(WARNING! Not for readers below 18 years old!) Dahan-dahang naglakad papunta sa harap niya si Mory at masuyo nitong pinunas ang mga luha sa mukha niya gamit ang sarili nitong kamay. “I love you Anj. Bakit ka aalis??” pilit itinataas ni Mory ang mukha niya ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa baba dahil hindi niya kayang harapin si Mory pagkatapos ng kahihiyang inamin niya. “Hindi ko mahal si Ghian. Masaya lang akong makitang masaya sila ni Alexis. Ikaw ang mahal ko, Anj.” Doon siya kusang napaangat ng tingin kay Mory. Hanggang ngayon ba ay magsisinungaling pa rin si Mory?? “Hindi totoo yan. Siya ang mahal mo, hindi ako. Hindi mo kailangang magsinungaling Mauricio.” Mariin niyang sambit at muling lumandas sa pisngi niya ang luha niya. Nagagalit siya! At nalulungkot siya. Madalin

