Matuling lumipas ang mga araw at sa mga araw na iyon ay naging extra sweet sa kanya si Mory. Ganoon pa man ay hinahayaan na siya nitong tumulong sa ilang gawaing bahay na magaan lang. Feeling niya tuloy minsan ay para na talaga silang mag-asawa at kasal na lang ang kulang sa kanila dahil madalas ring may mangyari sa kanila. Ngayon ay nasa limang buwan na ang ipinagbubuntis niya at halata na rin ang tiyan niya. Ngunit hindi pa rin niya magawang ipakita ng lubos ang tunay na damdamin niya. Kumbaga, may kaunti pa siyang nadaramang uncertainty at nag-aalala pa rin siya sa magiging buhay nila. Hanggang ngayon kasi, naiisip pa niyang may ibang babaeng mahal pa rin si Mory at hindi siya yon. Siguro nga nag-ooverthink lang siya. O posible rin namang hindi. Halos nakasama niya kasi si Mory ha

