CHAPTER 4

2574 Words
 “MUKHANG HINDI na nga maganda ang mood mo,” wika ni Donald, as he pulled his car to stop in front of their house.  “Are you really sure you don’t want to go to the hospital, Sierra?” “No, I’m fine.  Napagod lang siguro ako dahil sa dami ng trabaho kanina sa bank kaya inaatake ako ng headache.”  Pero malayo sa pagod ang nararamdaman niya. Actually, asar lang talaga siya.  It was their fourth dinner date tonight.  Pero imbes na matuwa ay pagkayamot lang ang napala niya sa restaurant na pinuntahan nila ni Donald.  Paano ba naman, isang seksing babae ang sinundan-sundan nito ng tingin nang dumaan sa tapat ng mesa nila at ngitian ito. And he had the nerve to smiled back at the woman, kahit siya na ang kasama nito. Nahalata nito ang naging reaksyon niya pero huwag daw siyang magtampo sa nakita dahil wala lang daw iyon. ‘Normal’ lang daw sa mga lalaki ang sundan ng tingin ang mga babaeng may magagandang katawan.  That it was just their way of appreciating the woman’s effort to be pretty.  Muntik na niyang basagin sa ulo nito ang mga plato nila. Pero bago sila makarating sa bahay niya, naisip ni Siera na may katwiran ito.  Ano nga ba naman ang pagnanasaan nito sa katawan niyang puro naghuhumiyaw na bilbil lang ang maipapakita?   Pero bakit kay Reigan, hindi naman isyu ang katabaan ko?  In fact, he even liked my few extra pounds.  Lalong napakunot ang kanyang noo.  Bakit ko naman naisip ang lalaking iyon?  E, siya nga ang dahilan kung bakit nagpapapetiks-petiks lang ako sa ginagawa kong pagda-diet.   Dahil kasi sa mga papuri nito at pagbabalewala sa pagkahumaling niya sa pagkain noon, eto ang kinahinatnan niya.  Wala pa ring kakorte-korte ang katawan kahit ilang dekada na niyang pinaghihirapan ang mag-diet.  Naiinis na siya.  Dapat ay hindi na niya hinahayaan ang sariling makinig sa mga pambobolang iyon ng kumag na kapitbahay.  She had to take measures into her own hands if she really wanted to take off those excess fats. “Tita Taba!” matinis na boses ng pamangkin niyang si Tinay ang sumalubong kay Sierra pagbaba niya ng kotse ni Donald. Kasama ng pamangkin niyang nakaupo sa harap ng gate ni Reigan ang binatang pediatrician.  At binubulungan ang inosenteng bata! “Ang pangit mo, mama!...Hindi kita bati!...Ang baho mo!” “Reigan, tigilan mo nga iyang pagtuturo mo ng kung ano-ano sa bata,” saway niya rito.  “Huwag mong igaya iyan sa iyo na walang modo.” “Hey, wala naman akong ginagawa, ah,” nakangisi nitong wika.  “In fact, sinasaway ko pa nga si Tinay.  Di ba, Tinay?” “Ang pangit mo!” sigaw ni Tinay sabay turo sa direksyon nila ni Donald. “O, nakita mo iyon?  Wala akong ibinulong sa kanya.  Kusang loob niya ang magsabi ng totoo.  Which is good, by the way. Dapat lang na hindi nagsisinungaling ang mga bata.” “Hindi yata ako welcome sa subdivision na ito,” mayamaya’y wika ni Donald at sumakay ng muli sa kotse nito.  “Dadalawin na lang uli kita sa branch ninyo, Sierra.  Goodnight.” “Ah, Donald—“  Subalit tuluyan ng nakaalis ang lalaki nang hindi man lang siya nakakapagpaumanhin.  Kaya si Reigan na naman ang pinagbalingan niya.  “Sumusobra ka na talaga, Reigan!” “Ano na naman ang nagawa ko?” “Ipinahiya mo si Donald!” “Kanino?  Sa iyo?  Siya pa nga ang dapat na mahiya dahil basta ka na lang niya tinalikuran samantalang hindi ka pa tapos magsalita.  Kung ako iyon, ni hindi ko pag-iisang gawin iyon sa iyo. Because I have full respect on you.  R-E-S-P-E-C-T.  Hindi katulad ng pangit na iyon. ‘Di ba, Tinay?” “Ampangit mo!” sigaw ni Tinay sa direksyong tinahak ng kotse ni Donald. “Good girl,” bati dito ni Reigan. “Kiss Tito Pogi.” “Jabi?” “Tulog na si Jollibee. Bukas na lang tayo punta sa bahay niya.” “Open.” May ibinigay na maliit na bagay si Tinay kay Reigan na agad na kinuha nito at binuksan. Inalalayan din nito na makain ng bata ang mukhang gelatin na laman ng binuksan nitong bagay. That scene warmed Sierra’s heart, kaya saglit niyang nakalimutan ang init ng kanyang ulo. Isa pa, medyo natigatig siya sa sinabi ni Reigan tungkol sa iginawi ni Donald.  Hindi nga naman siya hinayaan man lang nito na mkapagsalita at basta na lang siya nilayasan.  Something that Reigan never even dared to do.   Teka, kinakampihan ko na ba ngayon ang isang ito?  Then she remembered that scene from the other night, on the exact same spot where he was sitting at the moment.  May kung anong init na dumampi sa pisngi niya kaya idinampi niya ang palad sa kanyang pisngi.   What the heck was wrong with me?  Bakit apektado pa rin ako ng ganito?  Ilang araw ng nakakalipas iyon, ah. Binalingan niya ang binatang nakangisi na ngayon sa kanya.  And even that skipping beat of her heart returned.  But it was strange that the most annoying person in her life could make her feel better on the most annoying night of her life.  Mabilis niyang binura iyon sa kanyang isipan.  He was a doctor.  Natural na kaya niyang mapabuti ang kalooban ng kahit na sinong medyo nahihirapan sa buhay.  Tama, iyon lang iyon.  There was nothing to it.  Nilapitan ito at ang pamangkin niya. “Bakit mo nga pala kasama rito si Martina?  Gabi na, ah. Naturingan ka pa namang doktor ng mga bata pero hinahayaan mong mahamugan ang pamangkin ko.”   “Tita Taba, may sakit ako.  Dala ako ni Mama kay Dok Pogi.” “May sakit ka?”  Mabilis na lumapit si Sierra at doon lang niya napansin ang pamumula ng mga pisngi, ilong at mga labi nito.  Pati na rin ang pamumungay ng mga mata nito.  “Tinatablan ka pala nun?”  Binuhat niya ang pamangkin.  Mainit nga ito.  “Reigan, bakit mo naman pinapabayaan dito sa labas si Tinay?  Anong klaseng pedia ka ba?” “Mabait, magaling at guwapong pedia.”  Tumayo na rin ito at pinagpagan ang suot na walking short.  “Di ba, Tinay?” “Batukan kita riyan, eh.  Naniwala pa naman akong isa ka ngang magaling na pedia.  Pero nagkamali ako.” “Hindi ka nagkakamali.  Talagang magaling akong pedia.  Alam mo kasi—“ “Isusumbong kita kay Lucy at sa Nanay ko.  Sasabihin kong magpalit na sila ng pedia dahil masyado kang pabaya.”  Pagbaling niya patungo sa kanilang tahanan ay saka naman niya nakitang palabas ng clinic ni Reigan ang kapatid niyang si Lucy. “O, Ate, ginabi ka yata ngayon.” “Kung sino-sino pa kasing lalaki ang sinasamahan niyan,” tila pagsusumbong ni Reigan dito.   “May ka-date ka, Ate?” “Pagalitan mo nga iyan, Lucy.  Ipinagpapalit na kasi ako sa iba.” “Tumahimik ka nga riyan, Reigan.  Ikaw naman, Lucy.  Bakit mo ipinapaubaya sa lalaking iyan si Tinay?  Nakita mo na ngang nilalagnat itong bata pinapabayaan mo pang nandito ang anak mo sa labas.” “Ipina-check up ko si Tinay kay Reigan, Ate.  Nilalagnat kasi, eh.  Nakigamit lang ako ng banyo sandali at hindi ko na matiis ang pag-ihi ko.” “Talagang sa ibang bahay ka pa naki-banyo. Ang lapit lang ng bahay natin dito.” “Hay. Huwag mo nang pag-initan ang pagbabanyo ko. At binatayan naman ng mabuti ni Reigan ang pamangkin mo.”   “Yes. That is correct,” sagot ni Reigan. Kinuha na ni Lucy si Tinay mula kay Sierra nang dumating na ang asawa nito. “Huwag mo na lang sabihin kila nanay na may lagnat si Tinay, Ate. Para hindi na sila mag-alala. Sigurado namang bukas lang ay magaling na rin naman ang batang ‘to.” “She’s going to be fine,” wika ni Reigan. “Lagnat laki lang ‘yan, ‘di ba, Tinay? Kaya hindi mo na rin kailangang mag-alala, Sierra.” “Kailan pa naniwala sa mga kasabihan ang mga doktor?” Ngumiti lang ito. Saglit na nag-usap si Reigan at bayaw ni Sierra bago tuluyang nagpaalam na ang mag-pamilya. “‘Bye, Tinay.  Paggaling na paggaling mo, iri-raid natin agad si Jabi sa kuta niya.” “Bye, Dok Pogi!” “I just love that kid. Laging nagsasabi ng totoo,” sambit ni Reigan habang pinanonood nila ang papalayong mag-anak. Nasa ikatlong kanto ng street na iyon ang bahay ng mga ito.   “Hindi mo pa rin dapat hinahayaang mahamugan si Tinay.  Puwede namang doon na lang kayo sa loob maghintay kay Lucy, ah.” “Okay, note taken.”  Eksaherado itong napasinghap nang tampalin ni Sierra ang balikat nito. He touched his shoulder where her hand landed and he smiled at her.  “She’s fine. Really. Kaya huwag ka nang mag-alala.  In a few days, she’ll be back to normal.  Siyanga pala, mabalik tayo dun sa ka-date mong ungas. Nag-date na naman talaga kayo? Pinagseselos mo talaga ako, ano?” Naniningkit na ang kanyang mga mata nang balingan ito.  Pero imbes na paulanan ito ng sermon ay isang katanungan lang na kanina pa gumugulo sa isipan niya ang kanyang nasabi. “Talaga bang normal lang sa lalaki na lumuwa ang mga mata kapag nakakita ng babaeng sexy?” Halatang nagulat ito sa tanong niya.  “Hindi mo ako sasabihang gago?  Well, this is new.” “Mamaya na kita iinsultuhin uli.  Sagutin mo na lang muna ang tanong ko.” Ngumisi lang ito bago sumagot.  “Well, generally, men just love women.  Sexy man o hindi.  Pero mas lalo na ‘yung sexy.  Kung naghahabol man kami ng tingin sa mga tulad nila, hindi naman ibig sabihin nun e pinagnanasaan na namin ang mga babaeng iyon.  Maaaring may ibang lalaki na ganon ang iniisip, pero hindi lahat. Specially me. Aherm!” Inirapan lang ito ni Sierra. “No, for real. Hindi talaga ako kasama sa istatistika ng mga lalaking mahilig lumingon sa mga seksing babae.  Malinis ang kunsensiya ko.  Ikaw lang talaga ang babaeng tinitingnan ko.”   She had to admit, tinamaan siya sa sinabi ni Reigan.  At kung sana ay hindi lang ito nakangisi sa kanya ng ganon, baka isipin na niyang nagsasabi ito ng totoo at maniwala na siya.  Kaso, malabong seryosohin siya ng lalaking ito. “In any case,” patuloy nito.  “We’re just men.  Kayo ngang mga babae, hindi ba’t gawain din iyon kapag nakikita ninyo ako?”  Tumawa lang ito nang makatikim uli ito ng malakas na palo sa kanya.  “Ang sweet mo talaga, ano, Sierralaine?  Pero mabalik tayo sa usapan.  Appreciation of the women’s beauty lang naman ginagawa naming mga lalaki kapag hinahabol namin kayo ng tingin.  Iba na nga lang usapan kapag attached na ‘yung lalaki.  He could still drool over an attractive women though, just not in front of his girlfriend or wife.  Kabastusan na kasi iyon.” Hindi siya makaimik.  Kung ganon tama pala si Donald.  Walang rason para magwala siya dahil nag-a-appreciate lang naman ito ng magagandang babae.  Besides, talaga naman kasing seksi ang babaeng iyon doon sa restaurant.  Isa pa, wala siyang karapatang pagalitan ito dahil hindi pa naman niya ito sinasagot. “Hey,” untag ni Reigan.  Nakaharap na ito sa kanya.  “Ininsulto ka ng lalaking iyon nang harapan, ‘no?  He acted like a total asshole that he was in front of you?” “Of course not.  Bakit mo naman naisip iyan?” “Because you never asked me a serious question.  Ngayon lang.  At mukhang affected ka pa sa mga sinabi ko.  Hindi ka magre-react ng ganyan kung hindi ka apektado ng isang bagay.” “Don’t talk like you know me, Reigan.” “I may not know the whole you, because you’re such a complicated woman.  But I can understand you, Sierralaine.  Hindi katulad ng bugok na lalaking iyon na pinili mong maka-date.  I mean, what’s there to like about him?  Ikaw na mismo ang nakakita kung gaano ka-gago ang isang iyon.” “Wala akong sinabing gago si Donald.” “Plus!  Mas guwapo ako sa kanya.  I have three cars and two horses.” “Horses?” “I’m a member of an exclusive riding club in Tagaytay.  The richest bachelors were the only accepted members.  At kahit sa gate ng SRC, hindi ko pa nakikita ang pagmumukha ng lalaking iyon.  Kaya nga nagtataka ako sa iyo kung bakit mas pinili mo ang lalaking iyon kaysa sa akin. I’ve always been perfect for you.” “Siguro dahil hindi niya kinakausap ang sarili niya na gaya mo na mukhang tanga.”  But even with his over abundance of arrogance, she still liked the fact that he was taking her side.  Kaya siguro imbes na pag-initan pa niya ito nang husto ay nagtungo na lang siya sa kanyang bahay.   Pero sinabayan siya nito.  “Ihahatid na kita sa inyo.” “Ihahatid?  Eto lang kaya sa kabila ang bahay namin.” “Baka ma-kidnap ka.  O ma-nuno sa punso.  Mabuti na ang sigurado.” Hindi niya alam kung matatawa siya rito o ano.  Kung siya ay kumplikadong tao, ito naman magulo.  Kumbaga sa mga nagti-take ng drugs, parang laging sabog.  Parang ‘yung reaksyon niya rito.  Minsan galit siya, madalas asar.  Pagkatapos ay kasundo na niya uli hanggang sa matuwa siya rito dahil sa ginagawa nitong pang-aalo sa bugbog-sarado niyang pride.  Idagdag pa ang panggulong damdamin na iyon na laging nangungulit sa puso niya sa tuwing tititigan siya nito. “Wala pa yata ang nanay mo,” anito pagdating nila sa tapat ng pinto ng bahay. “Oo.  Sabi kasi ni Nanay dadalawin daw nila ni Tatay ‘yung kumpare nila sa ospital.  Nagpapa-dialysis yata ‘yung asawa.” “Sweet.” “Sweet talaga ang nanay at tatay ko.” “Hindi.  I mean, ‘yung asawa nung nagpapa-dialysis.  For better or for worst, sila pa rin magkasama.” “Hindi ko alam na romantiko ka palang tao, Reigan.” “Ikaw lang, eh.  Kung sinasagot mo lang ako, sana ay naambunan ka na ng pagiging romantic ko.” “Hello!  Kailan ka naman nanligaw, aber?” “Hello!” panggagaya nito sa expression niya.  “Highschool pa lang kaya tayo nililigawan na kita.”  Natameme siya.  Napabuntunghininga naman ito.  “Pasalamat ka, Sierralaine.  Pasalamat ka talaga na ikaw lang ang babae sa buhay ko.  Kung hindi, pinalitan na kita.” Lalo siyang nawalan ng imik.  Nagwawala na kasi ang puso niya.  Sobra na ang kabang iyon sa kanyang dibdib.  Bakit ba siya nito lagi niloloko ng ganon?  Binuksan na niya ang pinto. “Wait, wala ba akong goodnight kiss?” “Sipa gusto mo?” “Ayaw.” “Suntok?” “Wala bang medyo masaya naman?” “Sandali, kukuha lang ako ng kutsilyo.” Laughing he started walking back to the gate.  “Goodnight, sweetheart!” Pabalibag niyang isinara ang pinto.  How come he always act that way?  And why was it that it bothers her?  Samantalang matagal na naman silang ganito makitungo sa isa’t isa.  Siguro dapat ay huwag na siyang magdididikit sa lalaking iyon.  Nagugulo lang ang mundo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD