Chapter 8.8

1136 Words
Aleya's POV Pagpasok ko sa loob ng silid ni Enrique ay nakita ko siyang nakasuot ng maikling short habang nakadapa sa ibabaw ng kama nito at nakapikit ang mga mata ngunit hindi naman ito mukhabg tulog at talagang nakapikit lamang ang mga mata. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Mapaismid ako ng makita kong wala sa kuwarto nito si Shirley. Mukhang nabadtrip sa akin ang girlfriend nito kaya umuwi ng maaga. "Anong kailangan mo sa akin, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya. Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil nakabukas naman iyon na para bang sinadya talagang ibukas para hindi na ako kumatok. "Multo ka ba at bigla-bigla ka na lamang dumarating ng walang kilatis?" nagulat na tanong ng binata na biglang napamulat ng mga mata. Pinaikot ko paitaas ang aking mga mata bago ko siya sinagot. "Natural na hindi mo nakita at naramdaman ang pagpasok ko dahil nakapikit ka at natutulog." "I'm not sleeping. Ang sabihin mo ay para kang magnanakaw na magaan ang mga paa. Hindi naman yata police ang trabaho mo kundi akyat-bahay," nakangising panunudyo sa akin ng binata. "Ano ang kailangan mo at ipinatawag mo ako?" tanong ko sa kanya sa halip na patulan ang kanyang sinabi. "Ang boring mo talaga, Aleya. Hindi ka ba marunong sumakay sa isang biro?" Naiiling na komento ni Enrique nang hindi man lang ako nag-react sa kanyang sinabi na isa palang biro. "Anyway, give me a massage. Nabugbog yata ang katawan ko kanina dahil sa pagbagsak sa akin ni Shirley,_" utos nito pagkatapos ay tinapik-tapik ang gilid ng kama nito na ang ibig sabihin ay maupo ako roon. "Hindi ako masahista, Mr. Villareal. Dapat hindi mo muna hinayaang umalis ang girlfriend mo para siya ang pinagmasahe mo sa katawan mo tutal siya naman ang bumagsak sa katawan mo at hindi ako," mabigat ang loob na sagot ko sa kanya. Hindi na lang pala bodyguard ang trabaho ko kundi masahista pa. "Ikaw ang gusto kong magmasahe sa akin at hindi siya. At sino ba ang dahilan kung bakit bumagsak sa akin ang babaeng iyon? Kung hindi mo ba naman pinaandar ang pagiging Cynthia Luster mo ay hindi sana ako ngayon nagpapamasahe sa'yo," reklamo nito ngunit may bahid ng pang-aasar ang tono. "Opo, Sir. Heto na at mamasahiin na kita," inis kong sagot sa kanya. Mabigat ang loob na lumapit ako sa kanya at umupo sa bahagi ng kama na tinapik niya kanina. Walang salitang idinantay ko ang aking mga kamay sa likuran niya at inumpisahan siyang masahiin. Habng minamasahe ko ang likuran niya ay hindi ko napigilan ang suriin at pag-aralan ang likuran niya. At in fairness, malapad ang mga balikat niya at hindi puro taba lamang ang katawan niya. Makinis ang balat nito at tila ba gustong mahiya ng aking balat. Iba talaga kapag mayayaman na walang ginagawa dahil masyadong makinis ang balat niya. Ngunit hindi katulad ng ibang mayayamang lalaki na malambot ang balat ni Enrique. Dahil napipisil ko ang mga masel niya sa likuran na tila ba sanay s exercise gayong hindi ko naman siya nakikitang nagpupunta sa mini gymn nila na nasa loob ng malaking bahay. Bumaba ang aking mga mata sa kanyang pang-ibabang likuran at hindi ko napigilan ang mapangiti nang makitang maumbok ang puwit nito. May maipagmamalaki palang puwit ang lalaking ito. Parang ang sarap panggigilan, pilyang sabi ko sa aking isip. Tila may sariling isip ang aking mga daliri na gumapang pababa sa may