“Anj, ba’t parang kanina ka pa tahimik?” Nasa bahay na sila noon at kasalukuyang muling kumakain ng paborito niyang pagkain. Ngunit hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin siya makakain ng maige. “Busog na yata ako.” Pagsisinungaling muli niya. Ang totoo ay tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain. Pinilit lang niyang kumain kahit kaunti para hindi naman masayang ang effort ng kusinera ni Mory sa pagluluto ng pagkain. “Mauuna na akong umakyat.” Aniya at hindi na niya hinintay ang sagot ni Mory. Masyado nang mabigat ang dibdib niya at gusto na niyang umiyak ng lihim sa kwarto niya. “Anj, wait for me!” humabol sa kanya si Mory ngunit binilisan niya ang paghakbang niya. Kahit sandali lang, gusto niyang mapag-isa. “Anj!” hindi niya pinansin si Mory at patuloy siya sa mabilis na pagla

