni Sierra ang lock ng gate nila. “Mang Isko, sinong lalaki ang bagay kay Sierralaine?” “Siyempre ikaw, Doc. Nasa iyo na ang lahat ng katangian na hinahanap ng mga babae sa isang lalaki.” “Iyan ang gusto ko sa iyo, Mang Isko. Hindi ka marunong magsinungaling.”  Humugot ng pera sa bulsa ng pantalon si Reigan at ibinigay iyon sa magbabalut. “Keep the change, Mang Isko. Para madagdag sa katangian ko ang pagiging galante. Spread the word sa mga suki mo, ha, Mang Isko?” “Alam na ng lahat iyon, Doc,” natatawang sagot nito. “Kapag tumakbo nga kayo sa isang posisyon sa gobyerno, siguradong landslide na ang panalo mo.” Inakbayan lang ito ni Reigan.  “Huwag ganyan, Mang Isko. Galit si Sierra sa mga politiko kaya iwas tayo dyan at baka lalong hindi na niya ako sagutin.” Nakita rin ni Sierra ang lihim na paglalagay pa ni Reigan ng pera sa basket ng magbabalut bago ito tuluyang umalis. “Ayos ba?” baling ng binata sa kanya, may bonus pang kindat.  “Ang galing ko, ‘no?” “Okay ka na nga sana, eh.  Kaso, ang yabang mo.”  Nagtuloy na si Sierra sa kanilang bakukran nang mabuksan na ang gate. “Sierra, mag-iingat ka sa manliligaw kuno na iyon.  For all we know, bilbil lang ang habol niya sa iyo.” Parang may kung anong pumitik sa tungki ng ilong ni Sierra sa narinig.  Kaya naman binuweltahan niya si Reigan.  Nilapitan niya ito at malakas na itinulak. Bagsak ito sa bermuda grass.  Pagkatapos ay nanggigigil niya itong inupuan sa tiyan nito.  She could feel tight muscles contracting on his abdomen.  Narinig niya itong napasinghap bago malakas na tumawa.  May kiliti marahil ang kumag sa tiyan.  Bahagya pa niyang tinalun-talunan ang tiyan nito. “Sumusobra ka na talaga, Reigan.  Ngayon, malalaman mo kung paano durugin ng mga bilbil ko ang katawan mo.” “Okay lang,” wika nito sa pagitan ng pagtawa at pagsinghap.  “Huwag ka lang bababa ng kaunti at baka maging x-rated na ang romantic scene nating ito.” Natigilan siya at muntik ng mapasinghap nang balingan ang mukha nito.  Because she could see hot passion burning in his mischievous eyes and smile as he looked back at her, touching her long hair at the same time.  He wanted her!  Ewan niya kung bakit parang affected siya sa obserbasyong iyon.   Imposible ang naisip kong iyon.  Nagha-hallucinate lang ako.  Napilitan na rin siyang tumayo upang makalayo rito.  Ngunit pinigilan siya nito sa braso.  Balak niyang pagalitan ito pero nagbago ang isip niya nang muling mapagmasdan ang mukha nito.  The passion was gone, still there was something in his smiling eyes that made her heart skipped a beat.   Strange. “Nagselos ako, Sierralaine.   “Pakialam ko sa iyo.”  Binawi niya ang braso rito subalit nanatiling bihag nito ang braso niya.  Pinandilatan na niya ito.  “Let go, Reigan. Wala na akong oras para makipagbiruan sa iyo.” “Mamaya na.  Gusto pa kitang makita.  Kahit hindi ka maniwala, totoong na-miss kita buong maghapon.” “Araw-araw akong pumapasok sa trabaho kaya araw-araw mo din akong hindi nakikita maghapon.” Tinampal niya ang pisngi nito.  “Huwag kang magpatawa, Reigan. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako maniniwala sa mga pambobola mo.” “Hindi kita binobola.” “Yeah, right—“  Lalo siyang natigilan nang makita ang ginawa nitong mayuming paghaplos sa kanyang buhok.   Sa pagkakakilala niya rito, wala sa karakter nito ang maging ganon ka-sweet.  Sweet?!  Por pavor!  Pero bakit nga ba ganon?  Sumisiksik sa isip niya ang isang damdaming tila nangungulit na mapalambot ang puso niya sa ginagawa ni Reigan ngayon.  kailangan na talaga niyang makalayo rito.  Baka kasi kung ano pa ang pumasok na ideya sa isip niya, himatayin pa siyang bigla. “Kapag hindi mo pa ako pinakawalan, kakagatin na kita.”  Ngumiti lang ito.  And then he let her go.   Mabilis siyang tumayo at nagtungo na sa bakuran nila. “Sierralaine, kailan mo kaya tatanggapin ang katotohanang may gusto ako sa iyo?” “Kapag square na ang buwan.” Dumiretso si Sierra sa silid niya matapos batiin ang mga magulang na busy sa panunuod ng balita sa sala. Sumandal siya sa pinto ng kanyang silid nang maisara iyon habang nakalapat ang mga kamay niya sa kumakabog na dibdib. Kakaiba ang t***k ng kanyang puso.  Magulo.  Hindi niya maintindihan.   And her buns were still tingling. “Buwisit na lalaki iyon, ah.”  She gave out a small sigh. “Pinakaba ako nang husto.  Peste…” Napalingon siya sa bintana ng kanyang silid.  Mula roon ay matatanaw ang bahay ng binata.  Lumapit siya roon at sumilip.  Nakita niyang nakahiga pa rin ito sa bermuda grass sa labas ng gate ng bahay nito.  Prenteng-prente.  Naka-de kuwatro at may pasak na isang tangkay ng dahon ang bibig.  Sa itsura ni Reiganto, tila ito tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang kalangitan.  But she knew better.  Hindi ang kalangitan ang nakakapagpangiti rito nang mga sandaling iyon.  Kundi ang katatapos lang na eksena nilang dalawa doon “Ungas talaga,” sambit niya. Tinigilan na niya ang panonood sa binata dahil na rin sa sarili niyang nararamdaman.  Hindi maganda ang mga pangitain niya.  Maka-mundo.  Baka hindi siya papasukin sa langit nang dahi doon. “Nakakadiri ka, Sierralaine.  Tigilan mo na nga iyan.” Sure.  Then she blocked all images of Reigan from her mind.  Ang kaso, ang nakangiting mga mata nito at guwapong mukha ang tila nakadikit na sa isip niya.  Asar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD