KINABUKASAN nagising si Rita sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Nang tingnan niya ang orasan sa kaniyang bisig ay agad na napabalikwas siya ng bangon. Hindi niya rin mahagilap si Dennis sa loob ng kuwarto at wala rin ito sa couch na tinulugan nito. Ngunit nang makarinig siya ng lagaslas ng tubig mula sa shower kung kaya't muli siyang humiga habang yakap-yakap ang unan. Napasarap ang tulog niya kung kaya't tinanghali siya ng gising. Napapangiti siya habang nakatitig sa kisame. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya sa ngayon sapagkat walang pag-alinlangang tinanggap siya ni Dennis. Kung 'yong ibang taong nakakakilala sa kaniya ay diring-diri kapag nakikita siya sapagkat kung sinu-sino lang ang gumagamit sa kaniya pero si Dennis ni hindi man lang niya nakikitaan n

