Aleya's POV Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan nang makita kong tumayo ang limang kalalakihan matapos makitang tumayo sina Enrique at Lincon sa kanilang kinauupuan. Nang maglakad palabas ang dalawa ay naglakad namang palapit sa kanila ang limang kalalakihan. Mukhang isasakatuparan na nila ang kanilang masamang binabalak gawin. Agad akong humarang sa daraanan ng dalawa at matalim ang tingin na tiningnan ko ang limang kalalakihan na naglalakad sa dalawang binata na sa malas ay tila walang kaalam-alam sa panganib na nakaamba sa kanilang buhay. Nang makita kong tumakbo palapit kay Enrique ang isang lalaki na may hawak na patalim ay patakbo rin akong lumapit sa kanya. Halos sabay lamang kaming nakalapit sa binata ng lalaki at kasabay ng pag-unday niya ng saksak kay Enrique ay ang pagtula

