Chapter 18.18

1843 Words

Aleya's POV Pawisan at pagod na nahiga ako sa malamig na semento. Katatapos pa lamang namin ni Deo na mag-sparring at pakiramdam ko ay mas mahina na ngayon ang katawan ko kaysa sa dati dahil matagal na akong hindi nakakapag-exercise o sadyang magaling lamang ang ka-sparring ko dahil nag-training siya ng mahirap sa ibang bansa. Pero sa tingin ko ay dahil hindi naka-focus ang isipan ko sa aking ginagawa kaya natalo ako ni Deo. Ngunit natalo man niya ako ay nahirapan pa rin siyang gawin iyon. "Tubig," alok sa akin ni Deo matapos kumuha ng malamig na bottled water sa mini refrigerator na nasa loob ng practice gym kung saan kami naroroon ngayon. Saturday ngayon kaya nakapag-day off ako. Ngunit bago ako umalis sa bahay nina Enrique ay binilinan ko siya na kung gusto niyang umalis ay bahala siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD