Chapter 42 – Visitors

1514 Words

Mula nang magising si Angie ay magaan na ang pakiramdam niya. Sobrang excited na kasi talaga siyang makausap si Mory. Aaminin na niya rito ang damdamin niya at umaasa siyang kahit paano ay magkakaroon na iyon ng katugon. Pag nagkaaminan na sila ni Mory ay maaayos na nila ng tuluyan ang relasyon nila at sa lalong madaling panahon ay maaari na silang magpakasal. Haaayyy… Napakasarap lang isipin na magiging masaya na sila ni Mory, at sa wakas ay magiging masaya na rin ng tuluyan ang puso niya. Hindi na siya makapaghintay sa pagdating ni Mory kaya’t sa sala na siya nagpalipas ng oras habang nanunuod ng TV. Bago mag alas-singko ng hapon ay biglang bumukas ang pinaka-pinto ng kabahayan senyales na may papasok kaya agad siyang napatayo na may ngiti sa mga labi. Ngunit agad nabura ang ngiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD