KAAGAD na niyakap niya si Dennis at doon umiyak nang umiyak sa dibdib nito. Ngayon niya lang din naranasan na may masasandalan kapag siya ay nagigising ng alanganing oras dahil sa isang masalimuot na panaginip. Hinagod-hagod ni Dennis ang likod niya. "Ano ang napanaginipan mo ba't parang takot na takot ka?" malumanay na tanong ni Dennis sa kaniya. Hindi niya alam kung paano nga ba niya sasabihin sa binata ang tungkol sa panaginip niya. Tila naduwag siyang ipagtapat kay Dennis ang katotohanan tungkol sa buhay niya. Natatakot siya na baka hindi siya nito matanggap kapag nalaman nito ang totoo. "Hindi kita pipilitin na sabihin mo sa akin kung ano man ang iyong napapanaginipan," ani nito sa kaniya nang humiwalay siya ng yakap dito. Pinunasan din ng binata ang mga luhang namumuo sa kaniya

