Umalis si Rita sa condo unit ni Zandro dala-dala ang mga gamit niya. Hindi niya alam kung saan siya tutungo ang mahalaga nakaalis na siya roon. Hindi rin muna siya bumalik sa apartment unit niya dahil alam niyang pupuntahan siya nito ro'n. Basta't sumakay na lamang siya ng bus papuntang Baguio. Wala siyang alam sa lugar na iyon ngunit mas pinili niya ang pumunta ro'n dahil gusto muna niyang magpakalayo-layo sa mga taong hindi siya kilala. Mahigit anim na oras ang biniyahe niya papunta ng Baguio, madilim na nang makarating siya ro'n. Kahit wala siyang alam sa lugar basta't nagpatuloy lamang siya sa paghahanap ng matutuluyan niya hanggang sa makahanap siya ng hotel at nag-check in siya ro'n. Hindi niya rin inaasahan na muli siyang makakatagpo ro'n ng isa sa mga naging kliyente niya. An