bahaging puwitan nito. "Hey! Bakit ang tahimik mo? Baka pinagpapantasyahan mo na ang likuran ko, Aleya," boses ni Enrique na biglang nagpagising sa tila sinasapian kong diwa. Pakiramdam ko ay biglabg namula ang buong mukha ko dahil sa natumpak niya ang iniisip ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya kahit na hindi naman niya alam na totoo ang kanyang sinabi. At para mapagtakpan ko ang pagkahiyang nararamdaman ko ay bigla kong diniinan ng bahagya ang pagmasahe sa kanyang likuran. "Ouch! Ano ba iyang kamay mo bakit ang tigas? Kamay pa ba iyan o bakal?" hindi napigilang reklamo nito nang makaramdam ng sakit. "Sa ganito ang mga kamay ko, eh. Kung ayaw mong masaktan ay huwag ka ng magpamasahe pa sa akin kahit na kailan," nakairap na sagot ko sa kanya kahit na hindi naman niya ako nakikita. Sa gulat ko ay biglang tumihaya ang binata at tinitigan ako ng matiim. "Nagkaroon ka na ba ng boyfriend, Aleya? Naranasan mo na ba ang mahalikan?" biglang tanong niya habang nakatitig sa akin ng seryoso. Napatitig din ako sa mukha ng binata na tila ba may may mahikang humihigop sa aking mga mata para huwag kung ialis sa kanyang mukha. Umangat ang kanang kamay niya at marahang hinaplos ang aking kaliwang pisngi habang nakatutok ang mga mata niya sa aking mga labi. Lumipat ang kamay niya sa aking batok at dahan-dahan hinila pababa sa kanyang mukha. Alam ko kung ano ang binabalak niyang gawin sa akin. Hahalikan niya ako. Ngunit bago pa man mangyari ang inaasahan niya ay mabilis nang bumalik sa tamang pag-iisip ang aking utak. Bago tuluyang magtagpo ang aming mga labi ay tumama na sa kanyang sikmura ang aking kanang kamao. Napaigik ito at nabitawan ang aking batok nang maramdaman ang sakit ng aking suntok. "Sa tingin mo ay magpapadala ako sa pang-aakit mo sa akin,Mr. Villareal? Nagkakamali ka kung iniisip mo na katulad ako ng mga babaeng nahuhumaling sa'yo na isang haplos lamang ay bumibigay na kaagad," matalim ang mga matang sabi ko sa kanya matapos kong tumayo at lumayo sa tabi niya. "Damn you, woman! Babae ka ba talaga o lalaki at nagpapanggap lamang na babae para maging bodyguard ko? Bakit ang lakas mong manuntok," kandangiwing wika ni Enrique habang nakabaluktot at hawak ng mga kamay ang nasaktang sikmura. "Sa susunod na inulit mo pa ang ginawa mo ay hindi lang iyan ang matitikman mo mula sa akin," banta ko sa kanya bago walang paalam na lumabas ako s silid niya. "Sa tingin mo ay natatakot ako sa banta mo? Tingnan lang natin kung hindi ka bumigay sa akin, Aleya. Pero kung hindi mo talaga gusto ang ginawa ko ay aalis ka na sa pagiging bodyguard ko!" narinig kong sigaw ni Enrique bago ako tuluyang nakalayo sa silid niya. Agad akong dumiretso sa silid ko at ini-lock ang pintuan. Napabuga ako ng malakas na hangin pagkapasok ko sa silid ko. Para bang ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Hindi ko namalayan na pinipigil ko pala ang aking paghinga habang nasa loob ng silid ni Enrique. Wala sa loob na nakapa ko ang aking dibdib. Sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso at hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil ba ito sa muntik na akong mahalikan ng binata? No. Hindi ako dapat magpadala sa pang-aakit niya. Hindi ako mahuhulog sa isang lalaking katulad niyang babaero. Hindi na ulit ako magmamahal ng lalaking playboy gaya ng ex-boyfriend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD