(WARNING: SPG!!) Paggising ni Angie kinabukasan ay sakto namang kakalabas lang ni Mory mula sa banyo niya at kakatapos lang nitong maligo. “Good morning Anj! Gutom ka na? Nagpaprepare na ako ng breakfast natin at ipinapaakyat ko na lang dito.” Nakangiti nitong sabi at inalalayan pa siyang umupo sa kama niya. Gaya ng dati ay nakadamit na ulit siya. Medyo inaantok pa siya ngunit tama ito, gutom na nga siya. “Ligo ka muna?” nakangiti ulit na tanong ni Mory. Pakiramdam niya ang sarili niya at nanlalagkit talaga ang katawan niya, marahil ay dahil sa pinagsama nilang mga pawis na dumikit na sa balat niya. Batid niyang pinunasan naman siya ni Mory bago siya nito binihisan kagabi pero kailangan na talaga niyang maligo para mapreskuhan ang katawan niya. Tumango na lang siya kay Mory at inal

