Chapter 16.16

1233 Words

Aleya's POV Napabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan kong kama nang pagmulat ko ay nakita ko sa labas ng bintana ang mataas na sikat ng araw. Halos umaga na ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa mga sinabi kahapon ni Enrique. Agad kong tiningnan ang cellphone ko para makita kung nasa bahay lang ba ang binata. Napamura ako ng malakas nang matuklasang umalis ito. Ang nakalagay kasi na address kung saan naroon ang tracking device ay wala rito sa bahay kundi nasa labas. Dali-dali akong naligo at nagbihis pagkatapos ay isinukbit ko ang baril ko sa baywang ng suot kong pantalon bago ako lumabas sa silid ko. "Sonia, kanina pa ba umalis si Mr. Villareal?" tanong ko sa katulong nang makasalubong ko siya sa sala. "Kanina pa, Aleya. Kasama niya si Sir Lincon. Tinanong ko siya kung gigisingin kita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD