Isang linggo lang ang lumipas matapos ang proposal ni Mory sa kanya ay ginanap na agad ang kasal nila. Isa iyong church wedding gaya ng kagustuhan ng mga magulang niya at pili lang din ang mga imbitado na sadyang hiniling niya. Hindi naman talaga mahalaga sa kanya kung anong klaseng kasal ang magaganap sa kanila ni Mory. Kahit civil wedding pa yan ay ok lang sa kanya dahil ang importante lang naman sa kanya ay maikasal na sila ni Mory at naroroon ang mga mahal nila sa buhay para makipagsaya sa kanila. Parang kay bilis lang na natapos ang seremonya ng kasal dahil buong oras yata ay nakatuon lang ang atensiyon niya sa presensiya ni Mory sa tabi niya habang panaka-naka silang nagtitinginan at nagngingitian. Hindi na niya maitago ang sayang nadarama niya ng mga oras na iyon. Sabagay, bakit

