"Parang-awa 'wag mo pong gawin ito sa akin. 'Wag po..." sigaw na nagpagising kay Rita, sapagkat napapanaginipan niyang muli ang pang-aabuso ng amain niya sa kaniya. Basa ng luha ang kaniyang mga mata nang siya ay magising mula sa masamang panaginip. Napapadalas na ang panaginip niya tungkol sa kaniyang nakaraan. Napaupo siya sa dulo ng kama habang mabilis ang t***k ng kaniyang puso. Nang silipin niya ang orasan na nasa kaniyang bisig pasado ala-una na nang makita niya ito. Kumakalam na rin ang kaniyang sikmura at wala man lang siyang kahit na ano mang pagkain na dala. Bigla naman niyang naisip ang lalaki na nagbigay ng calling card sa kaniya kanina. Kaagad na kinapa niya sa bulsa ng suot niyang pantalon ang calling card nito. Muli niyang tinitigan ang pangalan na nakalagay roon.

